Iba Pa Rin ang Pusong Pinoy Nurse

Isang nakaka-baliw na shift na naman ang natapos kaninang umaga. Katorseng pasyente, limang NGT feeding, apat na discharge/trans-out, isang stat OR, isang hourly VS (parameters) monitoring, dalawang 2 hourly monitoring, isang nag-desaturate na pasyente at isang papampam na pasyente na walang makausap kaya tawag ng tawag dahil sa walang kakwenta-kwentang dahilan. May mga procedures pa at idagdag pa ang sponging ng umaga. Kung nurse ka, maiintindihan mo kung gaano ka-gulo ang duty ko kanina.

Halos walang pinagkaiba ang buhay nurse ko dito sa ibang bansa sa Pinas. ‘Toxic’ pa rin! Ganyan na nga siguro ang buhay ng kahit sinong nurse, kahit saan. Pero hanep ang teamwork namin kanina dahil lahat kami nakapag-break ng tamang oras at natapos nang hindi na kailangan mag-overtime.Walang na-delay. Lahat napakain ng tamang oras, lahat ng kailangang gawin, nagawa.

Nage-endorse pa lang sa amin ang night shift kanina, natatawa na ako sa bigat ng load namin sa araw na ito. Hindi ako kinabahan. Natawa na lang talaga ako. Ang nasa isip ko, “Hindi bale…puro pinoy naman kami ngayon sa team na ito. Kaya namin ito!” At hindi nga ako nagkamali…

Ilang buwan pa lang naman ako dito sa bansang ito bilang isang nurse. Maraming Pinoy nurse dito at marami din ang ibang lahi. Isa lang ang masasabi ko. Iba pa rin ang puso ng isang pinoy nurse dahil napansin ko, iba talaga tayo magtrabaho. Pag sinabing trabaho, trabaho talaga. Walang tamad-tamad o pasa-pasa ng gawain. Bihira mag-utos dahil kung ano ang kayang gawin, gagawin na. Mas magaling mag-delegate ng mga tasks. Mas magaling dumiskarte. Pulido pa ang gawain. Maayos at ideal talaga sa abot ng kayang gawin. Magaling na teamplayer. Mabilis kumilos. Magalang at marunong talaga mag-handle ng pasyente. Hanep ang puso ng Pinoy nurse talaga. Dahil kahit sa mga panahon na gusto na natin magmura sa kalagitnaan ng ka-‘toxican’, pilit pa rin natin ginagawa ng tama ang trabaho natin.

Hindi naman ako masyadong nagbubuhat ng bangko para sa ating mga Pinoy nurse. Pero sa limang buwan ko dito, ganoon ang aking na-obserbahan. Magaling sa pag-aalaga at paghawak ng pasyente. Mahinahon kumausap ng pasyente at ng mga kamag-anak. Mabait, mahaba ang pasensya at aasikasuhin talaga ang mga pangangailangan ng pasyente. Kaya kapag Pinoy ang kasama ko, panatag ang loob ko – ‘di bale na ang toxic, matatapos kami ng maayos at sa tamang oras ngayong araw na ito.

Ngayong Pebrero, nadagdagan na naman tayong mga Pinoy nurse. Ang unang pumasok sa utak ko, ‘Hay naku…bakit kaya sa hirap maghanap ng trabaho bilang nurse, marami pa rin ang nagnu-nurse?”

Tapos naisip ko…

“Ang mundong ito, kailangan pa ng mas maraming katulad nating mga Pinoy nurse. Sana nga nakakahawa tayo eh. Kaya kung handa naman kayo sa hirap at pagsubok sa paghahanap pa lang ng trabaho at sa pagiging nurse mismo, eh di ‘welcome to the club’. Good luck sa inyong nursing career!

Photo credit: blog.raulersonhospital.com

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • jose

    “Hay naku…bakit kaya sa hirap maghanap ng trabaho bilang nurse, marami pa rin ang nagnu-nurse?””

    booming business kasi ang health care sa ibang bansa kung ikumpara mo sa pinas..

    tayo sila ng maraming hospital dahil na rin sa maraming “lifestyle diseases” ng maunlad na bansa.

    maganda nga ang iyong napuna sa atin magtrabaho pero syempre hindi din maipagkakaila na pare parehong kalahi natin naghihilahan pababa.

    Professionalism lang wag lang gatangan ng mga malilisyosong chismis. Jan nagkakasira sira ang pagka2ibigan ng ka room mate, mga Ex-Saudi, atbp.

  • Helping filipino nurses

    Yes i salute filipino nurses. Katulad ko dito sa Norway. Katrabaho ko ang 2 norwegian, 3 kmi sa field pero ako parin tinangap na ipermanent. Sila naging extra nalang sa huli kahit ngayon. Magaling kasi magtrabaho tayo. Lahat ginagawa. Matalino magdiskarte!