Nursing Blog and Forum

A Day in the Life of a Nurse, Community, Nursing in a Different Land, Personal Stories, STORIES

I Need to Survive…


Related article: 

I SURVIVED!!!!

Will I Survive?

Salamat sa pag-publish ng ikalawa kong article na “Will I Survive?”. Kaya heto gumawa uli ako ng ikatlo kong article. Sana maibigan ninyo.

Hay, buhay nga naman ng tao, wala talagang katapusan ang problema, mag-iilang buwan pa lang ako dito pero, heto may panibagong kalbaryo na naman akong pinagdadaanan.

Pebrero 5, 2012, binawian ng buhay ang lola ko sa edad na 87. Parang gumuho ang mundo ko nang i-tinext sa akin ng mama ko na wala na sya. Lalo’t nandito ako sa Gitnang Silangan, kaya masakit sa akin na hindi ko man lang maihahatid sa huling hantungan ang lola ko. Hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya bago ako umalis, hayzz… pa’no naman kasi biglaan ang alis ko. Pero pinipilit kong magpakatatag, na kahit sobrang hirap tanggapin, kasi I need to survive. At umaasa pa rin ako na kahit hanggang sa kabilang buhay, magkikita pa rin kami ng lola ko.

Tapos eto pang ka-kwarto ko, dumagdag pa sa mga suliranin ko. Hindi ko mawari kung anong ugali nya. Nitong mga nakaraang buwan, mabait naman sya at magkasundo kami. Pero nitong mga huling linggo lang, nagbabago ang ugali nya, na parang nagiging paranoid na sya. Tinatanong ko nga sya kung may suliranin ba syang pinagdadaanan, pero sabi nya wala naman daw. Yun pala, naiinis sya sa tuwing sumasama ako sa mga ka-tropa ko, at heto pa, kung anu-ano ang pinagsasabi nya, inaakusahan nya ng mali yung mga kaibigan ko dito, komo sinisiraan daw sya pag nakatalikod, kung anu-ano ang sinasabi tungkol sa kanya, na hindi naman totoo. Syempre bilang nurse, pinakinggan ko ang bawat side nila, kaya naman tinawagan ko yung mga ka-tropa ko para kausapin nila yung ka-room mate ko. Hindi naman sa may kinakampihan ako, ngunit nasa maling katwiran ang ka-kwarto ko, dahil nambibintang sya sa isang tao na wala namang sapat na ebidensya. Pinagsabihan ko sya na sana ma-realize nya yung pagkakamali nya. At concern din ako sa kanya kasi ayaw ko na pinag-iinitan sya ng mga empleyado dito…..Kaya, sa bandang huli naayos naman yung problema.

Pinag-iisipan ko nga kung lilipat na lang ba ako ng ibang kwarto o mas maganda kung bibigyan ko pa sya ng isa pang pagkakataon. Hindi naman sa ako’y nanghuhusga pero batay sa aking pagsusuri, malamang kailangan nya ng psychological consultation. Pero kung may aalis sa room namin, dapat sya ang umalis dahil sya ang may problema at hindi ako.

Pero tuloy pa rin ang life, mahirap talagang mabuhay lalo na kung malayo ka sa pamilya mo. Mahirap maging OFW kung alam lang ng iba. Hindi lang basta puro sakripisyo ang kailangang pagdaanan, dahil pati ang mga buhay namin, nakataya dito. Kaya sana maisip din ng ibang tao na hindi pinupulot ang pera sa abroad. Sana rin ma-appreciate ng ibang tao ang mga paghihirap namin, mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang mga pamilyang naiwan namin sa pilipinas.

Kayod kalabaw man bilang OFW, matatapos din ang kontrata. Kaya lagi kong iniisip na I need to survive para sa pamilya ko.

Photo credit: http://globalnation.inquirer.net

###

©Copyright 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • YEoj

    Kailangan ba nurse tlaga para matimbang mo yung right or wrong or to be fair at naka bold p tlga wala nmn napasin Ko don’t wanna get mean but condolence din…

  • vhie

    not really …but being a nurse may proper judgement kc kami especially in dealing with attitude kc nga in our daily lives part na namin ang pangalagaan d lang ang may sakit sa katawan kundi pati maysakit sa pag iisip…and nurses by the way are counselor, advocator, critical thinker..name it all nasa nurses na lahat…we are one package kumbaga na kong anong pdi mo ipagawa sa amin surely we can manage to do it for the sake of our patient at sa kapwa tao:-) but still we are not perfect dahil tao lang kami…but we tried to give our best shot…

  • http://manimagesite.com/pinoy-artists-2/pinoy-ka-ba/ manimage

    Ganyan talaga ang life..habang may buhay may pag-asa, kailangang mag move-on…at nararamdamn ko ang mga pagtitiis nyo jan..naging OFW rin kasi ako minsan .. for more than 10 years. Pero yung last na abroad ko, dinala ko na dito sa bahay ang nagagawa ko sa abroad..minsan sobra sobra pa ang kinikita ko, kasama pa pamilya ko..ingat na lang sa inyo..hope you could visit my site too and let me know your comment.

  • YEoj

    So your friend don’t need a phychiatrist to help her self peace out….

  • Top Commenters

    PhilSmile
    1 comment
    Raymund M
    1 comment
    1 comment
    AL Bhert
    1 comment
    reigun
    1 comment

  • Daily Popular