Dream on… Young Florence!

Isa ka bang rehistradong Nars at walang trabaho o di kaya ay nagtratrabaho ng mga bagay na taliwas sa ating propesyon?? I know how you feel, let us talk about it.

Gusto ko lamang ibahagi ang bagay na naglalaro sa aking isipan habang nandito ako sa ibang bansa at kasalukuyang naghahanap pa din ng paraan upang tuluyan kong magamit ang ating propesyon….. Noong una, naisip kong magvolunteer na lamang, kumuha ako ng pagsusulit at nakapasa upang maging volunteer sa isang pampublikong ospital. Sa aking unang mga araw, napag alaman ko na may mga nars na hindi pa nabibigyan ng trabaho kahit  halos ilang taon na sa pagvovolunteer sa nasabing ospital, kaya naisipan kong magpaalam at huwag ng ituloy. Isipin mo kabaro, Nagpagod ka ng libre (alam kong ginagawa mo ito dahil mahal mo ang propesyon at ang iyong pasyente) tapos makakakuha ka ng kaalaman (at cerftificate of volunteeerism) pero hindi naman ito tatangapin ng iba pang ospital bilang katunayan na ikaw ay isang experienced nurse na. Kapalit ng certificate mo ay inaalisan mo ng tyansa na magkaroon ng trabaho ang iba pa natin kabaro na may isa o dalawang taon ng experience dahil mas gugustuhin ng mga ospital ang tulad mong handang magserbisyo ng libre para sa kanila.

Sumunod naman ay ang pagaapply sa programa ng pamamahalaan, kung saan ikaw ay bibigyan ng 1 taon na trabaho bilang nars at sa wakas may sweldo. Nakapasa sa pagsusulit subalit di pinalad sa huli, bakit?? dahil sa bulok na sistema Companyero System ika nga, sana lang ay magkataon na dedikado ang mga Nars na naipapasok nila sa mga institusyon. Naging nars ako sa isang paanakan, may maliit na sahod subalit masaya ako sa aking ginagawa at mababait ang aking kasama. Kung hindi lamang dumating ang oportunidad na makapaghanap ng trabaho dito ay hindi ko din iiwan yun. Nais ko lang ipaalam sa inyo na, I know how you feel, wag tayong sumuko at kung may puso tayo sa pagiging isang Nars, alam ko magtatagumpay tayo. Nasaang panig ka man ng mundo, ano man ang trabaho mo, sa puso at isipan mo ikaw pa rin ay isang Nars.

*Keep on pursuing your dreams until dreams come true*

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • alhen patrick villena

    right! its all about never givin in. 🙂
    we never give up!
    its all about who wants the most…