Being a Nurse is a Sacrifice..

Mag 2 years na kong graduate ng Bachelor of Science major in Nursing.. Nakapag review na ko sa sikat na review center.. Nakapagtake na ko ng board exam.. Pumasa na ko sa board exam.. isa na kong pinagpipitagan na REGISTERED NURSE.. pero bakit ganun? hanggang ngaun wala pa din akong trabaho…

Akala ko noon kapag nag aral ako ng mabuti.. kapag matataas, pag nagta-top ako sa midterms at final exams, kapag naging DEAN’s lister ako ay magiging isang successful na nurse na agad ako.. hindi pala ganun kadali maging isang nurse.. kailangan ko pa pala kaharapin ang NLE o ang Nursing Liscensure Exam so nagtake ako.. Pero bago ako makapagtake katakot takot na hirap ulit ang dinanas ko.. Nagreview ako sa Pentagon Review Center ng ilang buwan.. nagbayad ng malaking halaga..bukod pa sa araw araw na gastos at pamasahe dahil dito ako sa Cavite nauwi.. after ng magastos na review..

Nagtake ako noong NOVEMBER NLE.. akala ko din nung matapos ko sagutan ang napakahirap na exam ay tapos na ang kalbaryo ko.. di pa pala.. dahil kelangan pang hintayin ang Resulta nito.. Ngunit ang hirap maghintay ng matagal.. almost 2 buwan akong naghintay ng resulta.. halos dumagundong ang mundo ko sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa kaba.. hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong takot at kaba.. subalit napawi ang lahat ng to ng ibalita sa akin ng ate ko na pasado ako sa board exam.. wala akong nasabi kundi SALAMAT PO LORD..

Nang pumasa ako napakasaya ko.. di matawaran ang kaligayahang nararamdaman ko.. Pakiramdam ko ako na ang pinaka masayang nilalang sa mundo.. dahil nagbunga lahat ng paghihirap ko.Madami ang naging proud sakin..kabilang na ang mga pamilya ko.. magulang at mga kaibigan..

Akala ko since pasado na ako sa board exam matutupad na ang pangarap kong magtrabaho sa ospital.. magpalit ng swero.. mag inject ng gamot.. magcharting.. hindi pa din pala.. Nakalimutan kong libo libo ang nurses dito sa Pilipinas.. Libo libo kami na walang trabaho at nag aagawan sa iilang ospital dito sa pilipinas..

Kaya bigala ako nalungkot.. naisip ko na di pa din pala dito natatapos ang kalbaryo ko.. di ko pa din pala matutupad angt pangarap ko.. kailangan ko pa din pala magtiis at maghintay.. Buti na lang talaga at pinanganak akong matiyaga.. kaya eto ako gaun naghihintay pa din sa tagumpay na aking inaasam..

Hayyy ang buhay nurse.. akala lang ng iba madali..di nila alam ang hirap at dusa na pinagdaanan namin bago namin nakamit ang kakapirasong dalawang letra na kinakabit sa pangalan namin.. (SHERMANE MONZON CARRANZA RN)

Pero di pa rin ako sumusuko sa buhay.. alam ko darating din ang oras naming mga nurses.. kung ngaun man ay pinagkakaitan kami ng tadhana ng magandang kapalaran.. alam namin na darating din ang oras na kami naman ang tatawa.. ang mga ospital naman ang mag aagawan samin.. alam ko mangyayari un.. kea tiis tiis lang mga kababayan kong nurse.. kaya natin toh.. malapit na natin maabot ang tagumpay..

Sa lahat ng NURSE jan.. Saludo ako sa inio.. wala kayong katulad.. isa talaga itong NOBLE PROFESSION.. walang katumbas ang pagiging isang NURSE..

I am proud to be FILIPINO NURSE….MABUHAY ANG LAHAT NG NURSE..

(this article/blog was created last july 2010)

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • Hi Shermane. When I graduated in 1996, there was also oversupply of nurses. Nag close ang US for pinoy nurses that time at hindi pa rin nag open ang UK noon. Pero nagtyaga akong magvolunteer until I got a better job later on. I’m sure you’ll have your time too. Just be patient. Tyaga at tiis lang ang makakamit mo rin lahat ng mga pangarap mo. Good luck!

    • anita

      Hi sharmane.Naiintindihan ko how you feel,ang problema ngayon demand is less in and out the country.Universities and Nursing colleges only think of the quantity, There is time for everything get some experience, the only way of doing it is to do a volunteer job, its hard but it’s a start.Good Luck!

  • Jiji Gatabon

    pag may tyaga, may nilaga ! go with ur dreams Shermane 2gether with determination & perseverance you will reach ur goal… God bless! 🙂

  • esperanza

    My daughter graduated 1998 .hirap at tiyaga sa paghahanap ng work kahit ano pinasok, nag sales , nagbenta ng kung anuanong product hangang nakakuha ng work sa psychiatic clinic, nabato, nasabunutan, may nagreregalo din at may mga nanligaw for 2yrs. Then comes the time na may call sa kanya yung medical city as a scrub nars, then after nagapply silang magkakasama sa UK,,hangang naging citizen siya dun.. That’s how my daughter copeted and love her work.. Huag mawalan ng pag asa, apply lang ng apply sa lahat ng hospital and try working in small clinics like my daughter did..

  • ryan

    I am also a registered nurse and share the same sentiments before. But my life has greatly change now, wag ka lng talga mawalan ng pag asa. and always remember na ang nurse ay hindi pang hospital lng, ang dami mu pwede pasukan. like me I am not working in a hospital or assisting those crazy doctors. I might not be working on a hospital setting but my job is working closely with the hospital team and with the patients. I work as a case manager of one of the prestigious insurances in America. And offered me great opportunities, I can perform as a nurse without the stress of a nurse is facing in a hospital setting. What I usually do is doing chart reviews, talk to patients, offer discharge planning and a lot more. It’s really a very relevant alternative to nursing not just focusing yourself in landing a job in a hospital. There are also other alternative jobs like a telephonic nurse and a lot of opportunities you just have to be open and dont close your doors.