Nurse Ka Din Ba?

Sa buhay ko, maraming bagay na akong pinagsisihan…mga pagkakamali na kung malalaman mo lang, panigurado di mo iisipin na kaya ko palang magawa… Sabi nga, by the time humans received their free will, they also received the fate of committing mistakes. Pero magkamali man ako at magsisi, at least I learned a lot from those times that I felt the weakest… Pero sa buhay ko, I guess my isang bagay na di ko pagsisihan.. Yun ay nung oras na maging Nurse ako..

Noong mga panahon na nag-aaral ako ng elementary at high school, hindi ko naisip ni napanaginipan na magiging nurse ako… Hindi ko nga alam na may nurse, akala ko lahat ng nakaputi sa hospital ay doctor.. Nang malapit na kong makatapos ng high school, isa lang talaga ang gusto kong kuhanin na kurso… ang maging abogado.. Pero sa napakadaming dahilan, napunta ako sa pagiging nurse… Nung una parang ayaw ko, pero habang tumatagal, nagugustuhan ko na din… Habang tumatagal, natatanggap ko na din… At habang tumatagal minahal ko na din…

Ngayon, masasabi kong mas naunawaan ko ang halaga at importansya ng pagiging isang nurse… Sasabihin ko na naman na maswerte ako, dahil nakakapagsilbi ako sa dalawang magkaibang paraan. Una, ang maging bahagi sa pag-aalaga sa mga taong hindi ko kaano-ano, pero inaalagaan ko ng parang sariling kong kadugo… Pangalawa, sa pagbabahagi ng kaalaman, karanasan at mga bagay na alam kong makakatulong sa paghubog sa mga taong nagnanais din na maging kagaya ko, isang NURSE..

Marahil kung may makakabasa nito na hindi nurse o hindi nursing student, sasabihin nila, ang arte-arte naman nito, kasimple-simple bagay pinapadrama… sasabihin ko naman, hindi ko po pinapadrama, madrama talaga ang buhay ng mga nurse…

Naranasan mo na bang magbasa at mag-aral ng libro, na kung iisipin ay mas makapal at mas mabigat pa yata sa utak ng tao (try mo hanapin ang MS book) at maidadagdag ko lang, dalawang volume po sila… Mag-exam at magreport ng mga bandang ala-una hanggang alas-singko ng madaling araw… Oo madaling araw.. Madalas naming gawin yan sa night shift duty… Naranasan mo na din bang mapagalitan ng doctor dahil meron silang tanong na di mo masagot sa kabila ng pagbasa ng 1,500 pages ng 3,000 pages na libro… O di kaya naranasan mo na bang umiyak at pumikit dahil sa kabila ng di pagtulog ng nakaraang gabi para magreview, wala kang masagot sa NCM exam mo…

Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ng mga mga nurse, hahanga ka sa kanila. Nakangiting papasok sa room mo, kukumustahin ang tulog mo at magbibilin tungkol sa pagkain mo… Pero sila ba natanong mo kung kumain na? Ayos lang, trabaho naman namin ang mag-alala sa inyo at hindi ang kabaligtaran.. May mga panahon na naaalala ko ang mga naging pasyente ko, ang kwento ng buhay nila.. isang matanda na inabanduna ng mga anak, at ang tanging karamay ay ang kasing hina na din niyang asawa…. Nakakahabag… May mga oras na wala silang maibili kahit pamalit lang na IV fluid (swero), kaya pasimple naman silang inaabutan.. Bawal kasi sa mga student na magbigay ng pera sa mga patient… Naalala ko din yung una kong naging pasyente nung student ako, namatay siya na isa ako sa nasa tabi nya, umiiyak ang mga anak at asawa nya, pero wala ng magagawa, nakakapit sa braso ko yung isa sa anak ni “manong”, parang sa akin siya kumukuha ng lakas… gusto ko din umiyak… lalo na noong panahon na humigpit yung pagkakapit nya sa akin… gusto ko din kumawala ng luha ko… pero mali.. alam kong bawal.. kailangan namin magpakita ng katatagan… yun ang trabaho namin.. Mahirap? Oo… pero Nurse kame eh…

Tatak din ng isang nurse ang pagiging matalino.. Bakit? isipin mo na lang, ilang ang propesyunal sa Hospital… Doctor… Dietitian.. Rad tech… Medical Technologist.. lahat ng taong yan, kailangan naming kausapin, ibig sabihin, lahat ng bagay na alam nila, dapat may alam din kami… Ngayon ko nga lang naunawaan… Ang dami-dami pala namen pinag-aaralan…. Kombinasyon ng napakaraming propesyon…

Kanina,may bata kaming pasyente sa OR… Pagkatapos ng operasyon, habang medyo rattle siya, nilapitan ko siya at inalo.. sabi ko wag na siyang umiyak… Nung pauwi na kame… nagpaalam kami sa kanya… Ngumiti siya at kumaway sa akin, sabi nya “Bye2x kuya…!” Nagpasalamat sa akin yung nanay nya ng nakangiti… Bigla akong may naramdaman… Isang pakiramdam na kayang tabunan kahit ang pinakamalalang pagod na pwede kong maramdaman… Pakiramdam na nagpaunawa sa akin kung bakit sa kabila ng maliit na sweldo ng mga nurse, masarap pa ding maging nurse… Ang maluha-luhang pagpapasalamat sa akin ni “nanang” ng pasimpleng abutan namin ng pambili ng swero, ang mahigpit na kapit ng anak ni “manong” habang unti-unting nauupos ang natitirang buhay ng kanyang ama, ang ngiti ng isang bata na sa kabila ng sakit na naramdaman nya ay pinakitaan mo ng pag-aalaga, eto ang ilan sa mga bagay na nagpapaalala sa akin kung bakit ako NURSE… 🙂

Photo credit: ergonomicedge.wordpress.com

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • kyle andrade

    Nabasa ko to sa page nya, Mga-sulat-kamay? Si kuya pala nagsulat nito?

  • kathleen Ganzon-Azufra

    pls notify me–or send me back my composition that i just submitted earlier…I typed straight—no drafts at all…pls. I like it sooo much–it was straight from the heart.. =) thanks.

  • kathleen Ganzon-Azufra

    the Title was —Nag-Nursing sa America

  • What a story. Na touch ako… 🙂