Happy Trip, Mang Prudencio

This is about the story of Mang Prudencio whom I met in KSA on 1998. He’s so sick and later died. His story was definitely an eye-opener for me. As a nurse, there was an instinct in me that tells me then to attend to his needs, to alleviate his suffering and emotional burden. I was deeply touched by his misfortune as an OFW, hence as my journalistic talent captures his life’s story, I eagerly decided to make one story and had sent it to Liwayway magazine which eventually published my written article on Nov 1998 with some revision of course. As you know, internet thing is not popular on that era yet, and reading tagalog magazines such as Liwayway is enough for us to complete our Fridays—-our day off… Here is my sad story about Mang Prudencio who hails from Bulacan…….

Malinaw pa sa aking balintataw ang tagpong iyon….ang tagpong nagmulat at nagturo sa tulog kong kamalayan na ang mapapait na paglalakbay ay may kaakibat na matatamis na alaala. Gaya ng matamis kong alaala sa katauhan ni Mang Prudencio.

Marso 6, 1997. Ang panahong napadpad ako sa bayan ng mga Arabyano, ang panahong natagpuan ko ang tunay na kahulugan ng mainit na disyerto…

March 5, 1998. Sa dispensary—dito ko nakilala si Mang Prudencio.

” Donald, give him injection,” utos ng kasamahang kong indian nurse.
“Okay, I will..for a moment,” tugon ko, sabay abot sa service order na galing sa doktor.

Ang pasyente ay isang 45 anyos na lalaki, mga 5’2″ ang taas, katamtaman ang pangangatawan. At kagaya kong isang kaluluwang naglalagalag sa malawak na disyerto, nagtatrabaho sya bilang isang karaniwang laborer. Nakangiti kahit sa tingin ko’y nakakaramdam ng matinding kirot. Napansin ko agad, habang papalapit sa akin, na hawak hawak nya ang kanyang leeg at batok na tila nasasaktan. Ako man ay napangiti na rin, magkahalong habag at tuwa naman dahil sa kabila niyon, ito’y nakangiti pa rin.

“Kayo po ba si Mang Prudencio?”tanong ko.
“Ay oo, kabayan,” dagli niyang tugon.
“Bibigyan ko po kayo ng injection, pain reliever po.”

Nagbalitaan kami tungkol sa buhay sa Saudi Arabia habang inihahanda ko ang gamot na ibibigay ko sa kanya. Sa edad nya, mapapagkamalan mo na syang lampas 50, dahil sa hitsura—sunog na balat, mukhang larawan ng hirap at tindig na puno ng pakikipagsapalaran. Napansin ko na rin ang naglalabasang mga ugat sa mga kamay at braso. Sa palagay ko, hindi sya kayang itumba ng karamdaman niya ngayon, kung anuman iyon. Sampung taon na raw siya dito sa Saudi.

Sa aming pag-uusap, nalaman ko kung ano ang dahilan ng pagsakit ng kanyang batok at leeg. Minsan daw, nagbuhat sya ng mabigat na bakal. Biglang may naramdaman daw syang tumunog sa gawing batok nya.. naging masakit at namanhid na ang kanyang leeg simula noon.

Tapos ko na syang bigyan ng injection ay patuloy pa rin ang aming kwentuhan. Nakatutuwa si Mang Prudencio, saglit na gumaan ang aking pakiramdam.

Tilal baligtad yata ang nagyari….parang ako ang binigyan ng gamot ni Mang Prudencio, at ako ang gumaling. Naibsan ang aking alalahanin, ang lahat ng pagod sa maghapong pag-aasikaso sa mga pasyente. At minsan pa naming pinuno ng halakhak ang lugar na iyon ni Mang prduencio na halos puro na yata pagdaraing ang aking naririnig buhat sa mga may sakit. Pero heto may isang malamyos na tinig na bumasag sa mga panaghoy. Isang tao na sa kabila ng nararamdaman ay nakukuha pang tumawa–kakaibang talaga si Mang Prudencio..

Ipinaalam ko na sa doktor na nabigyan ko na si Mang Prudencio ng injection. Pinabalik ko siya sa doktor para bigyan ng reseta.

Akala ko, iyon ang una at huli naming pagkiikita ni Mang Prudencio. Ngunit pagkalpas ng ilang araw, bumalik uli sya sanhi ng sobrang sakit at hirap sa pag-upo maging sa paghiga man. Ito’y ayon na rin sa mga kasamahan niya sa kuarto sa pinagtratrabahung construction firm.

Dahil sa kalagayan niyang yaon, sumailalaim si Mang Prudencio s x-rays at pagkatapos, minabuti ng doktor na irefer sya sa isang specialty hospital. Binigyan ko uli sya ng injection, sa pagkakataong iyon, napansin kong nabawasan na ang pagkamasayahin ni Mang Prudencio pero naroon pa rin ang ngiti—ang ngiting nakapanggagamot ng mga pagal na kaluluwa.

March 12, 1998. Sinabi sa akin ni Nestor, isa sa kasamahan ni Mang Prduencio at marahil isa ring kaluluwang ginamot nya na bisitahin ko raw ang matanda. Ipinaliwanag sa akin ni Nestor ang naging findings ng mga doktor sa hospital na pinagdalhan kay Mang Prduencio. Nagkaron ng cervical fracture at bronchocarcinoma si Mang Prudencio. Gumimbal iyon sa akin. Itoy batay na rin daw sa serye ng CT scan na ginawa sa kanya. Idinagdag pa ni Nestro ang mungkahi ng mga doktor dun na pauwiin na daw kaagad si Mang Prudencio habang matino pa raw ang kanyang pag-iisip. Unti-unting ng kakalat ang kanyang sakit.

Ewan kung naging tama ang aming pasya na hindi ipabatid sa kanya ang katotohanan. Basta ang alam ko, mas mainam nang gayon nga ang mangyari. Naging lingid sa kaalaaman ni Mang Prudencio na kanser ang tunay nyang sakit.

Kinagabihan, matapos ang duty ko,ay dinalaw ko si Mang Prudencio sa kanilang kampo, bitbit ang donut na bigay sa akin ng aking mga kaibigan sa isang donut shop.Tumambad sa kin, ang isang maliit payak na kuarto na may 3 double deck bed. Sa pagpasok kong iyon, lumantad sa aking paningin si Mang Prudencio, nakatagilid paharap sa dingding ng kanilang kuwarto.

“Mang Prudencio, may bisita kayo,” wika ni Nestor na sumalubong sa akin.
“O Mang Prudencio, kumusta na po kayo?” tanong ko sa masayang tinig.

Ah kung alam lang ni Mang Prudencio, malungkot ako, masakit para sa akin at marahil ang tumpak na tanong: Bakit ikaw pa, Mang Prudencio.

Unting unting tumagilid, dahang dahan humarap sa akin ang aking tinanong.
“Okey lang ako.” maikling sagot sa akin.
“Eh ano po ba ang mararamdaman ninyo ngayon?” tanong ko.

Bagaman hirap, nasa tinig pa rin nito ang katatagan. Alam kong matatag si Mang Prudencio, sa loob at labas. Pinanday sya ng disyerto.
“Alin ho’t saan ang masakit?” tanong ko uli.

“Ang dibdib ko sumasakit. Dala siguro marahil ng kakakubo ko at nahihirapan akong bumangon, Donald, ” wika nya na tila naglalambing.
Wala na yatang lalambing pa sa kaniyang tinuran, binanggit nya ang aking pangalan. Animoy musika iyon sa aking pandinig at ang tngin ko ngayon kay Mang Pruduencio ay hindi lamang isang pasyente o kababayan kundi isang amang kailangan ang anak na masasandalan sa oras ng paghihirap. Isang kaluluwang nalulunod na nangangailan ng makakapitan.

Unit unti kong nakikita ang sintomas na papalubha na ang kanyang sakit; maputlang kamay, nanghihinang katawan, malakabayong pag-ubo at ang ilang araw na ring di pagdumi

Dumaan ang ilang araw. Sinabi sa akin ni Nestor na papauwiin na ng kanilang kumpanya si Mang Prudencio. May hatid ng saya ang balitang iyon para sa akin. Kailangan lang ng medical release galing sa doktor. Ginawan ng paraan sa kagustuhan na ring makauwi si Mang Prudencio at makapiling ang mga mahal nya sa buhay.

Naayos ang lahat. Ngunit sa airport nang papaalis na sya,nagdemand ang imigration personnel na kailangan may kasamang Philippine representative mula sa Philippine embassy si Mang Prudencio.

Naantala ang uwi nya at anong himutok ko sa pangyayari. Naroong sisihin ko ang mga tauhan ng embassy sa walang katuturan nilang pagganap bilang empleayado ng gobyerno.

Habang lumilipas ang araw, sa aking pagdalaw s kanya ay nakikita ko ang unti unti nyang pamamayat. nahuhulog na rin ang kanyang pangangatawan. Ang dating matipuno na pangangatawan ay nanlulupaypay.

Minsan tinanong ko sya kung ano ang gusto nyang kainin. Bumuntunghininga sya sabay sabing ” Gulay.”

Sa aking isip, ano ba ang naitanog ko? Last wish na ba iyon ni Mang Prudencio?

Nakiusap sya sa akin na lagyan ko raw sya ng swero. Dahil hindi n raw sya halos makakain at patuloy syang nanghihina. Humingi muna ako ng permiso sa doktor at noon din nagdala ako ng swero at pagkain galing nman sa mga kasamahan ko sa dispensary.

March 23, 1998. Scheduled flight uli ni Mang Prudencio. Ngunit nagkaron na nman ng aberya. Hindi ko matiyak kung ano iyon, balik kampo uli si Mang Prudencio. May halong ngitngit ang sumagi sa aking ispan. Talagang bang mapagglaro ang tadhana, masanmang biro? Hihintayin pa ba nilang mamatay at nakakahong uuwi s Pinas si Mang Prudencio? Anong klaseng gobyerno meron tayo?

March 25, 1998. Ika 10 ng gabi. Dumaan ako sa kampo nila upang bigyan ko uli ng swero. Subalit ang pagkakaron nya ng manas ang pumigil sa akin na lagyan ko sya.
” Minsan nabanggit sa akin ni Nestor na napapansin nilang kinakasuap ni Mang Prudencio ang sarili at sinasabi s kanila na may nakikita raw kung anong bagay sa dingding ng kuarto nila.

Sa tinuran ni Nestor, lalo akong nahabag sa matanda. Nang mga oras na yon, sumaglit sa akin ang antig ng awa..awa mula sa isang kaibigan na ang tanging magagawa ay kaawaan sya..awa mula sa isang kababayang nagmamalasakit at awa mula sa isang anak na katulad ko.

Bago ako umalis, sinabi sa akin ni Nestor na sigurado na raw ang lipad ni Mang Prudencio. Bandang alas nuebe ng gabi ang flight nya.

May kakaibang hatid ng kaginhawan ang malaman ang balitang iyon. Sa wakas, makakaalis na rin si Mang Prudencio Hinawakan ko sya sa kanyang kanang balikat at inilapit ko ang aking mukha sa tainga nya. Namamaos na ang kanyang boses. Nahihirapan na syang tumihaya at humarap sa akin.
“Mang Prudencio, makakauwi na ho kayo, makikita na ho nyo ang inyong pamilya!”

“Talaga anak!” Makakauwi na ako, hay salamat!”

Nagpaalam na ako sa kanya.

“Hangad ko po ang inyong masaya at ligtas na paglalakbay. ” Happy Trip Mang Prudencio!”

Ito ang hlui kong salita ko sa kanya, sabay yakap sa manipis na dibdib at titig sa mga yayat nyang mga
pisngi.

Ang tanging tugon niya’y isang ngiting minsan pang gumamot sa kaluluwa kong nag aapuhap sa karimlan ng disyerto.

Umalis ako sa kampo nila dala ang isang kahilingan at dasal na sana matuloy na sya.

March 26, 1998. Ika 8 ng gabi, sa dispensary, ang dala kong tuwa ay nabahiran ng malungkot n balita.

” Donald, patay na si Mang Prudencio;” humahangos pang wika ni Nestor.
” Ha ano, paanong nagyari?”

Nawalan ako ng lakas, nalungkot, napaluha. Hidi ako makapaniwala. Ang sagot sa sunod sunod kong tanong ay di ko na narinig. NAgsalimbayan sa aking isipan ang masasaya at mapapait na karanasan sa buhay ni Mang Prudencio.

Tila dagok iyon para sa akin. Nawalan ng saysay ang lahat, sabay dalangin sa Poong maykapal na sana pagpalain ang kaluluwa ni Mang Prudencio.

Hindi ako makapaniwala, isang oras na lang at syay nakasakay na sana sa eroplanong pabalik sa Pinas, dala ang pag-asang makapiling ang pamilya kahit panandalian lamang.

” Happy Trip Mang Prudencio!”

Mnisan din kaming isinakay ni Mang Prudencio sa tunay ng byahe ng buhay. Sa kanya, natagpuan namin ang tubig ng disyerto, ang kanyang mga ngiting tumighaw sa uhaw naming mga kaluliwa. Ako, si Nestor at iba pang lagalag na kaluluwa sa apat na sulok ng disyerto.

Si Mang Prudencio. Tunay na isang matamis na alaala sa bawat mapait na paglalakbay……

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • son

    A very sad story.. it could have been nice to him to even meet his family for the last time of his life..tears fall in my eyes while reading..

    • donald

      thanks for reading!!!how i and my former colleagues then wish mang prudencio meet, hug, and kiss his family members before his last breath…..

    • beatavillapando

      i was teary eye after reading your article Donald, thank you for sharing!

  • gwynn

    i’m a nurse who’s here in saudi now, teary eyed while reading. may isang pinoy na namatay din d2 sa hosp namin last year, til now, di pa din naiuuwi ang bangkay.

  • gwynn

    i am a new nurse who is here in saudi now. Teary eyed while reading. we have one case in our hosp where in a Pinoy died here last year but until now, his body is still in the hospital’s mortuary

  • may

    i am a nurse in ksa, and i had a filipino patient in ICU.He was asking his company to release him because he was too old to work(he was more than 60 that time)he suffered stroke so he was admitted.i tried to help him by asking my doctors to give him medical certificate stating that he was no longer fit to work.He was sent home and his family sent me a thank you letter and saying that he left something for my babies( a token).I did not received that gift but i was happy to know that he was finally HOME.

  • theena

    its a very sad story…..i went to KSA 10 yrs ago i did not last 3 months and i left…

  • ayang

    nakakaiyak na kuwento……di ko maawat-awat ang pagtulo ng aking luha habang binabasa ang kuwentong ito.

  • dhel

    Nakakaiyak namn.. Ang hirap talaga ng malayo sa pamilya.. Sana masaya na si Mang Prudencio, nasan man sya ngayon…

  • yhan

    this is so sad..:(

  • Rose

    A very touching sad story!this is really worth pulishing,really an “eye opener” to everyone reminding how hard is it to be away from home,sacrificing everything even one`s life….and opening the hearts and eyes of our government agencies and representatives abroad-from them reliability in the performance of their duties and human services are expected!PARA SA MGA EMPLEYADONG BINABAYARAN FROM OUR TAXES,DO YOUR JOB WELL…OPEN YOUR HEARTS NOT ONLY YOUR WALLETS TO RECEIVE THE NEXT MONTHLY PAY!Peace&Love on earth!

  • cora bullan

    sana hindi ko na binasa, sumakit ang dibdib ko, di ko mapigil luha ko…I’m so sorry for Mang Prudencio, nagpakahirap sa ibang banss na sa tingin ko e hindi naman guminhawa… namatay na mag isa, oo nandyan kayo, pero iba pag kasama ang pamilya…

  • liz

    ayoko sanang mag-iwan ng komento dahil na rin sa lungkot na aking nararamdaman. alam natin na hindi lang si Mang Prudencio ang nakaranas ng mga ganitong masasakit na pangyayari sa KSA at iba pang bansa dahil na rin sa kawalan ng matatag na trabaho sa ating sariling bayan. Bulong ko na lang sa aking puso na ingatan nawa ng Diyos ang mga nakikipagsapalaran pang mga kababayan natin at nawa makita pa ang kanilang mga mahal sa buhay bago pa man sila mawalan ng hininga sa pagtatrabaho sa abroad.

  • liz

    MABUHAY ANG MGA OFW NATIN!

  • Donald

    Thank you guys for spending time to read my article although it’ s been published almost 3 months back. Sorry if i wrote sumthing like this, making you teary eyed or even palihim n lumuluha, ika nga nacarried away. It is just so hard to be an OFW especially when u get sick and no one can patiently look after u at all. If only we can survive and sustain the life back home, i mean, raising up ur family and providing them with good living, i guess no one would dare enough to leave ur loved ones especially ur kids who are longing 4 ur presence. Just a couple of days ago, @NAIA while i was trailing the queue, i can’t help but just to emphatize with some kbbayans mostly females, bucket of tears noted kc magiging OFWs din cla, not knowing kung anong mangyyari s knila abroad. Iiwanan nila ang mga mahal s buhay s pinas. Ang lungkot d b? The feet are heavy as they say, the heart is bleeding due to sadness and worries but still as OFW, we need to go, we need to leave for a greener pasture. To my fellow nurses, keep up the good work!!! To my fellow OFWs, kakayanin natin ito!!!!

  • rochelle

    na carried away ako s kwentong ito…very sad story..