My Nursing Experience (Bow)

Habang sinusulat ko ang aking article sa Post Text, ay naalala ko ang aking nursing experience nung akoy estudyante pa. Unti unting bumabalik, nagfla-flashback ika nga. Sinulat ko ito para sa aking mga CI, kaibigan, batchmate, at school. Ngayon tayo ay graduate na, board passer, nagtratrabaho na, ay laging sumasagi sa isip ko minsan, sana nandito si Maam. May mga panahon na naiisip ko parang ang sarap pala kapag kasama mo yung CI mo dati nung estudyante ka, nandiyan sila, hindi ka mag aalala na pabayaan ka. Oo, minsan nakakatamad kasi drug study na naman, ilang page na naman, take note, HAND WRITTEN para hindi copy and paste. Halos kada meeting meron case study, minsan pag tinanong ka ni Maam ng patho-physio at nursing intervention buhol-buhol pa english mo kahit alam mo ang sasabihin.Community duty, eto ang paborito ko kasi papasyal ka at masarap sarap ang tambay sa bukid kasi nga antukin ako,napapasarap ang tulog ko. Tapos duduty ka naman,late, naiwan mo si name plate, wala ka thermometer, at yung net na nilalagay sa buhok ng babae. Demerit o make up class. Naalala ko nung graduating ako, tapos na ang duty, meron nagreklamo na kulang daw ang duty kasi sobra ang bayad, sa loob loob ko,” ano ga iyan, tapos
na eh may dumale pa”. Binigyan kame ng extra duty, sabi ng aking kapatid, nursing student din sa ibang eskwelahan “ano ga iyan, kame’y tapos na” hehehe. Habang naduty ako, narealize ko, naiintindihan ko na ang aking ginagawa, hindi ko maipaliwanag kung paano pero naintindihan ko. Nag enjoy ako sa mga extra duty days na iyun kasi narealize ko aalis ako ng nursing school ko na may natutunan pala ako. Manila duty, excited ako nun, first time ko makakaduty sa Manila, probinsyano kasi ako o sa mga taga Manila excited din siguro kayo dumuty sa probinsya (Batangas sa amin). First day of duty sa NCMH, may balbas, namura agad ako ni Maam C ng pavillion 10. Napahiya ako nun pero ok lang, kasama yan sa buhay nursing, in the end naging kaibigan ko din si Maam. Kasama namin ang aming mga CI sa Manila, siyempre hindi mo maiiwasan na may magawa kang kabulastugan, aminin na natin at alam ninyo ang mga sinasabi ko pero alam natin dapat kung hanggang saan tsaka si Maam nag iisa lang, so kahit naman kame ay pasaway, hindi rin namin hinahayaan na may sosobra sa kabulastugan. Kahit alam mo kinabukasan, meron kang ipapasang assignment, drug study, case pres o anuman matripan ng CI mo, amoy alak pa nga bibig mo at napanaginipan mo pa si alas, dos, flush at trio. Hahahaha. Lahat naman siguro tayo nakaduty na sa OR, kasama natin si CI siyempre, at hindi mo din siguro malilimutan si Dok na sisindakin ka ng tanong at may kasama pa minsan na mura kasi sabi ni Dok kelly binigay mo navy o kaya palabasin ka ng OR kasi unsterile ka na agad, narasanan ko din yun, ewan ko lang kayo, pero titingin na lang ako kay CI, tapos tatango na lang si Maam, atleast alam ko na siguro sabi ni Maam, ituloy mo lang ginagawa mo. Sa dinami dami ng pinagawa ng CI namin na drug study na hand written, case press na sa Manila paper at sang katutak na drug computation, IV infusion, o anu man matripan nila, lage surprize quiz alam mo araw meron,minsan hindi na surprize tsaka lage ako nakakatulog sa discussion,kaya dun kilala ako ng mga classmate ko na antukin at laging tulog. Nagpapasalamat ako, kasi nung board exam, nagamit ko ang mga ito, parang dejavu ang nangyari, naalala ko muka ng teacher habang binabasa ko ang mga tanong sa board, natatawa ako minsan lalo’t pasaway ka na pasaway pa yung CI mo, mas naalala ko, naintindihan ko na bakit sila lage meron drug study, kasi sa dinami dami ng gamot,dapat malaman mo man lang ang mga basic, sangkatutak na case press, kasi sa board exam, lahat ng tanong ay case press,at nung sa nclex ko nag self-review kasi kakatapos lang ng Local so tinuloy aral ko na din ng nclex. nagpapasalamat ako sa inyo Maam, Ser, kasi lahat pala ng mga pinapagawa ninyo sa amin nung estudyante kame ay magagamit namin ng lingid sa aming kaalaman, hindi lang sa board at sa nclex kundi sa pagligtas ng buhay. Salamat po Maam at Ser,sa munting article na sinulat ko, makabawi man lang sa inyo, at sa inyong mga estudyante pa at feeling estudyante pa, siguro alam ninyo mga pinagsasabi ko dito, I love Nursing at I love my CI.

© 2010, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.