Nurse ka ba talaga?

Related Article: Ang Alamat ni Nurse Sungit

Oo, aaminin ko, kaunti lang ang clinical experience ko, post-grad. Pero hindi ko na kailangan ng ilang taon para lang mapagtanto ko na may mga nurse na kakaiba ang ugali. Yung tipong mapapaisip ka kung bakit sila nag-tatrabaho doon (ah, oo nga pala, para may experience pang abroad).

Alam kong may kilala ka na ganito sa trabaho mo. Pag may kausap na pasyente o kasama nito, mataray sumagot at para bang nakukulitan na kulang na lang eh itaboy. Kitang kita mo sa mukha nya na naiirita. Kahit sa mga student nurse, hindi rin maayos makitungo. Naalala ko tuloy nung nag-volunteer ako sa isang ospital, may kasama akong nurse na buntis. Pagdating sa istasyon nakaismid. Tinignan nya ang tambak ng chart, sabay sabing:

Ang dami naman nyan!”

Nang minsang may pasyenteng naghinalo at nagkombulsyon, habang tinutulungan makabalik ito sa kama, pasigaw nitong sinabi na:

“Kasi naman sinabi ko na wag tumayo eh! Hindi kayo marunong makinig.”

Paalala lang: naiintindihan ko naman kung gaano ka-toxic ang buhay nurse sa hospital. Oo may mga pasaway na pasyente Pero sana lang di ba, ‘wag naman magsungit sa mga taong nasa paligid mo. Tandaan mo, trabaho mo na alagaan ang may sakit. Kung maraming tanong ang bantay, isipin mo nalang na nagaalala sila sa kalagayan ng mahal nila sa buhay.

Kung ikaw man ang may ka-pamilya na nasa ospital, malamang mas marami ka rin tatanungin dahil nasa larangan ka ng pangkalusugan.

Photo credit: maxenurse.wordpress.com

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • elly

    oo nakakapagod naman talaga kung santambak ang trabaho mo pero di ba dapat hindi naman yun maging rason para magsungit? lalo sa pasyente mo. kung stressed ka, mas stressed sila kasi sila nga yung may sakit di ba? PALAGING tinuturo sa college ang THERAPEUTIC COMMUNICATION lagi kaming nireremind dito. sana lang maalala ng mga nakapasa na ng board ang halaga nito. 🙂