Mayroon Akong Kuwento (Ikalawang Yugto)

 

NAIA, August 18, 2008. Madilim pa nung dumating ako sa airport. Doon kami nagkita-kita ng mga makasasabay kong aalis. Doon na rin kami unang nagkakilala at naging magkakaibigan. Lutang sa aming mga mukha ang iba’t-ibang klase ng emosyon: agam-agam, takot, kaba, saya, lungkot, pag-asa at higit sa lahat… sandamakmak na english vocabulary!

Habang nakapila kami sa JAL booth, s’yempre chika galore ang mga bakla. Lahat kami amazed pa rin sa bilis ng mga pangyayari. Nakalulungkot lang na sa iba’tibang hospital kami madedestino pagdating sa Saskatchewan (saan kayang lupalop ng Canada ‘yan?). Tahimik kaming lahat nung nakasakay na sa jumbo jet… I’m sure lahat kami nagdasal na sana ‘wag sumabog ang eroplano habang nasa ere tulad nung Final Destination movie.

Wagas na wagas ang biyahe namin, 26 hours!!! Parang nagkaroon kami ng Stage one pressure ulcer sa pwet! Eh paano ba naman, tatlo ang stop over namin: Tokyo, Vancouver at Calgary. Ang matindi pa, walang lafang doon sa last two flights namin kaya pagdating namin sa aming destinasyon, para kaming mga hayok na hayop na naghati-hati sa fried chicken na isinalubong sa Vancouver airport ng uncle ng isa naming kasamahan.

‘Eto na… mukha kaming mga yagit na dumating sa Saskatoon, SK Canada mga 9:00 PM ng August 18, 2008. Same day pa rin kasi nga advance ang Pinas ng x hours, hello?! Ah ewan, ‘di ko maexplain kung bakit. Kayo na ang bahalang mag-compute ng araw at gabi.  Ikaw ba naman ang puyat, pagod at gutom tapos may “mahangin ba sa labas?” effect pa… bad hair day talaga! Nakahihiya!

Sinalubong kami ng Filipino Community with matching “MABUHAY” banner at saka ng mga Nurse Managers ng aming respective unit assignments at dinala kami sa Saskatoon Inn kung saan kami nagpalipas ng gabi. Sabi sa amin, magpahinga na daw at nasa TV kami kinabukasan. Huwaaat?! My gas abelgas henry omaga diaz! Tama, ganyan kalaking news kami nung dumating… Nasa pahayagan at SUN magazine ang aming mga fez! Instant celebrities ang mga lolo at lola! Bongga! Sayang, ‘di ko ma-upload kasi ‘di ko alam kalikutin itong lintek na MacBook Pro… choz! ‘Di man lang kami pinakain! (Akala daw nila may happy meal sa airplane… toink!)

In fairness, ang babait ng mga Canadians. Of course, may kaunting exceptions pero patawarin na natin sila kasi mas marami talagang may magagandang personalidad. Kinaumagahan, may happenings nga. May TV crew at mga malalaking tao sa Saskatoon Health Region na dumalo upang kami ay i-meet & greet. Gutom na gutom pa rin kami nun… Mga laman loob ko nga, nagkakainan na. Kulang na lang ngatngatin ko ang mga haligi ng hotel. Nagdidilim na rin ang paningin ko. Salamat at natapos na din sa wakas ang welcome address ng SHR CEO at VP ng recruitment team bago ko nakagat ‘yung katabi ko dahil feeling ko unti-unti na akong nagta-transform into a cannibal. Ay ‘wag ka, ang pinakahihintay naming piging ay naging Nightmare on Elm St.!!! Hilaw na broccoli, carrots, cauli flower, green peas at cold cuts ang hinanda nila for us! Waaaahhh!  In short, nag-order na lang kami ng mas edible na pagkain sa menu ng hotel at kami na nagbayad ng bill. Hmpft!

Pagkatapos ng bangungot na ‘yun, dinala nila kami sa aming temporary accommodation. Isang malaking fully furnished two-storey house ‘yung tinirhan ko at ng isang kasama ko. Aalog-alog kaming dalawa dun. Tig-isa kami ng kwarto at may sarili kaming bathrooms. (‘Di uso ang CR dito, tawag nila bathroom).  At ang tissue, puwedeng i-flush sa toilet. Sa atin bawal, ‘di ba?  Sinamahan din kami ng HR team sa bank para mag-open ng account. Binigyan na rin nila kami ng tig $1000 CAD para pambili ng cellphone at pagkain (‘di daw kasi nila knows ang trip naming food, charot!). Tinuruan din nila kami mag-bus papunta sa work at pag-uwi ng bahay.

‘Di ako nagtagal dun sa bahay… nakatatakot kasi. Parang laging umuuga (‘yun pala malapit kami sa train tracks) at parang may multo (malapit lang pala kami sa sementeryo!) Lumipat ako sa condo ng isang kasamahan ko, at dun ako nagtagal ng five months. 🙂

 

Enhanced by Zemanta

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in: