Experiencia de Kalabaw

CRN (Photo credit: topappreviews101)
CRN (Photo credit: topappreviews101)
CRN (Photo credit: topappreviews101)
CRN (Photo credit: topappreviews101)

Sabi ng nanay ko, gwapo daw ako. Sabi ng syota ko, cute daw ako. Sabi naman ng kapitbahay kong tsismosa, mukha daw akong talangka. Kahit si Zeth na aking kaibigan ‘yun din ang sabi. Potek, sino ba paniniwalaan ko? Ang nanay kong mahal na mahal ako na pati brief ko eh gustong siya ang maglaba, ang syota ko na karamay ko sa lahat ng oras na anuman daw ang mangyari ay “hindi kita iiwan at mamahalin kita, MAGPAKAILANMAN” o ang kapitbahay naming tsimosa at si Zeth na “AKING KAIBIGAN” na napakadaldal at sobrang panatiko ni Vice Ganda? Ah basta, ‘di ko na lang iisipin kasi nakakatamad kayang mag-isip tsaka hindi naman about d’yan ang topic ko ngayon eh.

‘Pag CRN ang pinag-uusapan, hindi mawawala sa eksena ang tawa ni Tikboy na parang chipmunks at actions n’yang hindi mo alam na meron pala s’yang itinatagong kabalbalan tapos pariringgan ka pa ng mga jokes at banat niya na hahagalpak ka talaga sa katatawa.

(*^&): “Unggoy ka ba?
(:’;’): “Hindi, bakit?
(*^&): “Wala lang, naninigurado lang.”

At sino bang makalilimot sa kamoteng ito na kapag may nagra-ratio eh biglang tatayo sa upuan niya na may kunot noo na nakataas ang mga braso’t kamay habang unti-unting nagdidilim ang paligid at sabay sasabihing. “HINDI SEEEEEER!

Dear ate Charo,

Tawagin mo na lang ako sa pangalang Mayta. Mayta po, kasi “mayta maytaba” po ang taguri sa akin ng mga kamag-anak ko, malamang po ay hindi ako payat ‘nun.

Ate Charo, nakilala ko ang lalaking pinakamamahal ko noong panahong nagre-review ako sa CRN. Kasing tangkad at kulay ni Richard Gomez at kawangis ng noo ni Joey Marquez. Napaka-hot po n’ya, kung baga sa sili eh isa talaga s’yang labuyo “LABOYO TALAGA, CLASS!” (in tone of atty. Taverner).

Ang tropang mga taga Sta. Monica na kapag sira ang elevator at sabay-sabay ngsisipagakyatan sa CRN na kahit malayo pa naman ang valentine’s day eh parang kinikilig ang building. Pag 3 o’clock na ‘wag na ‘wag mong kalilimutang lumingon sa likuran ng room at matsaga mong obserbahan si Mommy Con, sigurado mawawala ang antok mo. Pero ‘wag ka kay Mommy Con, nagustuhan ko ‘yung payo mo niys sa amin nung nagkita kami kina Chinney. Salamat po! Teka ano po ba ‘yung nakita namin nina Raph at Carla na parang twalya sa dorm niyo ‘nun? Kung si Asiong Salonga ang hari ng Tondo eh si Chinney naman ang Princess of Wales ng CRN dahil s’ya ung tipo na kapag nakita mo ay kahit ang mga langaw at bangaw eh magba-bow at sasaludo sa kanya o dahil siguro sa rhyming words.

Si Celine na may makalangit na tinig ba at laging tulog katabi ni Raph, si Mitch na may mangingibig na seaman, si Glenna na may lihim na pagtingin pala kay sir Jojo, si Lalaine na cute at crush ata ni Goyal. Speaking of Goyal, ‘nung bago mag-xmas party sa CRN sino bang makalilimot sa mga eksena niya na walang nakuhang matinong regalo kundi ung gravy na may bente pesos sa labas para lang masabi ng nagregalo na bente nga naman ang binigay niya. Buti pa ako, sa mismong tindahan ni ma’am Dess ko binili ‘yung iniregalo ko para sa kanya! May nagregalo ng sabong panlaba. Hindi pa natuwa, niregaluhan pa si Dada ng Clorox. Tsk! Si Dada na master ang Tuberculosis kasi “disease” n’ya daw ito, este… “thesis”.

Hay! Grabe na ang sobrang pagkaburyong sa bahay. Sa bagay, masarap ang walang ginagawa kasi marami kang nagagawang wala. Kung mas kumapal pa ang lupa ng sampung talampakan ang balat ng lupa ay mawawalan ng oxygen dito sa mundo.

Tabingi ang mundo para magkaro’n ng iba’t ibang panahon. Hmmm.
Ang periodic table pala ay hango sa sa popular board game na scrabble?
Tapos sa United States daw kada taon ay may 625 na tao ang nakikidlatan habang ang Hawaii ay palapit naman ng palapit sa Japan ng 4 in kada taon. >.<
Ang katawan ng tao ay may 62,000 miles ng blood vessels na kapag inilapat mo ng dulo sa dulo ay maaari mong ikutin ang buong mundo ng 2.5 na beses.
Maaari ka pa ring magkaroon ng erection kahit na patay ka na, “angel-lust “ ang tawag dun.
Ang mga hayop ay puwedeng mag self-explode as their self-defense mechanism.

Talagang maituturing na Nostalgia Maynila ang nangyari sa CRN. May mga nagligawan at naligaw. Speaking of ligawan, si Luther na isang napakamagiNOOng lalaki kung maituturing natin, ay isang araw bago mag-board exam ay nagpunta sa kanilang church ng Mormons bandang QC. Tuwang tuwa ang mokong dahil makakasama daw aniya ang kaniyang mahal na ina. ‘Eto ang kwento, nang papauwi na s’ya habang nag-aabang ng masasakyang bus gamit ang kanyang mayabang na tindig at mapanuring mga mata na animo’y alam na alam niya ang daan papauwi ng kanyang dorm, pumara ng bus na may karatulang UE Letre habang taas NOOng sinabi nya sa konduktor na “Mama, pakibaba po ako ng UE” na noon ay akala n’yang UE sa Espanya, Maynila na habang relax na relax at kampanteng-kampante sa kanyang pagkakaupo, nagpapatugtog ng mga musika n’yang ‘Oh, ilaw sa gabing madilim at Bawal na Gamot’ na pikit-pikit pa sa kanyang pagkanta. Hanggang sa pagmulat ng kanyang mga mata ay napansin n’ya na “Parang wala ata ‘yung mga palatandaan ko dito ah.

Haaay nakatutuwa na nakaiiyak. Ang sarap balik-balikan ng lahat ng mga masasayang ala-ala natin sa CRN. Siguro dahil binabalik tayo nito na kung saan ay pawang pag-aaral lang ang ating aatupagin at wala anumang problema at sasagupain sapagkat gusto natin at ng ating mga magulang ay mag-focus lang tayo sa pag-aaral at ipasa ang board. Ngayon, habang naghihintay ng resulta exam ay nag-iisip na rin kung ano ang ating magiging kapalaran sa hinaharap. Sa maikling panahon ng pagsasama-sama natin sa CRN ay napakadami nating natutunan at naranasan. Lungkot, dalamhati, tampuhan, kasiyahan, tuwa, paghagalpak sa katatawa katulad na lang nung marinig natin ang wagas na utot ni Dora. Ang inosenteng ngiti ni Dennis at mapang-akit na tawa nina Thata at Raph. Salamat sa inyong lahat, salamat sa lahat ng ngiting babaunin natin saan man tayo magpunta.

Ilang araw mula ngayon ay makukuha na natin ang matagal na nating pinaghirapan, ang mga pinagtsagaan at pinagpaguran natin kasama ng ating mga magulang. Dalangin ko sa ating Panginoong Dios na lahat tayo ay Kanyang basbasan at pagpalain anuman ang maging kalalabasan ng ating pinagpaguran. Nawa’y lahat tayo ay magkaroon ng maayos na pamumuhay at payapang pag-iisip. Nawa, lahat tayo’y magtagumpay sa ating piniling kapalaran. Gabayan nawa Niya tayong lahat sa anumang daan na ating tahakin at tanging ang Kanyang kalooban lang ang masunod.

Kung sakaling ipagkaloob ng ating Panginoong Dios ang muling pagtatagumpay sa pagkakataong ito ay tulungan Niya tayong tuparin din natin ang lahat ng ating pinagpanatang obligasyon na ating gagawin para sa Kanya. Sa Kanya ang lahat ng kapurihan, sapagkat tayo’y mga alipin na walang kabuluhan lamang.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.