Mayroon Akong Kwento (Unang Yugto)

Graduate ako ng 2006. Sa kasamaang palad, ang batch na ito ay nabahiran ng iskandalo dahil sa sinasabi nilang “leakage” kuno. Weh, ‘di nga? Ayan tuloy, pinag-retake nila ang mga affected people of the Philippines. Nakaiinis, ‘di ba? Buti na lang kamo pumasa ako on both occasions. Nakahihiya naman kasing hindi kasi second course ko na ito at medyo nagiging thunders na tayo. Kumbaga eh naghahabol na nga sa panahon, andami pang danger signs na tumatambad sa harapan mo.

Pare-pareho lang tayo ng mga hinaing sa life… Mayroon lang talagang masuwerte at mayroon namang may balat sa pwet 🙂 O sa mas magandang salita, hindi pa nila time.

Akala ko ay makahihinga na ako ng maluwag pagkatapos pumasa ng dalawang beses sa PNLE, aba hindi pala! In-applay-an ko lahat ng ospital sa buong Kamaynilaan at QC pero wala. Ang gusto, sila ang bayaran mo para makakuha ka ng training sa kanila. Wala ka namang magawa kasi ganoon ang trend nung mga panahong ‘yun. Kaya pikit mata akong nagbayad ng limang libong pesoses sa isang malaking ospital sa QC para lang may pampabango naman sa Curriculum Vitae ko.  Aba, mag-iisang linggo pa lang ako doon, may natawag sa akin.  Boss daw siya ng isang hemodialysis at gusto akong interbyuhin. Aba, go ang lola mo! Nanginginig pa! Sabi ko dun kay bossing, payag akong magbigay ng serbisyong totoo kung ako ay may sweldo (kapal ng mukha eh noh?) Akalain mo, pumayag! Ayun, nag-start ako ng December 26, 2006 as Hemodialysis Staff Nurse sa isang maliit na clinic sa Makati. Bad trip lang kasi Goodbye P5K at training sa ospital. Pero hello sweldo naman palaman sago gulaman! Merry Christmas talaga… Sinabi mo pa!

Ay naku, 18 months akong nag-work dito (malalaman nIyo why later, wag atat!) kasama ang mga pinakamababait, pinakamagagaling at pinakapipitagan kong co-employees mula pasyente, janitor, technician, kahera, nurses, head nurse at ilang doktor. Mayroong isang doktor na nuknukan ng sungit at akala mo siya ang pinakamagaling. Ugali niya kaming ipahiya every Thursday kung kailan siya naka-duty. Isinusumpa ko talaga siya, promise! Malas niya at memorize ko ang libro ni Udan!

 Buti na lang very supportive si Sir. Pinayagan niya akong mag 6am-2pm para makapagattend ng IELTS review sa QC. ‘Yung NCLEX review ginawa ko nung mga panahong mainit pa yung “leakage” scandal kaya walang nasayang sa oras ko. Salamat kay Lord at naipasa naman ang mga exams na ‘yan ng isang take lang! Aba dapat lang, baka maistrok si mudra ‘pag hindi. Sa Saipan lang naman kasi ako nagNCLEX at sa Baguio nagIELTS.

Fast forward tayo ng konti… Habang megawait ako sa mga papeles ko from US, maraming bali-balita na retrogression daw sa America. Kinabahan na naman ako… Paano na ang aking mga pangarap? ‘Di pwedeng magtagal sa Pinas at ‘di ako mabubuhay dito! Pamasahe pa lang sa LRT, pawis at dugo ko na ang katumbas!

Hala, 2008 na wala pa ring liwanag sa dulo ng tunnel! Sabi ni Doc na mabait, try ko daw mag-apply sa Mercan sa may Ortigas at nagpapadeploy daw sila sa Canada. Out of respect naman kay Doc, gora ang lola. End of January na ata nung nagsubmit ako ng resume. Sabi ng masungit na bading sa agency, maghintay na lang daw ako ng tawag. Tumawag naman sila bandang February na. Inischedule daw ako for interview sa March 3, 2008 sa Renaissance Hotel.

Nakaka-stress ‘yung interview! Buti na lang may baon akong maraming English. Mga delegates kasi ng SRNA (Nursing Body ng kasasadlakan kong Province) at Health Region ang nag-interview sa daan-daang aplikante. On the spot signing of contract ‘pag type ka nila. Ayun, umuwi akong luhaan sa galak! Galit galit muna kami ni Uncle Sam dahil sa Canada na daw muna ako maglaan ng serbisyong true to life. 🙂

In short, dumating ang aking Work Visa after three months at lumipad patungo sa South Pole para alagaan ang mga descendants ni Santa Claus.

To Be Continued.

Enhanced by Zemanta

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • Reynan Sison

    Good for you, nice that you are already in Canada, besides it is near to Uncle Sam. Where in Makati did you work?

  • happyRN

    I worked at Core Renal Center 🙂