Buhay-Saudi

Photo courtesy of http://arabnews.com

Photo courtesy of http://arabnews.com
Madami na kong nababasang blog about Nurses. Kaya ngayon naisipan kong gumawa din ng sarili kong article at i-share ang experience ko dito sa Saudi.

Kumuha ako ng kursong Nursing sa hindi malamang kadahilanan basta ang alam ko lang gusto ko maging isang NURSE. Sabi ng mama ko kahit daw nung bata pa ako yan ang laging kong sagot pag tinatanong ako kung ano daw ang gusto ko paglaki ko. Naalala ko nung ako’y grade 4 pa lang, dun ako nag decide na ang kursong kukunin ko ay NURSING. Tinatanong nila ako bakit daw ‘yun ang kukunin ko, hindi ko alam ang isasagot ko basta yun ang gusto ko at ang gandang tignan ng naka suot ka ng puting uniporme. Hanggang natapos ako ng highschool. NURSING ang kinuha ko.

Natapos ko ang kursong Nursing sa saktong taon (4yrs), nagtake ako ng board exam at sa kasawiang-palad, ako ay bumagsak pero di ako sumuko at kumuha uli ako.Sa ikalawang pagkakataon, ako ay pumasa na. Porsigido akong makakuha ng experience para makalabas ng bansa dahil alam naman nating lahat na mahirap makapagtrabaho sa hospital lalo na kung wala kang MALAKAS NA BACKER. Sinwerte naman ako at nakapasok sa isang pampublikong hospital malapit sa amin, yun nga lang as a VOLUNTEER. Dedma lng, basta makakuha experience. Di rin ako nagtagal, limang buwan ang tinagal ko sa ospital na yun. After ng pagvovolunteer, ako ay nagapply-apply sa mga agency. Hindi ko alam kung swerte ngang matatawag ang oppurtunity na aking nahanap. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay pumanaw ang aking ina. Napaisip ako kung ang pangyayari bang ‘yun ay hadlang sa aking pag-alis. Isang buwan ang nakalipas, tumawag uli ang agency, at ayun nga tinuloy ko ang aking application hanggang ako’y naka alis ng bansa.

Napunta ako sa isang bagong clinic kung saan lahat kami bagong salta dito sa Saudi. Ayos pa naman ang lahat noong mga unang buwan. Lahat kami dito ay Pinay at sabi nga, dapat ang magkakalahi ay nagkakasundo at nagtutulungan. Ilang buwan ang lumipas at kami ay din ay nag kasundo-sundo. Kung sa trabaho, walang problema dahil madali lang at petiks kumpara mo sa Pilipinas. Saan ka nakakita ng sumasahod ng bente mil kada buwan na naka upo ka lang at naghihintay ng pasyente? Kung may pasyente man sisiw lang lalo na kung galing ka sa pampublikong ospital sa Pilipinas. Simpleng ebra(injection) lang dinadala pa sa E.R. hindi tulad sa Pinas duguan talaga. Ngunit ganun pa man sadyang may mga taong di makuntento sa kung anong meron sila. Puro reklamo: reklamo dito, reklamo dun na kung tutuusin di naman karekla-reklamo. Napatanong ako minsan sa sarili ko, ano bang mahirap sa trabaho namin at puro sya reklamo? Nagpunta kami dito para magtrabaho, di para maki pag-chat lang sa BF, magpahinga sa kwarto, at mag-astang employer o amo. Ganyan kahirap dito sa Saudi, ang masakit pa dun kapwa mo PILIPINO ang nagtatraydor sa yo. Ayaw magpalamang gusto laging lumalamang. Yun lang ang pasakit sakin dito sa Saudi…ang mga Pilipinong kasama mo.

Minsan sa aming paglabas may mga nakilala kaming ibang Pinay nurse na nakakwentuhan namin tungkol sa aming mga trabaho. Bigla kong nasabi sa aking sarili “salamat Lord kasi swerte pa din kmi”. Akala ko nung una, napakamalas ko na dahil sa ganito ako napunta maliit lang ang sweldo kumpara sa ibang clinic at opital dito pero nung nakausap ko ang isang Pinay na yun laking pasalamat ko talaga. Mabait ang employer namin kahit medyo mahigpit sa paglabas-labas namin pero pagdating sa pangangailangan namin, bigay agad. Magandang accommodation, internet connection, heater, aircon at kung ano ano pa. Sila ni TV wala, wala ring connection at ang tangi lang nilang nagagawa para makausap ang mahal nila sa buhay ay pagsagap ng wifi sa mga doctor. Wala ring aircon, electric fan lng. Kaya masasabi ko pa ding maswerte kami kahit pano. Ang di lang talaga maganda dito ay ang mga kasama mo. Masakit sa loob kasi kami-kaming Pinay di nagkakaunawaan, pataasan ng ihi, payabangan, at pagalingan. Ganyan dito sa Saudi, ika nga nila swertihan ang pagaabbroad. Kung papapiliin ako ngayon kung san ko mas gusto, mas pipiliin ko pa din ang Pinas. Kung may trabaho lng sa Pinas malamang baka umuwi na ako. Malapit sa pamilya,kaibigan…. Sabi nga ,THERE’S PLACE LIKE HOME…. .

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • Thank you Tinay for writing this, paalis na me sa 18 kaya tiyempo na nabasa ko ang article mo. Maraming salamat sa pagbahagi at tama ka always remember the blessings.

  • sad to know that this is the reality – filipinos must help one another

  • alvinism

    There’s no place like home 🙂

    • alshayam

      Hanggang ngayon ba ung sahod mo ganun pa rin? Ang baba naman,private clinic or gov’t clinic ba? Kc pag sa MOH kahit sa clinic hindi bababa sa 3000 SR ang minimum at 6000 SR ang maximum, depende sa experience mo. Mas magaan ang trabaho sa private clinic kaya cguro ganun. But if I were you apply ka sa gov’t hospital dito sa Saudi para mas mataas ang sahod, lalo na sa mga Military Hospitals, kahit sa OPD ka lang ma assign… kc b akit kailangan mo pang mag abroad kung 20 mil lang sasahurin mo? Sa MOH every 10 months ang vacation with free ticket, free food, transportation and accomodation, with TFC and yearly salary increase. Sa military hospital like National Guard every 6 months ang vacation with back and forth paid tickets, excellent accomodation, free transportation, with sports facilities and grocery store inside the compound and with TFC, yearly contract and yearly salary increase and recontracting bonus… and pag sa especial area ka na assign like ER or ICU + 1500 SR specialty pay aside sa basic salary mo, may cost of living allowance ka rin na ma re receive, with high standard and quality care.

      • Dr Jean

        Sister, sabi nga nya swertihan lang at mas hamak syang maswerte sa karamihan which is totoo yon. Hindi lahat maswerte na nakakapagwork sa MOH. Ang importante sa ngayon ay maayos ang lagay nya at sumasahod on time. Been working here in KSA for more than 10years as a Medical Dr at totoo ka Tinay, minsan may mga kababayan talaga tayo na di masaya sa kapwa nila.Kahit sa work place namin mas gusto ko pang kasama ang ibang lahi bec I get the respect I deserved.

      • Elmer

        Kaya po sya nag-apply abroad kahit maliit ang sweldo kasi nga po mahirap makahanap ng trabaho sa Pilipinas. Maraming kakompetencya. At para makahanap sya ng mas malaking sweldo ay kailangan nya muna magkaroon ng malawak na karanasan (experience.) Tama, ka sister, suwerte ka na sa kalagayan mo ngayon. Kaya konting tiis pa. Regarding sa kapwa natin Filipino, ganyan talaga.. kahit ibang lahi hinde naman sila magkakasundo lahat so dont expect na magiging harmonious relationship mo sa LAHAT ng Pinoy kasi kanya kanya din tayo ng personality. =)

        • Dr Jean

          at saka sa totoo lang ay di mo kikitain ang 20T sa Pinas w/ out taxes tapos w/out much experiences pa.Tama yan sister, after ka makatapos ng contract mo at least may iba kang options and this time mas madali ka ng makapamili ng aaplayan at meron ka ng dalang employment certificate.

          • ceejay

            20k per month is not bad,depende na sayo yon kung magastos ka ba o hindi. kesa tumambay at ma-depress ka sa Pinas dahil wala kang trabaho, bakit hindi di ba?
            masakit mang isipin pero totoo na may mga kababayan talaga tayong mayayabang, lalo na yong sa tingin nila ma swerte sila.last hajj we went to a store to buy some winter clothes, my nakasabay kaming dalawang Pinay na namimili din, i assumed nurses din cla,kasi nakita ko yong suot nyang pambaba is white and she’s also wearing white shoes, although nakasuot sya ng abaya. As a filipino, you should be happy pag may nakita kang kababayan. you know what, pinaringgan pa kami…the girl said ” ay mga katulong pala”, hello teh! kung mga katulong man kami kung katulong nga kami, ano masama sa trabaho nila!? Pinay ka ba? naturuan ka ba ng ethics nong nasa school of nursing ka pa?
            nakakahiya na may isang pinay na katulad mo.

      • nurse of God

        Miss ko palagi ang pamilya ko, kahit every year ang uwi ko. 6 months ang uwi… wow.. yan ang gusto ko..para makita ko family ko..twice a year!!! Saan ba ang agency ng National Guard na yan… at apply ako pag-uwi ko!! Salamat!!! E.R nurse po ako noon at now working ako as EMS as paramedics sa middle east!!! Gusto kong bumalik ulit sa E.R as a nurse. salamat!!!

        • sarj

          davis international sa edsa tapat ng mega mall or sa phhs sa makati.. 2 lang sila sa mga agencies ng nat’l guard.. just got a call from davis kanina.. nakakapanghinayang na kailangan ko i turn down dahil nakapag sign na ako ng contract sa ibang hospitals.. mejo matagal din kasi bago sila nag hire.. you can try..;-)

  • sarj

    electric fan lang sa saudi!? eh pano kung summer?? grabe parang oven na yun.. ganun nga talaga.. madalas nga kung sino pang mas matanda sila pa ang mas nanggugulang or di kagandahan ang ugali..what i did was i saved enough money na pang placement at panggastos and finished the contract.. habang tinatapos mo contract mo pag dasal mo nalang sila:D tapos try na sa ibang hospitals.. di naman yata mawawala mga ganung tao.. mas masarap sana sa pinas pero pag wala na ulit pang gastos kating kati ka nanaman na mkaalis ng bansa:(

  • Ajnag

    Isa din akong OFW, nars din sa isang pribadong Hospital sa Saudi.. kakauwi lang dito sa Pinas (sa wakas nakauwi din, Salamat sa Philippine Embassy-Riyadh sa tulong). Tumpak.. Tatak na yata ng mga pinoy ang pagiging “UTAK TALANGKA”. May mga pinoy/pinay na napapalapit lang sa employer nagiging ugaling banyaga na din. Ang malupit sa napuntahan ko walang sistema ang palakad magugulat ka nalang may bagong patakaran o memo na pala ng wala kang kamalay malay. Ikaw ang magbabayad ng IQAMA o resident permit mo yearly mahigit kumulang 795SR (huhulog-hulugan yun sa employer) samantalang sa pinirmahang kontrata mo sa pinas ang employer ang magbabayad non. Mag-mageexam ka ng Saudi Council at ikaw din ang magbabayad 1,190SR (hulog-hulugan ulit sa employer ang bayad at BLS-350SR. Maliban sa binayaran kong 13,000 pesos sa agency as placement fee, pagdating sa Saudi may binayaran pa kaming 1,000SR additional sa placement fee (labas pa don yung processing fee at visa fee don) kakaloka sa bayarin noh? 28,000 yung placement fee in total tapos ang sahod mo 20,000 pesos. Eto pa ang “HEADNURSE” namin e midwife at Nurses Notes by RM o db?? bakit nga ba walang Midwifes notes para don sila mag note?? (hindi naman sa pagbaba ng tingin sa mga midwife.)pero kung ikaw ay isang nars maiinsulto ka. Wag na nilang pangarapin na mapunta sa pinangalingan ko , baka pagdating mo palang don parang gusto mo ng UMUWI kaagad. Kung nagpaplano kayong mangibang bayan para magtrabaho siguraduhin nyong malakas ang loob ninyo.. Paalaa sa mga first timer INGAT mga sa pag-aaplyang agency.

    • Dr Jean

      Mas maganda sister sabihin mo kung saang agency ka nag apply sa atin sa Pilipinas ng sa ganun mas makatulong ka.

      • Ajnag

        SAUDI PLACEMENT ang name ng agency.. Napasara yata xa lastyear pero nagbukas yata sila ulit gamit ang ibang pangalan.

  • Edward

    Very well said!!

  • leah

    tiyaga lang talaga ang kailangan.kahit sabihin ng mababa ang suweldo,basta ok naman ang kalagayan or mabait ang [email protected] sa mga kapwa pinay/pinoy naman na mga maiingitin kahit saan meron nyan.wag na lng silang pansinin.salamat sa pag post sis.tinay graduating na ako this year may idea na ako kung ano ang buhay ng nurse sa abroad.

  • navyduck

    sa mga gustong mangibang bansa wag sanang tingnan lang ang perang suswelduhin kundi tingnan nila ang kanilang sarili kung kaya ba nila ang physical and emotional stress ng pangingibang bayan. hindi lahat eh swerte sa mapupuntahang trabaho. may mga nurses na bumibigay dahil sa stress ng trabaho at homesickness. sayang . kaya sa mga first timers dapat ihanda ang sarili sa buhay at trabaho abroad.

  • kung me tao sigurong swerte eh isa na ako dun SALAMAT SA DIYOS kasi from 1200sr sahod for more than 2yrs ngyon more than 5000sr na dahil naabsorb ang hospital namin ng MOH pero kahit na ganun hindi ako masaya hindi dahil sa sahod kundi sa lugar at sabi nga sa mga kalahi natin na wala na atang ibang alam gawin kundi manira ng kapwa. hayst!!!! now im planning to resign dahil hnd nabibili ng pera ang kaligayan ng tao kahit mababa ang sahod mo as long as masaya at kasundo mo mga katrabaho mo. ngyon puro matatanda nalng matitira sa hospital kung saan ako ngtatrabaho ngyon dahil walng mkatagal n bata dito sa ugali nla tumanda cla ng paurong..

    • Anne

      tama k jan yam, isa dn aqng nurse d2 s saudi under moh..im so lucky coz i got good salary but what makes me think to exit is the place and people around me here.. i love being a nurse pro d aq masaya s trabaho q d2 and dun m nlng mare2alize n may kulang p rn and money really can;t buy hapiness…

      • ksa83

        i am a male nurse here in saudi. O/R tech ang work ko here since OR area ako sa pinas. Kakatuwa nung una kasi nasaisip ko RN ako d2..d pala! hehehe….una mahirap magwork since ka work mo n pinoy e mga nurse tapos ikaw hindi. tinanggap ko ang offer kasi need nga may pinapaaral ako (until now) at masaya ako dahil napatapos n rin.Ganyan talaga may mga utak talangka na mga pinoy.

  • DClethal

    guys meron ba kayong alam na agency that has a good standing for hiring Nurses to Saudi na tumatanggap ng walang hosp. exp… I only have hospital trainings & seminars lang kasi… BTW male po pala ko & 24yrs old… Any inputs would be greatly appreciated…

    & ok ba magwork in a poly clinic, meron kasi akong agency na napuntahan which hire Nurses to SALAMAT POLYCLINIC – Hail, KSA

  • pinkee

    we cannot have it all. we can only be just like you…COUNTING THE BLESSINGS…just enjoy your stay…sabi nga nila…arimuhanan din yan…:-)