Nursing Blog and Forum

Nursing in a Different Land

Hindi ba dapat tayo ang nagtutulungan at nagdadamayan?


Ako si Isang, isa sa mga libu-libong Nurse na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.Naalala ko pa yung mga araw na malapit na ang aking pag alis. Sobrang kaba at takot ang aking naramdaman. Di ako makatulog ng maayos. Oo, natatakot ako.Natatakot ako sa mararatnan ko sa bansang pupuntahan ko.

Pero sab1 ko sa sarili ko, “Andito na ‘to, papanindigan ko na. “. Nakaya kong i-overcome ang takot sa dibdib ko. Bagong trabaho, bagong kakilala,bagong kultura.  Bagong pakikisama. Karamihan sa mga kasamahan ko sa trabaho ay mga Pinay ding gaya ko. Ayos!

Mga kabayan. Parang asa Pinas lang. Maraming beses na kong nakarinig ng mga usapan at mga kwento tungkol sa mga di pagkakaunawaan minsan lalo na pagdating sa trabaho. Marami din namang kwentong ganito satin sa Pinas e. Malungkot magtrabaho sa lupang di mo kinalakhan. Ibang iba ang kultura kesa sa nakagawian natin. Pero may mas lulungkot pa ba sa katotohanang kung sino pa ang kalahi mo, kung sino pa ang kabayan mo, siya pa ang di mo makasundo sa banyagang bansang pinili mong puntahan.

Hindi ba dapat tayo ang nagtutulungan at nagdadamayan? Nakakalungkot isiping kung sino pa ang kalahi mo,siya pa ang mahirap pakisamahan.Mas madali pang makisama sa ibang lahi kesa sa kapwa mo Pinoy. Nakakalungkot sabihin at isipin pero walang halong kasinungalingan. Hindi ko nilalahat dahil may mga naging kaibigan din naman ako. At masasabi kong maswerte pa rin ako sa pagkakaroon ng mga bagong kakilala na pwede kong ituring na kaibigan. Mga kaibigang pwede kong maging karamay sa mga oras ng kasayahan at kalungkutan.

###

©Copyright 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • http://[email protected] Gemi from D Land of Down Under

    opo ito po’y isang napakasakit na katotohanan…
    kahit pa nga hindi po sa trabaho, kahit sa akala mo na kababayan mong kakilala o kaibigan, may mga traydor, or walang konti man lang kunsiderasyon sa kapwa kalahi nila. parang hindi po nila ikinasisiya ang makitang ‘simple’ lang naman ang gusto ng iba sa buhay.
    ”magdamayan at magtulungan” lang naman talaga ang sagot sa mga bawat relasyon.

    • daisy buaquen

      opo…” the pain of truth” …at napansin ko po parang tayong mga Pinoy lng po yata ang may ugaling “naghihilaan pababa” di ko naman po nilalahat, kaya lng ito lagi ang naririnig ko sa mga kapwa Pinoy kahit saan lugar ng mundo,binalaan pa nga ako ng iba na huwag magtiwala basta basta sa kapwa Pinoy ..nasaktan ako pero kinimkim ko na lng pero noong ako na mismo ang naka experienced ng di mgandang katangian ng kapwa nating kalahi mas masakit palang tanggapin ang katotohanan na kung saan dapat magtutulungan at nagdadamayan doon ka pa iiwan,,.. salitang kabayan,bayanihan,matulungin, maalalahanin,mapagmahal,mapagkakatiwalaan, with tender loving care etc.. ito ang ilang katangian ng Mga Pinoy kaya gustong gusto tayo ng ibang lahi..PERO BAKIT PO parang nawawala o di natin ginagamit ang mga good qualities nating ito sa ating kapwa lahi??? …….

  • jojo villanueva

    Hindi lang Pinoy! kahit ibang lahi ganyan din, natutuwa kung miserable ang kapwa nila, hindi maiaalis ang inggitan, selosan esp kung mas matagal na sila at bago ka lang. 3 things lang ang laging tandaan, 1. minding your own business 2. don’t hang out with negative people 3. Respect!!!

  • pinkee bellen

    this is very true…kaya minsan ang iba sa atin ay natututong mamuhay ng mag-isa sa gitna ng kanyang mga kasamahan. mas mainam pa yung ganun sabi nila…kesa naman makipagpaligsahan sa kanila. pag gumawa ka nang mabuti me masasabi sila…kapag gumawa ka din ng masama ganun din meron pa ding masasabi at minsan hindi nalalayo sa isa’t-isa ang mga usapin nila. suma total ke mabuti o masama ang ginawa mo kalimitan masama pa rin ang maririnig mo. ewan nga ba kung bakit ganito tayong mga pinoy. kaya mas mainam pa nga ang mamuhay ng tahimik sa gitna ng kaguluhan. ang mahalaga ay lagi kang nakahanda sa anumang tulong na maaaring kailanganin nila. di naman ang mga tao sa paligid natin ang huhusga sa atin pag dating ng panahon. ang mahalaga ay masaya ka sa iyong “pag-iisa” sa piling nila. ironic? try it!

  • ketchup

    I am proud to say that here in the prairies of Canada, Pinoy RNs are helping each other. More specifically in our floor where there are 12 Pinoy RNs. We love to work together even with the Pinoy housekeeping and aides. We share our baons with everybody and we offer rides if necessary. I hope it’s the same all over the world. I am lucky to be working with my co-Pinoy RNs. We rock the unit when we’re working together and the patients love us. Happy 3rd Anniversary guys!

  • nashy

    yeah, pero kung ibang lahi nman makakasundo mo, di mo alam mga backstabber sila.. mga plastik, mabait pag nakaharap, pagtalikod mo, sisiraan ka and mga tamad and inggitera pa… kaya extra cautious din.. aus din talaga pag dami pinoy na kasama..

  • Pinay in the US

    Baka naman mahirap kang pkisamahan? joke, dito sa US. sobrang bait naman nakilala kong pinoy/pinay.. piliin tlaga ang kaibigan..

    • nashy

      bALIKTAD, sila mahirap pakisamahan, mahirap unawain ugali nila, mga bully pa sila, kaya pumili ako ng totoong mga pinoy na katrabaho, mga di plastik at talagang maaasahan..:D

  • zhelle

    dito sa saudi tulungan talaga..masasabi ko na dito sa kinalalagyan ko meron akong nanay,ate at kuya dahil talagang tulungan d2.ndi maiiwasan ng tampuhan or galitan paminsan-minsan, normal nman un kahit nga sa tunay na magkakapamilya.nasa tao na din kc yan kung panu ka makikisama..

  • m

    Alam mo ganyan din nangyari sa akin, may isang mataas na posisyon dati na Pilipina, na halos pinahirapan akong pumasok as a nurse tapos ang last naman nyang hinare tatanga tanga ilang beses naman inoorient,,,ganun pa rin ayon nagbyebye sa posisyon nya minsan karmakarma lang yan……. Tapos buti na lang may nag tiwala sa akin na ibang kalahi natin sa iabng facility pa, after five month inaacept uli nila ako as a nurse na yung nag accept sa akin ibang lahi….. Pero okay lang kundi rin siguro sa kanya hindi ako naging determinado na maging magaling na Nurse…. Sa mga taong gumagawa ng masama doble ang kapalit noon hindi man dito baka mas malala sa langit…..

  • m

    tama ka dyan kuya jojo…kahit ginagago ka na pag kang papatol

  • Gary

    hAAy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  • Pedro

    Mamili ng kakaibiganin …. pag matino – keep them, kung masama ugali eh di huwag samahan …. simple lang naman di ba? Huwag ipilit ang sarili kung ito ay ikasasama ng loob mo. Ang masama kasi kahit na you’re minding your own business, ikaw naman ang tsinitsismis :)

  • Bean Norelle Sobrmisana

  • Top Authors (60 days)

    No authors found.

  • Top Commenters

    PhilSmile
    1 comment
    Raymund M
    1 comment
    1 comment
    AL Bhert
    1 comment
    reigun
    1 comment

  • Daily Popular