Paalam!

Pitong buwan na akong panik panaog sa Philippine Kidney Dialysis Foundation, isang clinic na tumatanggap ng mga pasyenteng may sakit sa bato o kidneys. Sa aking unang linggo sa trabaho nakilala ko si Mommy Aida. Isang masayahing ginang na puno ng pag-asa. Halos sabay kaming nagsimula ng aming buhay sa Phil. Kidney Dialysis Foundation; sa akin ang simula ng bagong landas sa pagiging nars at sya naman ang simula ng kanyang pakikipaglaban upang mabuhay.

Sa isang linggo, isa o dalawang beses kong makikita si Mommy Aida,bitbit ang kanyang mga apo at bitbit din ang kanyang inihandang pananghalian para sa akin. Isa ito sa mga inaabangan kong araw sa aking trabaho; ang makakwentuhan at makasalamuha si Mommy Aida na nagbansag sa akin na “Bait!”. Madalas ko syang pagsabihan kapag hindi sya sumusunod sa payo ng mga doktor na umiwas sa napakahabang listahan ng mga BAWAL ngunit may sarili syang prinsipyong sinusunod. Naalala ko nang sinabi nya sa akin “Dati nawalan na ako ng pag -asa akala ko mamamatay na ako, pero nung makilala ko ang mga nurses dito; parang nabigyan ako ng bagong pag asa. At saka kung araw mo na naman talaga araw mo na, sana bigyan lang ako ni Lord ng mas mahabang buhay….”

Hindi siya napagbigyan. Noong Huwebes, ginising ako ng aking telepono, isang tawag mula sa kanyang apo na si Lady ang aking natanggap. “Kuya, Wala na si Dada…” ang bumungad sa aking umaga. Hindi ako nakapagsalita, parang naisip ko na baka parte lang ng panaginip ko ang aking narinig… “Kuya, Kuya, anjan ka pa ba!” wika ni Lady sa akin at doon nawari ko na isa itong katotohanan…

Wala na si Mommy Aida… Masakit na realidad na kailangan kong tanggapin na parte ito ng aking pagiging ganap na nars.

Mommy Aida, kung nasan ka man, Mamimiss ko ang mga biruan natin at ang malakas mong tawang majhongera… ang paghawak mo sa kamay ko ng madiin kapag nasasaktan ka sa pagtusok ng karayom sa iyong balat, ang mga luto mong prito at napakaraming kanin, ang pag-usyoso mo sa love life ko, ang pagkalikot mo sa mga pictures sa cellphone ko dahil inip na inip ka na, at marami pang iba!

Sayang marami pa naman tayong dapat pagkwentuhan!Paalam!

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • Lowell

    T_T napaluha ako, nagda dialysis kc mama ko…

  • very touching i was really affected by this blog!

  • gigi garcia

    i was touched by this blog… Especially with patients who has kidney troubles and fighting for their lives to survive..

  • Pons Terrobias Jr

    Sometimes we have to face the reality that we live only once. That we should take care of our body…. no over eating, no overload of work, that we should refrain from over doing things. Always take precautions when we decide to do things or work things out… Lets us give a minute of silence to our friend in christ….

  • Thanks for those who took time and read my blog. I hope it touched many lives.

  • Ron

    Nice Wars …. nakakaTOUCH naman ito .. ramdam ko na galing sa puso mo ang pagawa ng blog mo 🙂 more blog pa sana next 🙂 TC!!!

  • Warren Ison

    A letter from an old friend…

    Re: Your Dialysis Patient blog.

    Warren. long time. Last time I guess gradeschool pa tayo.

    I know first hand how it feels to lose someone because of Kindey Disease. It is true. The nurses who help the patients; bring a smile to their charge’s face.

    My sister passed away Nov 28 of the previous year, of complications related to Dialysis treatment (she hasn’t even been going through it for 7 months). And, while it pains greatly me to read about your story, it does warm my heart to know that the nurses also feel the same way about those in their care.

    From the point of view of the “bantay”, you guys have no idea how much they enjoy the voices of the nurses. Your being there for them, helping them, uplifting their spirits eases the pain of undergoing dialysis several times a week. Sometimes the treatment can be hard on them, but joking around with them, talking to them makes it all better. I guess in a way you guys give them something to look forward to from a routine that can drive them down the road of depression.

    Please keep it up. Be a light for those that see none. Be the comforting hand for those in pain.

    -Antonn