Boredom in K.S.A. – Lalaban Kami

No to boredom (Photo credit: snsdkorean)
No to boredom (Photo credit: snsdkorean)
No to boredom (Photo credit: snsdkorean)
No to boredom (Photo credit: snsdkorean)

FIRST TIMER.

NEWBIE.

BAGONG SALTA.

JADID (arabic).

Mga karaniwang tawag sa mga baguhang manggagawa dito sa K.S.A. lalo na sa mga unang beses pa lang magtrabaho sa abroad. Kumbaga, wala pang experience masyado.

First time ko ding mag-abroad. 22 years old lang ako nang dumating dito. Bata pa nga daw ako para mag-abroad agad. Marami nga ang nagduda kung kakayanin ko nga bang talaga. Pag sinabi mo kasing K.S.A. lalo na pag dito sa Riyadh, kabuntot na ang salitang “STRICT”. Maraming bawal. Maraming di pwedeng gawin. Maraming dapat iwasan (lalo na pag sa mga babae).

Ewan ko nga din ba. Hindi ko na naging major concern yung mga bawal bawal na yan before ako umalis. Parang di ko na nasama sa considerations. Kung ano kasing pumasok sa isip ko, gagawin ko. Kaya ayun. I ended up here.

Aside sa homesickness, ano pa nga ba ang nagiging problema ng mga kagaya ko sa lugar na to? One word – BOREDOM.

Nakababaliw. Pagod ka na nga sa trabaho,wala ka pang magawa para maaliw o makapag unwind. Di gaya sa Pinas, s’yempre andoon lahat. Pagkatapos ng trabaho, gala ng konti, chika chika with friends o di naman kaya ay tambay sa tabi-tabi para magpalipas ng oras. Para makalimot, para makapagpahinga.

Eh dito? WALA. As in WALA. Trabaho. Kwarto. Trabaho. Kwarto. Trabaho. Kwarto. Paulit-ulit lang. Paaanong di ka mababagot, di ba?

I admit, nasanay akong may freedom. Kaya kahit alam ko na na strikto ang lugar na pupuntahan ko, nahirapan talaga akong mag-adjust (lahat nga naman siguro). Usual lang naman siguro sa mga kabataang gaya ko ang maghanap ng bagay na nakasanayang gawin, di ba. Gaya ng pagpunta sa mall, manood ng sine, maglibot sa bookstore (umm, certified bookworm at movie geek po kasi ako), at ang minsanang paglabas-labas until sawa (walang curfew, ika nga).

Dito kasi, WALANG SINEHAN. May oras ang mall, di pwedeng gumala ang mga babae ng basta-basta. Kailangan pag umalis eh balot na balot (s’yempre nasa kultura na nila yun). At sa kadahilanang dito tayo nagtratrabaho, kailangan tayo yung makibagay, di ba.

Kaya nga para-paraan na lang din kung paano mo aaliwin ang sarili mo.

OK. Here are some tips to COMBAT BOREDOM in K.S.A. (lalo na sa females, pwede din sa males):

1) LAPTOP. Importanteng-importante po ito. Advanced na masyado ang technology. Kapag may laptop ka, ang dami mo nang magagawa (in my case, di ko na nga masyadong nagagalaw yung cellphone ko).

ex: FACEBOOK: Lahat andun na di ba – chat, video call, update sa status kahit na yung pinakawalang kakwenta-kwentang status e sige lang. Updated ka din sa chismis sa mga nangyayari sa Pinas.

 SKYPE: Video call, voice call, all over the globe. High tech, di ba?

 EMAIL: Eh parang wala namang snail mail dito eh, email na lang. Last year nga sinubukan ng Tatay kong magpadala ng snail mail talaga, hanggang ngayon di ko pa din natatanggap. Naligaw ata ng country. At least pag email, libre na, tanggap pa agad.

2) MOVIE MARATHON. Sa loob ng ilang taong stay dito, kung anu-anong movies na yung mapapanood mo (kahit na hindi pa clear copy, yung tipong may dumadaan pang tao sa screen, go lang). Sabay dim ng lights para kunwari eh nasa sinehan. Gamitan na din ng speaker para feel na feel ang ambiance.

3) FOOD TRIP. Paboritong-paborito ito ng nakararami. Kapag bored, KAIN lang ng KAIN (kaya naman maraming nanaba dito). Ice cream. chocolate, chips, softdrink, pizza, shawarma, HALA SIGE. Ikain lang ng ikain yan hanggang mabundat ang tiyan.

4) SOUND TRIP. Kung feel mong magpaka-emo, maging rakista o yung suwabe lang na diskarte, walang problema. Indulge yourself sa sounds na trip mo. Nakarerelax. Ulit-ulitin mo man ang playlist mo, walang hahadlang sayo (umm, make sure lang na naka-earphones ka ha. Baka kasi yung trip mo eh hindi trip nga mga roomies mo).

5) PSEUDO PHOTOSHOOT. Sa mga nagfi-feeling model at mga VAIN (like me), applicable sa atin ito. Mag-isa ka lang sa room, walang problema. Andyan ang webcam, oh yung camera mo na mag-o-autoshoot/timer naman. Mag-make up ka, mag ayos, lalo na pag nami-miss mong mag-dress up, hala sige. Pose dito, ose doon. Emote dito, emote doon. Tatalunin mo pa ang mga model sa magazines sa kaartehan at poses mo. Malay mo pag-uwi mo sa Pinas, madiscover ka. ANG TARAY!

6) FOOD EXPERIMENT 101. ‘Di ko alam kung ginagawa din ng iba ‘to pero dito sa amin, ginagawa namin ‘to. Kung di ka marunong magluto, OK lang. Matututo ka dito. Mura lang naman ang mga ingredients. Mura lang din ang gas. Walang problema. MAG-EXPERIMENT KA. Paghalu-haluin mo ang kung anu-ano, basta mukhang pagkain. GAME (wag kang matakot na tikman ang sarili mong luto bago mo ipatikim sa iba para naman wag kang mapahiya… hehe). Malay mo, may tinatago ka palang galing sa pagluluto. Oh di pwede kang mag-sideline pag-uwi mo.

7) KOREAN/TAIWANESE/JAPANESE DRAMA ADDICTION. Usong-uso ‘to sa Pinas. Makisabay ka na din. Kung sawa ka na sa usual na pinapalabas sa PINOY CHANNEL, ito ang sagot dun. Maraming magagandang series. MAAADIK ka talaga (dito na lang ata nauubos ang oras namin eh, lalo na pag off). Maguguluhan ka sa dami ng psgpipilian. Take note: MAS REALISTIC at DIRECT TO THE POINT ang mga palabas nila di gaya ng nakasanayan natin (naku, di nga ako mahilig sa chinito dati, pero ngayon parang feel ko na).

8) SULITIN ANG ARAW NG LABAS. Meaning, kung may oras para gumala. gumala ng bonggang-bongga. In our case, twice a month, six hours per labas. So lubos-lubosin. Minsan na nga lang diba. Kahit walang pera, kahit mapagod. Go. Para naman may change of environment at makapag unwind kahit paano.

To sum it all up: KUNG ANONG TRIP MO, GAWIN MO  (as long as CLEAN and SAFE. Isa alang -alang mo pa din na may RULES na dapat sundin sa lugar na to). Basta wala kang nilalabag na batas, GO. Walang basagan ng trip, sabi nga nila (gagawin kong halibawa yung trip nga mga friends ko na andito din, PIERCING [ear,belly,etc.]) Katawan mo naman yung binubutasan mo eh, pakialam nila diba. HENNA TATTOO. Uso din naman yun dito. Kung may talent kang maghenna, maghenna ka. Kahit punuin mo pa yang buong katawan mo.

Oh kitams, kung anu-ano na ang maiisip mong gawin once na andito ka na sa lugar na ‘to. Nakaka-miss man ang buhay na nakasanayan nating lahat, wala na tayong choice. Andito na tayo. Panindigan na lang at pagtyagaan. Kanya-kanyang paraan na lang kung paano tayo maka-survive sa tinatawag na BOREDOM!!!  Tandaan, may kasabihan na…. BOREDOM KILLS.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About april13 12 Articles
A graduate of West Visayas State University ..currently a Nurse in Riyadh,KSA
  • reb

    im also here in riyadh..almost 8 yrs na..and lahat ng sinabi mo ginagawa namin..natawa talaga ko…

    • april13

      grabe 8 years???? amazing…2 years nga lang contract ko eh halos mabaliw baliw na ako..hehe