First Time Mo?

Mountain dew can
Image via Wikipedia

Dikit-dikit sila habang naglalakad sa hospital, na parang sa oras na maghiwa-hiwalay sila ay katapusan na ng buhay nila. Hindi mo sila mauutusan kung walang kasama, bakas ang nerbyos, kaba at takot sa mukha at mata tuwing may mababanggit ka na medical terms, tipong gusto nilang biglang sunggaban si Pareng Mosby Dictionary at Pareng Mim’s… Kailan ito nangyayari? Tuwing pre-clinicals.

Pre-clinicals. Lahat naman yata tayo dumaan sa punto na takot at ilag pa tayo na maiwan mag-isa sa pasyente, dahil noong mga panahon na yun, the best asset na natin ang kakayahang magbilang ng pulso ng one full minute. Ni hindi pa nga tayo masyadong tiwala sa pagkuha ng blood pressure. Pero habang tumatagal, nadagdagan ang kaalaman natin bilang nurse, lumalawak ang pang-unawa natin kung gaano ba kaimportante ang ginagampanan nating propesyon sa paggamot ng pasyente, pagtulong sa tao at pagpaparamdam ng halaga ng buhay nila. Bakit nga ba hindi natin balikan yung mga panahon na yun, mga nakakatuwang alaala ng pre-clinicals?

(Paunawa: Hindi ko po balak maliitin ang kakayahan ng taong nabanggit, ito ay mga tunay na karanasan noong student ako at naging instructor, na maaaring makatulong at makapagturo sa iba pag nalaman nila)

  • Tinanong ng classmate ko kung ano yung nakahalo sa swero ng pasyente nya, nawindang kasi siya dahil nun nagbreak siya kulay puti na PNSS ang nakasabit, tapos biglang naging kulay yellow green… tinanong nya sa akin kung ano yun, seryoso ang mukha kong sumagot na “Mountain Dew” yun… ending, nilagay nya sa charting nya:

>received patient on bed with IVF of PNSS 1L + 8 ounce Mountain Dew (muntikan nya ko di pansinin buong school year…)

  • Tinanong ng staff kung anong kulay ng swero ni Pt. 1 (ibig sabihin pala nila, yung kulay ng sticker sa swero), sumagot ang CI ko ng pink, D5LRS daw, Pt.2 – light green (PNSS), Pt. 3 – red (D5W), nun ako na tinanong, sabi ko… clear po maam… hehehe…

  • OF feeding namin para sa naka-NGT patient, ng biglang tanungin ng student ko kung masarap daw ba yung kinanakain nya… Tumingin pataas ang pasyente, pinakiramdaman ang dila, nashock marahil… hehehe… ako man nashock sa tanong ng student…

  • May isang lumapit na bantay bandang 9:00 am, pwede na daw bang tanggalin yung nasa bibig ng pasyente, nagugutom na daw kasi… tumakbo ng mabilis ang kaklase ko, sabi nya, “sabi ko na nga ba may nakalimutan akong thermometer eh…” hehehe, nakalimutan nga, tatag ni manong, one hour nakalagay yung thermometer.

  • First time kukuha ng vitals signs ng mga students ko, sabi ko “gisingin ang pasyente at magpaalam kung kukuhanan ng vital signs…” after 15 minutes, bumalik sa akin ang isang student, “Sir ayaw po gumising nun bed 4”, tiningnan ko ang endorsement – Bed 4, Diagnosis: CVA, in deep Coma… sabi ko sa student, try mo yung best mo na gisingin, balik ka sakin pag nagising mo na…

  • Tinanong ko ang isang student kung ano ang meaning ng I and O, “…ahm, intake and out-take?… ahm… out-reach…?….outburst? …out-loud? ah, naalala ko na po… outpost?

  • Inutusan ko ang dalawang lalaki students na “pausukan” (nebulizer) si nanay, dali-dali silang tumayo at pumunta sa kwarto ng pasyente, maya-maya bumalik sila, at nagtanong, “sir, san po pwedeng kumuha ng lighter?”

  • TSB para sa may lagnat, binilin ko sa student na punasan ang pasyente, pero sabi daw ng bantay siya na ang gagawa, binilinan daw nya na punasan every 10 minutes… 9:00 am may lagnat ang pasyente, 3:00 pm 36.5 C na temp, hindi pala tumigil sa pagpunas ang bantay… magilas… ending, hypothermia…

  • Charting:

Student: Vital signs taken and record.

Ako: Pate, hindi “Vital signs taken and record.”, dapat “Vital signs taken and recorded” with ED dapat.

Ending:

>Oral meds given

>Vital signs taken and record with –ED

  • Ilang pamatay na meaning ng acronyms:
  1. NSD – Normal Sesarian (Ceasarian) Delivery
  2. TSB – Towel Soap Bath
  3. D5W – Dextrose 5% Wilkins
  4. LMP – Last Menstrual Plow
  5. AOG – Age of Generation
  6. NICU – Newborn Infants Care Unit
  7. BUN – tinapay
  8. CHF – Common Heart Fails
  9. PTB – Partial Tuberculosis
  10. DHF – Dengue High Fever

Ngayon, subukan nating huminga at unawain ang mga bagay na pinagtawanan natin. Ano ba ang punto ko para ibalik pa ang mga alaala na ito? Simple, upang ipaalala sa atin na minsan, lahat tayo pumasok sa mundo ng pagkalinga sa kapwa natin na di natin alam ang lahat ng ginagawa natin. Na minsan, may mga pagkakamali din tayong ginawa nun una tayong sumubok mag-alaga ng sari-sarili nating pasyente. Na dahil dun, natuto tayo ng tama at dapat. Na dahil dun, matatag tayong humaharap ngayon sa anumang sitwasyon na ibabato sa ating ng ating kapalaran sa buhay ng pagiging nurse.

Nagkamali din tayo dati, imposibleng hindi kahit minsan, dumaan tayo lahat sa pagiging estudyante, kaya sana, unawain natin ang mga estudyante. Bilang staff o mas senior sa kanila, o kahit instructor pa, wag silang sigawan na parang hawak mo lahat ng karapatan dahil may lisensya ka. Tandaan mo na lisensya sa pagiging NURSE ang nakuha mo, at hindi lisensya para manuri ng pagkatao ng isang tao. Turuan sila sa paraang maiintindihan nila, sa paraang hindi sila natatakot at komportable sila… Makikita mo, matututo din sila, kailangan mo lang magtiyagang tulungan sila. Isipin mo na lang kung kailangan mong magmemorize ng isang bagay habang hinahabol ng aso, may matandaan ka kaya? ganun ang pakiramdam ng students kung habang tinuturuan mo sila eh ga-mega phone ang amplification ng boses mo, o signal number 4 ang intensity ng mura mo… Mga ma’am at Sir, dati din po kayong estudyante, dumaan po tayo lahat dyan.

Hindi naman daw masama ang magkamali, at lalong hindi kahinaan ang magkagawa nito. Ang pagkakamali ay isang paalala sa atin ng buhay na mayroon pa tayong iuunlad sa ating sarili. Hindi nga daw maituturing na kahinaan ang pagkakamali, bagkus ang kahinaan ay ang kawalan ng kakayahan subukan ang isang bagay… ang kawalan ng tapang na magpasya at magdesisyon sa isang bagay dahil sa takot mong magkamali… Pero mas tandaan natin, na bilang mga nurse, buhay ang hawak natin. Dumaan tayo sa napasusing pagsasanay, dahil mahirap bigyan ng lugar ang pagkakamali kung aktwal na tayong nag-aalaga ng pasyente. Hindi ito lapis na pwede ulit tasahan pag naputol, calculator na pwedeng bumili ng bago pag nasira o papel na pwedeng ireprint pag may mali. Buhay ito ng tao. Hindi ba napakalaking biyaya ang marinig mo ang unang luha ng bagong silang na sanggol? o magpunas ng luha at pawis ng nagsilang na ina? O ng minsan ay pasalamatan ka ng isang matanda dahil sa pagpapakain mo sa kanya? O di kaya’y pagpapangiti sa isang bata upang mabawasan ang sakit na nararamdaman nito? Bilang nurse, maswerte ka dahil naramdaman mo ang wala ng mas makakahigit pa kasiyahan sa mundo, ang pagsagip ng buhay gamit ang mga kamay mo.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Mga-sulat-kamay 16 Articles
Hindi ko sasabihing ako ang ideal na tao... nagkamali, nadapa, nasugatan, dumugo, umiyak.. tumahan, naghilom, nagpeklat at sinubukang muli... ganyan ako, hindi perpekto, pero at least totoo... mga sulatin na may konting amag, pero 100 % biodegradable at consumable... safe but with little side effects.. Gusto mong magbasa ng iba pa? http://www.facebook.com/mgasulatkamay O click lang sa FACEBOOK link... ^_^..
  • tablet

    oo nga naman, lahat tau ngkakamali, kaya yung mga CI ngayun n feeling nmn nila sobrang galing n nla kung mang down ng istudyante, sna marealize din nila ang mga pgkakamali nila….nagkaroon ako ng CI dati nung na aasign ako sa DR..grabeh sobrang terror nya…kung mkikita ko nga lng uli yun eh, sasampalin ko tlga sya sa mukha nya, ipapamukha ko p sa knya na mas magaling n akong nurse kesa sa knya…

  • babylyn

    love this page..super relate nmn ako dito..ntatawa n lng ako pg binabasa ko to..totoo nmn tlga..

  • armel

    as one of the student nurses here in the philippines, masasabing kong may ibang CI na terror at may iba namang mababait…ako mismo ang nakaranas din sa mga masasakit na salita na binabanat sayo ng CI, eto isasalaysay koh…

    completion duty koh nun sa OR na hindi ko naman pala alam na meron akong schedule for that day nang biglang may tumawag sa CP koh, OR-DR coordinator namin at biglang sinigawan niya koh na “WALA KANG KWENTANG ESTUDYANTE, 440 NA PANGBAYAD SA COMPLETION HINDI MOH MAIBIGAY?, NAG NURSING KAPA??”…..at ako naman umiyak lang, walang magawa kasi nga student lang ako sya daw CI na at nurse pa….ang HAMBOG ng CI na ito.

    bakit?..sa lahat ba ng oras, meron kang pera?….cguro sya meron kasi may trabaho sya, eh ako?wala kasi student lang po…anong akala niya sa perang paggasta sa pag aaral koh? parang dumi ng nanay at tatay koh na kapag dudumi cla pagkatingin nila sa inidoro may pera kaagad?…ang magulang koh nagpapagod at namamawis ang hita para lang matustusan ang pag aaral koh at hindi para kuntiyawan ako na walang kwenta….wala pala akong kwenta, bakit pa ako ginawa ng diyos?…i do believe na every individual has its own purpose in this world..

    sobrang galing ng author, I really enjoy reading this article, iyak tawa at galit ang naramdaman koh..tnx

    • I_am_a_SN

      Wow sinigawan ka niya? dapat nireport mo yun.
      Swerte pala kami, kasi pag may make-up duties at wala pang pangbayad pag-deadline na, we can to talk to our level-coordinators and they will let us have our duty kahit later na lang ang bayad.

  • joy

    super like!

  • Ross

    Grabe naman to. Pero totoo yan. Nasigawan na rin ako ng CI ko nung nagduty ko sa ER. May ineexplain kasi sya sa’min pero sakin sya nakatingin. Naintindihan ko naman. Tapos inulit nya. Nung inulit nya nalito na tuloy ako. Tinanong nya kami (pero sakin pa rin nakatingin) kung naintindihan namin. Hindi umimik yung mga groupmates ko pero ako nagpakatotoo ako. Sabi ko, “Nalilito po ako ma’am”. Tapos sinabihan pa nya ko in front of the staffs and my groupmates na, “I’m so disappointed of you!”

    Gosh. Ang sakit sa dibdib nung sinabi nya yun. I felt like ako na ang pinakabobong tao sa buong mundo. Instead na makatulong siya, hindi. Tinapakan nya ang pagkatao ko at ang dignidad ko.

    Sana mabasa nya to para matauhan sya. Thanks for sharing this entry! One of the best blogs I’ve ever read, so far.

  • RYE

    NICE ONE.. SWERO NA MAY HALONG MOUNTAIN DEW.. HAHA

    MASARAP BALIK-BALIKAN KAPAG NURSE KANA.. NA NOON STUDYANTE KA PALANG.. E MAY MGA NAKAKATAWANG PAGKAKAMALI KA NA GINAWA..

  • grace

    marami din ako naging ci na terror, masama loob ko nung student pa ako. Nung nag nurse na ako sa isang gov’t hospital at nagkikita kami kung may duty sila ng students nya dun e pabiro ko na ipinaaalala sa kanila yung mga di magandang experience ko sa kanila nun, natatawa din naman sila. Ang ibig kong sabihin dito ay darating din ang time ninyo, hindi kayo forever na student at kung tama ang takbo ng career nyo, you will get back to them at the right time. Mind you, kung ci ang problema pag student kayo, supervisors naman at kasamahan nyo sa trabaho ang problema nyo kapag may work na kayo.