Marami Na Ang Nagbago

STUDENT NURSE STANDS DEEP IN THOUGHT WAITING F...
Image via Wikipedia

“Sana, makapagtapos na ako para pag nagtrabaho na ako, hindi na ako hihingi ng pera. Kaya ko na buhayin ang sarili ko.”

“Naku! sinasabi moh lang yan ngayon. Pero pag may trabaho ka na, sasabihin mo, sana estudyante ka ulet. Para humihingi ka na lang ng pera.”

Yan ang naalala kong pag-uusap namin ng clinical instructor ko nung 3rd year college ako. Tinawanan ko na lang siya noon. Pero ngayon, gusto ko nga sabihin na sana, estudyante na lang ako ulet.

Nakakamiss yung mga araw na wala kang ibang iisipin kundi kung paano mo tatapusin yung requirements mo sa loob ng 30 minutes, kung paano mo gagawin yung NCP mo (kadalasan, downloaded lang din naman), drug studies (copy-paste) at kung sino ang CI mo sa susunod na rotation (sabay dasal na rin).

Kapag estudyante, hindi mo iisipin kung san ka kukuha ng pangtuition. Itetext lang sa magulang ang schedule ng exam, okay na (at masaya kasi may kupit pa.) Hihingi ng allowance, ng pambili sa mga requirements, mga simpleng bagay lang na akala ko noon ay komplikado.

Ngayon, nagtratrabaho na ako. Iba na lahat. Ibang-iba. May responsibilidad. May obligasyon. Maraming dapat gawin. Parang wala ka na nga karapatan magpahinga e. Dati, pag tinamad ka pumasok, sabihin mo lang “dysmenorrhea” excused ka na. Bawi sa sunod na araw. Ngayon, hindi na pwede. Bawat araw na dumadaan, pera ang katapat. Pag wala ka pera hindi na pwedeng sabihin “Ma, penge pera.” Mahiya ka naman! Nurse ka na. Sana maging kabawasan ka na sa mga palamunin niya.

Dati, araw-araw iniisip ko kung ano na naman sasabihin ng mga kaaway ko sa saraw na yun. Kung anong paninira na naman ang lalabas. Ngayon, sa lugar na naroon aqko, walang kaibigan, walang kaaway. Wala lahat. Mag-isa ka. Naisip ko, ang mga kaaway pala, blessings din talaga. Kasi kahit paano, may nangyayari sa buhay ko. Hindi yung ganito. Parang wala kang kakilala. Parang wala na rin kwenta ang buhay mo. Namimiss ko ang mga kaaway ko. Sa totoo lang. Di bale, magkikita din tayo ulit. Malapit na.

Namimiss ko ang school. Namimiss ko ang mga CI. Namimiss ko magpuyat para lang gumawa ng sandamakmak na requirements. Nakakamiss ang magmemorize ng napakaraming medical terms.

Nung estudyante ako, pagalitan ka lang ng CI,sira na ang buong araw mo. Sasabihin mo, epal siya, walang consideration. Ngayon, iba na. Ang hirap. Lalo at ibang lahi pa. Ibang kultura. Ibang paniniwala. Totoo pala talaga yung mga kwento na mamaliitin ka. Iinsultuhin. Kung hindi ka sanay, matatalo ka. Walang-wala yung ginagawa ng mga CI noon sa amin. Sa katunayan, gusto ko isuggest na dapat lagi nila insultuhin ang mga estudyante para masanay sila. Kasi, pag nagtratrabaho ka na, (sa aking karanasan), tama ka man o mali, parehong mali pa rin. Walang tama para sa kanila. At araw-araw nila ipapaalala sa’yo na binabayaran ka nila, kaya magtrabaho ka raw ng mabuti.

Dati, araw-araw, oras-oras, magkasama kami ng bestfriend ko. Laging magkatext. Tawagan. Noong estudyante pa lang kami, kakain kami ng streetfoods. Lamon lang. Tapos pag uwian na, wala na pala kaming pamasahe. Naikain na namin lahat. Ngayon, iba na. Halos wala na kaming oras mag-usap. Nasa malayo akong lagar. Nasa “mas” malayo naman siya.

Wala na. Tapos na ang lahat ng mga bagay na yun. Iba na. Iba na ang lahat. Ibang lugar. Ibang mga tao. Ibang kultura. Hindi ko pwedeng araw-araw na ipagdasal nasana bumalik ang lahat. Dahil una, imposible mangyari yun. At pangalawa, sasayangin ko ang pagkakataon na matulungan ko ang mga magulang ko.

Kelangan siguro, unti-unting tanggapin na ibang parte na ng buhay toh. Kelangan tanggapin na marami ng nagbago.

Hindi lang naman ang paligid ko ang nagbago. Pati pananaw ko sa buhay. Alam ko, maraming nagbago. Mas naiintindihan ko na ang buhay ngayon. Akala ko dati, kaya ko na harapin ang buhay, hindi pa pala. Maliban sa medyo bata pa ako, narealize ko na marami pa pala aakong hindi alam (lalo na ang mga gawaing bahay). Pero marami akong natutunan. At maraming matututunan pa.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • mnemo

    alam nyo po, dapat nga maging happy n kau sa lifr nyo ngayon. Ayaw nyo b yung nkktulong n kau sa pamilya nyo. Tlagang lahat ng bagay,, nagbabago. Tapos gusto nyo png bumalik sa pagka estudyante nyo. Sorry ha pero npaka bitter nyo sa buhay nyo, parang ang bigat p sa loob nyo n nkktulong kau sa pamilya nyo,,,d

  • portia

    oo nga eh…ako ayaw ko nang bumalik sa pagkaestudyante….mas masay yung nkkpagwork k n dhil hindi k n mgiging burden sa family mo..

  • Helping filipinos

    Kung yan ang gusto mo. Bumalik ka. Pwede pa. Magschooling ka ulit para maranasan mo yan. Pero wag mong sabihin ulit na sana tapos kana sa pag aaral mo. Dapat accept mo yan. Dapat mong tangapin na ganun ang buhay talaga. Pero depende naman sa lugar. Wag mong sabihin na nasa labas kana e iba na. Ganun parin, pero nasa sayo yan kung ano pananaw mo sa buhay. Kung pananaw mo reklamo. E sana hindi ka nalang nagtrabaho diyan. OK.

  • Nana

    Ang buhay nga naman. Paki lingon dito…. A few years ago I supported my sister and helped her. It was me who sent her to college and finished nursing. It was me who paid for her education, books, shoes and clothes. It was me who paid for everything. I sacrificed my futures for her sake. At least she’ll be able to help my younger sisters and brothers.
    I work as a maid, as a housekeeper and I did double jobs just to support her.
    When she graduated and passed the board, suddenly things had changed. She wanted to have a big celebration, like a thanksgiving, I told her, why don’t you go to church and Thank God that He guided you.
    Since then, my sister had ignored me, Nagtampo raw kasi hindi ko pinayagan magkaroon ng celebration.
    I suffered for many years for HER. So, this is her “Thank you po Ate

  • I_am_a_SN

    I’m excited because I will get my BSN degree this 26th but feel worry because of the upcoming Board Exam. Not only that, if I passed the exam and got my license, will there be job waiting for me? Ayoko maging palamunin, gusto ko ibalik yung tulong na binigay ng family ko sa akin.