Chico

Nurse (Photo Credit: prerequisitesfornursinginfo)
Nurse (Photo Credit: prerequisitesfornursinginfo)

Oras na naman ng aking duty.  Salamat sa Diyos maaga akong nagising at s’yempre dahil doon, maaga rin akong pumasok.

Nurse	 (Photo Credit: prerequisitesfornursinginfo)
Nurse (Photo Credit: prerequisitesfornursinginfo)

Graveyard shift ako. Nakababangag ang ganitong oras ng trabaho. Yung tipo bang tapos na ang araw ng mga kasamahan ko habang ako ay magsisimula pa lamang. So since magsisimula pa lang, malamang gising ang diwa ko pero dahil wala akong nakakahalubilong tao ay aantukin din ako. Alam mo ‘yon, yung pakiramdam na lutang sa ere.

Pero bago muna ako maging gaoon, sy’empre re-fill muna ng mga gamit sa ER para mayroong magamit. Although hindi naman talaga totally out of stock, ganoon talaga, routine na ‘yon ‘pag night shift. O ‘di kaya mag-gupit ng cotton and gauze para mayroong magamit ‘pag mag-d-dressing. Hindi rin mawawala ang responsibilidad sa autoclave, papatayin tapos patutuyuin ang mga instruments. Wala masyadong pasyente ‘pag ganitong oras, pero depende rin. Minsan kasi blockbuster din, pero minsan zero talaga.

Pinagtataka ko lang sa mga tao dito, kahit simpleng ubo lang, susugod sila sa sinasabi nilang ‘ungodly hour’ para lang magpatingin sa doktor. Mga tao nga naman kasi dito, konting kirot ay emergency na sa kanila tapos pagdating nila dito sa clinic parang mamamatay na ang pasyente na kelangan matingnan na agad ng doktor. Yung nakakainis pa, nakikita nga nilang mayroon kang ginagawa e aabalahin ka nila, nag-i-improve tuloy ang pagiging suplada ko… my bad.

Eh ‘di yun nga, night shift. Sa kasamaang palad, on call ang doktor namin kasi nag-bakasyon ang isa sa tatlo. So kami lang dalawa ng receptionist. ‘Pag mayroong pasyente, tatawag ang receptionist tapos tsaka pa lang bababa ang doktor. ‘Pag walang pasyente at tapos na ako sa pag-re-fill o ‘di kaya tinatamad pa ako na mag-gunting ng cotton and gauze ay nanonood ako sa aking cellphone.

Saktong nanonood ako ng pelikula nang dumating ang aming receptionist, iniaabot ang susi kasi aalis raw siya. My goodness! Alas kwatro po ng madaling araw ha! Hindi daw kasi pumasok ang receptionist na pang-hapon so pinapasok siya ng maaga. Busy hours kasi kaya kailangan ng receptionist. At ngayon na na-kompleto niya ang walong oras ay aalis na siya. To wrap things up, ako lang mag-isa dito sa clinic! Sinabi ko yun sa recptionist, sabi naman niya wag daw akong matakot. sinabihan naman daw niya yung kaibigan niya na security guard sa katabi namin na grocery store kaya ok lang. Tsaka dati naman, mayroong pagkakataon na whole week akong nurse/receptionist/security guard kasi walang receptionist dahil nag pang-hapon siya. Although mayroon akong kasamang doktor,  tulog naman. Akalain mo ‘yon?

Going back,  umalis na nga ang receptionist namin. Ipinagpatuloy ko ang panpnood habang nakaupo sa black sofa. Sa pwesto na ‘yon, nakikita ko kung mayroong papasok pero hindi nila ako nakikita. Makikita na lang nila ako ‘pag lumagpas sila sa reception. After five minutes, mayroong dumating na dalawang binatilyo: isang mukhang matino at isang mukhang lasing. Since nasa lugar ako na ako ang banyaga pero ang salita nila ang banyaga sa akin, hindi ko sila maintindihan na kung anu-ano pa ang pinagsasabi noong mukhang lasing. Lasing nga ata yung tao, namumula ang kanyang balat, and his veins were dilated. Naging pasyente na namin siya dati eh, pumunta siya para sa so-called-flushing tapos siguro pagkatapos ng tatlo o apat na pag-bisita niya ay pinatingnan ang kanyang ihi. Dahil nga sa hindi ko sila maintindihan, sabi ko mag-antay lang sila. Tumayo ako papunta ng reception para doon ko tawagan yung receptionist namin upang pabalikin siya dahil nagsisimula na akong kabahan. Nangatog ang katawan ko nung nalagpasan ko iyong mukhang lasing, amoy alak nga siya. Walang hiya lang! Buti na lang nandun sa grocery store yung receptionist namin nung tumawag ako sa kanya. Nangangailangan daw pala sila ng x-ray. Kaya pala ipinapakita ng lasing yung kanyang knuckles na mayrong maliit na bukol. Naku, baka kung ano na namang kalokohan ang ginawa niya. Mayroon nga ding pagkakataon na dumating siya sa clinic na mayroong gasgas sa kanyang braso. Take note it was day time. Pinalayas nga pala ng receptionist namin ang mga lalaking ‘yon. Wala rin naman kasi yung hinahanap nila dito. Mayroong x-ray machine pero walang technician, parating pa lang. Pero pag night shift ay malamang walang duty ‘yon. Sabi pala ulit ng receptionist bago siya umalis, huwag daw akong matakot. Goodnessgracious lang naman! E mas takot pa ako sa lasing na tao kesa sa askal. Yung askal pwede kong gawaan ng kahit ano na hindi ko ikasasama, pero yung taong lasing baka mas malaki pang problema ang idulot niya.

Habang nakaupo ako sa sofa, taimtim akong nagdasal sa Ama. Alam ko naman na hindi niya ako pababayaan pero hindi ibig sabihin na hindi din dapat ako humingi ng tulong sa Kanya. Nag-text ako sa dalawa kong kalahi na nasa taas kahit alam ko na tulog sila para lang alam nila kung ano lagay ko just in case mabasa nila text ko. Same building lang kasi ang clinic at accomodation namin eh. Nag-reply naman iyong isa kong kasama. Binigyan niya ako ng idea kung anong gagawin. Napagupit tuloy ako ng cotton and gauze kahit mayroon pang stock. Dahan-dahan lang ako sa pag-gugupit para lang pampalipas oras. Lagi nga akong tumatanaw sa labas kung meron na bang liwanag, kaso liwanag na dulot ng bumbilya ang nakikita ko. Late na sumikat ang araw, mga quater to seven tsaka pa lang talagang lumiwanag.

Going back sa security guard ng neighboring grocery store, pumunta lang siya sa clinic upang makigamit lang  ng banyo kasi magdadasal siya pero siguro tumatanaw naman siya noong andoon siya sa kabila.

Sa wakas, nine o’clock na. Mayroon na akong kapalitan. Ganitong oras ulit ang pasok ko mamaya, huling duty ko sa ganitong shift for this week kasi ikutan kami.

Actually, over time kasi Friday eh. Wala akong off this week. Kapag nagkataon ulit na wala na naman akong makakasama, naku, aakyat ako at ako ay matutulog kung gano’n. Mahirap na ang mag tapang-tapangan lalo na sa lugar dito.

Ay, oo nga pala. Ngayon ang unang araw ng simbang gabi. Hmmmmm… Nakaka-miss ang simoy ng pasko sa atin. Kadalasan sa ganitong pagkakataon nakakasama natin ang mga mahal natin sa buhay. Sabay-sabay natin sinasalubong ang pagdating ng kaarawan ng Anak. Minsan, ito din ang pagkakataon kung saan nagtitipon-tipon tayo ng ating mga kaibigan, kwentuhan sa mga nangyari sa ating mga buhay habang umiinom ng medyo mapait na inumin. Isa o isa’t kalahati ay ayos na, kasi kapag naka-dalawa e baka swaying na pag-uwi. Hatiran kapag uwian na, tapos matutulog na.

Ito ang isa sa mga pagkakataon sa buhay na ang aking hininga ay amoy… chico. Maligayang pasko sa disyerto.

auhor: meessy

p.e./kf

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in: