“Nurse Ka Din?”

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na overpopulated na ang bilang nating mga Filipino nurses at madame din ang walang trabaho. Ang iba naman ay sumusugal na sa trabaho na hindi naman linya sa Nursing. Dahil dito, madami sa atin ang pinanghihinaan na ng loob na ipagpatuloy ang kurso na ating tinapos. Sabi nga ng iba, aanhin mo ang lisensya mo kung magugutom naman ang pamilya mo?

Isang araw nang sumakay ako sa bus, nakita kong nagbabasa ng nursing book ang aking katabi.

“Nurse ka din?” ang tanong ko.

Ngumiti sya sa akin at nagpakilala. Tunay nga na para tayong may iisang puso, makabungguan mo lang sa pila ng LRT at malaman mong nurse din sya, paniguradong walang humpay na kwentuhan ang kalalabasan lalo na pag parehas kayong naghahanap ng trabaho.

Trabaho– yan ang problema ng karamihan sa atin, at yan din ang dahilan kung bakit marami sa atin ang bitter sa gobyerno, sa mga ospital na nagpapabayad para lang makapag volunteer, at sa mga Licensing Bodies na hindi kinikilala ang ating lisensya.

Iba’t iba man ang kwento, iisa lang ang alam ko: Lahat tayo ay may pagsubok na pinagdaraan. Nasa Pinas ka man o sa ibang bansa, wala kang lusot sa mga pagsubok na yan. Maaring isa ka sa mga taong tinutukoy ko. Bukod sa problema sa paghahanap ng trabaho, nandiyan din ang problema sa mismong trabaho. Maaaring nabuburn-out ka na sa dami ng responsibilities mo sa unit nyo o dahil sa mga kasamahan mo. Hindi madali ang makisama, lalo na kung isa kang dayuhan sa bansang pinili mong pagtrabahuhan. Nariyan ang racism na laganap san mang bansa sa mundong ito.

Sa bawat pagsubok na nalalampasan, mayroon din namang aral na natututunan. Kaya nga ba kahit na sumakit na ang ulo natin sa kakaaral, nagpapatuloy pa din tayo dahil nga tayo naman ay may natututunan. Huwag mong isipin na ikaw lang ang dumaranas ng pagsubok na iyong pinagdadaanan. Kung pakiramdam mo ay tila ba susuko ka na at igigive up mo na ang iyong “calling” bilang isang nurse, mag isip-isip ka.. Bukod sa apat na taon mo yang pinaghirapan aralin .. hindi mo maitatago sa iyong sarili na ikaw ay isa sa mga taong matyagang nagsunog ng kilay at nagpuyat para maghintay ng manganganak sa lying-in clinic para mapuno ang case list mo. Isa lang yan sa napakaraming sakripisyo na ginawa mo nung ikaw ay nasa eskwelahan pa.

Kung sakripisyo lang naman ang usapan, dyan tayo panalong mga Filipino Nurses. Kahit san mo ilagay walang reklamo; basta may trabaho, ibibigay nyan ang best para sa kanyang mga pasyente. Sa isang banda, minsan tayo man ay nagiging pasyente. Pasyente ng panghihina ng loob at kawalan ng pag-asa. Ang kailangan natin ay gamot; gamot na magbibigay sa atin ng kalakasan ng loob, tapang, at pag-asa. Walang nabibiling gamot para dyan sa botika.

Ang magsisilbing botika nating mga nurses ay ang mga karanasan na ating nakikita sa ating mga colleagues. Maging salamin nawa sa atin ang anumang pagsubok na napagtagumpayan ng ating mga kababayang nurses san mang dako ng mundo. Marapat lang na ating tandaan na tayo ay “tinawag” para sa iisang misyon para mapalakas natin ang loob ng isa’t-isa.

Nawa ay nakatulong ang blog na ito para sa iyo at sa ikalalakas ng loob ng bawat isa satin.

” Let us enjoy our journey towards success”

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • Ezae Lee

    Thanks to the blogger..! I can think that the message is really for me i’m here in abroad and feels like suffering emotionaly ’bout everything. I need somebody to lift me up but unfortunately everybody seems no time to hear also..i feel like being crazy nowadays…but I just realyzed things that I’m having right now is a blessing also…including sufferings..i guess..^.^

  • Ezae Lee thanks for viewing mg blog;) Truly that we have lots of trials na pinagdadaanan .. We just need to look at the brighter side and just enjoy the process.., I knw it is hard however we have to keepn on holding to our calling .. Have a great year Ezae! till my next blog.. u myt be interested to read my blogs just visit my site http://iamjonabie.wordpress.com 😉 God Bless!