The Dark Item: Nakatatakot, Sumisipa Kasi

Fake nurse (Photo credit: fark)
Fake nurse (Photo credit: fark)
Fake nurse (Photo credit: fark)
Fake nurse (Photo credit: fark)

I want to share this story sa lahat ng nagsisikap na RNs sa Pinas.

Sa isang sikat na pagamutan, habang kumukulog, kumikidlat, at napakalakas ng ulan  ay ganoon din kalakas ang dagsa ng mga pasyente at ng mga new staff nurse na may kanya-kanyang matitikas na ‘kabayo’.

Ang mga kabayong ito ay malalakas, at kung sumipa ay talagang masigla at matikas. Kaya nitong magpatalsik ng isang competent nurse hanggang Quirino Memorial Medical Center sa QC. Ganoon kalayo kung sumipa ang mga ito.

May alaga din akong kabayo pero matamlay siya, hindi kalakasan kung sumipa. May dengue ata, mababa ang platelets nito, at maputla. Mababa din siguro ang hemoglobin. Samakatwid kulang sa oxygen.

Kaya naman, gaya ng iba kong kaibigang may mga alaga ding kabayo (iba’t ibang breed – may engineer, doctor, abogado at politicians), lahat ay umaasang mananalo sa karerang ito. Ang kaso nga e hindi talaga sila makalalaban sa Sta. Ana Manila sa Karera ng mga malalakas na kabayo. May karamdaman ang mga ito at naka confine na sa St. Lukes Medical Center.

May bagong Staff Nurse sa isang kabayong ospital (kabayong ospital dahil malakas ito: Phil Health accredited, may Hi-tech equipments at going to Tertiary Hospital na ito).

Nakaupo ang newbie staff nurse kuno sa nurses’ station. Nakikinig ito sa kanyang lumang ipod nano, naglalaro ng petville sa Fb thru an old laptop (opo, may wi-fi ang ospital), at habang gumagawa ng cotton balls eh kumakain siya ng chocolate cake na hiningi niya sa ever-loving pasyente sa ward. (Ay! Kamusta naman ang kulay ng cotton balls?)

Nurse! (kuno), ubos na ang swero ng nanay ko! May umaakyat na na dugo sa linya ng swero. Pa-chek naman!“, sabi ng anak ng pasyenteng may HIV at Hepa B.

Napatigil sa pagngata ng cake, pag-inom ng san mig coffe at pagawa ng cotton balls ang nurse kuno.

Ay, anong ginawa niyo? Bakit nagkaganoon?!“, sabi ng nurse kuno.

Aba, wala po kaming ginagawa. Naubusan na siya ng dextrose eh! Saka may dugo na!” sabi ng anak ng pasyente.

Weh?! Talaga? “, sabi ng Nurse kuno habang inaalis ang ear piece ng kanyang ipod nano.

Banas na ang anak ng pasyente…

Tanging ina ka pala eh! Putragis na ‘yan! Tumayo ka nga diyan at tignan mo na ang nanay ko!

Excuse me, ha! Hindi mo ako pinakakain para murahin mo! Tanging ina mo rin!“, sagot ng nagmamalditang nurse kuno.

Weh? talaga?!” ang sagot ng anak ng pasyente. (Tablado ang nurse kuno).

Pumunta ang nurse kuno sa bed ng pasyente.

(Nasa dextrose na ang dugo nito. Grabe na ang backflow ng blood from IV site.)

Kumuha agad ng syringe ang nurse kuno sa stockable ng nurse station, bumalik sa pasyente at inaspirate ang blood. Hindi siya nag-gloves knowing na may HIV at Hepa ang pasyente. Hindi rin niya na-check ang syringe kung patent ito at walang leak from needle site.

Ay, tanging ina!!!“, sabi ng Nurse kuno (nag-leak ang dugo from syringe. Kumalat ito sa bed pati na rin sa kamay niyang may open wound).

Wala ring dalang cotton balls ang nurse kuno na alam naman nating ginagawa niya ito kanina lang. Eh nangati ang ilong niya. Ginamit niyang pang kamot ng ngangangating nose ang middle finger niya na akala mo eh nag fu-fuck you sign sa pasyente without knowing na may bahid narin ang middle finger niya ng dugo at napakarami niyang sugat sa mukha.

Sugat sa mukha, tagiyawat.

Oo, nangungusap sa laki ang mga sugat niya sa face. Wala na itong mapaglagyan na akala mo eh mga crops sa Farmville sa Facebook na kailangan nang anihin.

Samakatuwid, nabahiran ng blood na may HIV at hepa ang mga pananim niya sa face. Maari na itong ma-withered (nurse kuno kasi siya!).

Tuloy parin ang nurse kuno sa pag-aspirate ng mga nag-backflow na blood sa IV line at dextrose na hindi naman dapat ganito ang skills na gagamitin ng isang true licensed nurse. Tama ba, RNs?

Sa sobrang pressure sa IV line dahil sa pag-aaspirate niya ng mga blood eh nag-burst ang basilic Vein at nag-form ng napakalaking Hematoma sa IV site. Hindi ito na-assess ng nurse kuno at tuloy pa rin siya sa pag-aspirate…

Tanging ina naman kasi oh! Ano po ba kasi ang ginawa niyo? Bakit nagkaganito?Diba sabi ko sa inyo, tawagin niyo ako pag ubos na ang dextrose?! Tanging ina!“, sabi ng nurse kuno. At ang pasyente pa pala ang pinagbantay niya ng swero na dapat eh siya ang gumagawa. GALING!

Nag-walk out ang nurse kuno. Hinayaan niyang nakatusok ang aspirating syringe niya sa Y port habang ito ay nagli-leak parin. Sinabihan niya ang anak nito ng:

Ikaw ba ang anak niya? Kailangan ko po ng bagong dextrose. Bumili po kayo sa Pharmacy natin sa baba. Halika sa nurses’ station at ibibigay ko sayo ang reseta“.

Aba, at nagreseta pa ang nurse kuno na ito. At eto pa, iniwanan ang pasyente sa bed na nagli-leak ang IV line, may hematoma at medyo disoreinted na.

GALING TALAGA!

Muling umupo sa nurses’ station ang nurse kuno at ipinagpatuloy ang pagpapa-level up niya sa Petville at pagngata niya ng chocolate cake. Hindi man lang siya nag handwash or naghilamos ng face na nabahiran ng dugo na may bahid din ng HIV at hepa.

Tuloooooooooooooooooooongg!!!

Nagsisigawan ang mga pasyente sa ward. Dumating ang isang pasyente sa nurses’ station na may dextrose din, hawak niya ang swero niya habang inaalarma ang nurse kuno.

Nurse! ‘Yung pasyenteng tinitignan mo kanina, madami nang dugo na umaagos sa kamay niya, saka nanginginig na siya!“, bulalas ng pasyente habang hawak-hawak ang D5LR 1 liter niyang swero na naka run to eight hours gamit ang B-Braun IV line na may 20 drop factor. Paki-compute na lang ang drops per minute. Ang unang makakasagot ng tama ay may isang libreng sundae sa mcdo.

Ah… ganoon po ba? Sandali lang po ha“, sabi ng nurse kuno habang ngumunguya na ng Happy cornics. Ubos na kasi ang cake niya.

Nagpunta ang nurse kuno sa area. Nakita niyang nag-seizures na ang pasyente (pero hindi niya alam na nasa hemorrhagic shock na ang pasyente dahil naubusan na ng dugo at hindi niya rin alam na nagse-seizures na ito).

Nag-assess siya gamit ang kaalaman niya sa BLS na expired na at ‘d ipa niya na-renew. Ginamit niya ang ABC!

I will check first the airway of the patient“, sabi ng nurse kuno sa malakas na tono! Aba, akala mo magco-code at doctor ang hinayupak!

Na-check niya naman ang airway, habang pinupulsuhan ang pasyente.

Pulse rate is below 20“, ang sabi ng nurse kuno habang nakalagay ang mga daliri niya sa inguinal vein ng pasyente. Aba! Sa inguinal area pa nag-assess ng pulse. Bakit kaya? Bakit? Hehe (mga sexually preoccupied dyan ha).

There is no sign of breathing! I will initiate CPR now!“, sabi ulit ng nurse kuno.

Hinalikan niya agad ang ubod ng gwapong pasyente kahit na may asawa’t anak na ito. Nag-buga siya ng hangin sa baga ng pasyente thru mouth (may drooling of blood na sa mouth ng pasyente).

Umangat naman ang breast area ng pasyente, indicating tama ang pag blow niya ng air (akalain mo ‘yun, tumama siya!).

One! Two! Three! Four!” sa napakalas na tono na halos mapatid na ang litid ng nurse kuno sa leeg ay isinigaw niya ito. Nag-initian na siya ng CPR. Sa panglimang compression.

Craaaackkk. Tumunog ang buto sa sternum.

Tanging inang ‘yan! Umutot pa ang ngala!

Six! (crack!), seven (crack!)”. Tuloy pa rin sa pag-CPR ang nurse kuno. Nadurog ang mga buto ng pasyente sa breast. Lalong lumakas ang agos ng dugo sa bibig ng pasyente.

Tanging ina! Nakapapagod mag-CPR ha! Huminga ka na kasi!” Hinalikan niya ulit ang ubod ng guwapong pasyenteng may HIV at Hepa at nag initiate ng air. Muli siyang nag-compress, at lalong nadurog ang mga buto ng pasyente sa dibdib.

Twelve! (crack!), Thirteen (crack!)“, sigaw ng nurse kuno, habang nakatingin na sa kanya ang resident doctor ng ER.

Nurse Bogart? Kailangan mo ba ang tulong ko?“, tanong ni Doc. Lyntot

Yes, doc! Patay na ata ang pasyente. ‘Di na nahinga eh“, ang sabi ng nurse kuno habang nagpupunas ng pawis sa kanyang breast area.

Oo burse Bogart, patay na siya. Pinatay mo“, sabi ni Doc Lyntot.

Nagsalita ang nurse kuno habang habang nagwo-walk out…

“AKO NA NGA ITONG TUMUTULONG, AKO PA’NG MALI! TANGING INA NIYONG LAHAT, DOC.”, animoy batang humagagulgol ang nurse kuno palabas ng ward.

Huli na ng malaman ng lahat na hindi pala licensed nurse ang nurse kuno na ito na nakapatay ng pasyente. Sadyang malakas lang talaga siya sa ospital at may alaga siyang kabayo na German shepered. (Asong-kabayo)

Naglukasa ang lahat ng seaweeds sa dagat kasama na ang mga talangka, dahil sa pagpanaw ng pasyente. Nabalita rin sa CNN at BBC news ang pangyayaring ito at lubos na nalunod sa kahihiyan ang Pinas gaya na lang ng bloody hostage sa Luneta at major major thing ng isang beautyti queen!

Kalunos lunos ang sinapit ng nurse kuno na ito, nabilanggo siya sa palawan kasama ng mga may leprosy. At ‘di naglaon ay pumanaw din dahil nahawa siya sa pasyenteng may Hepa at HIV.

Totoo ang ilan sa mga kuwento dito. Isa itong dark item  na sumisigaw sa walang katarungag pagha-hire ng mga underboard nurses dahil lang sa napalakas ng lagay niyang kabayo. Ito na ba ang sinasabi ni PNOY na tamang landas at pagbabago? Nasaan ang katarungan para sa mga nagsumikap, nagtiis at naginta ng pagpapala. Sabagay, ganito na ang pulitika sa Pinas.  Hangga’t hindi nagkakasakit at magbago ang mga kabayong ito, hindi matatapos ang ang ganitong kalakaran sa Pinas. .

Sumisipa eh. Hehe.

Enhanced by Zemanta

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.