How To save a Life.

BIRMINGHAM, ENGLAND - FEBRUARY 07:  A nurse wo...
Image by Getty Images via @daylife

Sabi nila, ang huling sense daw na nawawala sa isang tao ay ang Sense of Hearing o pandinig, nung isang araw ko pa gusto ikwento pero ngayon lang ako nag ka oras..

First time ko ulit makapag duty after 2 years, at sa pag kakataon na to nde na ako estudyante, kundi isang ganap ng Nurse, maraming bagay ang kakaiba kaysa nung nag aaral palang ako, siguro dahil masyado na din kami Binaby nung mga ospital na pinag Duty-han namin dahil na din sa impluensya ng iskwelahan namin, pero ngayon sa pag kakataon na to, sabi nga nila “Welcome to the real world”.

Na aasign ako sa Ward dito sa isang Ospital malapit sa amin, kaunti lang kaming mga nurse kaya nagulat ako ng sabihin sakin na 12 hours ang shifting 7AM-7PM, 3 lang kami na nurse sa isang 30 bed capacity na ward, minsan minsan pag madaming trabaho sa ER(Emergency Room), pinupull out pa ko para tumulong.

Nung isang araw, nagkaroon ng isang VA(Vehicular Accident) Case sa E.R, Bata lang 17 years old yata, basag ung bungo nya at madaming fracture sa katawan, kung mahina ang loob mo medyo manghihina ka sa naging itsura nya, normal na pangyayari lang naman un sa isang ospital pero may isang bagay na medyo naka tawag ng pansin ko…

As usual, pinull out ako sa ward dahil kailangang ng “man power” sa ER. puro babae kasi ang duty that time, walang Mechanical Ventilator ung ospital kaya mano mano ang pag Aambu-Bag para matulungang makahinga ung pasyente, at un ung naatasang gawin ko, at ilang sandali pa, dumating na din ung mga kamag anak nung bata, isang barangay! si pinsan, si tito, si tita si nanay si tatay, ung kapitbahay, kaklase at kung sino sino pa, unang tanong nung nanay sakin “Nurse mabubuhay pa ba ung anak ko?” at dahil na din na bawal bigyan ng false reassurance ang pasyente o kamag anak, sinabi ko nalang na “gagawin po namin ung makakaya namin”, sabay tanong ng “mahal ba ung babayaran?” sabay talikod.

medyo nainis ako sa part na yun, sige oo alam kong malaking Factor ang pera, pero siguro nde un ung tamang panahon na itanong ung ganung bagay, kinausap nila ung kasama ko na nurse dahil kinakialangan yata na mag rent sa isang ospital ng “Mechanical Ventilator” para sa pasyente, tinanong kaagad nila kung magkano, “1,500 po mam” sabay tahimik, lumapit sakin ung tita yata at ung pinsan, “nako, mukang malamig naman an ung kamay ni Jr.. di na din gumagalaw… “ buhay pa ung pasyente, alam ko dahil ako ung nag Aambu bag sa kanya.

natagalan bago nakapa desisyon ung magulang, madalas syang lumalapit at sinasabing ” nako di na yata kaya ng anak ko, di na humihinga eh… kailangan pa ba ung ventilator na un ang mahal mahal nun.” parang gusto nya sabihin na hayaan nalang mamatay ung anak nya kaysa gumastos. naiinis na ko sa inaasal nung nanay nya, alam ko na lumalaban ung pasyente, pero silang magulang dahil sa 1.5k handa silang pagpalit ung pagkakataon na madugtungan ung buhay ng anak nila.

Di ako tumigil sa pag aambu bag mula 10am-6pm, walang palitan, di na rin ako nakapag lunch. parati ko binubulong sa kanya na ” kung ung mga tao na nagmamahal sayo sinukuan ka na, ako nde, gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang mabuhay ka. lakasan mo loob mo, kakayanin natin to!” biglang tumulo ung luha nya sa kaliwang mata, parang gumuho ung mundo ko sa nakita ko, alam ko na narinig nya lahat ng sinabi ko. kaya kahit gutom at sobrang pagod ko na, di ako natigilan dahil alam ko na buhay ung kapalit ng ginagawa ko.

mga bandang 6:30 dinala na sya sa ICU(intensive Care Unit) at napag disisyunan na din ng magulang nya na mag rent ng Mechanical ventilator. natapos ang shift ko at umuwi, nabalitaan ko nalang kinabukasan na kinuha na din sya ni Lord mga bandang 3:00AM ng madaling araw.
di ko man sya nabuhay, alam ko na alam nya na nung kasalukuyan syang lumalaban meron syang kasama na di bumitaw sa kanya, di man nya ko nakilala alam ko na kahit papano masaya syang aakyat sa langit.

Enhanced by Zemanta

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • kae

    the essence of being a nurse..<3

    • mariel de paz

      grabe po!!! sobra akong na-touch … dpat tlaga nteng phalagahan ang ating mga nurses lalo na ung mga katulad ni ng nurse na hindi sinukuan ung pasyente nia .. imagine that 10 am – 6 pm gosh!!! bka nag-titili na ako nun sa sk8 ng kmay at braso … saludo po tlaga ako sa mga nurses … ang sama nman po nung mga kapamilya nia … kung madae nman pla pumunta sakanya dat time bk8 ndi cla mag-ambagan kh8 tig-ti-10 man lang … i’m gonna share dis story to my friends po tlaga … astig tlga ang mga pinoy nurses kh8 cla ang mag-hirap ok lng mkatulong lang cla … proud po tlaga ako sa inyo matagal na … dhil na rin po sa mga kamag-anak kong nurses … 🙂

  • JM Cagampang

    Habang binabasa ko yong article mo tumutulo luha ko at nanindig pa balahibo ko. Ang sama naman ng mga kapamilya na! Sana di na lang sila nagpunta sa hospital kung di man lang sila makapagbigay ng support sa bata! Naiinis ako kasi mag inaalala pa nila ang gastos kaysa sa buhay ng bata. Makikita naman yong pera pero ang buhay ISA lang yan!

    Na-experience ko rin yong ginawa mo kahit pagod at gutom kana pero di ka pa rin sumusuko at akhit tapos na shift mo parang ayaw mo pang umalis. Isa po akong Midwife na nakagawa na rin ng ginawa mo. Sa akin naman ay yong mga newborn babies na nakikipaglaban para lang mabuhay at makita ang kagandahan ng mundo. Minsan may nakakasurvive at may iba din na di na.

    Nakakalungkot talaga isipin and mga ganitong eksena pero PROUD po ako sayo! Good job po.

  • wow..im touched..

  • Gamila Tarek

    TLC………..ika nga! Yaan ang mga katangian ng isang nurse na wala sa ibang profession na talagang ipag mamamalaki mo habang ikaw ay nabubuhay.Wow!

    • Sierra

      May TLC rin naman po ang pagiging guro ah. BTW, nakakakilabot but at the same time nakakainspire yung kwento. Nakakalungkot na dahil lang sa gastos eh pinanghinayangan na syang buhayin ng pamilya nya. Sana dumami pa ang taong tulad nyo na hindi lang tapat sa sinumpaang tungkulin kundi may tunay na malasakit sa kapwa. 🙂

  • alvin

    mabuti kang nurse at bagay ka nga sa propesyon mo!!!!sana marami pang katulad mo!!!

  • Gm

    sigh…. the nerve of some people, complaining about expenses but blames the medics and mourns for their loss…

  • angelique

    naiyak ako. 🙁 tama, di dapat sinusukuan ang buhay.

  • carmelito gio

    pagpalain ka ng panginoon sa ginawa mo sana ang ibang nurse ganon din ang gagawin nila ang pagmamahal sa trabaho nila lalo na sa kapwa.

  • naexperience ko na rin yan..to the point na khit matangalan ka ng lisensya sa kagustuhan mong mabuhay ang iyong pasyente sa panahon na tinalikuran na sya ng lahat ng mahal nya sa buhay at maging ang doctor nya…masakit sa atin bilang isang nurse na mamatayan ng pasyente lalo na kung sa kamay ntin..para taung hindi effective na nurse pg namatayan tau..pero ang mas masakit ay yung talikuran ka ng lahat sa panahong kailangang kailangan mo ng tulog at kadamay..and i realized thats the dillemma between money and life in emergency situations…but no matter what its our significant others decision..ika nga nla right to refuse treatment..

  • AND the real deal is some hospitals lost their vision anymore..kung ala ka pambayad they never treat you unless you pay…

  • may

    i had a patient noon sa ICU, Filipino OFW na nagkaroon ng 3rd degree burn sa buong katawan, he was put on mechanical ventilator and our headnurse always gave him to us Filipino nurses kasi alam niya na maaalagaan namin siya ng mabuti kaysa ng ibang lahi. I used to speak with him,minsan nga kinakantahan pa kahit na sintunado. alam ko,naririnig niya ako,so i kept on talking to him. After few days he was out from the ventilator at sinabi niyang may nakikipagusap daw sa kanya, i just smiled pero hindi ko sinabing ako. nakakagaan talaga ng loob if u done something good sa pasyente mo kahit na kaunting bagay lang un.siguro nature na ng mga nurses na maging TLC. maybe ito talaga ang calling natin.so keep it up.

  • nice story..

  • pinakpikanRN

    kinilabutan ako sa story na to. very touching and inspiring. indeed a NURSE!

  • Dana

    Buhay nurse nga nman… masaya ko na may mga ilan pang nurse na nasa puso ang pgiging nurse. Mabuhay ka! mabuhay tayong naglilingkod! Maging halimbawa k sana sa madami pang nurse na hindi lang pera pera ang buhay ntin.. kundi buhay ng tao. 🙂 Kudos to all nurses!

  • anon89

    naiyak ako! >n<

  • Amber

    I was deeply touched. Naalala ko kasi ung time na mamatay father ng bf ko. First heart attack, at d sumuko ung family niya, kahit dead on arrival na that day. Narevive, pero one week lng tumagal in a comatose state, kinuha na ren ni Lord. Umabot ng 200k plus ung gastos sa ospital. Yeah, malaking factor ang pera but at least their family knows na di sila sumuko agad nung panahon na un.

    Kawawa naman ang naging pasyente mo. May he rest in peace. And keep up the good work.

  • stormmykL

    this is so touching.. thanks for sharing your story.. may God bless u more in your profession as this story will have definitely also blessed all of its readers! 🙂

  • renrissa garcia

    hay..grabe nmn..your so great!iba tlga ang mga filipino nurses..keep it up!..

  • crybaby

    Sana lahat nang nurse kagaya mo…. iba kasi maarti kahit alam naman nila na parte na yun nang kannilang trabaho. yung iba naman sobrang sungit wala man lang compassion sa trabaho, nakalimot siguro na parte na yun nang kanilang trabaho… Sana marami pang kagaya mo na hindi sumusuko at patuloy na nagbibigay pag-asa sa mga pasyenting nawalan na, hindi ka sa na magbago, patuloy ka sanang magserbisyo sa kapwa mo kahit na hindi kaaya-aya yung hitsura nila dahil sa aksidente o kaya talagang ganun lang sila… Mabuhay ka…. God will return all the favor you did….. ^O^

  • elvie

    isa rin akung nurse at nang nabasa ko hindi ko talaga mapigilan yung lumuha,kasin naman na experience kung tulad nito, galing provincia yung mga magulang ng bata walang wala talaga kaya hindi nila kayang maipagamot yung anak nila,kaya naman ginawa ko lahat nang makakaya ko para matulungan yung pamilya, yung mga magulang ko lahat nasa abroad kaya humingi ako nang tulong sa kanila para sa bata,to make a story short hangang ngayun buhay ang bata maraming salamat sa panginoon.

  • i was teary-eyed after reading this :’c

    i also did continuous ambubagging to a newborn but for more than 30mins only… she also deteriorated and passed away… 🙁

    Godbless…

  • Nice Rj that’s why God gave you the title R.N 🙂

  • cham

    I can’t have the right words to say kaya ni – like ko na lang. GOD BLESS YOU.

  • mabuhay ka……

  • brian sisno

    i am moved by this story… teary eyed

  • Marivic Pastor

    really proud to all filipino nurse… that’s why all of the world demand’s you guys keep up the good work. mabuhay ka sana marami pang katulad mong nurse GOD BLESS…

  • fatchickz

    hi. i seldom commment, but I want you to know that you have inspired me to be a better nurse. Yes, years na din na wala akong hosp experience and medyo nawawalan na din ako ng gana to pursue the profession. I am always, always having thoughts of giving it up and be a part of the ever growing RNs who are now callcenter agents.( I have nothing against it btw) but after reading your entry, my hope of being a compassionate nurse rekindled again. Thank God at ikaw ang nurse na naasign sa batang yun. At least he felt kindness before he died. Kudos to you! Idol!

  • Jul

    Sana dumami ang lagi mo! God bless and give u great health for always para matuloy mo ang mabuti mong gawain. Naalala ko tuloy mama ko before she passed away.