Nursing Blog and Forum

MISCELLANEOUS

Bum Batch 2010: Kaya mo yan!


Kaya mo yan. :D

Kahit anong sabihin na nila, na kesyo “antagal mo at ano bang ginawa mo sa buhay mo?”

Hayaan mo lang sila. Smile ka lang, kasabay ng bulong sa isipan mong “Ako nga naiinip na din sa sarili ko. Shat ap.”

Basta ba ginagawa mo naman ang lahat sadyang hindi lng talaga para sayo ang trabaho ng dalawampung kompanya na pinagpasahan mo ng resume.

Ok lang yan.

Kakumpitensya mo ang mundo. Ang mga graduates ng March – April 2011, tapos magboboard exam pa sila. Nakakatakot pala na marining ang sigaw nilang “To top the board exam!” , dahil after ng exam nila… lahat sila top. Andami nanamang chanak katulad mo. Idagdag mo pa ang mga graduates bago ka gumraduate, tapos ang mga kabatch mo, at pinakahuli yung mga gumraduate na noon na may experience na at ang lalong masama, madami sa kanila entry level palang din like you, chanak.

Ay nakalimutan ko, hindi lng nursing ang course ng mga chanak sa Pilipinas.

Ok lang yan.

Lahat na ng mga nursing grads, passers or under boards, na nakausap mo, ayaw na mag nurse. Kaya naiisip mong ayaw mo na din ata. Pero at the back of your mind naiimagine mo padin ang sarili mo na naka-all white.

Ok lang yan.

Kahit anong skills at 14 years of preapartion bago mo mahawakan ang diplomang inabot mo nung graduation, eto ka… eto ka palang, nasa tapat ng computer nagfafacebook at binabasa ang note na to. Kung sana binabayaran kita para basahin ito, mas masaya sana no?

Ok lang yan.

As much as you parents, tita, tito, lola and lolo supports you, being a bum. It hurts your ego to spend their money. The last time you checked, like you they already received recognition/congratulations of making you graduate. And all this time it’s a finish line. Then?

Ok lang yan.

“When your good at something you should be paid.”

Ang galing nateng nurses no? iniba natin yan. — “When your good at something, keep going and pay.”

Astig diba?

Wag kang susuko. :)

Kung anong meron ka ngayon pangahawakan mo at palaguin mo. Smile ka pa din. Minsan parang hindi sapat ang pag kapit lahat ng skills at qualifications mo sa resume , idagdag mo pa yung puso mo na umaasa at motivated.. Minsan lang sa madalas mo hihiling ka din sa swerte. Swertehan nalang tapos faith.

Kapit lang. Lakad lang.

Kaya mo yan! Kaya natin yan. :D

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • blebchel

    batch 2010 too! Kaya nga natin to! Wala na tong atrasan weh .. ^.^

  • NURSING KA BA

    LOL.. i attend my duty 3-4 times a week with minimal sleep.
    LOL.. i spent my 4 years studying informations that overload my head.
    LOL.. i got shouted by some doctors and staff during operations.
    LOL.. i always ate fried chicken during duty coz its convenient.
    LOL.. i travel almost 2-3 hrs. just to attend duty.
    LOL.. i have to attend classes at 6:30 in the morning.
    LOL.. i have tried my best to strive and get to the top.

    and then people will tell that you have to give x100 of your efforts to get job here in the philippines cause we’re already full of nurses.

    that LOL.

  • Top Commenters

    No commenters found.

  • Daily Popular