HappyRN’s Adventures in The Frozen Planet (Part Three)

Happy nurse (Photo credit: lifewithbeansandweenies)
Happy nurse (Photo credit: lifewithbeansandweenies)
Happy nurse (Photo credit: lifewithbeansandweenies)
Happy nurse (Photo credit: lifewithbeansandweenies)

Patalastas: Mga ineng, amang at kababayan kong nars na nagnanais makapag-abroad, lagi kayong magdasal kay Bathala na sana pagbigyan Niya ang inyong mga kahilingan. Walang madaling daan lalo na ngayon na naghihigpit na ang lahat ng bansa sa pagtanggap ng Internationally Educated Nurses. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Darating din ‘yung tamang panahon. Kung nagmamadali kayo, Saudi ang sagot sa mga pangarap ninyo. Apply kayo sa POEA para menos gastos. 🙂

Sorry pala dun sa nakaraang issue. 2009 pala ‘yung year na lumipat ako sa Onco, at hindi 2008. Pasensya na kayo, mali ang napindot ng lola ninyo. 🙂

Sa bawat work environment, saan ka man mapadpad, mayroon at mayroong kontrabida. Hindi laging bed of roses ang eksena. Ang mga naabutan kong nurses sa Onco unit ay mababait, supportive at madaling pakiusapan kaya naman maaliwalas lagi ang kapaligiran. Nagtagal ‘yan ng mahigit isang taon… tapos sunod-sunod nag-maternity leave ang mga Diyosa! Hala! Nakami-miss lang… Kaso ang mat-leave ng mga bakla eh inaabot ng isang taon! Ayan, nag-hire ng maraming casual at temporary positions ang mahal naming manager, at s’yempre pa, andami-dami na namang OT! Klap! Klap! Klap! Masarap mag-overtime dito kasi magaan lang ang load. 1:4 ang ratio at may SCA na gumagawa ng VS, chemstrips at AM care. Respect among peers and co-workers is a very  common commodity in this unit. So, ano pa ang hahanapin mo?

Maraming Graduate Nurses ang na-hire dito… As usual, komo new hires sila they put their best feet forward. Na-maintain naman nila for several months until nakuha nila ang RN license nila. Ganyan kasi dito. Puwede silang magwork as GN on their 4th year of nursing. Habang kumukuha sila ng experience, naghahanda na rin sila para sa CRNE para maging licensed RN. Diyan na nag-iba ang kanilang mga ugali… ‘Di naman lahat pero mayroong isa o dalawang nag-transform into bruhaness. Grrrr! Sarap kulamin! Sayang at ‘di ko nadala ang aking voodoo doll!  Sila ‘yung mga feeling perfect. Akala nila lahat ng ginagawa nila ay tama. Nagmamagaling ba? Isa sa kanila ang very vocal about us Pinoys who have permanent positions. Sinasabi nila na bakit daw kami may, PFT (permanent full time) positions samantalang sila na mismong citizens temporary lang? Alam naman ng buong Canada na kami ay directly hired by the health region when there was a shortage of RNs in this province. And as part of the deal with PNA, SRNA & Philippine and Canadian Governments, bibigyan kami ng benefits at par with the Canadian citizens and full time positions. Makes sense, right? Alangan namang i-deploy kami dito na walang kasiguraduhan ang kinabukasan, ‘di ba?

Kung may problema siya, dumulog siya sa tamang kinauukulan. Ewan ko lang kung pakikinggan ang hinaing ng bruha. Bakit, asan siya nung walang makuhang RN? Nasa paaralan pa at isa pa lang siyang estudyante! Malas niya at kami ang present noong magsabog ang Maykapal ng grasya. Wala siyang nasalo kasi nasa kangkungan pa siya. Dini-discriminate niya kami at obvious ang pagiging racist niya. Actually, kinaibigan niya ako para siguro makapag-spy at magamit niya laban sa mga Pinoy pero I did not give her the time of day! Nakaiirita kaya siya! Ang ingay-ingay niya sa ward, non-stop ang bunganga sa pagkukuwento ng mga walang katorya-toryang bagay. Paulit-ulit pa man din. Minsan nga nakatrabaho ko siya at ako ang naatasang maging Charge Nurse. Aba, tanungin ba naman ako ng buong sarkastiko, “What makes you think you are a good Charge Nurse?” Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, ano ang gagawin o sasabihin ninyo? Mataray din naman ang lola ninyo kaya ganito ang reply ko, “I did not ask for this. I was chosen for this job. Now, if you want it, go for it. It’s all yours. I can live without $20 in one shift.” Tameme nga siya. Gusto ko siyang saksakan ng insulin nung time na ‘yun para matigil sa kakangakngak. Magka-hypoglycemia ng bonggang-bongga para matigil kahit ilang sandali ang ratatat ng bibig niyang parang machine gun kung umaksiyon. Imbyerna! Natigil naman at ‘di na niya ako kinausap after that incident. Hallelujah! Pero once in a while mayroon pa rin siyang mga pahaging pero dedma na lang ako. Insecure lang ‘yun kasi senior ako at ako ang boss niya. 🙂

Nakatatawa nga kasi isinumpa siya ng isang pasyente, mismong kalahi pa niya (Ukrainian). Alam niyo yung napapanood sa sine na sumpa with matching dasal at kumpas? Ganun ang ginawa ng pasyente sa bruhang nurse! Confused na kasi ‘yun, dahil sa chemotherapy ay nagkaroon ng negative complication sa CNS. Naging pasyente ko din ‘yun ng maraming shifts pero ni minsan ‘di niya ako inaway. Makulit lang talaga siya pero hindi bayolente at maiintindihan mo dahil sa sitwasyon niya. Binigyan nga ako nung wife ng pt. ng isang magandang bandana as a token sa aking matiyagang pag-aalaga sa husband niya. Ngayon, masasabi pa ba ni bruha nurse na hindi ako karapat-dapat maging charge nurse? Hmmmm… kapal din niya noh?

Mas nakatatawa ‘yung isang insidente involving the bff of said bruha nurse. Ikukuwento ko sa inyo next week pag ‘di ako masyadong ngarag from duty. Night shift po kasi ako starting tomorrow. Two shifts lang naman at three days off after pero beauty rest muna, maglilinis pa ng bahay, magfo-fold ng gabundok na labada at maghuhugas ng pinggan at siguradong tambak na naman sa lababo pagdating ng Sabado. Mga taong-gubat kasi kasama ko sa bahay (husband & teenage daughter). 🙂

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • I found what I had been seeking for.

  • This is really interesting, You’re a very skilled blogger.