Buhay Company Nurse

Nabasa ko ang article na “Define Company Nurse”. Nakakarelate ako sa article na ‘to dahil isa rin akong Company Nurse.

Mag-iilang buwan pa lang akong nagwo-work as company nurse dito rin sa Middle East. Ang akala ng iba, pa-easy-easy lang ang trabahong ito. Pero hindi talaga, I swear….

Ako lang ang nag-iisang nurse dito sa isang malaki at sikat na industrial company. At dahil nga sa ako lang ang nag-iisang nurse, kaakibat dito ang pagdadala ng malaking responsibilidad. Dahil ako na nga ang Nurse, ako pa rin ang doktor. Bakit kanyo? Eh walang doktor dito na mag-ke-carry out ng orders, kaya ako na rin ang nag-pe-prescribe ng gamot sa mga pasyente ko. Kulang na nga lang, lagyan ko na ng MD ang pangalan ko, hehe..

Dagdag pa dyan ang mga paper works. Parang Medical Secretary din ang work ko dito. Dahil kailangang kong magsubmit ng Daily Reports, Weekly Reports, Monthly Reports, First Aid Reports, etc. etc.. I-check ang Ambulansya araw-araw, kung gumagana ba ang siren, air conditioning, Engine Oil, Stretcher, fire extinguisher, oxygen tank, flashers, fan belts, mirrors, etc..battery ng sasakyan, kulang na nga lang, mag-mekaniko na ko dito… Syempre pati na rin ang mga first aid items (lalong-lalo na ang expiration date. Dahil kapag may mga safety officers na nag-check at may expired item na nakita sa first aid box, tiyak sibak ako agad sa trabaho.)

Life saver din ang trabaho ko rito. Halimbawa na lang na kapag may emergency situation na nangyari dito, alam ko dapat kung paano ako reresponde. Dapat laging may presence of mind dahil nakasalalay din sa amin ang buhay ng tao na kahit sa industrial company at hindi sa hospital kami nag wo-work.

Parang Pharmacists din ang work ko dito, dahil araw-araw ko ring ginagawa ang mag-medicine inventory. Syempre kagaya ng mga first aid items, kailangang ko ring i-check ang mga expiration dates. Bawat mga gamot na ibinibigay ko sa mga pasyente, kailangang kong bilangin isa-isa para ma-monitor ko lagi kung gaano na karami ang stock ng mga gamot dito, dahil kapag naubusan ng stock ,malaking problema yun. Ako ang mapapagalitan. Tapos ang problema pa nito, kapag nagparequest ako ng mga gamot, ang tagal-tagal dumating, kadalasan pa, hindi lahat ng pinarerequest ko, dumadating agad. Hay, pasaway rin talaga kung minsan.

Syempre sa pagbibigay ng gamot, kaming mga company nurse, hindi kami basta-basta nag di-dispense ng gamot. Katulad din sa hospital setting, kailangan rin naming pag-aralan ang mechanisms of action ng bawat gamot na binibigay namin sa mga pasyente gaya ng dosage, contraindications, side effects, etc…etc…At syempre kailangan rin naming i-assess ang kondisyon ng pasyente before we give medicines. Minsan kasi, yung ibang pasyente, nagkukunwari-kunwarian lang na may sakit, makahingi lang ng gamot.

As a Company Nurse, iba’t-ibang tao din ang nakakasalamuha namin, lalo na dito sa workplace ko sa abroad, hindi lang mga pilipino, kundi mapa koreano, nepali, bangladeshi, indian, syrian, pakistan, saudi, italian, american, etc. Iba-iba rin ang ugali, may iba na ang feeling sila lang ang anak ng Diyos kung umasta, may demanding, may makulit, may pasaway, pero marami rin sa kanila na nakaka-appreciate ng ginagawa namin. Isang “thank you” lang galing sa kanila, nakakawala na ng pagod at lalo talaga akong ginaganahang magtrabaho. Minsan pa nga may nagbibigay ng pagkain sa ‘kin, nakakatuwa rin kasi naa-preciate talaga nila ang ginagawa kong serbisyo sa kanila.

Kaya heto, tuloy ang buhay, kahit nakakapagod, gagawin ko lahat ng makakaya ko makapagsilbi lang sa mga taong naghihintay ng aking kalinga at pag-aaruga.

Kaya naman, I salute all company nurses around the world. Kahit maliitin pa ng ibang tao ang trabaho natin, deadmahin mo na lang, insecure lang kasi sila.. hehe …kaya, kung ikaw ay Company Nurse rin tulad ko, we should be proud of our job….

Photo credit: conceptfashion.com

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • Gines dasco

    I used to be a company, gold mining co. Bikol region, i work there for 5 yrs. Now migrated here in long beach ca. I proud my previous job, co workers, staffs or laborers respect and apprecites your status and serviices.i really miss my old job.

  • lei

    kudos! thanks for reading my article. work from your heart and people will trust you because they know that you truly care, yan ang natutunan ko dito. God bless you kabayan! 😉

    • kampani nars

      salamat din po for reading my article.