Ang Buhay Ng Isang Nurse Dito Sa Pinas

Napakahirap talaga ng buhay ng isang nurse lalo na dito sa Pilipinas. Sandamakmak na ang grumaduate subalit para kang pumapana sa buwan sa paghahanap ng trabaho upang maisabuhay mo ang kursong natapos mo. Daan daang libo na ang grumaduate na nurses dito sa Pinas at ano ang ginagawa ng daan daang libo na iyon?

Karamihan ang bagsak ay sa call center sapagkat napakadali nga namang makapasok sa ganitong klaseng trabaho dahil in demand at may massive hiring sila palagi. Katulad ko, nagtrabaho na ko dati sa call center at totoong mataas ang sweldo dito at maganda pa ang benepisyo. Walang problema sa sweldo ng isang call center agent. Kung wala kang pamilya, panigurado buhay na buhay ka sa sweldo mo. Kung ikukumpara mo ito sa sweldo ng isang nurse na gumastos ng halos isang milyon sa pag-aaral, tuition fee, atbp. ay walang binatbat. Ang isang nurse ay kumikita ng P8,500 kapag ika’y nagtratrabaho sa isang private na ospital. Sa P8,500 na iyon, dinaig pa nito ang mga jeepney drivers at taxi drivers na kumikita ng higit pa.

Kung magtratrabaho ka naman sa ospital ng gobyerno, malaki na ang P15,000 subalit para ka makapagtrabaho sa nasaad ay kailangan mo ng backer na may mataas na posisyon. At kung makakapagtrabaho ka man sa isang government hospital, halos 50 pasyente na ang iha-handle mo. Sa ganitong kalidad, malamang hindi mo mabibigyan ang lahat ng pasyente ng quality care na tinatawag. Sa panahon ngayon hindi ka na dapat choosy. Maraming nurses ang naghahangad makapagpraktis na ng propesyon nila at kailangan talaga na competitive ka upang maging isang ganap na nurse.

Nakakalungkot na napanood ko din sa balita na isang registered nurse ay pinasok na lang ang pagiging driver dahil sa kahirapan na humanap ng trabaho na mapapraktis niya ang pagiging nurse. Kung iisipin, ano kaya ang ginagawa ng iba pang daang libong registered nurses?

No wonder, ang mga tao nagaambisyon na makapunta sa ibang bansa upang guminhawa ang kanilang buhay at syempre dahil mas mataas di hamak ang sweldo sa ibang bansa. Isa pa, mas high tech pa ang mga kagamitan at equipments doon. Hindi masyadong hassle sa pag-aalaga ng pasyente. Isa ako sa mga nangangarap makapagtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng mas malaki at syempre upang mabigyan ng mas magandang opportunity sa career growth. Subalit, kailangan ko pang bumilang ng taon bago ito matupad. Swerte na lamang ako sa koneksyon ko. Ang nakakalungkot, paano ang iba na walang koneksyon? Ano na lamang kaya ang magiging hinaharap ng bawat isang registered nurse? Maraming tanong subalit kakarampot na sagot at ang mismong mga sagot ay hindi makakapag-paahon sa buhay. Sadyang kailangan lang ng sipag at tiyaga at ang pinakaimportante, tiwala sa Diyos.

Photo credit: mulatpinoy.ph

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • ERIC JAMES

    NURSE AKO,BUT NAND2 AKO SA CALLCENTER..HE.HE.HE…WLA KC AKO MAPASUKAN EH,,,KAYA D2 AKO SA CALLCENTER AGENT BUMAGSAK..WAG KA1! DAMI YATA NMAIN D2…SARI2 COURSE..PHYSICAL THERAPY ,PULMONARY THERAPY,MED TECH,X-RAY TECH,DENTAL TECH…HAYYYYY!!! KUNG MAG VOLUNTEER NAMAN AKO…PAGOD AT HIRAP ANG ABUTIN MO SA DUTY…WLANG ALLOWANCE FROM INSTITUTION PARA SA IYO…HAAAYYY!! MINSAN MAGBABAYAD KA PA SA INSTITUTION PARA LANG MAGKAPGVOLUNTEER KA..MALAY MO MAGKA VACANT SA INSTITUTION…HUGUTIN KA NILA…DI SWERTE MATATAWAG KUNG SAKALING MA ABSORB KA NILA…hayyyyyy!! Sa sweldo nman…hayyyyy!!! kulang pa sa hirap mo!!! haaaayyyyy…

  • Symphatica

    Tinatamaan naman ako dito ng wagas…hahaha. I admit nahalughog ko na ata ang buong metro manila pati province makapasok o makapagtrain s mga hospital. Pero isa ako s nkaranas mapait na tadhana. Hanggang s napasok ko rin ang pagging col girl…haha i mean call agent. Dito ko naranasan kahit papano makahawak ng sweldo, toxic din kaming mga nurse call agent ..toxic sa mga calls. D pa nga tapos ang isang call me waiting pa, yun nga lang hindi madali para sa amin ang maging call agent n mejo malayo sa aking npagaralan, meron kasi dapat imaintain na quality performance s paghandle ng calls, pag mababa performance mu tanggal ka. Now. Im here abroad, not as a registered nurse but a domestic helper. Thats painful.

  • Kaya maraming nag’aabroad ngayon na nurse para don mag-trabaho. God Bless!

  • Whitemocha

    so true! naalala ko kung gano ko kagusto maging nurse and makapag abroad before. idol ko kasi masyado yung tita ko na dialysis nurse sa states. madali siyang nakaipon and nakabili ng mga properties. but that was before, ung naglalaro palang ako ng chinese garter. but now, yeah, its totally a diferent story. everything’s messed up. im also a call center agent now a graduate of a well-known nursing school. hindi ako nahihiya kung dito man ako nagwwork ngayon. for some kasi they are hesistant to tell anybody that they work for a call company. kasi ang tingin ng mga tao mga pang walang utak lang ung work dito. kasi bagsakan ng undergrads, walang makuhang trabaho or ung mga wala daw patutunguhan sa buhay. yup i have to admit work is easy but not that easy,sige nga ikaw mag trabaho ng gabi at magpuyat. i doubt kung makapagsalita ka in straight english habang lumulutang ung utak mo sa sobrang antok lalo na kung hindi ka naman native english speaker. point is, kung magpapagod ka nalang rin, dun ka na sa pwede kang bigyan ng salary na buhay na buhay ka na. go for a company who can offer you at least 30k per month. dont settle for something na alam mo talo ka lalo na kung ikaw lang ung inaasahan ng pamilya. kasi naman sa panahon ngayon, kung magtitiis ka lang all the way, baka naman ipagtayo ka na ng rebulto. i have nothing against your passion and dedication for the said vocation. pero with this kind of economy, magiisip din naman siguro kayo if youll push it now or not. just saying…

  • amy panganiban

    kya nga po aq parang wala ng ganang mag-aral..kasi laging napapabalita ung mga college graduates tambay,wlang mpasukang trabaho.. kya aq ok na sa akin ang pagiging yaya..pero d q naman pnangarap na mging ganito habambuhay..ok na ung ganito,nakakaipon na aq para sa college nakakatulong pa sa family.. kainggit nga ung iba eh,pinapa aral ng mga magulang pero d nman nagseseryoso..haaaay..
    pero ok lng 18 plng nman aq..age doesn’t matter naman sa college eh..sorry po,naglalabas lng ng saloobin..
    PARA PO SA MGA COLLEGE STUDENTS:
    Mag-aral po kayo ng mabuti,hnd ung puro barkada at happenings..balance ur time..thankful pa nga sana kau kasi nkakapag-aral kau samantalang kmi d kayang paaralin ng parents nmin kya after high shcool nag work na agad.. good luck sa inyo.. GOOD BLESS na rin..

    Pero asa pa aq kng may mkabsa pa nito..eh halos lahat naman yata wlang pkialam magbasa ng mga article.. ok na sa knila ung mka computer games..mag dota..haaaaaaaaaaaaaay..new generation na nga tlaga..

    GOOD BLESS TO ALL!!!

  • amy panganiban

    Kaya nga po aq parang wala ng ganang mag-aral..kasi laging napapabalita ung mga college graduates tambay,wlang mpasukang trabaho.. kya aq ok na sa akin ang pagiging yaya..pero d q naman pnangarap na mging ganito habambuhay..ok na ung ganito,nakakaipon na aq para sa college nakakatulong pa sa family.. kainggit nga ung iba eh,pinapa aral ng mga magulang pero d nman nagseseryoso..haaaay..
    pero ok lng 18 plng nman aq..age doesn’t matter naman sa college eh..sorry po,naglalabas lng ng saloobin..
    PARA PO SA MGA COLLEGE STUDENTS:
    Mag-aral po kayo ng mabuti,hnd ung puro barkada at happenings..balance ur time..thankful pa nga sana kau kasi nkakapag-aral kau samantalang kmi d kayang paaralin ng parents nmin kya after high shcool nag work na agad.. good luck sa inyo.. GOOD BLESS na rin..

    Pero asa pa aq kng may mkabsa pa nito..eh halos lahat naman yata wlang pkialam magbasa ng mga article.. ok na sa knila ung mka computer games..mag dota..haaaaaaaaaaaaaay..new generation na nga tlaga..

    GOOD BLESS TO ALL!!!