I’m Not Meant to be a Hospital Nurse…Maybe

Gustong-gusto kong makapagtrabaho bilang hospital nurse. Pero sa sitwasyon ngayon, hay, imposible talaga.

I’m presently working as company nurse here in the Middle East. Maayos naman buhay ko dito, ok ang sweldo, pero until now frustrated pa rin ako kasi hindi ko napa-praktis ang kakayahan ko bilang isang hospital nurse.

Dito kasi sa work ko as company nurse, hindi masyadong nag-go-grow ang nursing skills ko, pano ang daming limitations. Tapos puro paper works ang pinagkakaabalahan ko dito, as in..puro paper works.

Dapat nga hindi ako magreklamo kasi at least may JOB ako, kaso talagang na-fu-frustrate pa rin ako dahil hindi staff nurse ang work ko. Iniisip ko nga na buti pa yung nagvovolunteer ako, at least naiimprove ang nursing skills ko na kahit walang bayad. Kaso sa kahirapan ng buhay at sa walang oportunidad para sa mga nars na katulad ko, hindi dapat maging choosy sa paghahanap ng work.

Iniisip ko nga eh kung may chance pa ba kaya na magamit ang pagka-nurse ko? Sayang kasi talaga, nanghihinayang ako sa mga panahon na inilaan ko para sa propesyong ito. Kahit nakailang ulit akong bumagsak sa board, pinilit ko talagang pumasa. At nung time na nakapasa naman ako, nagsara naman ang oportunidad sa nursing, kainis nga eh… wrong timing talaga ang pagpasa ko, kung nakapasa lang sana ako ng maaga, baka na-hired ako bilang hospital nurse. Nung time kasi na nag-vovolunteer ako, nagkaroon ng vacancy sa staff nurse, eh hindi pa ako nakakapasa nung time na yun, kaya hindi ako ang nakuha. Kung RN na ako nung mga oras na yun, malamang ako ang na-hired as Hospital nurse.

Hindi naman kasi ako materialistic na tao, kaya ako nag-nursing kasi ito talaga ang gusto kong maging. Gusto ko uling gawin ang mga bagay na ginagawa ng isang nurse sa hospital, gaya na lamang ng mag-IV insertion, mag IV meds/parenteral injections, mag-charting, etc..etc..etc.. lahat ng trabahong nurse, namimiss ko talaga ng sobra. Sa totoo lang, naiinggit ako sa mga Nurse na nakakapagwork sa mga ospital, dahil na-i-improve ang nursing skills nila, and at the same time, nag-go-grow sila di gaya ko na oo nga’t maganda ang career ko dito sa abroad, pero di naman ako nag-go-grow sa nursing career ko. For me, Money is not all that matters eh…

I really love nursing, sobra…. kaya nga nag-nursing ako kasi ito talaga ang dream job ko. Pero sa bandang huli, hindi ko rin pala magagamit ang kursong pinaghirapan ko for almost 6 years, kasama na doon yung almost 2 years na nagreview ako for the preparation sa board exam, kasama na rin doon na na-experience ko na bumagsak sa board. Pero kahit ibalik pa ang nakalipas, BS Nursing pa rin ang pipiliin ko, dahil ito ang ang aking calling.


Kung nabigyan lang ako ng chance na makapagwork as Hospital Nurse, hindi sana ako mapag-iiwanan ng panahon. Malamang Experienced Nurse na ako ngayon, Pero wala eh…..Sa situation ng nursing industry ngayon, no chances for us, nurses…

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa mga blessings na binigay ng Diyos sa akin. Siguro nga I’m not meant to be a Hospital Nurse, maybe. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang-araw, makakapagtrabaho din ako bilang Hospital Nurse.

Kahit hindi man ako mag-grow sa nursing career ko, magiging nars pa rin ako sa mga taong nangangailangan ng aking kalinga at pag-aaruga, lalong-lalo na sa mga mahal ko sa buhay, ako ang magiging nurse at sandigan ng buhay nila magpakailanman…

Photo credit: differenttypesofnursing.com

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • Nil

    Personally, i HATE working as a hospital nurse-super stressssfullll!!!! I really regret working in an acute setting. I think it’s the WORST job ever. I envy you coz at least you work as a company nurse…Sa hospital paperworks na nga (charting and blah blah… plus difficult patients and families!!!puke, pee, all the nasty stuff! I’m returning to school to get my masters coz i can’t stand being a bedside forever. I’m so done with it. Goodluck in your career and may you find where your heart’s niche.

  • it’s an opportunity for u dat ur working in the hospital coz lots of nurses want to be in your position.

  • nil

    if i could only give my position to someone else who wants my hospital job so bad, i would-no
    doubt…im the nurse who is not meant to do bedside. im
    moving on….

  • acj

    Dont be too sad with the experience… I became volunteer and bed side nurse. But I resigned in hospital. DONT think that nurses are just for hospital. Explore other areas. kumhuha ako ng educ units, passed the LET too. And now, teacher and RN in a public school. Crazy as it sounds, im teaching math (geometry) and at the same time clinic nurse. Right now, im pursuing, physics and math course- pathway to be a medical physisict. I dream to be one of the nurse scientist. Cheer up…. just look around. There are more opportunities out there waiting to be discovered.