Kung hindi ako Nurse..ano kaya ako ngayon?

Marahil kung sinunod ko ang aking mga magulang na kumuha na lang ako ng kursong Edukasyon, marahil isa na akong Teacher ngayon..Nakakatuwa nga, wala sa isip ko na maging isang Nurse. Kahit ako sa sarili ko, noong kabataan ko hilig ko na ang magturo…minsan mag-isa lang ako..kunwari may tinuturuan ako, kinakausap ang sarili minsan may mga imaginary friends pa akong nalalaman..siyempre ako yung teacher, at ako din ang estudyante.

Mahilig din akong mag imbento ng mga pangalan at ililista ko sa aking maliit na notebook at minsan ay ang mga lumang class record ng papa ko…hayun, gagawa ako ng honor roll at magco compute ng mga grades..at syempre laging first honor sa akin yung naisip ko na may pinakamagandang pangalan.

Minsan napagtripan ko yung totoong Report card ng mga estudyante ng Tito ko..Binago ko lahat ng mga grades dun at ginawan ko ng bagong honor roll.Huli ko na lang nalaman na kailangan pa pala ng mga estudyante niya yun para makapasok ng High school.

Kung babalikan ko ang kinalalakhan ko, kahit ako man ay nagtataka kung bakit naging Nurse ako na kung tutuusin lumaki sa pamilya ng mga Teachers. Simula sa mga Lolo at Lola ko, mga Tiyo at Tiya at maging ang Papa ko hindi malalayong maging Teacher din ako anupa’t namulat at lumaki ako sa apat na sulok ng classroom ng aking ama.

Isa siguro sa mga dahilan ay nais kong maiba o maging iba. Bago ako mag kolehiyo natatandaan ko pa ang araw na pinilit ako ng aking ama na kumuha na lang ako ng kursong edukasyon sa isa mga pinakamalapit na paaralan sa aming lalawigan, subalit sinuway ko siya. Alam ko, masakit ang loob niya sa akin anupa’t ang kanyang pagiging Guro ang siyang bumuhay sa amin na pilit kong tinatalikuran. Wala naman siyang nagawa, at di na niya ipinilit pa ang mga bagay na yaon.

Sa madaling salita naging Nurse ako. Ewan, di ko alam kung bakit. Kung tutuusin wala naman talaga sa hinagap na magiging Nurse ako. Hindi ko nga nakita ang sarili ko na magtratrabaho sa ospital anupa’t noong bata pa ako’y makita ko lang ang bubong ng aming ospital sa aming bayan ay kinakabahan ako. Mas magiging totoo pa ako sa sarili ko na minsan nakita ko ang sarili ko na isang broadcaster sa TV o sa radyo.

Pero naging Nurse ako…astig no?

Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na Nurse nga ako. Kailanman ay hindi na absorb sa utak ko na kailangan kong magpaka Nurse dahil Nurse nga ako.

Pero wala akong pinagsisihan sa landas na tinatahak ko. Marahil noong una naguguluhan ako at hindi ko talaga alam kung anu ang pinasukan ko. Noong nasa College of Nursing ako- isa lang akong regular na estudyante ng Nursing- papasok sa school, makikinig ng lecture, mag re return demo ng nursing skills, mag be bed making, mag be bed bath, gagawa ng Nursing Care Plan mag duduty at kung anu-anu pang Nursing ek-ek sa eskwelahan at ospital. Isa lang ako sa mga regular na Nursing student na walang passion sa Nursing. Hindi ko nga alam kung paano ko nalampasan ang apat na taon na ganun lang.

Maaaring sasabihin ng iba isa ako sa mga ipokritong Nurse na walang magawa sa buhay at nakikisunod lang sa uso ( na talaga namang nasa tugatog ng kausuhan ang nursing noong panahong iyon). Eh ano ngayon? naging Nurse ako. Yabang lang.

Subalit hindi lang pala nagtatapos sa pagkuha ng lisensya ang pagiging mayabang. Dahil ang totoong kayabangan ay mapapatunayan sa totoong mayabang na mundo…at sa mayabang na mundong ito walang puwang ang isang mayabang Nurse na katulad ko.

Sa totoo lang nagyayabang yabangan lang ako. Kung baga, kailangan ko lang humugot ng positibong bagay sa loob ko para maka survive sa totoong mundo na ginagalawan ng isang Nurse na katulad ko.

Bawal ang mahina…tutumba ka.

Bawal sumuko…paano mo mapapatunayan na worthy ka?

At higit sa lahat bawal panghinaan ng loob anupa’t isa ka sa mga sandalan ng mga taong pinanghihinaan din ng loob.

Nurse ako..para sa mga naging pasyente ko..isa akong Hero.

Yung tipong pag andyan ka parang ang mga bagay na imposible ay posible.

May passion nga ba ako sa Nursing.

Sa totoo lang..OO

Minsan kasi kailangan kong magsinungaling at maging totoo ako sa sarili ko.

at mahal ko ang karerang tinatahak ko.

Hindi man natupad ang mithiin ng aking ama na maging Teacher ako..natupad naman ang mithiin na aking Ina na maging Nurse ako- na minsan niyang pinangarap sa buhay niya.

Nurse ako.

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • emily

    i like this article.

  • marie

    but even as a nurse…you can still teach and share what you learn in Nursing course. All you need is a positive outlook, and perseverance to succeed whatever you are today!

  • If hindi ka nurse ngayun..malamang GRO ka sa Malate. ahahaha

  • armi manzano

    pangarap din ng nanay ko maging nurse, kaya eto ako ngayon..

  • hehe..parang ako lang to ahh..I wanted to become a teacher too but I end up working in the hospital.

  • louella

    A nurse is not only a nurse, she/he is also a teacher, shock absorber,administrator, guidance counselor and a lot more . It is not easy to be a nurse, it is hard both physically, mentally and emotionally.Kudos to all the nurses !

  • Ice Garcia

    Maaari ka namang maging isang guro o propesor nating matatawag sa kolehiyo. Pumasok ka sa academe at maaari mong ibahagi ang iyong talino at nalalaman para humubog ng mga bagong nars ng lipunan.

    Maging ako, hindi ko pinangarap na maging nars, nangarap naman ako na maging isang DOKTOR. Noong una,di ko talaga gaanong gusto ang Nursing kasi gusto ko talaga mag Biology o Chemistry as pre-med. Pero, naisip ko, mas mainam ang isang nars kasi pag tinamad ako sa Med school, at least may pinanghahawakan akong titulo at lisensya at isa pa, nasa field din naman ng Health and Sciences ang Nursing plus, pwede din itong pre-med. Kaya nag nursing ako. Napamahal ako sa kursong ito.

    Katulad mo, lumaki ako sa pamilya ng teacher, minsan pinangarap kong maging teacher at the same time doktor. Kaya BAKIT AKO MANGANGARAP NG ISA LANG, KUNG PWEDE NAMAN PAREHO DIBA? So naisip ko maging isang propesor din sa hinaharap. 🙂

    Proud to be a Nurse! 🙂

  • jehn

    Ur ryt mahfrend, if u dnt have passion on it, u will not survive!:) We’re proud to be NURSES! Galing^_^

  • jefferson palo

    naka relate ako sa article na to. kahit RN ako and I’m not working as a nurse but as a Teacher, it’s fulfilling naman, kaso hinahanap hanap ko ang ospital, namimiss ko na rin ang mag duty. kaya I make sure na nakaka pag training at seminars pa rin ako, para kahit papano hindi ako mahuli sa latest trends.

  • Rhonna Asuncion

    I like this.Ako naman, tatay ko ang gustong maging Nurse ako, kahit pangarap kong maging sundalo. But I have learned to love being a nurse at kung hindi nag-insist ang tatay ko, di ko alam kung san ako ngayon.. Proud to be nurse!

  • tony acuna

    i am not a nurse. it is my dream then to have a nurse as my partner in life but i ended marrying someone who is also in the field of engineering.thanks GOD,my daughter and my son fulfilled my dream to have a nurse in my life and in our family.i am proud to be a father of two not one who are there to serve mankind.please don’t regret being a nurse,employed or un_employed,tell the world you are there for them