Ideal versus Reality

Sa panahon natin ngayon bilang mga alagad ng kalusugan sa ating bansa, kung masusunod lamang ang tamang proseso at tamang pamamaraan ng pagbibigay at pangangalaga ng kalusugan, marami sa ating mga kababayan ang di magkakasakit, maraming sakit ang mabibigyan ng lunas. Pero dahil sa kakulangan ng budget at mga tauhan, hindi nasusunod ng pamahalaan at ng mga mangagawa ang IDEAL procedure na dapat na ginagawa o ipinapatupad. Katulad na lamang ng ratio ng pasyente sa Nars at mga Doctor. Sabi ng Department of Health “nurse-patient ratio in government hospitals is about 1:30 while the ideal ratio is 1:12”. Ideally, kung masusunod lamang ito ay matututukan ng isang nars o mabibigyan ng priority ang pagkalinga ng bawat pasyente at pagbibigay ng maayos at magandang serbisyo.

Sa karanasan ko bilang isang volunteer nurse sa isang primary hospital sa Bulacan, maraming mga IDEAL procedure ang hindi nasusunod, katulad ng:

Nasa primary ako pero nung tinanong ko sa aming chief nurse kung ilan ung bed capacity ng hospital na nkarehistro sa DOH, 15 patient lang daw pero kapag nagduduty kame umaabot ng 40 o higit pa, hindi pa kasama ang mga emergency cases at ‘yung mga OPD. At sa bawat shift, dalawa lang ang NURSES ON DUTY na my sweldo, isa sa Emergency Room at isa din sa Ward, buti na lang di sila nawawalan ng mga volunteer nurses na katulad namin. Pero paano kung lahat ng volunteers ay nawala o nagabsent, hindi ba’t napakahirap sa dalawang manggagawa lalo kapag nagkasabay-sabay ang mga patients na na-admit at maraming cases? Para bang ang hospital ay pinapatakbo ng mga volunteer nurses.

Ideally, ang mga syringe na nagamit ay dinidispose na, pero dahil sa kakulangan ng mga resources, ito’y nagiging reusable kahit na ito ay disposable. Hindi ba’t kung nagagamit na iyon ng paulit-ulit ay pinagmumulan na ng infections lalo’t ito ay ginagamit for Intravenous Drugs? Kaya minsan sumasagi sa isip ko ‘yung idea na kaya nagtatagal ‘yung pasyente sa hospital dala na rin siguro ng mga procedures na hindi nasusunod ng tama.

Marami pa ang mga sitwasyon o procedures na ‘di tama pero nangyayari sa realidad. Alam ko hindi lang ang hospital na aking pinagsilbihan ang nakakaranas ng ganyang sitwayon, kundi halos lahat ng pampublikong hospital sa ating bansa. Sa panahon ngayon, hindi na ‘yung IDEAL ang madalas masunod at ito ang REALITY sa lagay ng ating Health Care Delivery system.

Sana mabigyan pa ng pansin ng ating pamahalaan ang kalusugan at bigyan ng pagkakataon ang bawat nars na magserbisyo sa ating bansa na my sapat na sahod upang lalong mapaganda ang health care system sa bansa.

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.