Bago Ako Maging Nars

Kakatapos ko lang mag-receive ng hand-off report mula sa night shift nang sagutin ko ang unang tawag para sa umaga shift. Hindi ko man gusto ang tono ng kausap, wala ako choice kundi kausapin ayon sa makataong paraan. Ang caller mula sa isang general nursing unit, nag-iinquire kung may bakante ICU bed para sa isang pasyente nila gusto ipasok sa unit namin.

Dahil sa nagmamadali ang tumatawag para ibigay ang mga detalye ng pasyente ito, ini-log ko ang mga impormasyon sa aming logbook kung tawagin ay “reservation logbook”. Mula sa mga narinig na detalye sa aking kausap ay napa-react ako sa kanya, “fever lang ito, hindi nyo ba kayang i-manage yan dyan sa unit nyo at gusto talaga ipa-ICU pa?”

Hindi na muling kumibo at nagbigay ng kanyang kuro-kuro ang kausap kong nurse sa kabilang linya. Bagkus, nagsabi na lang within 2-3hours ay maililipat nila ang pasyente papunta sa amin unit. Sa pagkakasabi nito ay agad ko ng pina-set-up ang mga kakailanganin kagamitan para sa aming pasyente.

At bilang charge nurse ay sinumulan ko ng ayusin ang mga katakot-takot na mga papeles para sa pasyente ipapasok sa amin. Sa proseso nito ay napaisip ako muli sa mga pagkakataon bakit nga ba ilalagay sa ICU eh lagnat lang naman ito wala naman iba co-morbidities.

Sa totoo lang, sa tanan ng aking buhay hindi pa ko naospital, nag-paadmit sa ospital. Pero twice na ko na ER dahil naman ang araw na iyon ay sarado ang aming employee’s clinic, subalit sandali lang ako doon at nagpa-discharge din agad noong nakakuha na ko ng gamot.

Napaisip isip ako tuloy ng lubusan dahil noong mga bata pa kami ng mga pinsan at kapatid ko sa tuwing magkakasakit ang isa sa amin ay agad na nire-refer kami ng lola ko sa isang manggamot / manghihilot. Dito ay maraming mga samut saring tanong at ritwal ang ginagawa, ang ilan dito sa natatandaan ko:

 

  • Two Candles
    (Photo credit: Wikipedia)

    Kandila. Ilang piraso nito ang tinutunaw gamit ang kutsara sa ibabaw ng nakasinding rin kandila. At sa punto natunaw ito, ay saka naman ibubuhos sa isang lalagyan may tubig; at hihintayin tumigas muli. Ang manggamot (sa hindi ko maipaliwanag na dahilan) ay babasahin sa harap mo kung ano imahe ang nakita nya na maaring nakapagdulot sa iyo ng karamdaman. Bilang payo, babalutin nya ito sa isang natabas na dyaryo o kaya sa yellow page at sasabihin unanan mo pag tulog mo. At sa di malamang dahilan within 24-48 hours nakakaranas ka ng kaginhawaan sa iyong sarili hanggang sa tuluyan gumaling ka na.

  •  Dahon. Mainam daw ito pantapal kung nalamigan ka ayon sa mga manggamot. Nung bata pa natatandaan ko pa na minsan gumamit ako ng halaman “tuba-tuba” at inilagay sa likod para sipsipin daw ang naipon lamig. Mabuti naman at epektib ang dahon at napagaling ako.
  • Bigas. Mabisa daw ito bilang pang “peace offering” sa mga unseen elements of nature na kung saan ay napagkatuwaan, nabati, or worst, nagalit sila sa mga hindi sinasadyang pagkilos sa lugar na kanilang nasasakupan. Ang sistema ayon sa pagkakatanda ko magsaboy dawn g isang dakot ng bigas sa lugar na kung saan madalas namumugad (paano mo ito malalaman? Sagot: may psychic ability ang mga manggagamot sila mismo ang magtuturo kung saan), at syempre may mga katagang bibitiwan habang nagsasaboy para mapatawa ka nang lubusan. Usually sabi ng mga matatanda tuwing ala-6 ng hapon daw mas mainam gawin. Minsan ko na ring ginawa ito at thank GOD parang nagdahilan lang ang kung anu bigat ng pakiramdam ko ay siyang nawala noon sinunod ko ang payo.
  • Poor quality incense sticks are uneven in thic...
    (Photo credit: Wikipedia)

    Pausok. Paumanhin hindi po ito iyong regular nebulization na nakikita sa isang hospital setting. Ito po iyong insenso na ginagamit upang pang taboy daw sa mga ligaw at gumagalang espiritu, isama na rin natin ang mga element hindi nakikita. Sa pakiwari ko, mukha na mang nakakatulong ito upang mapanatili ang hiwalay na mundo ginagalawan ng mga tao at ng mga espiritu.

  • Ihip at Laway. Heto na siguro ang pinakamabisa sikolohiyang gamot na naramdaman ko noon bata pa ko. Madalas kasi nauusog ako ng mga tito, tita at isama na rin ang magulang ko. Sa pamamagitan ng simpleng pag-ihip sa bunbunan at kasama na rin nag pag laway ng pusod at ang pagbanggit ng mga katagang “pwera usog / balik usog”, ang kanina na nanamlay na katawan o pagsusuka ay napapawi ng lubusan.
  • Hilot. Ito ang isa sa masarap ngunit nakakatakot na paraan ng panggagamot noong bata pa ko. Tanda ko pa noon, daliri lang ng mga kamay ng manghihilot ang puhunan nila sa gawain ito. Konti pisil-pisil lang ay nakapagdudulot na ng kaginhawaan inaasam-asam mo. Pati iyong tinatawag na ‘pilay’ ay yakang-yaka pag nagpahilot ka.

Ito lamang ang ilan sa mga bagay na nakapagbigay sa akin ng kaginhawaan at ultimo paggaling sa mga karamdaman hindi na kinailanganan pang maospital. Naalala ko lang ang mga ito dahil naging mahalaga bahagi na ito hindi lang sa aking sarili bagkus pati na rin sa atin kultura. Napaisip tuloy ako kung meron pa kaya ang mga tulad ng manggagamot / manghihilot sa makabagong panahaon. Marahil, maaaring hindi naman talaga sila tuluyan nabura / nawala sa ating paligid ngunit sa malamang nabawasan na ang tulad nila.

Hindi ko man kinwesyon ang mga paraan gaya nang nabanggit, ngunit aminin natin na talaga nga lamang nakapagtataka na ang mga ilan sa nito ay yaong nakatulong sa atin pisikal na katawan at sikolohiya pag-iisip upang gumaling tayo sa mga karamdaman.

Kaya sa aking pagtungtung sa propesyunal na mundo ng nars, hindi ko pa rin maiaalis na minsan sa aking buhay ay may mga bagay na hindi kayang i-explain sa mundo ng medisina. Maaari nagkakaroon nga ng great advancement ang science of medicine sa ating panahon subalit ating harapin din ang mangilan-ngilan isyu na mapagsahanggang ngayon ay wala pa ring katiyakan sa mga kasagutan.

MABUHAY ANG MGA NARS.

 

Enhanced by Zemanta

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in: