Ako, Bilang Isang Batang OFW

September 4, 2010 nag umalis ako sa Pilipinas upang magtrabaho abroad. 21 years old lang ako nun. Pumunta ako sa bansang Saudi Arabia upang magtrabaho as a nurse. Nagpunta ko dito para makakuha ng “EXPERIENCE” at balang araw, makapagtrabaho sa mgandang hospital. Napili ko ang bansang ito dahil madaling makapasok. Hindi ko na kelangan ng masyadong madaming certificates or exams. Makapasa lang ako sa PROMETRIC EXAM ay ayos na. Medyo sanay na ako na mag-isa dahil nung college ako, apat na taon din akong naka-apartment sa Manila. Pero every 2 weeks naman ang uwi ko nun sa amin sa Bulacan. Yung 2 weeks na yun, homesick na homesick na ko sa family ko nun. Gustong-gusto ko na silang makita. Kaya naisip ko, makakaya ko kaya ang dalawang taon na malayo sa kanila?

Nangibabaw pa din sa akin ang mga pangarap ko. At lagi kong sinasabi na para din naman sa kanila at sakin yung gagawin ko.

Ito ako ngayon, mahigit isang taon na nandito sa bansang malayong-malayo sa kinasanayan kong bansa. Madaming mga tradisyon pa din nila ang hindi ko naiintindihan.

Ako ang pinakabata dito. Isang polyclinic ang napasukan ko dito. Madali lang ang trabaho. Kukuha lang ng Vital Signs, mag-iinject ng gamot, mag aassist sa mga doctors. Ganun lang ang trabaho dito at kikita ka na ng mahigit 20,000 a month.

Pero dahil kahit papano may pagkaisip bata pa din ako, minsan, nakikipag-harutan ako sa mga kasama ko dito. Nag-iingay ako at makulit. Hindi ko alam na madami na palang matang nakatingin sa akin. Iba ang tingin nila sa mga ginagawa ko. Nakalimutan kong iba ang paniniwala nila at iba talaga ang utak ng ibang lahi.

Ang hirap maging batang OFW. Lalo na sa bansang walang kalayaan ang mga kababaihan. Pagkatapos ng duty, deretso ng bahay, kain, tulog at pasok ulit sa trabaho. Araw-araw paulit-ulit. Nakakasawa. Walang pwedeng bagong mangyari sa’yo.

Kapag napapatingin ako sa mga litrato ng mga kaibigan ko na nag-eenjoy sa mga party. Naiingit ako. Kasi naeenjoy nila yung pagiging malaya nila. Pero bandang huli maiisip ko na mas masaya ang feeling ng nakakatulong sa pamilya at matawag na isang BAGONG BAYANI.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • Franz Estrada

    You have my sentiments. Your case is exactly my case ang pinagkaibahan lang ay dito ako sa riyadh lumaki. I left ph at the age of 21 and I left not because i don’t have a choice but to move on and try to forget someone. Anyways magiisang taon nadin ako dito.

  • I went abroad at the age of 21 also. I’ve been here in Abu Dhabi for almost 2 years. Sa una lang mahirap pero kapag nakikita mo ng unti unting natutupad ang iyong mga pangarap, lalo ka pang gaganahang magtrabaho. We must expand our horizon and continue to soar high. =) -http://www.ofwnurse.net/