“Langyang Board Exam Yan!”

nursing cap

nursing capKaiba sa karaniwang paglabas ng resulta ng Nursing board exams, hapon inilabas ang resulta para sa kumuha ng December 2011, at yun nga ay nangyari ngayon, February 16, 2012. Madami ang natuwa dahil natupad ang hinihiling nila, pero mas madami ang di pinalad. Bilang isang instructor, nagiging mahirap din para sakin pag sumasapit ang ganitong pagkakataon. Alam ko kasi ang buhay na pinagdaanan ng bawat estudyante ko, alam ko ang hirap nila, ang pagtitiyaga. Alam ko ang pagsasakripisyo ng magulang nila, at alam ko din kung gaano ang takot nila sa pagharap sa isa na yata sa pinakamahirap na pagsusulit para sa mga taong nagnanais maging propesyunal.

Tuwang – tuwa ako pag may nakikita akong pangalan ng nakapasa, naiisip ko, sa wakas, magsisimula na silang tumupad ng pangarap nila. Sa wakas, buong pagmamalaki nilang maiaalay sa magulang nila ang nakuha nilang tagumpay. At sa wakas, luha na ng kaligayahan ang ibibigay nila sa kanilang mga magulang. Pero sa bawat pangalan na di ko nakikita, nalulungkot ako, na parang bahagi ng pagkatao ko bilang tagagabay nila ang nabigo… Na may parte sa akin ang nanghihinayang…

Alam kong wala akong karapatan na sabihing naiintindihan ko ang pakiramdam ng mga hindi pinalad… Hindi ko yun maiintindihan kahit kailan… Kahit pa sabihin na magkamukha ng sitwasyon ang dalawang tao, hindi ito kasiguraduhan na magkamukha sila ng mararamdaman, pero para sa mga di pinalad, hayaan nyo na ako ang magsulat ng mga bagay na di nyo mabanggit…

Wag na nating tanungin kung ok ba sila, dahil hindi sila ok… Masakit sa kanila ang nangyari lalo at masakit din yun sa mga taong nagmamahal sa kanila… Mahirap kasing tanggapin na nabigo mo ang mga taong pinapahalagahan mo… Masakit at malungkot… Pwede kang umiyak…. Walang masama… Pakawalan mo lahat ng panghihinayang at disappointments…. Wag kang masyadong magalit sa sarili mo… Tamang tanggapin mo na may pagkukulang ka, tanggapin mo na di pa sapat ang ginawa mo… Dahil sa pamamagitan nun, maaring maging handa ka ulit sa pagsubok sa susunod na pagkakataon..

Wag ikumpara ang sarili sa iba… Magkakaiba ang tao… Magkakaiba at may kanya-kanya tayong pagkakakilanlan… Mas maganda na sa panahong ito, mag-ipon ka ng tapang at lakas na tanggapin ang katotohanan, mahirap talaga, pero kailangan tanggapin at kayanin… Dahil wala naman ibang paraan para harapin ang sitwasyon ngayon…

Wag ng isipin pa kung ano ba ang ginawang pagkakamali… Wala kang ginawang mali… Maaring may kulang o sobra kang ginawa, pero walang mali…. Di lang siguro sakto yung timpla ng paghahanda mo para sa exam mo… Di bale, may kasunod pa naman… At least nasubukan mo ng timplahin yung sarili mo, may ideya ka na kung papaano ang gagawin mo sa susunod…

Wag mong kakalimutan na sa gitna ng pagkabigo na nararamdaman mo, may mga tao pa ding walang tanong na handang tumanggap sa’yo… Mga taong hindi marka o grado sa paaralan o score sa exam ang basehan para mahalin at tanggapin ka… Sa bawat sitwasyon na kakabilangan mo, tandaan mo na pamilya at totoong kaibigan lang ang mananatili sa panig mo… Wag mo pasaning mag-isa ang dinadala mo, hayaang mong palibutan ka ng mga taong nagmamahal sa’yo… Ano man ang mangyari, hindi magbabago ang tingin nila sa’yo..

Panghuli, wag kang mawawalan ng tiwala sa Panginoon… Sa lahat ng pangyayari sa buhay mo, tandaan mo na may plano siya para sa’yo… Remember that God answer our prayers in three ways, He says yes and gives you something good… He says no, and gives you something better…. He says wait, and gives you the best… Tatagan mo lang, dadating din ang panahon na para sayo, wag ka lang susuko…

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Mga-sulat-kamay 16 Articles
Hindi ko sasabihing ako ang ideal na tao... nagkamali, nadapa, nasugatan, dumugo, umiyak.. tumahan, naghilom, nagpeklat at sinubukang muli... ganyan ako, hindi perpekto, pero at least totoo... mga sulatin na may konting amag, pero 100 % biodegradable at consumable... safe but with little side effects.. Gusto mong magbasa ng iba pa? http://www.facebook.com/mgasulatkamay O click lang sa FACEBOOK link... ^_^..
  • Soliloquy

    ang ganda po ng article nyo…
    isa rin po ako sa mga mapalad na pumasa noong Dec 2011 NLE.
    ako po ay natuwa sapagkat natupad ko ang tanging kahilingan ng aking mga magulang na akoy ay makatapos at isang maging ganap na propesyonal. sabi pa nga nya ay tapos na raw ang kanyang obligasyon sa aming magkakapatid dahil kami ay napag-aral nya ang ngayon ay pawang mga propesyonal na sa aming ibat-ibang larangan.
    ngunit sa kabila ng kasiyahang aking nadarama para sa aking tagumpay ay hindi ko rin maiwakli sa aking sarili ang malungkot ang madismaya para sa mga kaibigan at kakilala na hindi naging mapalad sa nakaraang Board exam.
    hindi talaga sapat ang maging maunawain at intindihin kung ano man ang kanilang pinagdaraanan. kahit ilagay mo pa ang iyong sarili sa kanilang sitwasyon…iba pa rin kung ika talaga ang nakadarama ng labis na pagkabigo at panghihinayang.
    aking hinihikayat ang lahat na hindi mawalan ng pag-asa at patuloy nag magsumikap upang makamit ang kanilang minimithing tagumpay.

  • Helping filipino nurses

    Ok lang naman unlimited yong exam ok. Ang mahirap pagkatapos mong mapaisa yong exam saan kana ngayon? What’s the next step? Cashier or call center?