HappyRN’s Adventures in The Frozen Planet (Part Two)

Animated nurse card (Photo credot: greetingcarduniverse)
Animated nurse card (Photo credot: greetingcarduniverse)

 

 

Animated nurse card (Photo credot: greetingcarduniverse)
Animated nurse card (Photo credot: greetingcarduniverse)

Ganado ang lola niyong magsulat ngayon. Alam ba niyo kung bakit? Nakita ko kasi mga comments niyo sa FB, naka-iinspire lang. Maraming salamat sa inyo! ‘Yung mga katanungan, pagtataray at pang-iismol ninyo, sa mga kwento ko na lang sasagutin ha?  Paumanhin na rin sa mga mambabasa kung uminit ang dugo ko nitong mga nakaraang araw, medyo hormonal ang lola niyo. Malapit na atang mag-menopause kaya nagsungit. Mayroon kasi dyan na affected kung English daw ba ang gagamitin ko sa aking mga next issue. Tapos ang taray pa ng pagkakasabi? Feeling kasi niya, siya ang Editor-In-Chief ko. Sorry naman, ning, I am my own boss. At minamata din ng isa dyan ang mga caregivers na tulad ko eh marangal na trabaho naman ‘yan. Pasalamat nga kayo dahil kaming mga caregivers ang gumagawa ng trabaho na sana ay ginagawa ng mismong pamilya ng pasyente.

Sa mga nalilito dyan, RN po ako sa tunay na buhay. RN at caregiver ay pareho lang po na nag-aalaga ng may sakit. May lisensya lang po kasi ang RN at mas malawak ang scope of practice. Tulad na lang sa linya ko as Oncology RN, pagkatapos ng stem cell transplant, asahan mong may N&V at diarrhea ang pasyente ng ilang araw at kailangang i-measure ang bawat emesis at liquid stool na ilalabas niya. Kaya isipin mo na lang kung ilang ulit sa 12-hour shift na nagme-measure ako ng suka at dumi ng taong ‘di ko naman kaanu-ano! Strict In & Out po kasi dito. At kung sila ay hinang-hina na at ‘di na nila kayang linisan ang sarili nila, ako ang gumagawa… Bawat punas sa pwet – $$$, bawat langhap sa mabahong amoy ng dumi (minsan nga nakasusulasok na) – $$$ na ipadadala kay inang at mga kapatid na naiwan sa Pinas. Pero hindi matutumbasan ng $$$ ang mga panahon kung kailan ang pasyente mo ay titignan ka sa mata, yayakap sa ‘yo at buong sincere na magsasabi ng ‘”Thank you very much. I appreciate your help.

Tanong ng mga kasamahan ko noong ako ay nasa St.Paul’s Hospital pa, bakit daw gusto kong lumipat sa Cancer Ward? ‘Di ko pa alam ang kasagutan noon. Basta ang alam ko lang, kailangan kong makaalis sa 6Medicine, ASAP! Sa dahilang wala akong maramdamang contentment, fulfillment, appreciation at ligaya sa buong taon na nagsilbi ako sa unit na iyon. Sweldo lang ata ang masaya dun dahil sa dami ng overtime. Kumbaga ngayong June pa lang, prebooked na ang OT mo hanggang October!

September 22, 2008. Unang araw ng orientation. Lecture ng eight hours tapos four hours sa ward for three days then start na ng buddy shift. Nakamamangha ang pagkakaiba ng SPH at RUH. Oncology is the happiest unit I have ever been to and seen! Pagpasok mo sa loob, nakangiting babati sa iyo ang Unit Clerk ng “Hello, Gorgeous!“. S’yempre naman happiness ang drama mo n’yan! Buong-buo ang araw mo! Ang gaganda ng mga RNs dito, promise! Parang nasa Encantadia ka lang. Lagi ko ngang naririnig mula sa mga pasyente na tinipon daw ang mga naggagandahang nurses sa Cancer ward. Magaganda na ang mukha, magaganda pa ang ugali. Very warm ang pag-welcome nila sa aming mga Pinoy. As of now 13 kaming Pinoy RNs dito. They go out of their way to support and help you ‘pag mayroon kang ‘di maintindihan o ‘di alam gawin. Mas mabuti nga namang nagtatanong ka ‘pag may ‘di ka alam kesa magmarunong ka pero mali naman pala.

Sagana dito ang ngiti, tawanan, positive adjectives na pampa-boost ng morale at self-esteem, hugs of joy and sympathy, a pat on the back for  a job well done, and most of all, everyone is ready and willing to help ‘pag ikaw ay nangailangan… Mula sa mga simpleng bagay hanggang sa kumplikadong procedures tulad ng pagkuha ng VS, IV insertion, admission, discharge, catheterization, pagpalit ng IVF, blood transfusion, pagbigay ng Chemotherapy, Septic Work Up, pag-assist sa Lumbar Puncture, Bone Marrow Biopsy or mismong Stem Cell Transplant. Mayroon at mayrron kang mahihingan ng helf! helf! at helf pa! Para kang nakasandal sa pader! 🙂

Taliwas sa mga kuru-kuro ng marami na gloomy daw ang Oncology sa pag-aakalang death is hovering just above your head, ready to pounce once you are at your weakest, alam naman ng mga pasyente na maikli na lang ang ilalagi nila dito sa mundong ibabaw. Malungkot  talaga pagdating ng oras ng pagpanaw pero hindi ‘yun dahilan para maging malungkot na lang sila all the time. ‘Yan ang advantage ng mga patient dito, alam nga nila na death is inevitable, inuumpisahan na nilang tapusin ang kanilang mga “unfinished business“. They spend happy moments with their loved ones. They make peace with old enemies, estranged families, themselves and their Maker. Inaayos na din nila ang mana para walang nag-aaway pagkalibing sa kanila.   🙂

Madalas namimilipit sila sa sakit pero tinitiis lang dahil alam nilang busy ka kaya ikaw pa ang pumipilit sa kanila na tawagin ka para mabigyan ng morphine, dilaudid, demerol, versed at kung ano pang panlunas sa idinadaing nila. At kahit ‘di na maipinta ang mukha nila sa kirot, may “please” at “thank you” pa rin na maririnig mo sa kanila. Mahal na mahal ko ang aking mga pasyente. True to life yan, mga kafatid! Naluluha nga ako habang sinusulat ko ito… Sila ang mga taong may “Big C”. Major major misfortune ‘yan kung tutuusin dahil maging in remission ka man, napakalaki ng posibilidad na magkaroon ng relapse. Pero sila pa ‘yung punung-puno ng pag-asa! Sila yung lumalaban para mabuhay ng mas matagal at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Alam nila na anytime ay kukunin sila ni Lord kaya there is no time to sulk, cry and feel miserable. They spend each day as if its the last day of their lives! Paanong hindi mo sila mamahalin? <3 <3 <3

 

 

Enhanced by Zemanta

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in: