Bobo Ka Daw?

Confused baby (Photo credit: collegeotr)
Confused baby (Photo credit: collegeotr)

Bobo. Tanga. Walang Utak. ‘Di nag-iisip.  Idagdag pa ang salitang trainable, working only with direct and constant supervision, disabled without complete assistance o mentally incapable. Ilan ‘yan sa madalas kong marinig na adjective na ginagamit para i-describe ang isang partikular na block ng students sa dati kong pinapasukang campus. Nineteen years old ako ng matanggap na magturo sa isang school, sa kabila ng napakabatang edad para sa iba, pikit-mata ko na lang tinanggap ang oportunidad. Wala kasing gaanong pamimilian ang kagaya kong nurse, kaya nang makapasa ng board exam ng June, naghanap na ko ng papasukan, hanap agad ng trabahong maaring magpatikim sa akin kung paano ba sumuweldo.

Confused baby (Photo credit: collegeotr)
Confused baby (Photo credit: collegeotr)

Mabalik tayo sa mga salitang nabanggit ko, may isang grupo kasi ng estudyante noon na aaminin ko, hindi ganun kabilis makasunod sa ituturo mo. Aaaminin ko na madalas akong makaramdam ng pagod sa kanila, pero kahit kailan hindi ng yamot. Sila kasi yung mga repeater na tinatawag, mga estudyante na mula sa ibang school ay nakick-out gawa ng hindi magandang performance, pero tinanggap ng school namin. Pero sa mismong school namin eh bumagsak pa din sila, kaya nabansagan silang repeater, mga estudyanteng lima hanggang anim na taon ang kailangan upang matapos ang kursong sana ay tapos na sa apat na taon. Karamihan sa kanila ay halos ka-edad ko, ang iba ay mas matanda pa nga sa akin. ‘Yun siguro ang dahilan, kung bakit naintindihan ko sila ng husto.

May mga kasamahan ako noon na instructor na kung “laitin” ang mga estudyante eh ganoon na lang, parang ng oras na naging estudyante n’ya ang mga ito, ay nabigyan na siya ng lisensya para bigyan ng turing kung gaano ba kataas o kababa ang pagkatao nito. Noong mga panahon na ‘yun, wala akong magawa para pigilin kung ano yung nakikita kong mali, una kasi bago lang ako sa pinapasukan ko at dapat akong makisama, pangalawa hamak ang tanda nila sa akin. Pero ganoon pa man, hindi sila nakarinig ng masama galing sa bibig ko. Tahimik na lang akong nakikinig kapag pinagtatawanan nila ang mga estudyante, siguro may kasalanan din ako.

Sa apat na taon na pagtuturo ko, at sa madami-dami na ding mukha at pagkatao ang nakasalamuha ko sa classroom, ilan sa katotohanang nakita ko ang naging pamantayan ko na sa buhay. Tama nga ang pelikulang “Taare Zameen Par” at “3 Idiots”. Parang sa mundo puro grades na lang yata ang nagiging basehan ng halaga ng tao. Hindi ko sinasabing hindi mahalaga ang grades, kung hindi naman dahil sa grades na meron ako sa transcript, hindi din ako matatanggap na magturo. Kung hindi naman din sa rank ko noongn senior years ko, ‘di din magiging mabango ang dating ng resume ko. Ang punto ko, nagiging mali na yata kasi ang pamantayan ng tao sa pagbibigay ng grado, at nagiging mali na din yata ang pananaw ng bawat miyembro ng lipunan sa mga taong nakakakuha ng mataas o ng mababang grades.

Ilan sa mga paniniwalang pinanghawakan at pinaniwalaan ko ng husto noong nag-aaral ako at naging instructor sa sarili kong classroom ay:

  • hindi lang score sa quiz at exam ang basehan ng alam at ‘di alam ng isang estudyante. May mga pagkakataon kasi na kahit gaano pinagpala ka ng abilidad ng kuwago (kayang iikot ang ulo nila ng 180 degrees) o kasing talas ng K-9 dogs ang pang-amoy mo sa nangongopya at nagongodiko. Tandaan mo na meron pa ding mga estudyanteng may masteral degree sa pagdiskarte.
  • hindi lahat ng estudyante ay kayang magsalita at sumagot sa recitation. Tulad ng hindi lahat ng estudyante eh kayang manahimik at pumirmi dahil naintindihan naman na nila ang tinuturo. Hindi sapat na sabihing active sa recitation ang isang estudyanteng walang ginawa kundi plastic na tumawa sa lahat ng corny na joke na ginagawa ng instructor. Hindi porke may ginawang ingay eh may laman na kaagad.
  • minsan, nasa instructor na din kung babagsak ba o papasa ang estudyante. May narinig ako minsan na nagrereklamo dahil ang bababa daw ng nakuha ng estudyante niya, nangg tinanong ko kung ano yung pina-exam n’ya, at nalaman ko na NCLEX (American Board Exam) questions pala yung binigay nya. Anak ng pinagpalang amag, oo. Eh siya nga mismong instructor na, at pasado ng local board exam eh hirap na hirap pumasa (actually nakatatlong take na siya bagsak pa din), tapos magrereklamo siya na yung junior level ng students eh bagsak sa exam niya. Minsan, kung ‘di man madalas, ikaw na instructor ang dagdag pa na kalbaryo sa estudyante.
  • wag mong daanin sa sindakan ang estudyante. Tipong may tanong siya sa’yo eh sasagot ka ng “’Yan lang ‘di mo pa alam! Diyos ko naman (with matching hawak sa noo), assignment mo ‘yan ha! Assignment mo!”. Puwede mo sigurong sabihin to kung nabigyan ka na ng pagkakataon na i-discuss ito sa kanila, at ilang araw lang eh tinanong nila ulit. Pero kung unang beses nilang tinanong ito sa’yo, wag ka nang lumusot, sukol ka na. Hindi na uso ang sindakan ngayon, dahil kung gagawin mo ‘yan, lalo mo lang papatunayan sa likod ng angil at masungit mong pagmumukha, ay isang ulo na puno ng CSF fluid na may lumulutang na kapirasong utak. Hindi naman masama na umamin na hindi mo alam lahat, dahil imposible naman talagang alam mo lahat, mas maganda ng makita nila na totoong tao ka na may kahinaan kaysa isang henyo na nabubuhay sa pangarap at kasinungalingan.
  • hindi iilang pag-aaral ang nagpatunay na tapos na tayo sa “negative reinforcement” era. Hindi na dadapa ang estudyante at wala ka na ding pamalong patpat para sa kamay ng ‘di makakasagot. Hindi na parusa ang dapat stimulus mo para mapag-aral sila. Maniwala ka pag sinabi kong mas magandang ipaunawa sa kanila ang dahilan kung bakit dapat silang mag-aral, kung bakit dapat nilang ipasa ang exam. Hindi para sa grado, hindi para makuha ang favor ng instructor o magulang, lalo na hindi para sumikat, kundi dahil ang mga exam na ito ang paunang hakbang nila sa mga mas malalaki pang paglalakbay sa buhay.
  • hindi natatapos sa classroom ang natutunan at nagiging epekto ng instructor sa mag-aaral. Tandaan mo na higit sa laman ng libro, maraming bagay ka pa maaring ibahgi sa kanila, aksidente man o hindi ang paraan ng pagkakabigay, walang ipinagkaiba, kahit paano, malaki man o maliit, may impluwensya ka sa pagkatao ng bawat naging estudyante mo. Kung aayawan ba nila o hindi ang pag-aaral dahil sa pait o tamis ng naranasan nila sa’yo, eh maaring makaapekto sa hinaharap nila.
  • naalala ko pa ‘yung kwento ng isang estudyante kong babae. Napakabata pa n’ya pero tatlong beses na siyang nakipagtanan. Mahal niya talaga ‘yung boyfriend niya, pero ayaw ng magulang niya. Doon ay lagi siyang binabawi, at sa kagustuhang makatapos siya, binantayan siya ng nanay niya. Araw-araw, maging sa school o sa hospital duty, andoon lagi yung nanay niya, para lang makatapos siya. Minsan lumapit sa akin ang isang kaibigan niya at nakiusap na kausapin ko siya, dahil sa ikaapat na pagkakataon, eh balak na naman makipagtanan. Iniisip ko kung ayos lang bang makialam ako, pero naisip ko, kahit paano siguro ay makikinig naman siya sa akin. Kaya kinausap ko siya ng masinsinan at sinabing napakasuwerte niya dahil sa kabila ng ginawa niya, pinag-aaral pa din siya ng nanay niya. Sabi ko, magtapos muna siya, at kung mahal niya talaga yung lalaki, kahit kako kinabukasan pagkatapos ng graduation eh makipagtanan siya. Basta ang mahalaga, magtapos muna siya. ‘Yun lang naman kako ang gusto ng magulang nya. (Ilang araw pagkatapos ng graduation nila, nagulat ako nang malamang kinabukasan nga after graduation eh nakipagtanan siya… 😛 Hehehe. Kasalanan ko ba ‘yun?)
  • masakit masabihan ng bobo, tanga, walang-utak o ‘di nag-iisip. Ikaw nga mismo ayaw mong masabihan nito. Paano pa kaya ang estudyante, lalo at manggagaling ito sa tinitingala nilang instructor. Alam kaya ng instructor na habang patuloy nilang ibinababa ang ibang tao sa mga sinasabi nila, eh bumababa din ang tingin sa kanila ng nakapalibot sa kanila? Hindi naman strength ang kakayahang magsabi ng masasakit na salita sa kapwa mo. Parang pagkain lang ng apoy ‘yan, sa una akala ng mga tao ang galing mo, sa una akala mo ang ganda ng pinakita mo, pero sa dulo, dila mo din naman ang napaso at ikaw lang din ang nasaktan sa sarili mong palabas.
  • ‘wag kang maging taong libro, hindi naman kailangang lahat ng sagot ay nasa libro. Tumanggap ka ng paliwanag, tumanggap ka ng analogy. Hindi naman makina ang kaharap mo sa classroom. Hindi sila mga gadgets na kailangan mong pasukan ng tamang code at action sequence para gumana. Tao sila na flexible, dynamic at affectionate. Sana bilang tao, ganoon ka din bilang instructor.
  • hindi lang naman ngayon ang panahon. Hindi naman habangbuhay ikaw ang instructor at sila ang estudyante. Dadating ang panahon, maaring mabaligtad ang sitwasyon at sila na ang maging mas may kontrol sa buhay at hinaharap ng taong malapit sa’yo, o kung mas magbibiro ang tadhana, eh kapalaran mo mismo ang hawak nila. Sa mga panahon na ‘yun, doon mo malalaman ang totoong ibig sabihin ng aanihin ang itinanim.
  • at panghuli, tandaan na magkaiba ang takot at respeto. Maaring magkamukha sila ng sintomas, pero ang nagtatagal sa tao ay respeto. Madaling magpatubo ng takot, madali ito lumaki at yumabong, pero sa oras na ‘di mo na ‘to diniligan ng takot, mabubunot na ‘to sa mga taong sinindak mo. Ang respeto, totoo namang matagal itanim, dumadaan ito sa proseso, pero maitanim mo lang ito ng maayos, mag-isa na siyang tutubo. Automatic nang yayabong, malayo ka man sa kanila at magkita kayo paglipas ng maraming taon, mayabong pa din ang respetong naitanim mo sa kanila.

Hindi ako kakampi ng estudyante, pero kasundo ko ang taong gustong matuto at magpaulad ang kanilang estado. Hindi rin ako kaaway ng instructor. Galit lang ako sa makitid ang utak, mapagpanggap at namumuhunan sa takot. Alam ko namang may kanya-kanya tayong karanasan sa instructor lalo na sa kolehiyo, at may kanya-kanya din tayong nabansagang “idol” o “superhero” na nagpakita sa atin kung sino at ano nga ba ang totoong instructor. Hindi ko sinsabing ako ‘yung sinabi ko sa taas, pero at least unti-unti sinisikap kong maging ganoon, dahil bilang estudyante, naranasan ko na ding masabihan ng tanga at bobo minsan. At hindi ako pumayag na manatiling ganun.

Minsan, bago ako umuwi pagkatapos magturo, nautusan ako ni Dean na ayusin ang files ng lahat ng faculty pati na ang teaching personnel sa school. Sumunod ako at nagsimulang buklatin ang isang mataas na folder na kinalalagyan ng lahat ng present at past personnel ng school. At sa ‘di inaasahang pagkakataon, nakita ko ang grades at board rating ng mga instructor na walang preno kung magsalita ng masama sa mga estudyante. Ending, ‘di naman pala ganun kaganda ang grades nila, may mga line of 7 pa. Naisip ko, ang lakas pa ng loob nilang humusga ng iba.

Grade. Score. Mark. Rating. Ranking. Position. Status. Sa kahit anong salita pa ang gamitin natin, iisa ang tinutumbok nila, mga numerong nagpapakita ng performance mo. Pero sa dulo, hindi naman ito kasiguraduhan ng makakamit mo sa mundo. Maaring advantage to, dahil kung parang karera ang buhay mo, binigyan na ng 5 kilometers advantage ang mga taong maganda ang grado, pero tandaan mo, na kung karera man ang mundo, hindi ka naman pinutulan ng paa ng mabigyan ka ng mababang grado. Humakbang ka at tumakbo, dahil unat na uno man o baluktot na singko ang grades na dala mo, nasa sa’yo pa din kung paano ka tatakbo sa karera ng mundo.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Mga-sulat-kamay 16 Articles
Hindi ko sasabihing ako ang ideal na tao... nagkamali, nadapa, nasugatan, dumugo, umiyak.. tumahan, naghilom, nagpeklat at sinubukang muli... ganyan ako, hindi perpekto, pero at least totoo... mga sulatin na may konting amag, pero 100 % biodegradable at consumable... safe but with little side effects.. Gusto mong magbasa ng iba pa? http://www.facebook.com/mgasulatkamay O click lang sa FACEBOOK link... ^_^..
  • oryxman

    Maam saludo ako sa inyo ha,natawa ako sa sinabi nyo eh pero minsan tlg kailangan maging terror din ang CI kasi nga po mahirap naman malaman ng estudyante na 75 % rating ni CI o ang kanyang TOR eh marami din 75-79% ang mahalaga po matutong mag aral ang mga estudyante at makibagay kasi nga pag natapos na sila iba na ang gagalawan nila at tulad ng isang bloogers dito wala naman po sa License ang Board Rating kaya ok lang at kong tungkol sa mga ka CI nyo na kakaiba ugali na po yan ng CI o kahit sinong Professors kaya natawa lang po ako dahil dinaanan ko rin po yan at pasalamat din ako sa mga naging CI namin dahil natuto ako sa lahat ng tinuro nila,siempre pag daan ng panahon naging marami ang experience ko pero everytime mi bagong kaming kasama basic pa rin po ang tinuturo ko at dapat sundin dahil kailangan malaman nila na ganun ang patakaran.Mabuhay ang Lahat Ng Nurse Sa Buong Mundo….CHEERS To You ALL…

  • krung

    binasa ko lahat khit sobrang haba hehe..nkakatuwa nman na may mga taong tulad mo na nakakaintindi..