Malaya

Mabuti pa ang mga batang ito, malaya.

October 31, 2011. 8:45pm. Sa wakas, nakaalis din ang kakarag-karag na dyip sa terminal na pinagpasa-pasahan na ng maraming panahon at pakakataon. Siksikan ang mga pasahero sa loob na ‘di mo malaman kung papaanong pinagkasya ng drayber na ganid; mga naghihimutok, mga tagaktak ang pawis at nanlalagkit sa kakarampot na lamig ng gabi, malalapot ang balat na ‘di sinasadyang magkiskisan, mga kili-kiling naglalawa na may halimuyak na ‘di mo magugustuhan. Nakakunot, mga nagsisipagtulo ang pawis mula sa anit pababa sa noo, bao na naglalaman ng isip at mga kuru-kuro, bawat kaisipan nakatuon at sabik sa mga lugar na pupuntahan, ang iba doon sa paglalakbay na tatahakin pa lamang.

Napatingin sa relo niya si Narcisa at napabuntong hininga na lamang. Ilang oras pa ng byahe, ng trabaho, bago siya makapanumbalik sa kanyang tahananan; sa kwarto niya, sa kamang malambot na tila laging nangaanyaya.

Mabilis niyang iniba ang tahak ng isip. Magsisimula pa lamang ang gabi ng kanyang night shift ngunit pagtulog na muli agad ang kaniyang iniisip. “Hindi magandang way of thinking,” sambit ng boses ng isip niyang parating nagdudunung-dunungan.

Trapik pa. Anak ng teteng ang sarap sanang matulog kung hindi lamang amoy kulob. Napalinga siya sa kanan, sa labas kung saan may isang batang kalye na nagpupunas ng wind shield ng kabilang dyip na kasalukuyang itinataboy ng nagmumurang drayber na panot na mainit ang ulo. “Nakalibre ka na nga ng ilang punas, mainit pa ulo mo.” sabi ng isip Narcisa na may biglang naramdamang awa para doon sa batang umalis na parang walang nangyari.

Walang pagiimbot sa mukha ng batang napagsalitaan. Batang musmos ang hitsura sa labas ngunit kulubot ang kalooban na puwersahang pinatanda ng lipunang mapanimbang na nakapaligid sa kaniya. Puno ng kalyo ang damdamin, marahil; damdaming manhid sa mga tingin na mapanuri, mapangutya, pailalim. Damdaming walang ibang pakiramdam kundi sakit ng tiyan mula sa gutom na nangangalkal ng bituka’t tagos hanggang kalul’wa.

Naala-ala tuloy ni Narcisa ang unang pagkakataon na minura siya ng duktor. “Tatanga-tanga ka? Hindi mo alam kung papaano gawin ang trabaho mo! Buhay ng tao ang hawak mo. ‘Wag kang bobo!” luhaan siyang napatakbo sa CR matapos ng tagpong iyon, ang unang pumasok sa isip niya, “Hindi ako nag-aral ng Nursing ng apat na taon at nagpakahirap makapasa ng board exams para lamang tanga-tangahin ng kung sino dahil lamang sa maliit na pagkakamali. Wala siyang karapatan!” Naisip niyang daig pa pala siya ng batang kalye na kibit balikat na umalis sa harap ng drayber na umalipusta sa buo niyang pagkatao’t nagpalayas sa kaniya, marahil dahil wala naman itong pride na masasaktan o estadong pinagiingatan.

“Buti pa siya,” sabi ng boses ng isip ni Narcisa na kadalasa’y mapagmataas, ngayo’y biglang nagpakumbaba. “Buti pa ang batang ito, malaya.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Gabriela Silang, RN 2 Articles
My friends call me Rochie, sometimes Chie. Anything shorter than that would not make sense at all. :) I am a full-fledged Nurse, armed and ready to serve the people of my country... for two, or maybe three years. Then I'm off to another country to help my family like everybody else. What? Anyways, a short explanation: Why Gabriela Silang, RN? I plan for my pieces to be fearless, honest, passionate, and able to reach out and speak for minds who sometimes can't for themselves. I want them to appear as if written with the same voice as that of the Ilocana heroine who was so full of fervor about the things she believed in that she was ready to sacrifice her own life for it. Thus, Gabriela Silang, RN. Yes, I am a registered nurse, but ever since I was younger I've always had the flair for sharing stories and reaching to other people. So, I express those inexhaustible passions through writing. I write both prose and poetry; essays, editorials, short stories, poems... about anything under the sun (sometimes, under the moon, too), pretty much. Instead of choosing only one of two careers, I chose to pursue both: being a nurse, and being a writer. When I was studying nursing, I also was the editor-in-chief of our school publication. Now that I am a RN, I do this, blogging, publishing on the net, sometimes collaborating with fellow artists who are in the same medical profession, but would want to be heard with their true, inner voices from time to time, too. In the future, when I'm steadier on my job as a nurse (meaning once I have been paid enough to actually save-up and afford my plans), I would also like to train and take-up classes on writing. Thank you very much for taking the time to read my profile. Enjoy my posts, and feel free to comment. :)