“Hindi Na Ako Lilingon”

Sa kaiisip ko kanina kung ano ba pwedeng gawin habang nakaduty ako ng gabi at habang nagbabantay ng humihilik na pasyente, naisipan kong subukan na rin magsulat. Baka sakaling mapublish.
May gusto kasi akong ibahaging kwento na naranasan nung nakilala kong lalakeng nurse (wag kang mag-alala. Kung paano yung pagkwento saken, ganun ko rin ikukuwento. Pramis.) Malaki siyang lalaki. 6’3 daw ang height niya at medyo malaki din ang katawan. Tawagin natin sa pangalan na Ed. Naikwento niya saken ang karanasan niya sa isang lalakeng pasyente. Ganito ang kwento..
Kinuha daw siya ng anak nung pasyente para maging private nurse. Galing daw ng nursing home pero nilabas din kasi hindi daw inaalagaan ng mabuti. Ang sabi daw, RM200 per day. Kadalasan sa private nursing dito, RM100 lang per day. Malaki-laki na yun kaya naman pumayag na siya agad. Nung unang araw daw niya para puntahan yung pasyente, nakapadlock yung room ng pasyente. Habang binubuksan daw niya, nagsalita yung pasyente. Sabi, “Is anybody there?” sumagot daw siya at sinabing siya ay isang nurse. Pero hindi pa niya nakita yung pasyente kasi tintanggal pa lang daw niya yung padlock. Pagkapasok niya, laking gulat daw niya nung nakita niya itsura nung pasyente. Yung dumi ng pasyente, nakakalat daw sa kwarto. At yung kamay niya, puro tae. Tumakbo daw siya para tulungan. Pinaliguan niya (at nakiligo na rin daw siya kasi puro na rin tae yung uniform niya), at binihisan. At dun, nagkakilala na sila. Hindi nagtagal, naging magkaibigan na sila. Nalaman niya na dating lawyer pala siya. May tatlo daw na anak. Yung isa, lawyer din, yung isa executive officer daw ng Ford sa Australia, at yung isa.. Hmm.. Nakalimutan ko na. Basta bigatin din. Pagkatapos daw ng isang linggo, inabot daw nung isang anak yung RM300. Tinanong ni Ed kung para san daw yung pera. Ang sabi, paunang bayad daw. Nagtaka daw siya. Yun pala, ang pagkaintindi nung anak, RM200/wk. kaya nilinaw niya na ang usapan ay RM200/day. Sabi nung anak, sasabihin daw muna sa mga kapatid. Kung iisipin mo, sa ganda ba naman ng mga trabaho nila, mahihirapan pa ba sila sa ganung presyo para sa ama nila di ba? Masaya siya sa nurse niya. Maganda pa ang performance.
Isang gabi daw, tumawag yung anak. Sabi daw niya kay Ed, “I’m sorry Ed. We can’t give you the salary that you’re asking. You can leave now.” 5:30 na nang hapon yun. Hanggang alas 6 ng gabi ang duty niya. Sinagot niya yung anak, “OK. I will leave. But can I just bathe your father first? I promised him that I’ll help him to take a bath”. Ayaw raw nung anak. Pero nagpumilit pa rin daw si Ed. At sa isip niya, gusto rin niyang magpaalam ng maayos. Kaya, pinaliguan nga niya. Pagkatapos niyang paliguan. Sinimulan na niyang magpaalam. Sabi niya, “I’m sorry, sir. But tonight will be my last duty.” Nagulat daw yung pasyente. Tinanung kung bakit. At sinabing hindi daw siya kayang bayaran ng anak. Sabi daw nung pasyente, “NO, Ed. I’ll pay you. I have a lot of money. I’ll give you.”. pero sabi ni Ed, hindi na pwede kasi pinapaalis na siya ng anak.

Mahirap man daw sa loob niya, tumayo na sya para umalis. Nung nasa pinto na siya, liningon niya ulet yung pasyente niya. At para daw siyang sinuntok sa dibdib nung nakita niya yung pasyente na umiiyak. Tumakbo sya papunta sa pasyente at niyakap nya ito. Sabi niya, “No, sir. Please don’t cry.” Pero siya man mismo ay umiiyak na rin daw. Sabi niya saken, “Maniwala ka man o hindi, sa laki kong to, umiyak talaga ako.” At pagkatapos ng tagpong yun, lumabas na siya ng pinto at hindi na nilingon muli yung pasyente at baka hindi na raw niya gustuhin pang umalis. Sabi niya saken, “Ang sakit sa pakiramdam. Alam mo yun? Iiwan mo yung taong nangangailangan sayo dahil sa pera. Kahit gusto mo siyang samahan at alagaan, hind pwede kasi kelangan mo rin ng pera. Ang sama sa loob.” Paglabas daw niya ng pinto, nandoon yung anak. Pero may kasama daw na tatlong malalaking lalake na mukhang goons. Kasi ang akala raw, hindi siya aalis. Dumiretsyo lang daw siya. Hindi daw niya pinansin yung anak. Pero tinawag daw siya. Ibinigay yung bayad sa mga days na nagduty siya. Hindi na raw niya tinanggap. Sabi daw nung anak “I’m really sorry, Ed. I can’t give the amount that you are asking”. Sabi daw ni Ed, “You know what ma’am? You’re missing the most important part of your life”. Nasabi na daw niya yun sa inis niya. Tumalikod na raw siya. Pero nagpahabol pa raw yung anak ng “Godbless you, Ed.” Lumingon daw sya ulet at sabi, “NO, ma’am. God Bless you!!” (pero may sarcasm).

Gustong gusto daw niyang isigaw sa mukha ng anak na “P%&*@#$a moh! Mauna ka sanang mamatay sa tatay moh!” Pero wala e. Hindi rin niya nagawa. Nung gabing yun, tinawagan na lang daw niya yung mama niya at naglabas ng sama ng loob tungkol sa nangyari ng gabing yun…..

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • Nakakalungkot naman.. pero iba tayong mga pinoy pag nagmahal at nag aruga diba?

    nainspire ako..pero kinurot din ang damdamin ko…

  • nakakaiyak..di ko mapigilan..

  • Mike Torres

    It happens to most cases sa ibang lahi. They can’t seem to take care of their own family. I used to work as a caregiver and they seldom or never visit their own parents or even just a call to see how they are. Its all about what they can get from their parents, sad but true. I’m proud to be a pinoy because i know deep inside me that i wont let that happen to my parents.

  • Vanessa

    Naiyak ako… Miss ko na mag-hospital duty. Iba talaga kapag nurse ka… May mababago ka sa buhay ng iba… Masakit lang ay limitation din tayo…

  • raf

    🙁 nakakalungkot 🙁

  • pinkee

    this is sad knowing that the family is well-endowed with the luxury and fine living owing to their stature in life that most people do not have. may the impact that “ED” made to them touch their hearts and make them find time to make-up for their lack of time and care for their father. to “ED”… may we find more caring people to continue in their noble work of giving tender love and affection to the ones they care for. cheers to the nursing profession!!!

  • Very inspiring , im a caregiver and kahit gano kasungit ang amo ko i see to it na na lo look after ko sila…

  • dante

    Awesome and very sad story I wonder why some people/nationalities have that kind of attitude. I am very proud that i am pinoy, and we are very affectionate people towards their parents or love ones. Now i don’t have my parents they’re both gone and happy with our creator i miss and love them a lot. And I thank God that I have an affectionate and loving son and for sure when my wife and I will get older he will surely take good care of us. I hope this will serve a reminder to all children to love and take good care of their parents. God bless!!

  • Lady Lyn

    Nakakaiyak naman. iba talaga ang mga nurses!! 🙁