Isang gabi sa ICU

Natanaw ko siyang nakaupo sa loob ng vistor’s lounge. Nakayuko at tulala.

Night shift ako noon. Habang nakasukbit ang aking backpack at hawak ang kape sa kaliwang kamay, pinindot ko ang buzzer ng ICU.

“Sino po sila?” Tanong ng nasa kabilang linya ng intercom.

“Eh di ako.” Hindi na nila kailangang ipagkaila ang boses ko. Tumunog muli ang buzzer, at sa pagkakataong iyon, nagbukas ang pinto.

Charge Nurse pala ako at puno ang ICU. Halos lahat nakaventilator, kung hindi man, puno ng IV drips at sari saring tubo ang nakakabit sa katawan ng pasyente. Sa aking paglakad papuntang nurses’ station, napansin ko ang crash cart sa labas lang ng isang kwarto. Sinilip ko ng saglit ang nangyayari sa loob. Bukas lahat ang ilaw at lampas sampu ang IV pumps sa tabi ng nakaratay sa kama. Nakaventilator ang pasyente at nakahook sa defibrillator.

Dumeretso na ako sa kinauupuan ng charge nurse. Handa na ako sa endorsement. Wala naman na akong magagawa. Alam kong magiging toxic ang gabi ko.

Walang pagbabago. Hindi pa rin maoperahan ang isa dahil sa kakulangan ng pera. Hindi naman mailipat sa government hospital ang isa dahil walang bakanteng kwarto sa lilipatang ospital. Dalawampu na ang naiendorse sa akin. Isa na lang.

Ang huling pasyente ay ang sinilip ko pagpasok ko ng ICU. Ang pasyenteng may crash cart sa labas ng kwarto.

Witnessed arrest ang nangyari. Napagalaman kong “Josie” ang ngalan niya at kasama niya ang bunso niyang anak nang mangyari ang lahat. Nagmagandang loob ang taxi driver na nakakita sa insidente at itinakbo si Josie sa ospital kasabay ang anak sa sasakyan.

Initial rounds. Una kong pinuntahan ang pinakakritikal sa lahat. Malapit na ang visiting time kung kaya’t bago man lang pumasok ang mga kamag-anak ay nais kong malaman ang kwento ni Josie. Simula pa lang ay busy na ang nurse na naka assign sa kanya. Bukod sa abnormal lahat ng electrolytes ni Josie, mababa rin ang BP nito at abalang abala ang nurse sa pagkuha at pagbigay ng mga gamot. Masyadong maselan ang kaso ni Josie, konting abnormal lang sa blood levels at vital signs niya ay nanganganib siyang magkaroon ng lethal rhythms. Palit ng Dopamine, dagdag ng Levophed, Sodium Bicarb push, kuha dito, kuha doon ng dugo, tawag sa laboratory, dagdag na naman ng gamot. Halos lahat na lang naibigay na ng nurse sa isang oras na nakalilipas simula ng shift.

Visiting time. Bago pa man buksan ang pinto ng ICU para sa mga kamag-anak at kapamilya ng mga pasyente, napansin ko ang isang teenager na nakasilip sa bintana ng ICU. Siya ang teenager na nakita ko bago ako nagbuzz sa ICU. Tinanong ko ang isa sa mga nurses at napagalaman kong siya ang anak ng pinakakritikal naming pasyente. Nagpaalam ako sa bedside nurse ni Josie na kung maaari ay papapasukin ko ng maaga ang anak dahil nais kong malaman ang buong kuwento.

T-shirt, jeans at sneakers ang suot ng anak. Hindi mukhang galing eskwelahan. Tinanong ko ang anak kung saan niya gustong umupo habang tinatanong ko siya.

“Pwede bang sa loob na lng ng kuwarto ni nanay?” Ang mahinang tanong ng anak.

Tumango ang bedside nurse ni Josie. Ang kutob ko’y gusto rin malaman ng kanyang nurse ang kuwento. Dahan dahan at maingat na maingat, dumeretso kami sa kuwarto.

“Matagal ng iniinda ni nanay ang kanyang dibdib. Nagpapasama siya sa akin sa doktor pero hindi ko sineryoso ang kanyang hiling. Ang akala ko nagbibiro lang siya, naisip ko din na baka pagod lang dahil sa araw araw na gawaing bahay. Alam kong masakit pa din ang dibdib ni nanay kanina pero umalis pa rin siya upang maghanap ng pera. Sinabi ko kasi na kailangan ko iyon sa school…” sabay yuko ang teenager. Alam kong pilit niyang nilalabanan ang pagluha. Matapos ang ilang sandali, nagpatuloy ang anak. “Hindi ko naman talaga kailangan ang pera sa school dahil hindi ako nakapagenroll ngayong semester. Ipambibili ko iyon ng games. Sa tuwing aalis ako ng bahay, ang alam ni nanay ay papasok ako. Ang totoo ay tumatambay lang ako sa bahay ng kaibigan ko. Mayaman sila’t may Playstation at Xboxx. Kung wala ako sa kaibigan ko, nandoon ako sa computer shop para maglaro.”

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Totoong gusto kong malaman kung paano nauwi sa ganitong kalagayan si Josie, pero hindi ito yung kwento na gusto kong madinig. Ako ang panganay sa aming tatlo at mahilig din sa computer games ang kapatid kong bunso pero hindi ganitong tulad ng teenager na kausap ko. Naiinis ako. Gusto kong pagalitan ang kausap ko. Naiinis ako. Naiinis ako! Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong batukan. Gusto kong sabihing Hindi ka man lang naawa sa inay mo. Alam mo na ngang may iniinda siya, hindi mo na sinamahan sa doktor, pinaghanap mo pa ng pera na hindi mo naman talaga kailangan at hinayaan mo siyang umalis habang napakainit ng araw! Anong klase kang anak. Tignan mo ngayon ang nanay mo. Ano ngayon ang masasabi mo!

Bilang isang nurse, limited lang ang pwede mong sabihin at ipakita sa pasyete at sa mga kamag-anak nila. Hinding hindi ka pwedeng magpakita ng galit. Kaya’t hanggang tingin na lang ang nagawa ko sa anak. Wala akong karapatan pagsabihan siya. Ang nagawa ko lang ay tumahimik. Kakausapin din kita pero hindi ngayon. Pagtutuunan ko muna ng pansin si Josie. Ibibigay ko muna ang atensiyon at halaga na hiniling sa iyo ng iyong ina na hindi mo naibigay.

Tuluyan ng napaluha ang anak ni Josie. Lumapit ito sa tabi ng kanyang ina at mataimtim na hinawakan ang kamay. Yumuko at nagdasal. Sa gitna ng ingay ng mga ventilator, monitor at iv pumps, nadinig ko ang ibinulong ng kanyang anak. Mahina ngunit malinaw. “’Nay sorry. Pasensiya na talaga. Ang dami kong kasalanan sa iyo. Hindi ako naging mabuti sa iyo pero kahit na ganito ako, nandito ka pa din para sa akin. Magbabago na po ako. Habang buhay ko po pupunan ang mga pagkukulang ko, gumaling ka lang. Kahit na naging masama ako sa iyo nandiyan ka, sana sa pagbabago ko, nandiyan ka pa din. Gusto kong makita mong nagbago ako. Gusto kong makita mo na mahal kita. ‘Nay sorry na talaga.”

Alam kong nadinig din ng bedside nurse ni Josie ang mga ibinulong ng anak dahil sa mga sandaling iyon, tumalikod ito at nagpahid ng kanyang luha. Ako man ay napilitang lumabas ng kuwarto at magtago sa med room. Doon ako napaiyak.

Tapos na ang 8 hour shift. Endorsement na. Busy man buong gabi, si Josie ay unti unting nagimprove. Nagstabilize na ang kanyang vital signs at nagpapakita na ito ng unti unting paggising. Dumating ang mga doktor ni Josie at inihanda na siya para sa operasyon sa puso.

Paglabas ko ng ICU, nakita kong muli ang anak ni Josie sa visitor’s lounge. Sa pagkakataong iyon, kausap siya ng doktor na oopera sa puso ng kanyang ina. Katabi ng anak ang mga ilan pang kapamilya ni Josie. Nagpatuloy na ako sa aking paglakad ng madinig ko ang pamilyar na boses ng teenager.

“Nurse! Nurse!”

Lumingon ako sa tumatakbong anak ni Josie. Nilapitan ako’t nagpasalamat.

“Hindi pa tapos ang laban. Critical pa rin ang kalagayan ng inay mo pero sa tingin ko gusto niyang gumaling. Gusto niyang makita na tuparin mo ang mga ipinangako mo sa kanya. Gusto niyang maramdaman na mahal mo nga siya. Mahalin mo ang iyong ina. Nagiisa lang siya sa buhay mo.”

Tumango ang anak at nagpaalam na. Bumalik na siya sa visitor’s lounge kung saan una ko siyang nakita.

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About DmonyitangAnghel 1 Article
Takes care of the sick and the un-sick, the psychos and psychosomatics, the hypochondriacs and cyberchondriacs. Expert in cleaning poop and understanding the insane. What can I say? I love my job. =)
  • eggsinalua

    Dami n akong nbasa d2 pero now lang ako napaiyak! na touch ako ng husto!

  • shinikitty

    naiyak naman ako dito… in a way nakita ko ang sarili ko sa kanya, pasaway rin kasi ako, nagiging sakit ng ulo ng magulang ko paminsan-minsan. mabuti na lang ngayon kahit papano natutuwa na sila sakin kasi nakakuha ako ng scholarship para maging duktor. 🙂 nawa’y makita pa ng nanay nya ang pagbabago nya, katulad ng magulang ko, na unti-unting nakikita ang pagbabago sa buhay ko. 🙂

    • nurse of God

      Hi…shinikitty.. buti naman at nagbago ka na.. hmmmmm… balang araw..baka… boss pa kita! hahahaha… goodluck sa medicine!!! Galingan mo ok… para ky nanay mo… at attend ako pag nakatapos ka ok!!! Ako din kasi… pasaway din sa nanay ko noon… hahahaha..pero now… ok na ako.. mabait na ako ng konti!!!

      • fatimie

        Na touch rin ako sa kwento…d ako pasaway sa magulang ko..sila yung naging pasaway sakin. Ni wla silang paki alam sakin f anu ginagwa ko.. masmahal nila iba kung kapatid kisa sakin…pro bagkos nun never kong bnigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang ko… umalis ako sa bahy tumira sa mga kamg ank namin pra makapag aral… minsan galingako sa school. Hinihintay ko papa k pra umuwi.. dun ako tumayo kong san tambayn ng mga trisykel driver( trisikel driver papa ko). May lumapit sakin na babae…sabi nya ” ikaw ba anak ni junior na nag aaral dito sa roxas ng college? Diko xa kilala pro sinagot ko sya.. opo ako po. Bakit po? Kilala mo papa ko? Sabi nya “alam mo di pa kita nakkita pero kausap ko mga magulang mo sabi ng mama mo ikw daw yong anak nya na maganda at masipag pinapaaral mo sarili mo! Proud na proud yung mga magulang mo sayo sana kasing galing mo rin anak ko…ipagpatuloy mo ginagwa mo anak! Natulala ako bigla dko kilala ang babae..tumulo nalng bigla ang luha ko…proud pla mga magulang ko sakin bakit dko man lang naramdamn sa kanila yun…palagi nila ako sinasabihn na bakt ang taas ng pangarap ko mag aral ng college d nila kaya….mahirap
        po talaga kmi ang kita ng mga magulang ko tamamg tama lang sa pagkain namnin araw arw… pro nagsisikap ako ayuko habang bhay ganito lang kami….kaya

        • levhi

          Good Fatimie, I salute you!!! sana dadami pa ang katulad mo. I really appreciate a person like you!! God bless you & continue of what you have started, hope someday you will become a successful one.

  • Naiyak ako. The story touched my heart. This could be one of he reasons why God did not allow me to become one of you – I am so emotional.

    • jun

      kulang ang kwento. sana may Ending ito

      • nash

        tama ka Jun dapat nga may ending 🙁

        • The story did have an ending. The kid’s realization of his mistake. I think, the moment you realize your fault is enough to spearhead you to the right path. Is it not the best ending? or would you rather have a different epilogue?

  • Gerald

    very touching ang kwento..teary eyed ako knina habang binabasa. on the other hand, sarap tlgang maging Nurse.

  • Myonee

    I’m so moved. And Naging emotional ako dito. Eto ang mga pagkakataong ayaw kong nakikita kapag on duty ako, dahil sumasabay ako sa pag iyak (minsan nga hagulgol pa .. 🙂 ) ng mga relatives ng patients. But on the other hand, it is our being emotional and “feeling other’s feelilngs” that make us good nurses if not good people. 🙂

    salamat sa pag share po ha! 🙂

  • yellow_umbrella

    Nakaka-iyak ang kwento mo DmonyitangAnghel.. T__T

  • eenncee

    I love reading nurses’ experiences. Lagi akong nagbabasa dito everytime I log in. Hope to read more

  • grace

    ayokong mangyari e2 sa nanay ko.. mgpapakabait na ako..

  • evelyn

    touching naman..naiyak naman ako…

  • Lynne Keenan

    pigil luha ako dun ah

  • xieh

    waaaaaaaaaaaaahhhh! ang dami kong luha! bad na anak, palo ko sya sa pwet!

  • jovi

    tear jerking story. reminds me why i became a nurse and how lovely our profession is.

  • Salamat sa lahat ng naka-appreciate. =)

  • maricar

    napaiyak ako ng sobra…tama si nurse..iisa lang ang magulang natin kaya mahalin natin sila at habang kasama pah natin sila ipadama natin kung gano sila kahalaga sa atin at kung gano natin kamahal ang mga magulang natin…

  • Mhien alshardi

    Touched naman ako… Teary eyes 2loy me. Nice story…

  • nash

    Ganda naman! medyo naka relate lang ako pero konti lang naman ^_^ may karugtong pa ba ito? bitin kasi 🙁

    • Karugtong? nah… the kid already felt guilty for what had happened. It was enough ending for me. But i have lots of stories to tell… so there will be more. =) Thanks for appreciating this story. =)

      • nurse of God

        Ang ganda naman ng name mo d2. ok cge, share ka pa ng maraming experience mo d2 ok.. Read ko palagi mga kwento mo d2 ok.Sa mga Filipino nurses.. na my TLC… sa mga pasyente nila!!! I salute you!!! Mabuhay kayo!!!

  • Anjelika

    anu ba yan,,grbe pagpapahid q ng luha q,,namiss q tuloy mami q na nsa dubai,,iloveyou mami!

  • icemaiden

    beautiful story… naiyak ako.. thanks for sharing.. kudos sa inyong mga nurses.. godbless u all..

  • Amor Virata

    dati akong nars,iniwan ko ito at nagshift sa media industry, nung nars pa ako, marami akong naencounter na malungkot na kasaysayan, pero iba ito touch ako,hindi lang sa batang yun, kundi ang contents ng story, na posibleng makapagpamulat sa mga anak, upang di na maulit ang ganitong pangyayari, salamat, isa ka talagang nars, na may puso,at kasama mo ako……..ito ay pars a mga anak na sa halip na tumulong sa ina, ugali ng spoil brat na wala naman..

  • mernol mangila

    there is always a room for changing lives. sad to say that sometimes we only try to change when somebody we love is on the critical edge of his/her life. nkaka iyak naman yan, ganda ng storya 🙁

  • Thank’s for sharing the story..!! As i read all d comments many of us were so touched..!! so guys this is our time to reflect: real Mother comes just one’s. Love u mama ko..!!

  • kai

    what a nice story.. nakarelate naman ako kc ung mother ko na coma for almost 2 week bec. of viral encep. pero thank god ok na sya nakarelate din ako onti sa teenager medyo pasaway din ako eh dati eh… buti nalang may mga doctor na magagaling at mababait na nurse ehehe

  • Joey

    Naiyak ako…I’m a nurse here in UK…miss ko si Nanay… Sana makauwi kami ulit next yeAr

  • digna garcia

    hay iisa ang comment. talagang nakakaiyak..ang bigat sa dibdib ano po…sana mabasa din ito ng maraming mga anak o ng mga kabataan.. me aral talaga…

  • Camille Cabaron

    sana lahat tayo, hindi dapat nagte-take for granted sa mga mahal natin sa buhay. matuto tayong maging responsable dahil ang ating mga magulang ay nag-iisa lamang sa mundo. nagagalit ako kapag may nababasa ako tulad nito dahil kailangan pa n may mangyari na ganito bago pa matuto ang isang anak. kahit hindi man maging vocal na masabi mong mahal na mahal mo sila, ipakita mo na lamang na masunurin ka at hindi mo sila binibigyan ng sama ng loob..

  • jowell

    gustohin ko mang ipakita sa nanay ko na mahal ko siya, hndi ko yun magawa kasi siya mismo yung lumalayo saming mgkakapatid, hindi lang samin pati na rin sa magulang niyang may sakit, wala na siyang pakialm sa mga magulang niya, hindi ko alam kung anong pwede kong gawin, ngdadasal na lang ako na sana magbago na siya one day, ayaw kong dumating sa puntong magbabago siya pero huli na ang lahat..

  • Me-ann

    Your story is very touching. I can relate coz ICU charge nurse din ako and I have also experienced so many heartbreaking moments with patients and their families. The one thing I have learned all these years is don’t take anyone for granted. Life is so unpredictable. Love your family and show them how much they mean to you.

    I’m proud to be a nurse!

  • xieh

    how can i erase my prior comment, cause i wasn’t able to uncheck the ” I want to get notified via email of replies or new comment(s). ”
    i don’t want to receive notifications at my email. or if Ms. DmonyitangAnghel can just erase my first comment.. thank u.

    • xieh

      alam ko na pala 😀 meron palang unsubscribe..

      • hehe… thanks. I was looking on how to do it too… glad you found it. =)

  • zarah

    ako ay pinaiyak mo sa kuwentong ito. . . ang nanay ay isang martir na hero ng pamilya. nag aantay kung kelan marealize ng anak ang mga kamalian na nagawa. pakiusap ko po sa lahat ng makabasa nito, huwag na natin paabotin pa na may masamang mangyayari sa nanay natin bago tayo magbago at hihingi ng tawad kasi di lahat ng panahon sa ganitong pangyayari na papalaring sya ay mabubuhay pa.

  • blessedpai

    one great inspiration!i am an icu nurse…i understand how toxic it is to be in the unit…or i must say to be a nurse…oftentimes i wished i should have taken another career path…but this is where i am called…and i am one of the chosen few,an angel in the sickroom!

    KUDOS FILIPINO NURSES!

  • Thanks for liking my story.. There will be more. All i ask is just one thing… please pray for all the nurses. They are really your guardian angels, not just in the hospital, but in all places where sick people are. Thanks again! God bless!!

  • Winston D. Bassig

    Although there is no ending of the story, i want to put the ending of the story this way.By the power of the Holy Spirit, the mother recovered from her sickness and gained enough strength upon hearing the commitment of her daughter to renew her lifestyle. The daughter was forgiven by the poor mother and now a very active member of a religious organization and was able to finish her studies. The moral lesson of the story,the mother and daughter relationship is very important. Mother knows best and for as long as they do inculcate to their children the good morals while they are still young and pray together at home, definitely they will be spiritually guided and mistakes can’t be committed at all.To all the nurses around the world you are all the great angels in your advocacy and my fervent prayers for all of you. God bless

    • Kathy

      As a writer myself, I do criticize another person’s work as would all writers do. Again, I criticize but I respect them and their work. It’s their masterpiece, as a painter to his canvas. Have you seen anyone (aside from the painter) adding anything to a mural? It is a sign of disrespect and THAT is exactly what YOU did. You know days and nights were spent trying to put a story into writing, compared to what you had just scribbled above, im pretty sure, you did not even spend an hour to reflect about what you had written. All you have is the intent to finish the story that you THOUGHT has no ending.

      I am a writer and I just hate it when someone tries to include their crazy fantasy to my work. Your narration is great… but dude, use it in your own story. Be a gentleman.

      To Ms. DmonyitangAnghel, KUDOS. Your work is fanstastic. I like the way how your story ended. Deep and meaningful. It plays with the reader’s mind.

    • Amanda

      Sir, how did you know that her child is a daughter and not a son? Are you stereotyping? I agree with what Kathy said. WRITE YOUR OWN STORY. And besides, you wrote yours in English. The story was written in Tagalog.

    • Cathy

      CREEP!! Your story WINSTON sucks!!

  • Lady Lyn

    THANKS sa story po. Very touching!

  • sarj

    i am an icu nurse too.. and i thought na tumigas na dibdib ko dahil sa lahat ng action and drama inside the unit everyday.. pero this story really moved me and obviously moved most if not everyone who read it..sakit sa lalamunan magpigil ng luha ah.. thanks.. i love you mommy and daddy!!

  • John Patrick Tan

    Im an ICU nurse din sa isang pampublikong hospital sa manila.. Di nalalayo ang ganitong scenario samin.. Haay.. Actually, when i read thia.. I just woke up, in a few will be preparing for my shift.. Pero suddenly this article pop-ed up from the screen.. Wall post from someone i didnt know.. Then i begun reading.. While reading, nagbacktrack sakin yung mga kalokohan ko dati.. Pero not to the extent na ganito. Pero i admit madame kong kalokohan. The good thing was d kelangan umabot sa ganon ang mom ko, bago ko nagbago. So ayun she witnessed me being a good nursing student, passed the boards, train to different nursing specialty, being a volunteer, having an admin job, and now being an ICU senior staff.. Haay.. Mahal ko ang mom ko, mawala na lahat wag lang mom ko.. Seryoso..

  • ` sana may ending ,,
    hehe ,, kaLa ko at the end i o offer nung anak ni aling josie yung puso nya sa nanay nya , (: sana may natutunang aral yung mga kabataang alam lang “mag pasaway at magpasarap sa buhay” .. isipin din sana yung mga magulang na , halos di na alam gagawin matustusan lang pangangailangan ng mga anak tsk !! ,, salamat sa pag share !! nurse din po kasi mga cousin ko pinabasa ko sa kanila to ‘ minsan nga daw gusto nilang mang pukpuk ng pasyente o ng dalaw kapag nalalaman nila yung story kung bakit nag kaganun .

  • emlaureta

    Grabeh!!! Ang aga aga at bisperas ng new year pinaiyak ako ng kwento mo! sapul ako! sapul na sapuuuuullll! buti na lang di umabot sa ganto sitwasyon ko at nakapag bago na ako.. haaayyy.. salamat Ama.. ingatan mo sana lagi magulang ko..

  • elsert

    very very touching stories for parents working hard for thier children,,isa rin akong ICU/CCU nurse working abroad all my life since i became registered,,,its one of kind story,that touches every nurse and non-nurse,,,many occasions i expereince sad stories but not a child and a mother,,,,it relate to us as parents,,,,,my tears are too shallow everytime i read stories like this,,,,,,but never regret being a nurse,,,,,the ending of your story is more than enough for children to learn lessons to respect and love their parent,,,,parents can’t stand without their children,, and children realizes they need thier parent,,,, only if they’re in need of luxury or in trouble,,,and always late showing thier love/respect when parents are on the critical edge of thier lives,,,,,,,,,,,,,,,,i love reading experiences and stories from nurses,,,,,

  • Romar

    A very touching story.

    More stories here : httP;//4scored.blogspot.com

  • Romar

    http://4scored.blogspot.com <– just correcting the site

  • iyah

    kakaiyak naman.. pasalamat ung anak mag second chance pa xa, hindi lahat nagkakaroon nyan.. sana man lang totoo xa sa mga pinangako nya..

  • sana magsilbing aral ito sa ibang kabataan na binabale wala nila ang kanilang ama’t ina,maiksi lng ang buhay kaya pahalagahan natin ang ating mga magulang sila lang naman ang ating malalapitan pag problema tau at sila rin rin nagpupunan ng mga pangangailangan natin.kaya mahalin natin sila.

  • lady

    Was teary eyed after reading this true story article. grrrrrr I never had this great experience with any patient I cared for. waaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!! Nice one and the nurses really stick to the rule of not showing their tears and any bad reactions to the teen instead provided silence and encouraged him to make things right and make his mom happy.

  • Chewwiee

    heart-warming story! nakikita ko ang sarili ko sa anak nya.. 🙁 i just realized how a bad daughter i am. good thing nabasa ko to..this story served as an eye opener for me.. nurse paman din ako. Its not yet too late..i can still change! and thank you for this story! 🙂

  • joy

    love our parents..they are the only one.

  • Byrne

    I love the way you choose words to describe your experience…… marami din akong kwento pangyayari sa field of work na pinili natin but it’s kinda hard to find the right word to say it… hindi lang magaling kang nurse your a good writer too….. kudos for you…

  • Teody C. Seguin

    Pigil ang luha ko sa kuwentong ito.. Very touching story. Sana lahat ng kabataan ngayon ay maging mapag mahal sa kanilang mga magulang. Tandaan natin na wala silang kapalit sa mundo. Sila ang taong iintindi sayo ng lubos, maging ano ka man sa buhay mo.

  • jackie calderon

    it’s not easy being a nurse.. but it is worth everything… knowing na nakakatulong ka sa ibang tao na kailangan ng outmost care… it’s also hard to contain heavy emotions regarding ur patients condition… i always sing a praise song for certain patients na i feel that God wanted me to share a blessing of faith… sobrang natouch ako sa story na to kase nakita ko sarili ko sa bedside at charge nurse.. nakakatusok sa heart pero bawal kang ma apektuhan kse as a nurse, ul be ur patients strength… and i know all mothers’ deserves the biggest hug, biggest kiss and the gigantic love in the whole world 🙂 i love you mama.. i miss you sooo much.. thank you for everything.. 🙂

  • balbino

    Korek kayo masamang anak, huli na ang lahat.