My Pot of Gold

Mag aapat na buwan na pala ako dito sa Saudi.
Parang kailan lang, nasa Pilipinas ako.
Isang Nurse..
Malayo sa pamilya, mababa ang sahod..sarili lamang ang iniisip.
Iba na ang mundo ko ngayon.
Malayo pa din, kasing layo ng mga pangarap na nais kong marating.
Mainit.
Maalinsangan.
Maalikabok.
Nakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao na may kanya-kanyang kwento katulad ko.
Ilan nga ba sa kanila ang iniwan ang kanilang tahanan kapalit ng kakaunting Riyal pangtustos sa pangangailangan ng pamilya?
Ilan nga ba sa kanila ang pilit na tinatago ang kalungkutan at pilit na lumalaban?
Ilan nga ba sa kanila ang nagnanais ng umuwi sa piling ng kanilang mahal sa buhay?
Ang ilan sa kanila kasing tanda na nang ating mga lolo subalit pilit pa ring nakikipagkarera sa hamon ng buhay.
Dapat sana sila ngayon ay namamahinga at kasalukuyang tinutumbasan nang kasiyahan ang nalalabi nilang oras sa mundo.
Ngunit andito sila.
Sinusunog ang balat sa matinding sikat ng araw.
Natutuyuan ng pawis.
Nadidikitan ng mga alikabok sa katawan.
Nagpapa alipusta dahil alam nilang wala naman silang laban.
Nagpapakahirap dahil alam nilang kailangan.
Hindi ko rin sila masisisi kung anung amoy meron sila.
Nanaisin pa ba nilang isipin ang kanilang mga sarili gayong mas iniisip nila ang kapakanan ng kanilang pamilya?
Madami sila.
Sa araw-araw di ko na mabilang kung ilan sa kanila ang patuloy na nagpapanggap na kaya nila gayong kita sa mga mata nila ang pagdurusa.
Alam kaya ng mga pamilya nila ang mga sakit na dinadaing nila sa kanilang katawan?
Alam kaya ng mga pamilya nila na sa pagkakataong ito ay kailangan nila ng kalinga?
Hangga’t maaari ayoko sanang magtanong, dahil alam ko naman ang sagot.
Kung tutuusin, pare-pareho lang naman kami.
Iisa ang kwento.
Ang pagkakaiba nga lang marahil Nurse ako.
Maayos.
Malinis.
Disente.
Sila.
Gusgusin.
Mabaho.
Subalit wala naman talagang pinagka-iba.
Pare-pareho lang naman kami ng nararamdaman.
Pare-pareho lang naman kaming nagsasakripisyo para sa pamilya.
Pare-pareho lang naman kaming nagpapa alipusta.
Nagtatapang tapangan kahit alam mong wala kang laban.
Pero sa bandang huli wala ka ring pagsisisihan dahil alam mong ang bawat hirap mo ay may katumbas na kaligayahan.
Masaya ako kapag masaya sila.
Ok ako, kapag Ok sila.
Ang mahalaga may nagagawa ka, kahit hindi na sa sarili mo basta sa taong mahalaga sayo.
Iba na ang mundo ko ngayon. Malayo pa din, kasing layo ng mundo ko dati.
Walang ulan, kulog at kidlat.
Walang huni ng mga kuliglig at ingay ng mga palaka.
Walang malamig na simoy na hangin.
Ngunit patuloy na umaasa pa rin ako na magiging maayos ang lahat.
Makakakita din ako ng rainbow sa disyerto.
Sana…

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • leni

    nice

  • zhelle

    same story here. 5 mos na ako d2 sa saudi and still nakakaya pa tiisin ang homesick..mahirap na masaya ang mgtrabaho away from home..

  • alvinism

    nxt tym try to apply here in qatar. its already an open country unlike there in saudi. mamamatay ka talaga sa homesick. but here, maraming mapupuntahan. pwde ka pa makipag usap sa babae in public. no police or mutawa will catch you 🙂

    • steve

      at may motel din ba na pedeng mag check in at dalhin ang babae? 🙂 :):)

  • Iris

    Hindi ako nurse pero ramdam ko ang emosyon ng artikulo mo. Sana nga ay makakita ka ng bahaghari dyan sa disyerto.