Buhay NARS

Masasabi kong ‘di biro ang pagiging isang nars.. ‘di dahil ako ay isang nars.. kundi dahil sa responsibilidad na kinakaharap ng isang nars sa bawat walong oras na ipinamamalagi sa isang ospital.. minsan masaklap, malungkot, masaya.. pero masarap maging nars..

 

“Ang propesyong Nursing.. katulad din ng ibang propesyon eh kelangan mong mag-aral.. magpursige.. magreview.. magexam at makisama.. Nagiging espesyal lang ang propesyon na ito dahil nasasaksihan mo ang buhay ng tao.. ang simula at ang wakas ng isang buhay.. yun ang wala sa propesyong di medikal..”

 

Bakit nga ba kursong Nursing ang tinapos ko? tinapos mo? tinapos nya? at tinapos ng karamihan?

 

Nandyan ang mga sagot na:

“pinilit lang ako ng mga magulang ko”

“para makapagabroad,at kumita ng dolyar”

“para makatulong sa mga nangangailangan”

“dahil gusto ko yung uniporme nila”

 

Pero ano ba talaga ang sagot?

Noon, ganyan din ang sagot ko.. ang makatapos ng nursing ay katumbas ng karangyaan.. dolyar.. yan ang iniisip ng karamihan..

 

Taon-taon, halos daan-daang libo ang nagtatapos ng kursong ito.. taon-taon din halos ilang libo ang pumapasa ng board exam.. pero nananatiling kulang ang mga nars sa karamihan ng mga ospital.. Dito nagsisimula ang hirap ng buhay ng isang nars.. Nandyan na kelangan mong mag-training ng kung ano-anong pampaganda ng resume mo para madali kang matanggap at ang masaklap pa nito ang mga nagtapos, nakapasa ng board exam, o ang mga rehistradong nars pa ang minsang nagbabayad sa mga ospital para lang magkaroon ng experience. Nakakalungkot mang isipin, ganyan na ang kalakarang nangyayare sa panahon ngayon. Mahirap makahanap ng trabaho bilang nars. Kung meron man, kelangan mo ng mga kakilala para makapasok ka sa ospital.. eh pano na lang yung mga nakatapos lang dahil pinagaral ng iba? Yung mga scholar, dahil salat sa buhay, sinikap makatapos para umaangat sa buhay? Yung mga simpleng tao lamang? Paano sila makakahanap ng trabaho kung ganyan na ang sistema ng buhay nars sa ‘tin? Tapos sa mga ospital ngayon nananatiling kulang pa din sa mga nars..

 

Sayang ang ibang mga nars natin.. kundi nag-aaral muli.. nagtuturo.. nasa ibang trabaho.. o kaya nasa call center..

 

Kaya ng nakapasok ako bilang isang nars sa ospital, tuwang tuwa ako. Sa dinami-dami ng pinagapplyan ko, heto nakapasok din.. di dahil sa may kakilala ako.. kundi siguro dahil na din sa pagpupursige ko..

 

Sa una, natakot ako dahil eto na ang responsibilidad ko.. nasa kamay ko na. Konting mali lang, buhay na ng tao ang nakasalalay..

 

Bawat araw, gigising ka.. mag-aayos.. papasok.. at sa bawat pagpasok mo sa isang 8-oras na shift, madameng pwedeng mangyare..

Nandyan na ang maaari kang matanggalan ng lisensya o matanggal sa trabaho dahil sa isang mali..

Nandyan na ang maaari kang masigawan ng mga doktor..

Makipagsagutan sa kapwa nars dahil sa mali, kulang o malabong endorsement..

Minsan toxic..

Minsan benign..

Nandyan na din ang maaari kang mamatayan ng pasyente..

Nandyan na ang katakot-takot na orders..

 

Ilan lang yan sa madalas na kinakaharap ng bawat nars sa isang buong shift..

 

Pero pumapasok pa din..

 

Ako bilang nars, di ko na iniisip ang ang mga yan.. andyan na yan..’di na maiiwasan..

 

Sa bawat paggising ko, kahit gusto ko pang matulog, iniisip ko na lang ang mga pasyenteng nangangailangan ng tulong ko, ng kakayahan ko, at ng haplos ko..

 

Walang normal na schedule ang isang nars. Sa bawat linggo, nagiiba.. minsan umaga, minsan hapon, o kaya gabi.. holiday.. weekends.. birthday.. pasko, bagong taon, o kahit ano pang okasyon. Kapag duty mo, kelangan mong pasukan. Nandyan na ang susuungin mo ang ulan, baha o bagyo. Nandyan na ang madilim na lakaran, tirik na araw, o ang nakakahilang lamig ng umaga. At minsan, 2shifts ka pa.. wala tayong magagawa kundi ang pasukan..

 

Pero kahit ganyan.. pumapasok pa din.. dahil sa mga pasyenteng nangangailan sa ‘tin..

 

Siguro nga kaya mahal ang sweldo ng isang nurse sa abroad dahil sa responsibilad na katulad ng mga ‘yan.. kaya din siguro napilitan ang karamihan na kumuha ng kursong ito..

 

Halos 3 taon na akong nurse.. halos 2 taon na akong nagtatrabho bilang nurse.. at ngayon ko lang nasagot ang tanong na.. Bakit nursing?

 

Noong una, dahil napilitan lang ako pero ngayon, iba pala talaga. Nabago ako ng propesyong ito. Nabago nito ang pananaw ko sa buhay.. ang pagpapahalaga sa buhay.. at ang pangangalaga ng bawat buhay, di lang buhay ko, kundi pati na din ng mga taong nakapaligid sa akin..

 

Sa bawat istorya ng mga pasyente ko, madami akong napupulot na aral, madami akong naririnig na pagsisisi, madaming panghihinayang di lang sa mismong pasyente kundi sa mga kapamilya din nila..

 

Masarap palang maging nurse.. ‘yan ang sagot ko. Dahil, kahit nasisigawan ka minsan, natotoxic ka, kahit madaming pasyente.. masarap.. masaya.. kahit nakakapagod. Kahit walang kain, inom o upo minsan.. masarap pa din sa pakiramdam.. dahil sa pagtatapos ng isang shift ng isang nurse, may mga buhay kang nasasagip, natutulungan, pamilyang nabibigyan ng pag-asa, mga kaibigang kapwa nurse na natutulungan o napakisamahan at bagong kaalamang natututunan. Pero ang pinaka nakakagaan ng loob sa lahat ay ang marinig ang mga salitang “SALAMAT SA ‘YO NARS” mula sa mga taong di mo halos kilala, mga pasyente.. mga kapamilya ng pasyente.. na maaaring di mo na ulit makita sa muli mong pagpasok..

 

Marinig mo lamang sa isang pasyente ang mga salitang yan.. napapawi na halos lahat ng pagod, inis, at katoxican mo sa araw na na ginawa ng Diyos..

 

Iba pala talaga ang propesyong ito.. di lang propesyon kundi isang vocation..

 

“Siguro ito nga talaga ang calling ko.. ang pagpilit sa ‘kin dati ang naging instrumento ng Panginoon para kunin ang kursong ito.. ito siguro ang misyon ko.. ang maging bahagi ng buhay ng bawat tao.. sa loob at labas man ng ospital..”

 

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in: