Nars sa Pamilya

Apat na taon sa kolehiyo, apat na buwan na nagreview. Gigising araw-araw para pumasok, tuloy-tuloy na 3 oras na lecture tapos exam pagkatapos. Magtatanghalian habang nasa kanang kamay ang kutsara at libro naman sa kaliwa. Habang naglalakad, mas matagal pang nakatingin sa kwaderno kaysa sa dinadaanan. Kinabukasan magduduty, sandamakmak na NCP at paulit-ulit na Health teaching.

Ganyan umikot ang 4 na taon ko sa loob ng unibersidad. Hanggang sa huli, tinatanong ko pa din sa sarili ko kung sapat na ba ang lahat na iyon para makakuha ako ng magandang trabaho, makapangibang bansa at mabago ang buhay ko. Malaking tanong sa aming mga nars kung anung mangyayari sa amin pagkatapos ng 4 na taong pagaaral. Marami sa amin ang nakapagtrabaho sa malaking kumpanya upang sagutin ang mga tanong ng iba’t ibang bansa, meron ding mas pinili ang mag volunteer at ang iba naman nakahanap ng totoong trabahong nababagay sa propersyon nila. Pero naiisip niyo din ba na may mga Rehistradong Nars na mas piniling pasukin ang pagiging “Nars sa Pamilya”. Dumating ang panahon na pag may naospital sa kamaganak mo ay paniguradong ikaw ang pagbabantayin. Tama din naman dahil madami kang alam sa mga mangyayari sa ospital. Akala ko hanggang doon na lang ako nung mga panahon na yon, hanggang dumating ang pagkakataong nagpabago ng pananaw ko sa buhay.

Pebrero 2011 nang simulang magkasakit ang mama ko; “Kidney Failure”, ibig sabihin ay hindi na gumagana ang kanang bato niya, kaya minarapat nang simulan kaagad ang dialysis niya. Kitang kita ko kung gaano kahirap ang dinaranas ng mama ko nung mga panahong iyon, 3 beses sa loob ng isang linggo ang dialysis niya, labas pasok kame sa ospital sa loob ng 3 buwan, hanggang sa sumuko na siya noong May 23, 2011. Isang malaking dagok sa akin ang nangyari dahil Nurse ako at wala akong nagawa. Dumating sa punto na sinisi ko sarili ko, nanahimik ako, nalungkot, nalugmok. Nagbago ang lahat makaraan ng ilang buwan, iba’t ibang kwento ang narinig ko, iba’t ibang pangaral.

“Masaya na mama mo, nagawa mo na lahat ng magagawa mo at kahit sa huling sandali, napagsilbihan mo siya at tumayo kang Nurse sa kanya”.

Ngayon alam ko na kung ano ang kahulugan ng apat na taong pagsisikap ng isang nars. Yun ay ang mapadama mo sa mga taong nakapaligid sa ‘yo na kahit anong mangyari, may NARS silang malalapitan at mahahagkan.

Itinuring kong unang pasyente ang mama ko, at naniniwala akong ang unang pasyente ko na ito ay buong buhay na nasa tabi ko upang umagapay sa akin sa libo-libo pang pasyente na pagsisilbihan ko.

Maverick Vullag
Registered Nurse

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • Yaz

    Same here…
    Ako naman sa grandfather-in-law ko ako nagpaka-nurse for 50 days sa hospital last year. Napagod na din sya. Then before matapos ang November last year sa youngest son ko naman ako nagpaka-ina at nurse for 15 days. I thought mawawala din sya. Thank GOD binalik sya sa amin. Hindi ako nagsisisi na nurse wala akong trabaho sa ngayon kasi nagagampanan ko ang pagiging nurse ko sa mga taong mahal ko.