Bakit ako Nurse?

Bakit ako Nurse?

Sa araw araw na ginawa ng Diyos, itong tanong na ito ang laging tanong ko sa sarili ko. At aaminin kong hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado sa sagot ko. Kumbaga sa exam na kaylangang tapusin sa loob ng isang oras malamang bagsak na ko. Kumbaga masyadong kumplikado. Maraming magandang dahilan ang pwede kong pagpilian para masagot ko ang tanong na ito. Dahil ba gusto kong mag alaga ng mga may sakit. Dahil ba gusto kong magsuot ng puting uniporme. Dahil ba gusto kong magsuot ng scrub suits. Dahil ba in demand ang nurses sa ibang bansa. Dahil ba sa posibleng malaki ang pwede kong maging sahod. O pwede ring lahat. Pero bakit pakiramdam q wala sa mga ito ang sagot na gusto ko. Kasi naisip ko pwede din naman akong mag alaga ng may sakit, magsuot ng white uniform at scrub suit, maging in demand sa ibang bansa, at magkoroon ng malaking sahod kahit hindi ako Nurse.

Bakit ako Nurse?

Naaalala ko nung asa Elementary pa ko, nagkaroon kami ng dula. Mga piling estudyante para sa iba’t ibang karakter. At nagkataong Nurse ang binigay sakin. Naisip ko, may koneksiyon ba? Pwedeng meron, pwede ring wala…..

Bakit ako Nurse?

Nung bata pa ako, naaalala kong nagkasakit ung isa kong kapatid. Ung sumunod sakin. Dengue…. Naka- line siya nun. Nakita nung mama ko na maga na ung site ng line ng kapatid ko, so she asked the NOD, the NOD told my mother that it was normal… Naisip ko, may koneksiyon ba? Pwedeng meron, pwede ring wala…..

Bakit ako Nurse?

Isa sa mga paborito kong pinsan.. Paborito kong kalaro. Paborito kong kabiruan. Namatay siya when he was I think 12y/o. Naisip ko, may koneksiyon ba? Pwedeng meron, pwede ring wala…..

Bakit ako Nurse?

Nung 6y/o ako, nagkaroon ng aksidente. Muntik ng mabulag isang mata ko..Sabe ng doctor kaylangang maoperahan ako… Naisip ko, may koneksiyon ba? Pwedeng meron, pwede ring wala…..

Bakit ako Nurse?

Pagkatapos ng Board Exam, Nagdasal ako kay God…Ang sabi ko sa Kanya. ” Diyos ko Kayo na po ang bahala, kung para po talaga sakin ito, salamat po. Kung hindi naman maiintindihan ko po. ” Pumasa ako….
Naisip ko, may koneksiyon ba? Pwedeng meron, pwede ring wala…..

Bakit ako Nurse?

Hanggang ngayon wala sa rin akong saktong sagot. Hanggang ngayon nangangapa pa rin ako sa tanong na ito. Pwede ko bang hilingin na lawakan nyu ang inyong pang unawa. Dahil alam ko pag nabasa ng nakararami ito, tatanggap ako ng maraming pagpuna. Pero naisip ko lang, hindi ba’t pagnagmamahal tayo hindi natin kaylangan ng dahilan para sabihin o i-explain kung bakit mahal natin ang isang tao o bagay man. Pwede ko din bang sabihing hindi ko kaylangang bigyan ng explanation kung bakit ako Nurse at hindi Doctor o kung ano pa man……….

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • Glenn

    very well…

    • bernard

      Ginusto mo eh…pag ayaw mo kasi,.. di ako aabot sa punto na kinakatatayuan mo nga yon…

  • Carle

    Well, i think, nurse ka, kasi yan yung course na in-enroll mo nung college ka. Hindi ka naman pwedeng maging Civil Engineer kung BS in Nursing yung course mo di ba.
    Kidding aside, minsan talaga may mga bagay na kahit na andun kana, hawak na natin, hindi pa rin natin maipaliwanag kung bakit nandun ka, kung bakit meron ka n’on. Ako nga rin hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng course AB Pol.Sci pinili ko, at major in Local Govt. Admin pa. Hindi ko pinangarap maging abogado, maging public servant o pumasok sa pulitika. Pero alam ko man o hindi kung bakit andito ako ngayon, isa lang masasabi ko, madami akong natutunan, at marami kong nababahagi sa iba dahil sa natapos ko, at siguro yun na lang yung dahilan na tatanggapin ko kung bakit ako kumuha ng kursong PolSci. Sabagay, kahit naman anong kurso ang kukunin mo, isa lang din ang patutunguhan… ang matuto at mapaghandaan ang mga darating sa ating buhay. 🙂

  • Fil

    Bakit ako nurse?Kasi yun ang gusto ko, at yun ang napili ko. Sabi nga nila Divine Calling daw yun. 😀

  • rhyan p

    anong ayaw mo sa nursing? ayaw mo ba sa dugo,ihi,dumi, sa maraming paperworks, sa stress, sa night shift.. o sa perception ng lipunan tungkol sa trabaho ng nurses?

  • Michelle Ricca T. Dacanay

    Naging nurse ka kase yun ang nilayon mong gawin. Ang pagiging nurse ang tinahak mong landas. Kung pinili mo ay iba, malamang hindi ka nurse ngayon.

  • alvin untalan

    Nako ganyang ganyan din ang tanong ko sa sarili ko ngayon. Nakapasa rin ako pero hindi ko ineexpect. Hays.

  • Liza

    Isa lang masasabi ko… di talaga bukal sa kalooban mo ang napili mong propesyon. Mahirap ipilit ang talagang ayaw mo. My advice, Ipagdasal mo sa Dyos na magkaroon ka ng peace of mind at Ipagkaloob nya na tanggapin mo ng buo kung anuman ang obligasyon o responsibilidada na iniatang nya sa iyo. Be happy and God Bless!

  • amy

    kc malaki puso ntin., 4 sure my place tayo s heaven pag dumating n time ntin., witnes tyo either begining or end of life… gnun k nteresting profesion ntin… helping others as far as we can.. simple thank you n nrerecv q fr mother/relatives really mkes me proud n happy… i love nsg…=)

  • junatahan

    ano bang klaseng blog ‘to. topic mo bakit ka nurse pero sa bandang huli sasabihin mong hindi mo kaylangang bigyan ng explanation kung bakit ka Nurse..para kang timang gaya ng ibang nurse na tambay.nagiisip kung bakit nursing ang kinuha nila at hindi engineering or accounting or IT, etc..may connection ba? Pwedeng meron, pwede ring wala…

  • sharo joy

    well there’s nothing wrong with bein a nurse…we take care of live’s;it’s a great responsibility but satisfying when you see your patient recovering…godspeed!

  • Mohammed Imran

    They deserve and we all are believe on them

  • angie

    pagnaiisip ko ang napakaliit na sahod na natatanggap ko, natatanong ko rin sa sarili ko na ‘Bakit ako Nurse?’ pero pag nakakatanggap ako ng pasalamat ng mga naging pasyente ko alam ko na ang sagot sa tanong na yun. 🙂

  • Geronimo Viray Jr.

    When there is asking , there is curiosity. When there is curiosity, there is a need to know. When there is a need to know, there is a need to answer. When there is a need to answer, there is something that needs to be clarified. Classification means truth. Connected ba course mo sa gusto mo sa buhay? Pwedeng oo pwedeng hindi.

  • rowena

    yes. me din ask me din sa sarili me bakit ako nurse. nun nag aaral me sa elementary wala sa vocabulary me ang maging nurse someday. until nag graduate me ng highskul. aksidente lang ang pangyayari na nursing ang kunin kong course kasi yon ang advse sakin ng tita me sa USA. hanggang 3rd year me hindi ko tinapos coz na stress ako sa hirap ng trabaho & sobra dami inaaaral so i decded na mag shift nalang ng ibang kurso ang business management. but then sobra hirap din maghanap ng stable work coz ang mga company now is in contractual basis so nagpalipat lipat me ng work. hayz kapagod. then umiksina nnmn ang tita ko sa states na ipagpatuloy me nlng daw ang nursing course ko kasi in demand talaga sa ibang bansa lalo na sa USA. & madali daw yumaman so heto nnmn me ipinagpatuloy me ang kursong nursing. nakatapos ako at isang ganap na nurse na ako. pero bakit nagtatanong pa rin ako bakit nursing ang kinuha kong profession.dahil ba ayaw ko ng trabaho ng nurse, dahil ba ang nurse ay frontliner ng lahat na taga salo lahat ng problema. middleman ng doctor and mga pasyente. dahil ba naubusan na me ng pasyensa sa mga bantay at mga pasyente. hayz. maybe kaya nasasabi ko lang na bakit ako nurse kasi hindi me masaya sa work place ko. wala naman problema sa trabaho ng nurse siguro f youre happy and satisfied sa sarili kaso ang nurse kasi hindi isang robot.tao lang tayo na napapagod may emotions may pakiramdam and nakakaramdam ng sakit.kasi ang ibang tao masyado silang demanding lahat utos sa nurse ginagawa nlang tautauhan , binabastos. niyuyurakan ang pagkatao. inaaway , minumura. pagod na at hirap na lalo pang pinahihirapan, extended pa lagi sa oras ng duty. nasabi ko lang ito base sa experience ko bilang isang nurse sa pang publikong ospital. wala sa oras ang pagkain minsan kumakain ka tatawagin kpa para sa pangangailangan ng pasyente. exposed kapa sa lahat ng klase ng mga sakit. minsan sa dami ng trabaho. pinipigil pati pag ihi, at nalilipasan ng gutom. hay naku. kong alam lang ng lahat yan baka ayaw na nila mag nurse. but hindi ko naman dinidis courrage ang iba nagsasabi lang me ng totoo. kanyakanyang hilig kanyakaya tayong gusto. its your “CHOICE”.

    • marvin juanga

      i salute to all filipino nurses that they offer their service to their patients, especially to those in public hospital, iba talaga ang pinoy……

  • ” Diyos ko Kayo na po ang bahala, kung para po talaga sakin ito, salamat po. Kung hindi naman maiintindihan ko po. ”
    pumasa ka,….Ito yun response ko sa tanong mng, ‘bakit ako Nurse”?
    para sa akin bawat isa sa atin may kanya kanyang tungkulin dto sa mundo na inilaan ng Diyos…b4 ka nag take ng board exam nag dasal ka na sya na po ang ang bahala sa lahat…at pumasa ka…kaya naging Nurse dahil yan ang tungkulin na inilaan ng Diyos bilang tao dto sa mundo…

  • andy boy

    iba na talaga ang panahon ngayon hindi na alam kung nasaan tayo, someday na maabot mo ang tamang panahon you understand it will iha goodluck to your futurre

  • kaka

    ‘yan ang malaking tanong ko sa mga Nurses na wala sa puso ang ginagawa. Walang TLC sa pt. Bakit ka Nurse?? ‘Yan din ang nagingdahilan ko kung bakit ako naging Nurse not because of money, i just want to take care of my fellow filipinos na may sakit at kapos sa pangangalaga…kahit konting compensation na pwede kang magpatuloy sa gawaing gusto mo.

    But unfortunately di ko magawa dahil sa sistema ng bansa natin. Ginagamit lang ng mga hospital ang mga nurse.

    Mas mabuti pang tumulong na lang sa mga kapitbahay na in need ng tulong at magamit ang propesyong sinumpaan…

  • wdcsrn

  • Before I got the license, still a theist back then, I asked God to fail me. I can’t betray my family by purposely ruining the exams. I needed to be sure so I focused on my job and even took a position that would leave me hardly enough time to do a decent self review. I didn’t intend to overdo it to a point that I’ll get hospitalized for too much overtime. Of course, family & friends came in, leaving me with enough guilt a few weeks before the actual exams. Results came out, family & friends were gracious enough to inform me the ‘wonderful’ news. I guess, there was no point to even ask God why. Back to the original question, now an atheist, on why I’m a licensed nurse. It was all my fault.

  • Lheyzhie eahmz

    buti nga kau nkapasa!

    eh kmi bng ilang beses n nagexam d p dn nk2pasa..bkt gus2 namin pero ayaw naman kmi bgyn ng chance para mpgp2loy namin ang pnagaralan namin.nk2gwa man kmi bout s nurse pero limited. walang rytz 2lad nyo =c
    be thankful nlng kau kc ganap n kaung nurse. pagpa2loy nyo man o hndi nsa inyo p dn ang rytz.
    kaming mga bagsak s exam kht an0ng gus2 namin my hadlang =c

    • Sure. If it weren’t for religious dogma, I could have easily reverted to things that matter most, opportunities that really make a difference. I wasted so much time hammering my head with established rules, carrying out orders to the letter, when at the brink of death all that you can do is apologize because this is the only treatment available. If you wish to live your life this way then go ahead.

  • only simple thing to consider in doing anything- ‘vivere senza rimpiante’ ( live without regrets)

  • Ano ang gusto mo yung nahihirapan kang makapasa para sa license mo…OR nahihirapan kang mag apply ng trabaho kase di mo tinapos ang pag aaral mo…PROS and CONS lang naman yan tiganan ang positive outcome not on the negative part…ano pa man reason…simple lang may plano sayo ang diyos..

  • Afsan Paqui

    Bakit ka nurse? Ewan ko sayo! Nag-aral ka ng apat na taon upang paghandaan ang iyong sarili bilang isang rehistradong Nars. Ngayon magtatannong ka? Maliban na lang kung napilitan ka sa iyong tinapos. Ano timang? pwedeng oo, pwedeng hinde…

  • shh-nurse

    this photo is a friend of mine from sacred heart hospital.

  • julie

    from the start ginusto mu maging nurse…at ngayung hawak mu na at isa ka ng ganap ng nurse..gamitin mu yan para makatulong sa mga nangangailangan…be proud kc alam mu ang sanhi at bunga..kc alam mu ang mga sintomas..ako pangarap ko maging nurse nung bata ko at maging nurse pero ibang iba ako hehehe..kc ang kurso ay Graphic Design And Animation..which now graphic designer ako ng isang kumpanya..i am making anamate banner making logo’s and kahit anu anu pa na related sa pagdrodrowing through computer o mapa sa kamay ko din tulad ng sketching…grabe ang layo diba pero naging masaya ako kc ginusto ko ito kahit una ..i was shocked actually i didnt expect na ito ang magiging kurso..ang saya nagamit ko na sya at nakakatulong ako sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ko..hehe.na eenhance ko pa at the same time..at balak ko pa magtayo ng sariling business ko..para happy happy talaga..:)good luck to you..be happy and always God Bless you.

  • Bean Norelle Sobrmisana

    Online work – data encoder.

    You can earn while enjoying time with your family and love ones.
    for more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    to get started., Email me at [email protected]