KAPAG ANG NURSE NAGKASAKIT, SINO MAG-AALAGA SA KANYA?: The story of an OLD NURSE

Tinanong ako ng kaibigan ko “oist teph pag ang nurse nagkasakit, sino mag aalaga sa kanya?hahaha” Sumagot ako….eh depende yun kung tipong MALALA or NAKAKAMATAY na yung sakit malamang nasa hospital sya at inaalagaan ng mga kapwa nurses and doctors. Pero kung simpleng sakit ng ulo, ubo, sipon lang.FOR SURE INAALAGAAN NYA SARILI NYA hehe….then naalala ko yung time na nagkaroon ako ng trangkaso…wala akong kasama sa apartment…ok so..monitor ang sariling temperature, i-TSB ang sariling katawan (waaaahh), gisingin ang sarili every 4 hours para uminom ng paracetamol…ang kulang na lang tusukan ko sarili ko ng access para sa IV fluid at mag insert ng IFC dahil tinatamad na akong bumangon para umihi dahil sa kaka INCREASE ng FLUID Intake..wahahahahaha.

SOMETIMES, PEOPLE WOULD SAY ..YOU’RE A NURSE.YOU KNOW WHAT TO DO. At alam kong maraming nurses ang nagseself-medicate at kulang na lang i diagnose ang sarili (wahaha umamin kayo :p ) ..PAG NAGKA-SAKIT KA AT MAY PAMILYANG MAG-AALAGA SAYO SWERTO MO..EH PANO KUNG WALA?

Ang haba ng intro ko..PERO ITO TALAGA KWENTO KO ^^…Sa isang BARYO may matandang babae, mga nasa 81 taong gulang na..tawagin na lang natin sya sa pangalang LOLA Nurse. That time, nursing student pa lang ako.LOLA Nurse was Endorsed by the previous groups during the community immersion. SHE’S A COMMUNITY NURSE DATI, WALANG ASAWA’T mga ANAK, NAKATIRA SA MALIIT NA KUBO UMARAW, UMULAN, o BUMAGYO man, ANG MGA KASAMA LANG NYA AY ANG KANYANG MGA PUSA.Nagkaroon na nga sya ng asthma dahil sa mga ito. Hindi na rin sya masyado nakaka-lakad dahil kwento nya, nahulog sya dati sa ‘di kalalimang bangin malapit sa kubo nya, walang nakakita sa kanya pero buti na lang nagawa pa nyang tumayo at sya na ang nag-alaga sa sarili nya. Dadalhan na lang sya ng pagkain ng mga kapit-bahay nya or ng mga kamag-anak nya pag naaalala sya. HINDI DIN NAMAN KASI GANUN KA DALI ANG BUHAY DUN; nai-refer na rin sya sa government agencies pero wala yatang nangyari, sadyang mahirap lang talaga ang buhay. During an interview, nasabi nya ang mga ito “MARAMI AKONG INALAGAAN NOON, HINDI NA NGA AKO NAKAPAG-ASAWA..NGAYON NAMAN MATANDA NA AKO, WALANG NAG-AALAGA SA AKIN”...Lumabas ako ng kubo dahil hindi ko napigilang umiyak..

Kasama ng ibang groupmates ko, we checked her physical condition. Pinaliguan namIn sya, pinakain, at nakipag-kwentuhan. Nagpasalamat sya for what we did…sabi namin babalik na lang ulet kami pag nagkaroon ng pagkakataon, endorse na lang namin sya sa ibang grupo na susunod sa amin. Sinagot nya kame ng “PAG BALIK NYO BAKA WALA NA AKO” then SHE SMILED. Tumulo na naman luha ko…

Maraming sumunod sa aming grupo na bumisita sa kanya. After a few months, may nakapagsabing pumanaw na sya. Hindi ko lang alam kung SA MGA SANDALING IYON AY MAY NAG-ALAGA SA KANYA O NADATNAN NALANG SYANG “NATUTULOG” KASAMA ANG MGA PUSA NYA. :”(

NURSES are ANGELS who take care of the sick, alleviate pain, give hope, but they are also HUMAN who also deserve the so called “Tender Loving Care”

TRUE STORY.

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • Hello. May contact number ka ba ni Lola Nurse? Gusto ko siya i-feature sa Abs Cbn Storyline sana. Maraming salamat! My number is 0916.707.9485. Please text me.

    • Liset

      binasa mu ba ung buong story? pumanaw na sia…

      • Maymay Mosqueda

        Hahahaha natawa naman ako sa reply!! .. Pambihira.. mukhang hindi binasa yung whole Story..!!!

        • tepay

          baka na dala lang po sa story… Mam Carla SALAMAT po sa concern. Godbless.if my ma encounter po ulet ako..such situation.txt ko kayo 🙂

    • TINA

      You may try asking from the office of the Philippine Nurses Association. They have a record of all the nurses and for sure will know some (if not a lot) of old nurses with similar story like Lola Nurse.
      This is one of my dreams…to put up Nurses’ Homes..nursing home for the nurses who doesn’t have anyone to take care of them. They deserve it!

  • Liset

    hehehe parang familiar sakin ung question na yan… (^_^)

    • tepay

      ANdyan ka pala!!! haha Si LISET po ang kaibigan kong nag tanong saken “kapag ang nurse nagkasakit sino mag aalaga sa kanya” ang dami ko tuloy NAALALA.. sya po ang salarin kung bakit ko nagawa yung blog..hehe.salamat ^^

      • Liset

        nyehhhheheh kaw talaga. natuwa naman ako, naging part pa ako ng talent mo.

        kahit hindi ako nurse patambay dito huh, aabangan ko lahat ng blogs mo. nkakainspired. parang ang sarap maging mabait, in so many different ways.

        Keep it up Tepay, keep on inspiring many people, even though we’re not nurse. God Bless (^_^)

        • tepay

          hehe..naman… salamat sis ^^

  • paula

    im 38 at minsan, nrramdaman ko rin n parang pag ako ang may nararamdaman, i feel alone. pero kpag mga anak at asawa ko, konting daing, natataranta ako… ganun nga siguro ang buhay natin mga nurses. ang lamang ko lng kay lola nurse, may family ako khit ppano, pag nhulog ako, may tutulong sa akin. at di aasa sa bigay ng kapitbahay pra kumain. there are so mANy things that we have to thank God for!!!

  • Bryan Dexter Ian

    patay na si Lola Nurse..Paano mo pa cya ma feature? Non sense nman…

  • char

    nakakatouch 🙁 ang ganda ng story!!^^

  • nursesiako

    very touching story…

  • emily socorro

    this is really true!