Nursing Blog and Forum

A Day in the Life of a Nurse, Community, Personal Stories, STORIES

Sa Pagiging Anak at Nars


December 9, 2011.

Hindi pa kaagad sa topic na ito nagsimula ang aming usapan. Sa karaniwang kamustahan at kung kilala-mo-ba-si blank pa yun nagumpisa. Pero after ng ilang kwentuhan, napunta na sa “Ate kailan bakasyon mo?” At dun na nga nabuksan ang kwento.

Sabi ko sa kanya “Naku parang bakasyon na din ako, tumigil ako sa trabaho. Kailangan kasi ng full time na mag-aalaga kay Mama.”

At nagtanong na nga ang aking kaibigan, ‘Ate ano pong nangyari?’...

Sa panahong iyon, Stage 4 na ang cancer ng Mama ko. Sa katunayan nga, kakauwi lang namin galing ospital nun. At simula siguro July (year 2011) ay pabalik-balik na kami sa ospital. Sabi ko sa kanya “Naka oxygen na nga sya ngayon eh. Madalas tulog na lang siya at kung gising man ay iba-iba na minsan ang sinasabi.” Hindi na kasi ito tulad ng iba nyang pagkakaospital na nakakabalik pa siya sa dati. Hindi na ito tulad ng dati na nakakalakad pa siya, nakakapamalengke, nakakapaginternet at nakakapag-mall matapos maospital. Hindi na siya nakarecover.

Sa tuwing maoospital kami ay parang nauubos namin ang mga duty hours ng mga nurses sa bawat shift dahil mahirap na siyang lagyan ng swero. Minsan ngang winika ng Mama ko na ayaw na nyang magpalagay ng swero at gusto na niya umuwi. Sinunod din naman namin siya. Ito na rin ang pinayo ng doctor. Iuwi na siya at ipagpatuloy ko na lang ang pag-aalaga uli sa bahay.

Sinunod nyang tinanong sa akin ay “Ate, iba po ba yung feeling kapag nagiging nurse ka sa taong mahal mo like your mother po?” At ang naisagot ko ay isang maikli at makahulugang, “Yup!”


At nagsimula na ang aming tunay na kamustahan:

Friend: “Ano po yung pakiramdam mo ate kapag nagiging nurse ka sa mother mo?” (Mabuti na rin at tinanong niya ako ng ganito, isa siya siguro sa kakaunting tao na handang makinig at malaman ang nangyayari sa buhay ko. )

Ako: “Hmmm… ganito kasi yun … hmmm… alam ko na yung nangyayari sa kanya.. and yung work ko talaga is sa Oncology (Cancer)… so most of my patients ganito din… alam ko na kahit bali-baliktadin mo man ang mundo darating ang time na papunta din sya sa stage na ito (kahit ayaw mo talagang mangyari) …. kahit papano parang naprepare ako sa ganito kasi nakita ko at naranasan ko sa mga pasyente ko mismo to… pero iba na talaga pag sa iyo na nangyari…Hindi mo maiiwasang mauna ang emosyon… but still kailangan mong paganahin ang utak mo… take her Vital signs, give her Meds and all”

Friend: “May mga times po ba na tinatanong ka po ng mama mo ate na kung okay ka lang ba sa pag-aalaga sa kanya? Kasi po nature ng mother na mag-alala sa anak nya especially kapag sya na po ang inaalagaan…”

Ako: “I just say na ok lang… I was in fact getting tired… but not for her…I feel sad … alone actually…alam mo yung ofw-father-and-only-daughter… hahaha ang drama ko no”

Friend: “Hindi naman po ate, I’m just exploring your feelings bilang isang nurse ng inyong nanay. Hmm..ang galing po ng magulang mo ate kasi npakaganda po ng pagpapalaki sa iyo ng magulang ninyo. Smile always ate.. and always be a blessing to your mama J ”

I was teary eyed … Nagpasalamat ako sa kanya. At nagpasalamat din ako kay God, dahil binigyan niya ako ng kaibigang tulad niya. Kaibigang makikinig at susuporta sayo hindi man kayo magkita.

December 14, 2011.

Si Mama ay namaalam na at tuluyang nagpahinga. Tinext ko ang aking kaibigan at nagreply siya:

“May your mama guide you in your ways ..kasama na sya ni Papa God. Kung kailangan niyo  po ng kausap ate, text niyo lang ako anytime. Naranasan po ng mama mo ang pag-aalaga ng isang “(insert my name here) and nareceive nya din ang pnakamataas na nursing care na galing sa iyo ate. She is now the happiest patient dahil anak niya po ang nag-alaga sa kanya until the last breath ate. Always wear a smile. God bless.”

Sa puntong ito nagpapasalamat ako sa kaibigan ko na tumulong mailabas yung mga kinimkim kong bigat ng loob sa mga nangyayari. Nagpapasalamat ako at naging kaibigan ko siya.

Hindi man umabot sa Pasko noon si Mama. Nagpapasalamat ako sa kanya. Dahil kahit mag-iisang taon at kalahati pa lang akong Nars ay nalaman ko ang kahalagahan at damdamin ng propesyong ito. Hindi man siya ang namili ng propesyong ito, ngunit bilang isang ina ay inakay niya ako papunta dito.

Photo credit: bannerhealth.com

###

©Copyright 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • Si Angelle ay Sumulat

    Salamat po sa pagbabasa nyo ng aking munting istorya. salamat din sa definitely filipino nurses blog dahil naramdaman ko na hindi pala ako nag iisa. keep on fighting. keep the faith. continue living our lives . because Life is God’s gift to us :)

  • Top Commenters

    meghanhoward02
    1 comment

  • Daily Popular