Mayroon Akong Kwento (Ikalawang Yugto Part 2)

 

Demanding kayo ha? Payagan niyo naman akong magtrabaho at kelangan kong kumita ng dolyares pambayad sa gabundok na bills! Anyways, may part two itong Ikalawang Yugto kasi nai-publish na eh ‘di pa tapos. ‘Di ko naman naclick ‘yung publish button… nakaiinis tuloy. May engkanto ba dito? 🙁

Start na lang ako nung time ng orientation sa Saskatoon City Hospital. S’yempre nag-start sa History ng Canada, rules, policies, procedures, hospital system, Nursing in Canada blah blah blah… May jet lag pa kaming lahat nun kaya hirap mag-process ang mga utak namin. Parang walang dumadaloy na dugo sa Circle of Willis. Mukha talaga kaming naka-droga noong mga panahong ‘yun. Pero pagkatapos naman ng mga lecture, buhay na buhay naman kami! Buti nga 8-4 ang schedule namin kaya lots of time to explore and conquer. 🙂

May mga return demos din kami dito: how to use the IV pump at mini infuser, paano mag-insert ng IV,  do CPR and emergency defib, proper TLR (transfer, lifting, repositioning), paano gamitin ang mechanical lift, at napakadami pang iba! Mababait mga Clinical Nurse Educators dito (and people in general) …walang nagsusungit.

Dumating na ‘yung araw na kelangan na kaming ipatapon sa kanya-kanyang ward assignment. Nakatatakot, nakalulungkot pero walang magawa kasi ginusto ko ito. Nung nasa Pilipinas pa kami, pinag-register na kami ng Mercan sa SRNA para makakuha ng license as a Graduate Nurse. Dito kasi pag GN ka, ang scope mo ay parang RN din minus the RN license. Graduate Nurse po ako nung nag-start akong magwork sa St.Paul’s Hospital 6 Medicine (aka Nephro/MS Ward). Overwhelming ang trabaho dito… mabigat, napakabigat! Ramdam talaga ang kakulangan sa staff. Ang daming OT! Hihiga ka talaga sa mabangong dollars dahil ang sarap sumuweldo ng malaki! ‘Yun nga lang, nakapapagod at masakit sa likod! May LPN ka nga pero limited naman ang scope nila. Kaya in the end pati trabaho nila ikaw din ang gagawa. Kahit pa sabihing may Special Care Aid at Unit Clerk, wala din. Sabi ko ‘di ako magtatagal dito baka malagutan ako ng hininga. Noong umpisa 1:6 ang nurse patient ratio. Aba, nung tumagal ay naging 1:12 na dahil maraming call in sick. In short, burnt out ang nurses kaya laging problemado ang staffing.

Actually, Saskatoon Health region has three big hospitals in the city kung saan ako masuwerteng napadpad at affiliate din sila ng maliliit na long term care facilities at hospitals sa rural areas. Mahal ang cost of living sa city pero mas may buhay (gimik). Kung sa rural ako napunta? Naku, baka ako ay magpatiwakal dahil puro palayan, talahiban at mga baka ang makikita mo doon. Pero ‘wag ka, ‘yung mga kasama kong napunta dun ang may maraming kaban ng kayamanan. Bakit? Walang mall dun, walang gimik at walang shopping!

After five months, nag-take na rin kami ng CRNE (Canadian RN Exam) para naman umayos na ang buhay namin dito. Once RN na kasi, we can start processing our Permanent Residency. Kaming siyam ay pumasa lahat! Yehey! Madali lang ‘yung exam… kasi yung mga questions, pina-praktice mismo sa hospital kaya kering-keri lang. 200 ata ‘yung questions, pasensya na at nakalimutan na ng lola. 🙂

Para ito sa nagkomento kung ano ang nangyari pagdating sa Canada, itago natin siya sa pangalang Marivic Nepuscua Bennett… Ineng, dahan dahan lang sa pagbitaw ng mga words. Matuto kang maghintay sa mga susunod na kuwento. “Caregiver lang pala!” OO, caregiver nga ako… isa akong glorified caregiver na may lisensya bilang Rehistradong Nars sa Canada, kasalukuyang nasa Oncology-Hematology-Bone Marrow/Stem Cell Transplant Unit ng Royal University Hospital at sumusuweldo ng higit pa sa makalawang ulit sa bilang ng mga daliri mo sa kamay at paa. Bow.

 P.S.

Marami pa akong kwento. The Encounters of a Pinoy RN in The Frozen Planet. Gusto niyo pa bang ituloy ko? Baka kasi ayaw niyo na. Mawawalan ako ng readers 🙂 Tenchu sa lahat ng tumangkilik! God bless.

 

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in: