Nursing Blog and Forum

COMMENTARIES, MISCELLANEOUS

Akala Nila (Buhay Abroad at Ugaling Pinoy)


Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Amerika o sa ibang panig ng mundo ka akala nila madami ka nang pera. Akala nila mayaman kana. Tulad ng pag nasa AMERICA ka. Ang totoo, namomobrela ka kasi madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card pra mag ka credit history ka. Pero pwede namang wlang credit card. Pero may mga bagay lang kasi na talagang kailangan ang credit card tulad ng kung gusto mo bumili ng bahay na hindi total cash. And other example is if kung gusto mo mag loan ng pera. One of the requirements is your credit history. Kasi pag wala kang credit card it means wala kang kapasidad mag bayad at hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano.

Akala nila mayaman kana kasi may kotse kana. Ang totoo, kapag wala kang kotse sa Amerika mag lalakad ka ng milya milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow, sobrang layo pa ang lalakarin mo. Walang jeepney, tricycle or padyak sa Amerika di tulad ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay kasing laki lang ng Arizona (one state here in America) ayon sa nabasa ko sa article sa net when I search.

Akala nila masarap ang buhay dito sa Amerika. Ang totoo puro ka trabaho pra pang bayad sa mga buwanang bills mo. Pag wla kang trabaho wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Pag hindi ka bumayad sa mga bills mo of course you gonna lost all things you have that you need to pay. Insurance palang dami ka nang issurances na babayaran, like health insurance, car insurance, dental insurance, house insurance, life insurance, motor insurance. Pwede namang wlang health insurance and Dental insurance pro pag wla ka nito masyadong malaking bills ang babayaran mo everytime you visit hospital and dental clinic. Pag wla ka namang car insurance talagang hindi pwedeng wla kasi it is illegal to drive with out it. Hindi ka pweding tumambay sa kapitbahay dahil busy din sila sa pag hahanap buhay, pangbayad ng bills nila. Sa pinas pwedi ka di mag trabaho ng ilang buwan o taon ksi may mag bigay sayo ng pera ksi umaasa parin sa mga magulang even they are in the right age to work. Super tatamad ang ilang Pilipino na nasa Pilipinas. Sabihin pa na it’s Philippine government problem. Hoy mga Iho at Iha, alam na nating ang gobyerno sa atin ay wlang maitutulong sa atin, ‘bat pa tayo aasa sa kanila at isa to have achievements in life are one of our self improvement for ourselves and being a good Filipino citizen. Sasabihin pa na ang hirap mag hanap ng trabo. Oo nga’t mahirap pro nasa sa atin din iyon kung madali tayong madismaya sa pag aaply nating nag trabaho pag hindi agad na tanggap. Sympre di naman ibig sabihin na sa pag apply natin tanggap ka agad, sympre their are lots of applicant that are very competitive. At tsaka kaya talagang mahirap mag hanap ng trabaho ksi look at those some family who have lots lots of kids…. sympre ma over populated ang bansa natin. Pag madaming populasyon sympre lalong mahihirapan tayo sa trabaho. Karamihan pa sa mga magulang na madaming anak gusto ng tulong sa gobyerno… Hoy mga magulang na ganyan di nyo bah naisip na obligasyon din nyo iyan. Pag di naman matulungan talagang ang sama ng gobyerno sa atin. Rason pa ng ibang magulang gusto nila madaming anak pra madaming tutulong sa kanila pag tanda. Oo nga’t tutulong kaming mga anak pro may limit din kasi pagdating ng tamang panahon pra sa amin magkakapamilya din kami. Sympre pag may pamilya na kaming mga anak, sympre uunahin namin ang sariling pamilya namin. Isa di nyo ba na isip na pag madaming anak mahirapan kayong magpalaki sa kanila at tugunan ang pangangailangan ng mga anak pwera na lang kung talagan mayaman kayo. Tingnan nyo ang mayayaman sa atin, isa, dalawa o tatlo lng mga anak. Kasi iniisip nila ang kabutihan at magandang buhay na maibigay nila sa kanilang mga anak. Hindi ibig sabihin na talagan obligasyon ng anak ang buhayin ang mga magulang, pro sympre bilang pagpapasalamat naming mga anak, dahil kung hindi dahil sa inyo wla kami sa mundong ginagalawan namin kaya kami bumibigay ng tulong sa mga magulang sa abot ng aming makakaya. Pra sa akin ayokong gamitin ang OBLIGATION na word for this matter. Sa America di pweding umasa sa mga magulang. Ang mga magulang pa nga bumibigay ng lahat ng naisin ng mga anak pati sa pag tanda nila pag nahihirapan ang anak sa pinansyal tumutulong pa cla. Dito sa Amerika 16 yrs old palang pwedi na mag trabaho kasi napakaraming pangangailangan dito. Sa mga magulang rito kailangan talaga double kayod for their kids or else government ang maging kalaban nila if they won’t give good life to their kids. Unlike sa pinas dami irresponsible parent especially the padre de pamilya (the father). Pag 16 taon na ang bata kailangan kumuha na nang learners permit for driving and then drivers license. Obligado talaga ang mga magulang na bigyan ng sasakyan ang mga anak nila on this age or at the age of 18. Sa schooling magulang talaga gumagastos unlike pinas dami working student. Pro may ilan na self supporting student pro may suporta din na natatanggap sa mga magulang. Ang ilan kumukuha ng student loan pra pag gastos sa pag aaral kapag hindi makaka afford ang mga magulang. After graduation and you find work that’s the time na magbayad kana pro sympre may interest. At age of 18 independent na talaga. Kadalasan mag bigay ng medyo malaking halaga ang mga magulang sa anak to start new life with his / her own. In other words dapat kanang umalis sa poder ng mga magulang mo. Busy din mga tao rito mag ipon nag mag ipon for the preparation of getting older ksi iba rito kaysa pinas. You will live with your own. If dika naka pag ipon o wla kang ipon sa pagtanda mo sa orphanage ka pupulutin at mahihirapang ka sa pamumuhay mo ksi di pweding umasa sa mga anak. Dahil ang mga anak ay madami ding pangangailangan at babayaran. Pro sympre as being a good son and daughter tumutulong din naman cla kahit papaano sa mga magulang pro talagang malaking kaibahan rito kumpara sa pilipinas in this matter. Masyadong bihira lang din ang anak na umaasa sa mga magulang rito, unlike pinas.

Akala nila masaya ka kasi nag padala ka ng pictures mo sa Disney, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo kailangan mong ngumiti kasi nagbayad ka ng 100’s dollars or more pra makarating ka dun, kailangan mo naman ang 2 days mong sweldo or more than two days pag minimum lang sahod mo pra pinagbayad sa ticket.

Akala nila malaki na kinikita mo kasi dolyar na sweldo mo. Ang totoo malaki pag pinalit mo ng peso sa dolyar pero dolyar din ang gastos mo sa Amerika. Hindi peso ang gastosin sa America at ibang bansa dahil hindi ito Pilipinas. Ibig sabihin ang laki tingnan ang pera ng ibang bansa kasi it depends on the life stye on the other countries. Sa isang salita, ang dolyar mong kinikita sa presyong dolyar mo din gagastosin. Ang P 15.00 na sardines sa Pilipinas,$1.00 sa Amerika sa peso (48 or 50 pesos nah), ang isang pakete nag sigarilyo sa Pilipinas P 40.00 sa Amerika $ 6.50 (almost 400 pesos; philippine value, ang upa mo sa bahay na P10,000.00 sa Pilipinas sa Amerika $ 1,000+++++(50,000 more in peso.)

Oo nga madaling makahanap ng trabaho sa Amerika kumpara sa Pilipinas. May ibang Pilipino di makahanap ng trabaho sa pinas eh ksi tamad o kaya madaling ma dismaya pag di matanggap sa pinag applayan nila. Madami ding Pilipino na nakapag tapos nag koliheyo na walang trabaho kasi ang tingin nila sa sarili napakataas nila ayaw tumanggap ng mababang posisyon kaya hayun tuloy minsan mas angat pa sa kanila ang di nakapag tapos o kayay haiskul. Oo nga mahirap ang pinas kaya nga kailangan natin double2x o triple2x na pag babanat ng buto tulad sa Amerika.

Akala nila buhay milyonaryo kana kasi ang ganda ng bahay at koste mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin alipin ka ng bahay at kotse mo. Madaming naghahangad na makarating sa Amerika at sa ibang bansa lalo na mga nurse. Mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas, madalas pagod ka sa trabaho. Pagdating sa sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo, pero ganun din sa ibang bansa katulad ng Amerika. Hindi ibig sabihin dolyar ang sahod mo yayaman kana. Kailangan mo ding mag banat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa. Maraming Pilipino na nangangarap maka punta ng ibang bansa para magtrabaho at nang makatulong sa pamilya. Ngunit karamihan na uuwi sa wala kasi nga pag nag padala sila ng pera sa pinas ang daling gastohin ng pinag padalhan nila. Kumbaga parang di iniisip nila kung anong hirap dinanas ng mga pumaibang bansa para makapag trabaho. Pro depende din sa atin iyo. Kailangan ilagay din natin sa tamang lugar ang pagtulong sa natin. Pag nakita natin na wlang magandang resulta ang pag papadala ng pera dapat mag action agad kung anong nararapag gawin. Pag ganun pamilya natin sa pinas dapat hindi buwanan mag padala, kung buwan buwan padala tapos nahuhulog lng sa wala pra na ring tinuturuan natin clang maging tamad at umaasa palagi. Dapat din clang mag banat ng buto kasi kailangan din nating mag banat ng buto pra sa future natin and sa future ng pamilya na buuohin natin.

Sa panahon ngayon karaminahan sa mag pinay gusto mag asawa ng taga ibang bansa for different reason ngunit kadalasan ay upang makatulong sa pamilya at magkaroon ding ng magandang buhay ang magiging pamilya nila. Pro may iba mga pinay gusto lang makapag asawa ng taga ibang bansa without love pra lang maka punta nang ibang bansa kahit committed na cla sa pinas. Pera lang ksi gusto nila. Di nila maisip na tao rin ang taga ibang bansa na may puso na marunong masaktan tulad nating mga pinoy. At tsaka may kasabihan na “It’s good to have money and things that the money can buy. But it’s good to check once in a while and make sure that we don’t lose the things that the money cannot buy. May iba gusto mag chat para magka pera, pera lang kasi iniisip and they’re lying to their chat mates na may asawa o kaya’y kasintahan. Pro di naman lahat ng pinay ay ganyan. Dinaman masamang maging practical basta’t nasa tama’t lugar lang. Dapat puso’t utak ang gagamitin. Hindi dapat paiiralin ang utak, dapat balanse to be real happy in life.

Di ibig sabihin na makapag asawa kana nag taga ibang bansa makatulong ka agad ng malaki sa pamilya mo, dahil may sarili ka naring pamilya. May kanya-kanya ding sitwasyon ang mga pinay na naka pag asawa ng taga ibang bansa. Some have sad stories on their marriage some are good. Di naman ksi lahat ng foreigner understanding at mabait. May iba na battered wife. Pro may matatakbohang tulong karin naman. Ang iba sakripisyo parin upang makatulong sa pamilya. But only few stories I heard about it being beat up by their husband. May iba na gustong umuwi sa pinas dahil sa pangit na karanasan nila sa bansang banyaga ngunit pinili parin nilang manatili dahil may ibang Pilipino kasi na grabe ma mintas ng kapwa at maging tampulan kapa ng tsimis ng mga kapitbahay mo o kaya’s kakilala, kay mas pinili nilang manatili sa lupang banyaga.

Akala ng mga tao sa Pilipinas pag galing ka sa ibang bansa at umuwi ka sa Pilipinas para mag bakasyon akala nila madami kanang dalang pera. Kaya madaming gustong makipag usap sayo at umutang ng pera at madami ding humingi nag pasalubong raw sa kanila. Kapag wala kang maibigay ang sama mo na sa paningin nila akala nila nag bago ka di nila alam na sila mismo nag bago. Di nila ma isip na di rin basta2x ang buhay sa ibang bansa at mahirap pumaibang bansa. At kung nag pa utang ka naman ng pera, mabuti’t mabayaran ka. Akala kasi nila nagpupulot ka ng pera. Di nila maisip na isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal sa buhay. Hindi pinupulot o pinipitas ang pera sa ibang bansa. Upang magka pera kailangan mo ring mag banat ng buto tulad din nag Pilipinas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan. Sana mag bigay inspirasyon ito at may magandang idudulot ang isinulat kong ito sa ating mga Pilipino. At sana sa mga bumasa nito huwag sanang ikasama ng loob o bigyan nag masamang kahulugan.

* proud to be pinoy*

###

©Copyright 2010 – 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

    • Obet Moya

      I agree 100%. Life here in USA is not easy especially for our “Kakabayan” who are undocumented or TNT. They have no access to quality health care services, good job opportunities and sad to say – quality of life…

      With 3 boys in college is really a financial challenge kahit RN pa ang asawa mo… kaya mga kapatid sa Pinas pasensiya muna. As the saying goes… to each his own.

  • leompeji

    Maganda ang pagkakatalakay ng iyong artikulo sangayon sa aspeto ng pamumuhay ng bawat pilipino na nagta trabaho sa abroad lalo na sa Amerika. maganda din ang pagkakalahad ng katotohanan ng pananaw ng mga pinoy sa Pilipinas lalo na sa usaping pampamilya at trabaho. Sana naman mabasa ito ng mga pinoy na umaasa at mabuksan ang kanilang isipan na talagang mahirap ang kalagagayan na magtrabaho sa abroad. Mabuhay ka!!!

    • http://google jb

      @jeff galang ,korek ka jan sa sinabi mo,nag-abroad lang ‘kala mo kung sino ng makaasta-tas pag wala ng pera sangla dito sangla doon,hay naku bakit kaya di sila magpakatotoo! tas balik na naman sa abroad para kumayud…hay naku buhay ay talagang ganyan…

  • juan

    Magbigay ka ng pasalubong eh, titignan pang mabuti kung made in USA. LOL

    • http://google jb

      ha,ha,haa korek ka jan!

  • Mar Gau

    Better not complain, instead tell your family in Pinas about the real score. It has been the practice of pinoy to help their nearest kins and it’s good. Marami rin kasi sa mga pinoy abroad na nag aastang mayaman pag uwi dito sa atin kaya nagagalit din ang mga relatives na andaming sinasabi di naman tumutulong. Sorry folks for this comment….

  • mark

    agree…but one word i observed, THERE from THEIR is different sorry. better u just wrote it in full tagalog rather than taglish.

    • mariz

      tama naman yung paggamit niya ng their isnt it??? to help their nearest kins not to help there nearest kins..minsan naman pag mag correct kayo siguraduhin niyo na tama hindi gagawing mali ang tama

  • Top Commenters

    Kimberly Descalsota
    2 comments
    Princess
    1 comment
    Rush Toto
    1 comment
    1 comment

  • Daily Popular