Internationally Educated Nurses

Tinatayang humigit kumulang 80,000 Nursing students ang nagtatapos ng pag-aaral sa Pilipinas taon-taon .. Ilan dito ay nagnanais na makapunta abroad. Malaki nga naman ang kita kasi dollar. Ano ano nga kaya ang mga naiisip ng mga bagong Nurses na ito ukol sa pagtatrabaho abroad?

Isa akong Nurse sa Pilipinas, dinala ako ng pamilya ko sa abroad para dun na manirahan at magtrabaho. Inakala kong magiging madali ang lahat dahil nakuha ko na ang lisensya ko sa Pilipinas. Noong dumating ako dito sa Canada dalawang taon na ang nakakalipas, agad kong sinimulan ang paghahanap ng trabaho. Ngunit walang tumatanggap sa akin bilang Nurse.Nalungkot ako at nadiscouraged ng malaman kong hindi pala nila kinikilala ang licence ko bilang isang Nurse. Nag research ako sa internet at nagtanong-tanong sa mga bagong kakilala. Hindi ko akalain na kailangan ko pang dumaan sa masusing proseso para ako ay makapag trabaho bilang isang Nurse.

Nagsimula akong magtrabaho sa isang Nursing home o tahanan ng mga matatanda na hindi na kayang alagaan ng kanilang mga kapamilya. Halos maiyak ako sa unang araw ko ng pagtatrabaho.. Hindi ito naging madali sa akin dahil mula sa pagsusuklay ng buhok hanggang sa pagkakabit ng medyas sa aking alaga ay ako ang gumagawa. Mayron akong nakilala roon na isang Pilipina, isa din syang Nurse sa Pilipinas, hindi na nya itinuloy ang pag process ng kanyang mga papeles sa pagkanurse dito sa Canada dahil sya ay may edad na. Napagalaman kong sya ay isang Head Nurse sa isang sikat na Ospital sa Maynila sa loob ng dalawampung taon. Pinangaralan nya ako at inencourage na ipagpatuloy ang pag-aasikaso ng aking mga papel sa pag ka Nurse habang ako ay bata pa.

Ano ano nga ba yung masusing proseso na aking sinasabi dito? Unang una nariyan ang English exam , bagamat ang English ang Medium of Instruction natin sa Pinas, ito ay hindi pa din natin first language at nais nila malaman kung ako ba ay may kakayahan na Magbasa,Makinig,Magsulat at Magsalita ng English ayon sa kanilang pamantayan. Sinubukan ko ang kanilang Canadian English Exam para sa mga bagong dating na nais malaman ang kanilang level sa English. Nang makuha ko ang resulta, kinumpara ko ito sa requirements ng Licencing body na humahawak sa mga Internationally Educated Nurses na tulad ko. Ngunit napakalayo ng marka na nakuha ko. Binigyan nila ako ng referral para ako ay mag aral pa ng English sa loob ng tatlong buwan, naboring ako sa course dahil ang lahat ng iyon ay basic na itinuturo sa highschool sa ating school sa Pinas. Dahil dito, binigyan nila ako ng referral sa isang English course kung saan mas mataas ang level ng turo. Iba-iba ang aking mga naging kaklase, nandyan ang Abogado, Chemist, Geologist at Professor, pare parehas kaming mga Educated Professionals na hindi makpag practice ng aming mga profession.

Pagkaraan ng walong buwan, natapos ko na ang English Course ko at ako’y nagparegister na para sa Canadian English Exam for Internationally Educated Nurses. Salamat sa Diyos at ito ay naipasa ko. Kasabay ng pagdating ng resulta ng aking English exam ay dumating na rin ang assessment ng aking mga papeles. Sa pagkakataong ito, nais naman nilang subukin ang aking kakayahan sa pagsagot ng iba’t ibang nursing questions sa lahat ng bahagi ng Nursing. Ako ay ang naghanda at nagreview ng apat na buwan. Pagkaraan ng apat na buwan, ako ay nag written at practical exam sa isa sa pinakamamalaking ospital dito sa aming City. Isang Nurse ang nag bigay sa akin exam. Aaminin kong nahirapan talaga ako, lalo na sa mga equipments nila na sa litrato ko lamang nakita. Apat na araw akong maghapon na nag exam. Nanjan ang Pediatric Nursing, Mental Health, Medical Surgical, General Nursing at madame pang iba.

Ang haba ano? Sinong mag aakala na pagtungtong mo sa ibang bansa ay dadaan ka pa sa ganitong klase ng proseso. In fairness naman sa kanila, kung ako nga naman ang pasyente ay mas gugustuhin ko na ang Nurse ko ay talagang subok na at may kakayahan talaga na ako ay alagaan. Tiyaga lang talaga at mahabang pasensya ang kailangan. Marahil eto nga talaga ay isang “calling” para sa ating mga Internationally Educated Nurses na hanggang ngayon ay matyagang nag hihintay at naghahanda para sa ating muling pagbabalik eskwela upang i-fill ang gaps  bago mag board exam.

Sa lahat ng mga Nurses na nasa Pinas at gusto mag abroad, hindi ito isang hadlang para magawa natin ang ating “calling”. Isa lang ito sa napakarameng pagsubok sa buhay ng mga Nurses sa iba’t ibang sulok ng mundong ito.. na kung saan pag ito ay napagtagumapayan natin, tayo ay mas magiging strong at epektibong mga Nurses.

Have a blessed day! Thanks for reading my blog.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • karla

    pareho tayo ng story sis. I hope I could meet you or talk to you. alberta ka b? on the process sa akin. I need your encouragement.

  • jose

    nag saudi ka sana teh.. dito mo ipunin ang work experience at specialization bago ka tumongtong jan sa canada.

    or… habul mo ang canadian passport at mag aaply ka sa saudi dahil sa ibang level ang sahod ng Western Passport dito compared sa Pinoy Passport. Still U.S. Passport parin naman ang pinakamalaking bigay ng sahud dito compared sa canadian.

    1.US
    2.Canada
    3.UK
    4.European
    5.Czech
    6.South African
    7.Malaysian
    8.Philippine
    9.India/Pakistan
    10.Indonesia

    kung ikukumpara mo naman kasi ang standard of living jan eh palabas ang pera, di katulad sa saudi na papasok.. tiyaga kalang talaga sa kanila. marami nading RNs na nagpunta ng Canada at ang sabi ng iba parin ang professional development at job security sa saudi.

    sabagay anjan kana, Godbless teh sa job hunting and professional development makakamtan mo din ang RN level nila jan. =)

    tip sa mga bagong RNs na nag aabroad.
    papasukin po ang pera wag palabasin, wala namang madali or shortcut sa pag-aabroad at maginhawang buhay.

    • karla

      papasok ang pera sa saudi, palabas ang pera sa canada? what you mean po.i have meet friends and senior nurses from saudi. they already gain experience sa saudi. isa sa mga caregiver na nakatrabaho have spent 18 years sa saudi. yun although marami sha experience yet yung English requirement di nya mahit, mataas na kasi yung requirement pag IEN. di na kagaya ng dati. Kahit Canadian passport ka dito at sa pilipinas or ibang bansa such as india, saudi ka nagtapos ng nursing wala rin. yung option is to take some upgrading subject or refresher course.
      di nmn ganoon kahaba yung itatake mo depende rin. most of my batch went their sa saudi.

      if you really want to become a nurse here, ganoon tlga u need to spend .. shortly after magain mo na liscense mo .. you work and tuloy tuloy ang pasok ng pera. Standard of living here is very secure and one of the best. especially sa health benifit.

      • jose

        what i meant is that in order to land a registered nurse at canada you have to spend more than what you are earning. you are fortunate enough to be more than privileged on having your parents in canada for whatever support other aspirants are lacking.

        sa saudi ang sarap pakinggan ng ‘job security’ (even without the philippine license) and the cost of living is at par with your income. tax free. ang importante ‘recognized’ ang pinag-aralan mo kahit sa “not-so-popular-municipal-college” ka graduate ng nursing.

        ..serbidora nalang sa burger chain kahit may license?..

        it’s more of a luxury than a practical decision.

        just like buying a phone worth 5,000 wherein a 400 phone will do your basic calls and sms.

        • karla

          no rebuttal, but you see i came from other country too before i land here. and i came here as working permit . yes parent i have here but they dont support me. i support them somehow. i worked while studyon my own. and price after that is good.

          yes its bad, our education back home doesnt justify with the asessment here. yung Ielts and upgrading,kasi dawisnag reason is yung high school natin is 4 years which is till grade ten .. but here till grade 12 before going to collge.,

          but somehow matter of choice. i dream of Canada. you dream of Saudi life. So can say it is my practical decision. and fair enough luxury once settled. For family… when you get your children. its free education till grade 12. and salary good .. yes too bad for taxes but i guess its fair especialy sa hospital and other health benifit. ang sweldo ,, i dont want to compare sa sweldo nyo jan but i guess same lng cause it goes with the cost of living depende sa country. but converting to peso. i appreciate it more.

          i have loads of friends from saudi. my batch messaging to come here . but of course di madali. most of those fellow pinoys working as “serbidora as ypu mention” are educated and holding bachelor degree but matter of choice.. tinitiis nila yun for the mean time pagkatapos ng two years till makuha permanent residency nila.. PRACTICAL decision ika nga.. para makuha family nila dito.
          but take note …i believe salary there as compared to this serbidora are twice as much as nurses there. i know because i ask my friends there.. Goodluck sir for your saudi life and i believe so that you dont have plans going abroad such as US, Canada, Australia, and UK. because they dont recognize yung pinag aralan mo as u said. But if one day you change your mind, you will understand what in International educated nurses in thos countries. and undertsandwhat is papasok ang pera at palabas…

        • regie

          I think it will depend very much on the province where you will be working, and the type of visa that you have. Di ako “landed immigrant” dito sa Canada, pero RN ako. I hold a working visa, but prior to my arrival here in Canada, I have already signed a contract with the Provincial Government with the following stipulations: 1. Our medical exam will be reimbursed, 2. Our plane ticket will be paid, 3. We can apply for provincial nomination after 6 months of landing here in Canada, 4. We are granted work right after our 6 weeks of orientation, which by the way is also paid as GN.
          Post orientation, we were deployed in the respective hospitals/long term care facilities while awaiting the date of CRNE exam of which we were pre-approved. If and when we pass the CRNE, our pay will go up to RN level, inclusive to that raise in an hourly rate is the years (or hours) of experience that you have worked for back in the Philippines.
          In terms of Job Security? Very secure, contract is binding, we have a very strong union that is mandated by government that is blind to race or religion. Managers and top brass people are not included in the Union as accorded to the bargaining agreement to prevent conflict of interest. The tax is high, but the pay is excellent. Saving is easy kung walang pinag-aaral sa pribadong kolehiyo, sa 2 taon, makakapag patayo ka ng malaking bahay sa pinas, at makakabili din ng bagong sasakyan.
          By the way, the yearly cost of license renewal here, which costs about $500 is also handled by the health district, which is our employer.
          Religious freedom, check
          Freedom of Speech, check
          Universal Health Care, check (meron din niyan sa Saudi, I know)
          And most of all, since the hospitals are government owned, pantay-pantay ang tingin sa mga pasyente, mahirap man o mayaman.

          • Hello Regie! Thank you for sharing your experiences:) very clear and informative ung shinare mu;) have a good one!

          • regie

            You are most welcome Jhona. I forgot to add regarding “professional development” here in Canada.
            Canada is known for its very competent nurses and its nursing body holds to its high standards as research based. In fact, nursing practice here is continuously evolving mainly because of its pursuance of “best practices” as being endorsed by RNAO. All related updates for skills, depending on the area where one works are readily available and for free, furthermore, nurses are BEING PAID for the “education” hours that they have to undergo. So if we talk about professional development here, Canada is definitely up to date.

          • Hello Reggie! It’s nice to know that u really appreciate the benefits of working as a nurse here in Canada. By the way, my 2nd article was published last nyt entitled “nurse ka din?” u myt be interested to share ur views about it. Thanks! Have a happy day;)

          • jose

            Ang Lumalakad ng Matulin, Kung Matinik ay Malalim

    • dhemz

      koreck ka jan..

  • Hello Karla! I live in Winnipeg. We can keep in touch here in fb or visit my blogsite http://iamjonabie.wordpress.com

  • Hello Jose and Karla! First of all, thanks for viewing my blog;) I see u guys were brain storming about job security in Canada and Saudi. I just want to remind you guys that each of us have a different views about it. Have a happy day! Here is my blogsite http://iamjonabie.wordpress.com thanks!

    • karla

      yes sis. but anyway its descent one . no bad words allowed ehhehe

  • dhemz

    nka relate ako sa story nyo about IEN’s..with patience=success.

  • harvey

    di naman matulin ang pag-process papuntang canada. it’s never been easy and cheap. kanya kanyang preference.may iba ayaw mag-abroad kaya nanatili sila…may nag saudi di sa gusto nila tlga kundi ayaw ng mapagod pa sa kaka-process o gumastos pa o takot baka di maabot ang requirements o nag-try na dati bumagsak nga lang.