Bente bente = Trenta (Futuristic)

Regrets (Photi credit: thefoundationston)
Regrets (Photi credit: thefoundationston)
Regrets (Photi credit: thefoundationston)
Regrets (Photi credit: thefoundationston)

Tenenenenenen tenenenenenen! Tenenenenen tenen! Na-alarm na naman ang ang cellphone kong x-men theme pa rin at ang alarm tone na nilimot na ng panahon. As usual, balik na naman sa routine na gawain sa aking pang-araw-araw na pamumuhay.

Maganda ang panahon ngayon at tirik na tirik ang araw. Tuwang tuwa na naman ang mga tindero ng ice cream. Nagkalat na naman ang mga bata sa labas dito sa aming lugar na factory ng mga bata. Araw-araw, buwan-buwan, sumisikip na ang daan. Mahal na nga pala ang Yakult ngayon, 12 pesos na ang isa at wala nang pandesal na piso ngayon. Mahal na ang lahat ng bilihin ngayon. At ang mga eksena dito sa perlas daw ng Silangan ay ganoon pa rin. Walang nagbago.

Bago na naman ang pangulo ng Pilipinas. Natapos na ang termino ni Noynoy Aquino bilang pangulo at ni Jejomar Binay bilang bise, si Binay na ang pangulo ngayon matapos niyang talunin si Erap na kahit matanda na ay gusto pa ring maging pangulo kahit magmukhang kahiya-hiya ang bansa natin. Si Manny Villar na tunay na mahirap ay nasa eksena pa rin, hindi naman niya tinulungan si Noynoy nung nanalo ito. Pero hindi lang naman siya ang hindi tumulong, lahat ng natalo e naging oposisyon at lahat e nagsasabing nadaya sila. Ganoon naman lagi sa bansang ito. Walang nagbago.

Taong 2020 na nga pala at 30 yrs old na ako, hindi nagunaw ang mundo noong 2012. Pero maganda rin ang nangyari noon. Madaming nagdasal at nagpakabait pero ngayong hindi nagunaw ang mundo e balik na naman sa dati. Walang nagbago.

Binuhay ko ang telebisyon habang naghihintay na sumpungin ako ng kasipagan. Wala ng Eat Bulaga ngayon, nagpahinga na ang TVJ. Nakalulungkot. Si Kuya Germs na walang tulugan noon e wala nang gisingan ngayon. Si baby James na anak ni Kris Aquino e kuya James na ang tawag ngayon at siya na ang heartthrob ngayon dahil mukha nang pandesal sina Piolo Pascual, SamMilby at Gerald Anderson.

Hoy bumangon ka na nga diyan! Alas-onse na oh!

Ayan na ang tunay na alarm clock ko, talking clock pa. Nasigaw na ang asawa ko na buntis na naman para sa aming pang-apat na anak.

Oo, teka lang” ang sabi ko.

Matagal-tagal na rin simula nang malagay ako sa ganitong eksena. Hindi ko naman ito pinili pero dito rin ako bumagsak. Nakatapos naman ako ng pag-aaral ko ng Nursing pero hindi ang asawa ko na kumukuha ng ibang kurso noon. Nabuntis siya ng kanyang kasintahan noon, ako nga pala ‘yun. Hehe. Wala pa kaming tatlong buwan na magkasintahan nang malaman naming buntis na pala siya. Lagot. Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko noon dahil ilang buwan na lang e matatapos na naman ako.

Wala akong mukhang maiharap sa kuya ko, siya ang nagpapaaral sa akin noon dahil maaga kaming iniwan ng aming Ama. Hindi rin ako mapatawad ng inay ko na napakaraming expectations sa akin. Kaya matapos kong makagraduate e umalis na ako sa amin dahil ayaw ko ng maging pabigat pa at pinapalayas na din naman ako.

Kung anu-anong trabaho ang pinasok ko noon magkaroon lang ng pera pang-gastos para sa panganganak, pamabayad sa aming tinutuluyan at para na din sa lahat na sana e pang-DoTA, pang-DoTA at pang-DoTA pa. Naranasan ko kung gaano pala kahirap mabuhay, ‘yung mabuhay ng hindi na binata. Na-realize ko din na para pala akong gumawa ng sarili kong kulungan na bibihag sa akin dahil hindi pa nga naman kami masyado magkakilala, pero heto ako at magiging ama na ng aming unang anak. Medyo hindi ko pa rin matanggap na hindi ko maeenjoy ang pagiging binata at hindi pa rin naman namin ganoon kamahal ang isa’t-isa. Parang ang pagmamahalan namin e pinilit mahinog na mangga, madilaw at mukha mang matamis kung titingnan e maasim pa rin kung titikman.

Sinubukan ko pang kumuha ng board exam pero hindi ako pinalad. Ang dami-daming tumatakbo sa utak ko. Hindi ko na sinubukang kumuha sa ikalawang pagkakataon dahil naduwag na ako at nahihiya na ako sa mga nadadamay sa kapalpakan ko. Ayaw kong maging pabigat sa iba dahil kahit ako e nabibigatan na sa mga problemang pinagdadaanan ko.

Nairaos naman namin ang una naming anak pero may good news. Noong three months na ang aming panganay na pinangalanan naming “Una” e buntis na naman si misis. Aksidente na naman! At pagkatapos ipanganak ng ikalawang si “Rai” e nasundan ito ng ikatlong si “Lemon” at ngayon e buntis na siya para sa ikaapat naming anak. Siguro naman e hindi na aksidente ang apat na beses, sinasadya na ito. Di ba?

Bumangon na ako. May nakahain na palang pagkain sa mesa. Kumain na ako at nakakain na pala silang lahat.

Wala na nga palang gatas si Lemon.

Tuluy-tuloy lang ako sa pagkain at waring walang naririnig.

May bayaran nga pala sa school si Una, kulang-kulang, humigit kumulang, sumatotal e kulang=kulang tatlong daan din siguro ‘yun. Bibili daw ng bagong see-saw ang school nila at tiyak daw na makatutulong ito sa pagkatuto ng mga bata ng History.

Si Rai nga pala e kailangang magdala ng walis sa school nila, project daw yun sa Mathematics.

Lagi na lang ganito ang eksena dito sa bahay na ‘to. Puro bayaran, bayaran at walang humpay na bayaran ang aking naririnig. Buti sana kung politiko ako.

Pagkatapos kong kumain e bumalik na ako sa kwarto ko.

Mamaya ko na lang huhugasan ‘yang mga ‘yan.” ang sabi ko.

Hindi mo naman ako sinagot.”

Wala ka namang tanong ah.

May pera ka ba diyan para ipambayad ko naman?

Wala.

Anong wala? Anong wala ang sinasabi mo!

Bakit pa siya nagtanong kung hindi naman pala siya maniniwala sa isasagot ko. Napangiti na lang ako kahit puro problema ang aking kinakaharap. Maskara.

“Tootoot! Tootoot!” ang sabi ng cellphone ko.

“1 New message received!” ang sabi ulit ng cellphone ko.

Dahan-dahan kong dinampot ang cellphone ko na wala ng kaparehong unit ngayon habang iniisip kung sino ang magte-text sa’ken ngayong oras na ito. Siguro e text na naman ito ng network tungkol sa bago nilang promo. In-open ko na yung message at numerong hindi naka-save sa sim ko ang lumabas. Iniisip ko na baka nagkamali lang ito ng send.

“Ramon uwi u d2 Lucban, nid ka ng na2y mo. Asap. Txbk.”

Hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko nung mabasa ko ang mensaheng ito. Kinakabahan ako na natatakot na nalulungkot na nahihiya at nag-aalinlangan. Kailangan kong bumalik sa amin ngayon din. Mga sampung taon na din akong hindi nabalik sa amin gawa nga noong nangyari sa akin. Para akong wala sa sarili at lutang na lutang at hindi ko namalayang naihanda ko na ang mga damit ko para sa aking pag-uwi.

Sa’n ka punta?

Uuwi ako sa amin, may nag-text! Kailangan ako ng nanay ko.

Napaano siya?

Hindi ko pa alam, pero kinakabahan ako..

Sige, mag-iingat ka ha. May pera ka ba pamasahe? Oh eto ang 200, ‘yan na lang ang natitira. Balitaan mo ako, iwan mo na ‘yang bago mong cellphone noong 2005 para mai-text mo ako kung ano na’ng nangyari.

Isa-isa kong inakap ang aking apat na aksidenteng anak para kunan ng lakas, sila na lang ang pinagkukunan ko ng lakas ngayon saka yung nasa taas. Hindi ko na namalayan na unti-unti palang naubos ang mga kaibigan ko, simula ng mangyari ang hindi inaasahan. Siguro ay hindi kaibigan ang tawag dun, siguro ganoon lang talaga ang buhay. Pag tag-ulan ay kasama mo sila sa payong mo pero kung tag-araw na ay kanya-kanya na. Ang masama nito, halos sampung taon na akong tag-araw kaya ganito ako ngayon. Nag-iisa.

Mahaba-haba rin ang byahe pabalik sa Lucban, aabutin siguro ng siyam-siyam bago ako makabalik. Sumakay na ako sa dyip paterminal at pagkatapos e sumakay sa bus papuntang Quezon. Nakatulog ako sa biyahe at pagmulat ko e Candelaria na, ngayon ko lang ulit nakita ang probinsya ko. Naaalala ko pa din yung mga duty namin dati sa Candelaria Municipal Hospital, at yung walang kamatayang duty sa QMC kung saan punung-puno ng aksyon ang bawat duty. Naalala ko pa ang mga pangarap ko nung estudyante pa lang ako. Naaalala ko ang mga pagpupuyat, paghihirap, at pagsusunog ng kilay.

Makalipas ang ilang pasalin-salin sa dyip e pa-Lucban na ako. 50 php na ang pamasahe, doble na ang presyo kumpara sa pamasahe ko noong estudyante pa lang ako. Pero astig na din ang mga konduktor, ka-level na din ng mga nasa bus dahil nagbibigay na rin sila ng resibo. Hindi ka na puwedeng basta na lang maging konduktor. Kailangan mong kumuha ng 2-year course. Meron na rin silang uniform, whole white, parang nursing. Wala nga lang duty bag pero naka-belt bag. Astig!

Ganoon pa din ang mga kalsada, pero halos aspaltado na lahat dahil dun malaki ang kick-back. Si Mark Enverga na ang Governor, nakita ko lang sa tarpaulin niya na parang facebook profile. Halos wala namang nagbago, mas marami lang tao siguro. May SM City Tayabas na din sa tabi ng TCH. Ang lupit! Wala na ang “Nawawalang Paraiso Resort”, nawala na nga talaga. Ang daming posters ng pulitiko sa daan parang facebook, mga hindi ko na kilala yung iba e. Lucban na, pero hindi ko masyado nadama dahil hindi na malamig ang hangin gaya dati. May SM Lucban na pala, sa tapat ng Grotto. Hindi pala mall, mukha lang mall dahil ang dami nang tindahan.

Bumaba ako sa may Acer na ganoon pa din. Nilakad ko na pauwi. Kinakabahan na ulit ako, nalibang ako sa byahe. Over ride. Ngayon ko lang ulit nakita ang bahay namin, lumang-luma na ito at napabayaan na. Hindi na ako nagdalawang-isip na kumatok at tumawag sa amin.

Tao po! Nanay!” Medyo natagalan din bago ako napagbuksan ng hindi ko kilalang babae na mga 24 years old na siguro.

Sino ka?” ang sabi ko.

Sino ka din?” ang tanong niyang sagot sa aking tanong.

Ako si Ramon Padaan, taga-diyan ako sa bahay na ‘yan..

Kuya Ramon! Ikaw pala yan, hindi kita nakilala. Hehe.”

Hindi rin kita nakilala, sino ka ba? Hehe.

Ako yung pinsan mong si Sarah! Nakalimutan mo na ba?

Hindi pa, maalalahanin.” Sabay ngiti.

Nasaan nga pala ang nay? May nagtext kasi. Pinapauwi ako dahil kailangan daw ako ng nanay, ano ba ang nangyari sa kanya?

Ahh, oo nga pala. Teka lang Kuya Ramon, pumasok ka muna at ibaba mo yang back pack mo. Tatawagin ko lang si Tatay.

Matapos ang ilang sandali e dumating na ang Tiyo ko at siya ang kumausap sa akin.

Wag kang mabibigla Ramon pero may masama akong balita sa’yo. Yung nanay mo e nasa QMC ngayon, isinugod namin dun dahil bigla siyang nabuwal kanina. Kauuwi ko lang para kumuha ng mga gamit. Saka para manghiram ng pera, nasa Medicine ward ang nanay mo kasama ang tiya mo at mukhang masama ang lagay niya. Hindi ko pa ma-contact ang kuya mo, buti na lang at yun pa rin pala ang number na gamit mo. May pera ka ba diyan? Pasensya ka na, pero walang wala rin kami ngayon. Ikaw lang at ang kuya mo ang inaasahan naming magtutulungan e, dalawa lang naman pati kayong magkapatid diba? Ano ba kasi ang ginawa mo sa buhay mo? Sampung taon kang hindi nauwi dito.

Sa labis na pagkabigla at sa dami ng sinabi ng tiyo ko e wala akong nasabi.

Oh anong plano mo ngayon? Tatayo ka na lang ba diyan?

Tara po sa Lucena, pero wala na po akong pampamasahe.

Walanghiya naman oh! Akala ko’y makatutulong ka na pero hindi rin pala! Sige na nga, tayo na at tayo’y gagabihin na.

Makalipas ang halos isang oras na byahe e nakarating din kami sa QMC, halos ganoon pa din. May nag-iba nga lang, hindi sa ospital kundi sa akin. Dahil ngayon ay ako na ang bantay ng pasyente at hindi na ang dating student nurse na puno ng pangarap. Tanda ko pa rin ang mga ward, hindi ko maaring malimutan ang medicine ward dahil dito kami unang dumuty noong kami ay BSN3 na. Ang dami pa ring Nursing student ngayon at saktong nadito pa rin ang C.I. ko noon at duty siya ng 2-10. Nagkatinginan kami pero hindi n’ya ako nakilala dahil iba na ang itsura ko ngayon, balbas sarado na ako at long hair, may hikaw sa tenga, ilong at dila. Mukhang adik for short.

Nagtanong ako sa station kung saan nakapuwesto si Loren Padaan. Medyo nagkakagulo sila nun, siguro ay mga nato-toxic. Kaya walang pumansin sa akin. Nakita ko pa yung ka-batch ko noon na paloko-loko lang lagi, buti pa ang paloko-loko at staff nurse na pala siya dito. Nagtanong na lang ako sa mga student nurse at tinuro naman nila.

Bed number 432 daw, nakita ko agad ang tiya ko na nakasubsob at parang napagod sa maghapon. Nakita ko ang nanay ko, may NGT, swero at FCUB. Maluha-luha akong lumapit sa nanay ko. Sampung taon ko siyang tiniis dahil sa pride ko, dahil sa ayaw kong maging pabigat. Pero ngayong nadito na ako e pabigat pa din ako. Paubos na ang swero at iniabot sa akin nung naka-assign sa nanay ko ang reseta ng bagong swero at mataray pa ang approach. Ganito pala ang pakiramdam ng walang pera, may pasyenteng agaw-buhay at may student nurse na mataray sa mainit at magulong ospital. Kailangan ba talagang maranasan muna natin ang isang bagay bago natin malaman kung ano ang pakiramdam ng nasa ganoong sitwasyon?

Tinitigan ko lang yung reseta ng swero. Kinausap ko si nanay, hindi ko na mapigil ang mga luha sa aking mga mata. Kung noong estudyante e naaawa na ako sa ilang pasyente e ngayon pa kayang sarili kong ina ang pasyente. Nagawa kong alagaan ang iba, hindi ko kadugo, hindi ko kakilala, pero ngayong nanay ko na e wala akong magawa. Hindi ko malaman ang gagawin. Ok lang sana kung may pera ako para kahit konti e makatulong man lang ako sa mga bilihin. Pero hindi e. Wala akong kwenta. Alam kong naririnig n’ya ako.

“Nay, sorry kung hindi ko natupad mga pangarap mo sa akin. Sorry at hindi ako nakinig sa mga sinasabi mo noon. Sa mga payo mo. Kahit nasabi mo na e linggo-linggo kong naririnig sa’yo para masabi mong hindi ka nagkulang magpaalala sa akin kahit minsan. Sorry dahil ngayong ikaw na ang pasyente e wala akong magawa, walang pera para maibili man lang ng iyong swero. Samantalang noon e ginawa mo lahat para makatulong sa aking gastusin sa tuition, affiliation at lahat lahat na. Samantalang ngayon e swero lang e hindi ko pa mabili. Sorry nay, mahal po kita. Patawarin mo po ako.

Tumulo ang luha ng aking ina at inakap ko siya ng mahigpit.

Nagawan naman ng paraan ng tiyo ko ang swero ni inay at yung ilang mga gamot. Napagpasyahan kong umuwi muna sa bahay namin para subukang tawagan si kuya at ang aking asawa. Pagkauwi ko e dumerecho ako sa aking kwarto. Nakita ko ang mga libro ko noon na malinis pa rin ang mga tabi, halatang maingat ang may-ari este hindi ginagamit ng may ari. Yung mga uniform ko, scrub suit, lab gown. Nakita ko ang duty bag ko, binuksan ko at nakita ko ang aking mga gamit noon sa pag-duty, mga tickler, duty notebook, mga NCP na nagawa at hindi nagawa, pero may napansin akong hindi naman dapat nakalagay dito. Narito ang notebook ko ng Pharma, binuklat ko isa-isa ang mga pahina, nasa unahan pa rin ang course syllabus, ilang ulit kong nabasa ang Digoxin, binuklat ko isa-isa hanggang dulo kung saan may nabasa akong nalimutan ko na. Hindi gamot o kung anuman. Napapikit na lang ako nung mabasa ko ang sinulat ko sa likod ng notebook ko na..

Laging nasa huli ang pagsisisi, walang nagsisi sa una.” – Mrs. E. Tagbo

Nagsisisi ako.
*Isa po akong BSN from SLSU Lucban,Quezon at naghihintay ng results ng board exams.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • oryxman

    Brod,
    Alam mo naramdaman ko tlg ang paghihirap mo pero wag ka sanang mawalan ng pag asa if ever for the 1st board exam di mo nagawang maipasa,sana try mo uli kasi kong nakatapos ka ng apat na taon at sa ngayon 4 na anak mo mas lalo dapat mong aysuin ang takbo ng buhay mo?
    Bilang Nursing Graduate pangarap tlg ng sinu man ang maging RN kasi nga titulo na syang magiging patunay na isa kang Professional,pero dahil na rin sa dika pumasa siempre kahiyaan at inisip mo paano kong sa next time eh dika pa rin pumasa,cguro minsan miron talagang ganyan at ako mismo saksi na nangyayari yan tlg kasi ang aking ninong at ninang ang lahat mga Nursing Graduates at 4 sila eldest,sumunod pumasa na pero ang pumangatlo naka 3 board exam bago nakapasa at sa tuwa nga nang Ninong at Ninang ko talagang naghanda dahil sa nakapasa na ang anak nilang lalaki at bunso nk graduate nabuntis naman,pero di naging dahilan yun para sila ay magsisihan at isipin wala ng bukas instead both of them strive now that 3 are RN’s nasa Saudi na sila 3 ang bunso naman nag rereview para sa board if im correct though dahil na rin sa disgrasya nabuntis ang bunso nila at ang lalaki eh walang tinapos sinabihan nila ang anak nila even she was with baby at kong sa panahon na kaya na nila at sila pa rin sa huli then wala na sila tutol in short this time di tlg sila pinakasal sa isat-isa.Cguro you will ask what is the connection of this event to you?well i just wanted to help and for you to think what the best way if ever you try to get the board exam again,its possible you will pass and not pass right,well if you pass alot of things is there to struggle im not saying this because im RN myself but i just want you to know that i struggle alot and perseverance to reach where i was right now.For you kasi im sure mas bata ka pa sakin so still alot of things is there to consider lalo na sa mga anak mo db.i envy you kasi nga you have 4 kids samantalang i have only one and still looking forward for more,ha,ha,ha.
    I would advise that you try again and it doesnt need RA.Gapuz or those expensive Review Center to try again it depends on your budget and yeah i understand the longer period you miss the years alot of new things come by kaya dapat din tlg mag review db?well sabi ko nga if mi budget ka,why not if you dont try the cheapest way buy those reviewers on the side road of PRC and do your best to review and this time the motivation is for your kids and family and for you nanay at kuya to redeem yourself,well i know its not my business to say this but im just curious why you never try again and instead blame the unfortunate events that happens to your life.
    Perhaps you could think and reflect on this things,well i wanted to help kasi i dont feel good when i read blogs tapos i know i could help and advise and maybe one day this will make the person realize how important this issue is all about for himself/herself,family and for the kids…sus even you graduate with a Nursing Degree and never pass its no nothing so first i endulge you to reflect and hopefully you will try and take the Board Exam again sa December miron so you have alot of time to prepare for the Nursing Licensure Exam,before i will give the other way around,why because when iv give you another tip and then become one you will never try to take the board again so i still insist you take now since i already talk about it,as a graduate of Nursing we have alot of opportunities that will help us go abroad what is that well as you have know this days alot of EMT is available working in the Field as a PARAMEDIC,most of this are graduates of EMT ( Emergency Medical Technician ) and they are employed in Ambulance Dept.that is the one you are going to focus and seek any place you will find,how you will do this?Try to check the Fire Dept kasi miron mga ambulansya jan at tyak kong nangangailangan sila,well if no vacancy i think to make your skill much on hand do the VOLUNTEER JOB meaning free i know its a kind of weird paano mo naman mapapakain ang mga anak at pamilya mo,i say Volunteer db kaya pedi ka makiusap na every week you can do your volunteer work in the Ambulance Dept then maybe if you are lucky the job is really vacant and with the help of the Commander or the Chief they will hire you sa madaling sabi mi tsansa ka pa na makakuha ng permanenting trabaho at sa dalawang o tatlong taon mo sa Ambulancia im sure you can apply and work overseas at kong pinalad ka pa na pumasa while your in the service much more qualified kn tlg kaya i insist that you try again to take the board.
    Masyadong mahaba na etong reply ko kasi nga nararamdaman ko kong gaano ang pagsisi at nais mo rin maging RN and on the same time pangarap mo rin na makapag trabaho ng maayos para sa pamilya at mga anak mo db kaya sa ganitong pagkakataon na pedi kong ibahagi ang aking nalalaman mas mabuti na dahil alam kong mi pag asa ka pa at sino ang makakapagsabi na balang araw maging matagumpay at nagawa mo ang akala mo walang ng pagkakataon,I just hope you read this reply and reflect about yourself and never loss hope because God is there and works in mysterious ways im sure you will be successful one day.Sana makatulong sayo ang mga sinabi ko at magawan mo ng paraan na maka kuha ka ng Board Exam sa Decmber 2012.Well if ever you do,and if you pass never hesitate to send messaged to me and maybe i could help and who knows i will be your bridge to success.God bless and regards to your family.

    • Ka dean

      Sir, fiction lang po ito. RN na po ako. Isang beses lng po ako nagboard at la pa po akong anak. This is only a future perspective ko po nung 3rd year ako at kung di ko pagbubutihan. Year 2020 po ang setting nito. Anyway, naappreciate ko po ang concern and comment nyo. Thank you.