Bukol Tales

Bumps on the knee (Photo credit: blog.garymolle)
Bumps on the knee (Photo credit: blog.garymolle)
Bumps on the knee (Photo credit: blog.garymolle)
Bumps on the knee (Photo credit: blog.garymolle)

Ilang minuto na ang nakalipas matapos akong malaglag sa duyan. Sa damuhong duyan.

Habang tinitingnan ko yung sugat dahil sa pagkakahulog ko, naalala ko Ang kabataan ko. Madalas akong madapa o di kaya ay malaglag sa kinalalagyan ko. At habang inaalala ko, naramdaman kong biglang kumirot yung hapdi sa bagong sugat sa tuhod ko. Sh**, ngayon ko lang ulit naranasan ‘to. Hapdi, ang tanga ko! Napangiti ako. Naaala ko nung nadapa ako sa harap ng mga college friends ng pinsan ko, siguro mga tatlong taon o apat pa lang ako. Yung peklat nun kasi, katabi nung bagong sugat ko.

Naalala ko pa nung naglalaro kami sa puno ng chico, habang naglalambitin na parang unggoy, dalawang kamay sa sanga, sinisigaw na isa ako sa mga Power Rangers, AKO SI PINK RANGERRR! Nalaglag ako  ng padapa, nakaharap sa lupa. Mabuti na lang na bagong tambak ng buhangin yung binagsakan ko. Pero may tatlong bukol sa noo at siguro mga singkwenta pirasong buhangin na medyo bumaon sa muka ko. Umuwi ako, hindi naman ganoon kasakit kaso natatakot na baka mapagalitan kaya umiyak ako. Pagkita ko sa nanay ko, tinanong ako, nag-aalala. Back up ang kuya at pinsan ko, sinabi namin ang nangyari. Nung tiningnan niya ang mukha ko, hindi niya napigilan sarili ang niya, tumawa siya ng BONGGANG BONGGA!!! Eh ‘di ayun, nagtawanan kaming pare-pareho. Pero ang bukol ko, tatlo. Itanong mo kung paano naging tatlo, malay ko! Tapos kinantahan nila ako: “miss palakol tatlo bukol!

Hay, ang bilis ng panahon. Noon sugat lang sa tuhod ang kinatatakutan ko, mahapdi kasi, lalo na pag nagnana. Ngayon, iba na. Mga ilang beses din akong nadapa nung matanda na ko, umiyak, nagwala, muntik nang mawala. Parte din siguro ng buhay yun. At least naranasan ko yun sa panahong kailangan kong matuto. Kaysa naman pag 30 years old na ko ako magloko, tama? Pero sa mga sumunod, keberlu, hindi na. Tatlong kembot tapos na! Siguro kasi alam ko na yung trick. I’ve learned from those. And I am glad that I’ve been through it kasi dadalhin ko yun buong buhay ko. Kung may bagay man akong natutunan, yun yung magpakatatag ka at lumaban ka ng tama – para sa sarili mo, para sa mga nag mamahal sayo. Alagan ang sarili kasi inaalagaan ka nila. Babangon ako ng paulit-ulit hanga’t nandito sila sa tabi ko.

Grabe ‘no? Noon kailangan mong umiyak para makita nilang nasaktan ka. Ngayon, iba na. Noon puro pisikal, ngayon iba na. Siguro patunay na habang tumatanda tayo ay lumalaki yung mundo, hindi na lang puro sa laro. Bumibigat din yung mga hamon na dapat nating lagpasan. Responsibilidad na dapat gampanan. Natututo tayo sa buhay, sa iba’t ibang karanasan, sa iba’t ibang paraan. Nasa atin na siguro yun kung saan natin ito gagawing dahilan.

Ang bilis ng panahon. Kagabi ay nagpunta kami sa Side’s Strip ni Mai. Isa yong para bang “Timog” ng Cabanatuan. Naalala namin, parang kailan lang pumupunta kami dun after lang ng high school prom. Ngayon, iba na. Iba na ang mga bar at iba na din kami. Madami nang mangyari. May anak na siya, ako nakadami na. Noon ang iniisip lang namin kung saan kami magka-college at anong course. Nung college na kami, tambay pa din dun, iniisip kung anong gagawin next week, sa party, sa sem break. Ngayon, iba na. Siya, paano na pagdating nila sa Amerika. Ako, kung saan talaga pupunta.

Tatlong taon simula ngayon, ano kaya kami? Saan na kaya ako? Sila? Ire-renew na lang ulit ang lisensya? Kung mabilis ang panahon, kailangan ko ding bilisan. Baka kasi maiwan. Ewan, hindi natin alam.

Sa ngayon ang masasabi ko lang, ang sakit ng tuhod ko. Ako si Pink Rangerrr!

Jusko.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in: