Pakikipagsapalaran ng Isang Nars sa Gitnang Silangan: Ang Aking Laban!

Photo courtesy of http://a8.sphotos.ak.fbcdn.net
Photo courtesy of http://a8.sphotos.ak.fbcdn.net

Paano ko nga ba uumpisahan ang kwento ko sa bayang ito? Pumukaw sa aking pansin ang nabasa kong artikulo tungkol sa “BUHAY SAUDI”. Aking napagdilian na dapat gumawa din ako ng artikulo upang ibahagi ang mga bagay-bagay na aking napagdaanan, bagay bagay na aking na-eksperyensa at aking mga natutunan sa gitnang silangan.
Hindi ko alam kung bakit Nars ang aking kinuha, kung bakit ko pinalitan ang kurso kong Physical Therapy sa pagiging Nars. Dahil ito ba ang gusto ng nagpaaral sa akin o dahil ba sa angkan namin ay puro Nars? Hanggang ngayon hindi ko pa rin masagot-sagot ang tanong kong iyan sa aking sarili. Taong 2008 noong ako’y nakapagtapos bilang Nars sa isang kolehiyo sa probinsya at sa taong din iyan ko nakamtan ang aking lisensya bilang isang Nars. Nagsanay ako tungkol sa IV training sa isang malaking hospital sa Manila. Kasi ang aking naririnig noon ay dapat may IV license bago makapasok sa mga ospital. Ang akala ko noon madali na lang makapasok sa isang ospital pero hindi pa pala. Sa mga ospital sa aming probinsya, kailangan mo pang magbayad ng sampung libo upang makapagsanay ka. Nasambit ko sa sarili ko, bakit ko kailangan magbayad ng ganung kalaking halaga eh isa na akong Nars? Naisip ko kung saan ako kukuha ng pera para sa allowance kung ako’y magsasanay o magvovolunteer. Ginawa ko ang lahat upang makapag-hanap ako ng magandang trabaho na hindi kaugnay sa aking tinapos sa Pilipinas dahil ayoko ng humingi o magpa-sustento sa mga kamag-anak kong nagpaaral sa akin pero sa kasawiang palad hindi ako natanggap.
Nalaman ko sa isa kong kaibigan na may isang ahenteng tumutulong sa mga Nars na gusto mangibang bayan. Ako’y naligayahan sa aking narinig dahil pwede nyang matulungan ang mga Nars na walang eksperyensa. Kami’y nakipagtugunan sa kanya at lahat naman kami’y sumang-ayon. Naging maayos naman ang lahat sa pag-apply namin sa kanya hanggang sa araw na pagpunta ko dito sa Saudi. Nasa aerodromo Manila ako noong binigay nila ang mga dokumento ko, ako’y nabigla at nagulat dahil sa aking nakita. Ang mga dokumento ko ay naiba sa orihinal na aking ipinasa sa aming ahente. Tinawagan ko siya kaagad at tinanong kung bakit naging ganoon ang mga papeles ko. Nawika niya na hindi magiging problema pagkatapos kong maipasa ang pagsusulit dito sa Saudi. Mula noon ako’y nanalangin na sana walang magiging problema pagdating ko sa bayang ito. Nagdaan ang araw, buwan, kumuha ako ng pagsusulit sa Saudi Council at sa awa ng Diyos, naipasa ko. Magbuhat noon nawalan ako ng tinik sa aking dibdib dahil sa sinambat ng aming ahente noon. Pero pagkaraan ng isang taon at apat na buwan kong pananatili sa bayang ito, nagkaproblema dahil sa aking mga dokumento. May sulat galing sa Saudi Council na hindi nila ako papahintulutang makauwi sa Pilipinas dahil hindi daw ako estudyante sa taong 2007 at ang numero ng aking lisensya ay hindi daw totoo. Ako’y kinabahan dahil sa mga nabanggit nila. Tinawagan ko kaagad ang aking ahente pero pinasa niya ako sa ahensya namin. Tinawagan ko ang opis nila at isang babae ang sumagot. Sinangguni ko sa kanya ang problema ko sa bayang ito. Pero ang mga sinaad niya ay senyales na hindi nila ako matutulungan, “kailangan mong panindigan Miss, sarado na ang dati mong agency, noong pinasa ng ahente ang mga papel mo sinabi niyang walang problema”.

Sariwa pa sa tenga ko ang mga binitiwan niyang salita. Kaya mula noon sinabi ko sa Modir(manager) namin ang katotohanan at tinulungan nila ako sa laban kong ito dito sa disyerto. Sana noong Hulyo pa ako nakauwi pero dahil sa dokumento ko, hindi ako makauwi-uwi. Unang pakikipanayam ko sa isang detektib na Arabo, tinanong niya lahat kung bakit naging ganoon, kung bakit ganyan o kung may alam ba ako. Ilang beses kami pabalik-balik sa opisina nila hanggang isulong nila ang kaso ko sa korte. Noong una kong pakikipanayam sa mga tagahatol, pumasok ako sa isang kuwarto na apat na lalaking arabo ang nasa harapan ko. Ako’y kinabahan dahil mukha silang hindi mabait. Inulit nilang tinanong ang mga tanong katulad ng sa detektib, inisa-isa nilang siniyasat at ihambing ang orihinal na dokumento ko sa dokumentong ginawa ng ahente ko. Sa likod ng mga ginagawa nila, ako’y taimtim na nanalangin na hindi nila ako hatulan ng pagkasobra-sobra.

Hinatulan ako ng isang taon sa kulungan at magbayad ng tatlong libong riyals(P35,000). Pero noong ako’y umiyak sa harapan nila at nasambit ng modir(manager) na isa akong ulila at ako lang ang may trabaho sa aming pamilya, pinawalang bisa nila ang isang taon na kulong. Sa pagpabalik-balik namin sa korte mula Hulyo hanggang ngayon, ako nama’y umaasa na matapos na upang makauwi na ako sa aking bansang sinilangan, upang lubusan ko ng mayakap at makasama ang mga mahal ko sa buhay lalong lalo na ang aking ina. May maganda pa kaya akong oportunidad na naghihintay sa kabila ng mga nangyari sa akin sa gitnang silangan? Ginawa ko ang tungkulin ng isang Nars pero bakit ako nasangkot sa ganito? Kailan ko kaya maaapakan ang lupaing aking pinagmulan? Kailan ko kaya maididiwang ang pasko na kasama ang mahal ko sa buhay? Isa akong Nars na nagbakasakali sa gitnang silangan upang matugunan ang pangangailangan ng aking pamilya, upang matulungan ang aking mga kapatid, upang hindi magpasustento sa mga nagpaaral sa akin pero bakit naging ganito ang kinahinatnan ng aking kapalaran? Parusa ba ito na tinatawag o isang hamon lamang ng aking karera sa buhay?
Sa mga katulad kong Nars, sana’y isama niyo ako sa inyong mga panalangin upang lubos na akong makauwi at makasama ang aking mahal sa buhay.

Enhanced by Zemanta

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • hunny1619

    hi girl.. andito din aku sa saudi.. I feel sad sa pinagdadaanan mo. ilang yrs kna ba dito? hopefully makauwe kna.. may mga binago din n documents namin ang agent namin from the phil noon e.. sa hospital ka ba nagwowork dito ngaun?

    • donzky

      2 years and 5 months na ako dito sa saudi.. Hindi sa hospital girl, kasi niloko kami ng agent namin. Akala namin hospital pero clinic lang pala, dental clinic pa..

      • hunny1619

        gumawa din ako ng article search mo ung nurses: it’s forbidden, i thought malala n ung mga reklamo namin dito pero mas nakakatakot pala ang nangyayare sau.. sana makauwi kna. sama din kita sa prayers ko.. keep fighting! narealize ko dito na wala kang maaasahan talga kundi ang sarili mo at kay God ka lang talga makakakuha ng lakas ng loob! kaya mo yan! matatapos din ang lahat.

  • bing tabios

    Kabayan.I am also a Nurse here in KSA.ibig mong sabihin,nkakolong ka ngayon?paano mo naipost etong karanasan mo?may bumibisita ba sa yo jan sa loob?sana maayos ang kalagayan mo jan,continue to pray.GOD will make a way.

    • donzky

      kabayan, hindi po ako nakakulong ngayon.. “Pero noong ako’y umiyak sa harapan nila at nasambit ng modir(manager) na isa akong ulila at ako lang ang may trabaho sa aming pamilya, pinawalang bisa nila ang isang taon na kulong”..

      Salamat sa pag-aalala kabayan! God is good!

  • claire

    sis,
    humingi k ng tulong sa PHILIPPINE GOVERNMENT lalo n sa POEA.NG MATULUNGAN K SA kaso mo.

  • donzky

    Sis, paano ako hihingi ng tulong sa kanila? Kasi, i heard na d nila ako matutulungan kasi peke papel ko. But, I’m still praying na matapos na. My decision na ang judge, naghihintay na lang ako kung kelan ako mgbabayad . God bless!

    • des

      Hi sis..Thank God at hindi ka nakulong. Be strong…san ka ba ngayon? Nurse din ako d2 sa Riyadh. Inaasikaso ba ng employer mo ang kaso mo?

      • donzky

        Hi des! Dito ako sa Ha’il! Magkalayo tayo.. Hospital ka ba? Oo inaasikaso naman nila pero alam mo naman mga Saudi, sobrang bagal..

        • des

          ano ba ang ikinaso sayo? can u send me your number? or pls email me @ [email protected]

          • donzky

            Arabic kasi un pero ang pagkakatranslate nila ay Biktima ako ng Pekeng papel..

  • Jenny

    Buti kamo di ka ni rape. Masuerte ka pa kumpara sa iba.

    naandyan ka na rin, tapangan mo na lang ang loob mo. Ang hirap na pinagdaanan mo may ginhawa yan balang araw, maniwala ka. Mani na lang ang ibang problema sayo. Pinatatag ka ng hamon na yan. Wag kang makalimot na manalig sa Dios.

    • donzky

      Naririnig ko din yan dati na nirerape kapag nakulong.Pero God is good dahil hindi niya ako pinapabayaan. Salamat, oo naniniwala ako sa sinabi mo. Hardship lang ito for a better future. Salamat ulit..

  • greenmaegic

    To Donzky.Im also a Nurse here in the Kingdom. Good to hear that your Mudir (Manager) kakampi mo sa laban mo. kasi may mga kakilala ako dito halos walang pakialam ang mga mudir nila. Just keep on prayin, i know with that trial youve been through,, greater blessings will soon to come. Stay strong, sahog lang yan sa mas magiging matagumpay pa na profesion mo.God bless.

    • donzky

      Salamat sis… Dinadalangin ko yan na better future and better oppurtunities ang naghihintay sa sa akin.. God bless you too

  • bettina

    sis,anu bang name ng agency na napasukan mo?
    bat di mo subukan na kontakin ang phil embassy?baka matulungan ka nila.
    galing din ako saudi,sa gizan ako nassign sa king fahad pero MOH ang naghire saken.
    nakakalungkot ang kwento mo,anung nangyari sa iba mong mga kasama na
    hinire din ng mangagantsong agency na yun?
    isasama kita sa prayers ko.manalangin ka lang palagi at subukan mo pa
    rin na tumawag sa phil embassy sa riyadh. be strong and just keep on hoping
    that ull be able to get thru this.

    • donzky

      Sis, wala na yung dati kong agency. Nagsara na pero ang balita ko my other na silang name ng agency. So dito ka pa rin Saudi hanggang ngayon? Ang iba kong kasama, ok naman sila… May kakilala ako na di board passer sa atin pero swinerte lang talga ako sa napili cgro.. Salamat. God bless you!

  • Hakob DC

    Ay naku nakakaloko naman pala ang expirience mo. Balak ko pa naman mag Saudi just for fun and expirience kaso mukhang dehado tyo dyan ah. tsk tsk tsk. Stay STRONG. Sana makauwi ka nang nag Pilipinas ngyong PASKO.

    • donzky

      Try mo pa din mag-saudi. Ako nga, kahit ganito nangyari sa akin, gusto ko pa ring bumalik dito kung may pagkakataon pa. Masaya naman dito kahit papaano dahil mababait ang taong nakapalibot sa akin. Salamat sa dasal. Merry Christmas!

  • Dr Jean

    I’m sorry to hear about what happened to you. Let this be a lesson sa mga would be OFW, busisiin mabuti ang contract pag nakita nyo na may discrepancy mag dalawang isip na kayo. Or sa case ng writer na halos binago or pinalitan ang mga importanteng documents,maging warning na dapat yon sa atin. Maswerte ka pa din sister dahil hindi ka pinabayaan ng Modir mo. Madami pa din naman mababait na Saudi. May God bless you.

    • donzky

      Salamat Dr Jean… Minsan kasi ang mga first time na mag-aabroad, ang gusto lang nila para makaalis na ng bansa natin para makatulong kaya di na pinapansin ang mga contract. Lalo na kapag nagtiwala ka ng sobra sa isang tao na ang akala mo di ka maloloko. OO, mabait po mga taong nakapalibot sa akin kaya ako nagpapasalamat kasi kung hindi sa kanila, hindi ko malalampasan ang laban ko dito. God bless you too

      • Dr Jean

        Good na napublish etong article mo kc marami ang matutulungan nito na maging cautious sa pag gamit ng mga peke na papers lalo na sa medical at naghigpit ang Saudi Council sa ngayon. Been working as FGP in a gov’t med center for more than 10 years now. Maswerte ako na d2 ako napunta sa umpisa pa lang kaya until now andito pa din. Most of the time kc pag sa private companies mahirap talaga ang sitwasyon.

        • donzky

          Saan po ang FGP? Sa simula po nahihiya akong ikwento ang sitwasyon ko dito.. pero napag-isip isip ko na bakit ako mahihiya eh eto talaga ang laban ko! Laban kong mag-isa na malayo sa pamilya. Iyakin akong tao, takbuhan ko ang kuya ko pag may umaapi sa akin pero ngayon natuto akong tumayo at lumaban sa sarili kong mga paa! Swerte po kayo kung matagal na kau sa company nyo. Sana din balang araw makahanap ako ng magandang opportunity for my profession..

  • marie juana

    donzky , galing ako jan dati sa saudi, w/ 6 mos experience lan sa pinas… im so sad na nangyari sayo sa kagustohan mo lan tlagang maka pag trabaho, may mga cases ng nangyari sa min SA Tabuk,KSA pero an punishment lan nman sa kanila is deported agad sila . Pauwi agad sa sariling bayan, kc they found out na d nurse an inaplayan nilang work kundi cleaner o kaya teacher mostly is Indian, my mga Pinoy din nman pero d umakyat sa korte an problema.
    sa ngayon ba na wowork ka pa rin jan o stopped to work ka na?
    maging matatag ka lan jan, may awa an Diyos. Ill add you to my Prayers.

    • donzky

      Pero nasaan ka na ngayon? Hindi ka ba nagkaproblema? Paano ka nag-aaply kung may 6 months experience lang sa Pinas? Salamat. God bless!

  • Eva

    Hello…. Di ako base sa KSA pero I feel sorry sa experience mo ngayon. Wag ka mag alala kasi matatapos din yan. God will bless you more and I’m sure lalo kang magiging strong person. You are also lucky to have a supportive work manager at saka good friends…. I will pray na sana matapos na problem mo , makauwi ka na sa atin to see your family…. Be strong and Godbless.

    • donzky

      Hi Eva, salamat…magpapakatatag ako for my family! God bless you too

  • pinkee

    dear donzky,

    pasalamat ka na lang sa Poong Maykapal at ikaw ay nabiyayaan ng mabait na modir at mga kasamahan jan. sana magsilbing aral ang pangyayaring ito sa iba pang nagnanais na makapagtrabaho sa ibang lugar lalo na dito sa gulf countries.

    my prayers na sana ay matupad na din ang mga hangarin mo sa buhay. patnubayan ka lagi ng Poong Maykapal.

    • donzky

      pinkee, oo nga po.. sobrang bait ng modir namin at yung asst modir namin. Sila ang mga kasa-kasama ko sa korte! Salamat.. God bless you!

  • yellow_umbrella

    Be strong! God will guide and protect you in this trial! Pakatatag ka jan, may awa si lord. 🙂
    May tanong lang ako, kelan ka nagpunta jan sa saudi? Anu-anong dokumento ang pineke ng agency mo? Pineke ba nila ang TOR, RLE, Diploma, at Lisensya mo? Pati din ba ang Certificate of Experience?
    Ako din sana nagbabalak na magpunta jan, kaso ang problema ko ay ang experience, 2008 graduate din ako, pero mula ng grumaduate ako 1 year lang ang masasabi kong experince sa clinic at sa hospital.

    Pray ka lang kabayan.. God will be there and will guide you.
    Hingi ka din ng tulong sa Philippine Embassy jan sa saudi.

    • donzky

      2009 ako nagpunta dito sa Saudi. Almost lahat ng documents ko pineke nya! Salamat sa iyo! God bless!

  • ceejay

    hi donzky, ur story made me cry. im also working here in KSA. Wag ka sanang bumitaw sa Kanya. Trust everything in Him. Di nya tayo pababayaan,kung ano man ang nagyayari sa iyo ngayon,may plano Sya. wag ka sanang panghinaan ng loob. ganoon lng tlga cguro, ang pag-aabroad ang isang malaking sugal. Pwedeng swerte ka pwede ding hindi. pero pasasaan ba at matatapos din ang lahat ng ito. always believe in God’s plan dear…I’ll pray for your safety and sana makauwi ka na…

    • donzky

      Salamat ceejay! Tama ka, kay God ako nakadepende ngayon..Siya lang wala ng iba.. God bless you!

  • jeffrey ryam

    hi, i was touched by your story… i’m also working as a nurse in riyadh… just keep ur faith to the lord and ull get by.. everythings gonna ok, and one of this days u’ll step foot again in our country… 🙂

    • donzky

      hello! Salamat Jeffrey! God bless you!

  • cillehouette

    hi dondinsky, i’m so sorry about what happened sayo dito sa saudi, nandito rin ako ngayon sa saudi (riyadh)at 11 months na ako dito. just be strong at huwag ka lang bibitaw kay God, God is so good, isang pagsubok ang nangyari sayo pero ang lahat ng iyan ay malalampasan mo,good thing at mababait ang mga kasama mo diyan, how i wish i could meet you in person, Mahirap maging nurse dahil madami tayong sakripisyo..I’ll pray for you

    • donzky

      hello cillehouette! Saan ka sa riyadh? Hospital k b?Add kita sa FB, ano FB mo? Salamat sa prayers! God bless you!

  • navyduck

    totoo ka na sa mga first timers, dahil sa kagustuhang magabroad eh hindi na binubusisi ang mga kontrata nila sa pinas or pumapayag na lang sa kung ano man ang gustong gawin ng agency sa mga papeles nila. minsan nga ang visa nila is housekeepers o kaya technician. kaya andaming nagkaproblema sa saudi council.
    i hope and pray na makaraos ka sa problema mo. and hoping na may mas maganda ka pang maeexperience after all of these.
    be safe and God bless.

    • donzky

      Noong nag-apply kasi ako, wala akong kaalam alam na ganun ang gagawin ng agent ko sa papel ko. Kung nalaman ko lng ng mas maaga, hinding hindi ako mag-aapply sa knya! Salamat sa iyo! God bless!

  • net net

    ohhh sad to hear your story..:( ill pray for you girl.. kaya mo yan sabi nga there’s always a rainbow after the rain basta pray k lng ng pray HE will never left you… ingat ka dyan. buti mabait mga kasama mo… sana matulungan k ng POEA or Phil. embassy. In God’s grace makaka uwi ka na din sa Pinas…

    • donzky

      Salamat Net! OO, kay God lang ako nakadepende ngayon! Sabi nga nila sobrang tapang ko daw para harapin ang labang ito. God bless you!

  • marklo

    hi donsky,
    Naawa nmn ako sa sinapit mo. Sa kabila noon hinangaan ko ang tapang at lakas ng loob na suungin ang trabaho dito s ksa. Hanga ako sa mga tulad nyo na independent ang pagiisip para tulungan ang mga mahal sa buhay. Ang pagsisiwalat mo ng iyong laban dito ay umpisa pa lamang. Nakikita at nadarama ng mga taong nakapaligid at umaasa sayo na malalampasan mo yan. Kapit at mataimtim na panalangin sa Kanya ay syang tyak na magpapalaya sa iyong kinatatayuan ngaun. Akoy naniniwala na ang unos na kinakaharap mo ngaun ay may magandang umagang naghihintay, wag kang susuko.
    Ako din ay isang bagitong OFW gaya mo na dumaan sa problema dito di nga lang kasing bigat ng sinapit mo. Yung pinirmahan kong kontrata ay di nasunod at ang category ko ay di naaayon sa trabho ko dito. Lumaon ang mga buwan narealize ko na maswerte pa rin ako at di ganoon kbigat ang trabaho ko at nkakapagpadala ako ng regular sa aking magulang. Sa awa ng diyos 6months n lang uuwi n rin ako. Inshallah!
    Sa ngaun tiyak ako na marami ang nakapagbukas ng isip tungkol laban kinakaharap mo ngaun. Di biro ang pag-aabroad pero heto tayong mga OFW di sumusuko sa hamon hangga’t may pananalig at pag-asa – may di matatawaran kaginhawahan na naghihintay sa atin!
    Maligayang Pasko sa iyo Kabayan Donsky!
    Kung ikay nalolongkot at nalolombay wag mahiya, sulatan mo lang ako… [email protected]

    • donzky

      hello marklo! Salamat sa paghanga mo sa akin! Alam mo ba dati, kapag may mga problema ako sa Pinas, ang palagi kong takbuhan ay ang kuya ko! Pero dito ako natuto para lumaban mag-isa. Manalig lang tayo sa Kanya! Alam ko di niya tayo papabayaan! Merry Christmas din sau kabayab! God bless you always!

  • zencab

    don, friend ako ni ate des mo. sabi ko sa kanya ituloy mo ang laban sa ahente mo sa pinas and sa agency niya..kahit nagpalit sila ng agency name may habol at pananagutan sila. dapat may relative kang mag follow up doon dala ang original papers and substituted papers na gawa ng ahente. pwede silang ipa close ng poea.
    ang sa saudi council mong probs wala tayong magagawa kasi yon na ang pasiya nila kahit tama ang allegation mo. nevertheless makikipag ugnay ako sa philemba natin dito sa riyadh as to what they can do for you. bata ka pa and after swallowing this bitter pill, the horizon is still wide. see to it next time na di na mangyari to. check and double check….

  • donzky

    Kung makikipanayam po kayo sa Phil emba, hindi kaya ako magkakaproblema sa lisensya ko sa PInas? Natawagan ko na rin lahat ate, wala silang maitutulong sakin.. OWWA,Embassy, Labor attached!PInagdadasal ko na lang po, better future and better opportunities ang naghihintay sa kin! God bless you po!

    • des

      this is the dilemma kuya nes..yung mga tao na inaasahan natin na tutulong sa atin ay kung minsan sila ang ngbibigay ng reason para wag na tayong magsalita dahil sa halip na makatulong sa pagsolve ng problema ay nakakadismaya ang sagot nila sa atin.though hindi lahat ng nagtatrabaho sa gobyerno ay ganun. sana magsilbi itong hamon sa mga nanunungkulan sa kanilang integridad sa serbisyo. umaasa pa din ang mga ofw na may matatakbuhan at mapagkakatiwalaan sa mga ganitong pagkakataon.

  • ximeone

    hi donz,

    i worked in saudi for a contract -(2years) hmmm medyo naluko din nang agency kasi sabi – hospital daw.. pero clinic lang din pala… it was stated in the contract we signed in the phil. na yearly ang uwian for vacation – all expense payed nang hospital.. pero when we get there.. we signed another contract not stating anything about the yearly vacation… EH kasi pinoy – minsan mausisa at mapag tanong.. we question our med. director about that statement in the contract.. what he said to me – was ” the contract you signed in the PHILIPPINES will no longer be valid in SAUDI” – but in contrast.. mabuti naman ang napasukan kong medical center sa dammam… ok naman sila magpasahod.. medyo konti nga lang.. pero at least meron nadin…

    i feel sad about your story – i hope youll feel better – just continue to be strong and keep your faith kay LORD.. he wont fail you… and definitely wont give you problems you cant solve… GOD BLESS

  • glorevi abellera

    hi donz!nkakalungkot nmn cnapit mo..be strong and keep your faith..working dn ako d2 sa saudi..f u need sum1 2 talk pm mo lng ako fbthen leave ur number..d mn ako mkatulong sau but prayers will do..just keep in touch..dis facebook acct [email protected]..or just look for my name it’s glorevi abellera..i’ll wait for u there..always pray..God never sleeps and He loves you..

  • may

    hello donz,
    nagwowork din ako dito sa saudi,sa riyadh ako, hindi ko mapigilan ang maiyak sa kwento mo kasi naman talagang nakakapagpaluha kahit hindi ka na manood ng maalala mo kaya.noong nasa probinsya pa ako nagwowork,nagkaroon kami ng problema dahil ayaw kaming pauwiin ng agency namin until dumating yong mga kapalit namin,so we tried everything to call the embassy pero walang nangyari,pinagpasapasahan lang kami.so nagrally kami girl walang pumasok so napadali ang uwi namin.So far ngayon maganda naman ang workplace ko. kung gusto mo ulit magsaudi after na makauwi ka make sure na sa poea ka na mag apply,mahirap kasi kung sa agency at talagang lulukuhin ka lang,bihira na yong hindi manloloko ngayon.So pray ka lang at don’t worry i will tell my father bro to include you in his mass.stay strong.

  • Raymond

    Kinakabhan tuloy ako,grabeh wla din kasi akong matinong hospital n pinagtrabahuhan but i had my experience but it only last for 10 months, i just had my interviews also with different agencies to think that I used a fake coe,ganon ba talaga dyan,I remembered na sinabi nung filina na agency dito na ang employer namin was came from almubarak hospital,is there anyone of ou who knows this hospital it is base at riyad, but base on my observation with this blog site it seems that yung contract that you’ve signed here was far different when you stoop down in ksa, toto o ba yun?plase reply as soon as you read this.

    • neil

      sa gustong magapplay sa saudi punta kau sa poea…magsubmit ng credentials at pagkatapos checkin ang mga papeles nyo saka kau papuntahin sa SRO…saudi recruitment office dun siguradong protektado kau dhil govt to govt ito at walang placement basta RN ka my 2years exp. pasok k at siguraduhing orig ang mga papers nyo para walang problema…malaki p sweldo nyo applay n…wag magtiyaga sa agency

  • abhagirl

    Hi, im also here in ksa…particularly in abha city….mag-7months na kami dito dis june 20th pero till now wala parin kami iqama…sabi nila sa saudi council daw ang prob…

    under kami ng subcontractor..maganda sana dito sa napasukan namin…dental university, 2months na bakasyon kaso nga lang po..para kaming nakakulong..ni hindi kami makalabas man lang ng villa namin…2x a month lang tuwing mag-groceries lang kami,..huhu

    and i hope magkaron na din po kami ng iqama…ung mga kasamahan namin dito na july 2011 pa dumating, till now, mag-1 year na sila next month pero wala parin sila iqama…tsk tsk….

    • neil

      hi ms abha girl ang patakaran ngaun sa saudi either company ka o moh, ministry kailangan mgtest sa saudi council and passed mgbabayad ng 750 saudi riyal tapos isusubmit yn tor m at certificate of experiences m at diploma make sure n all ur credentials at original at authenticated sa atin otherwise makakasuhan k kungfake…kung di m m masubmit m yn di k bibigyan ng iqama at ang company o tulad sau usually ang nghire sa inyo ang mgfile para sa iqama nyo of course kung di original ang papers nyo yn sguro ang dahilan kung bakit wla kng iqama but to make sure ask sa company n under sau at sulat k sa phil embassy my hotlines sila…saudi pinuntahan nyo kaya most of the time sa housing lng kau at lucky for u 2x kau mggrocery kami once a month lng pro dhil under ministry kmi my weekly supply kmi n food. basta u received ur salary regularly at maayos nmn ang trabaho at yn mga kasama m be grateful wag ng mgreklamo dhil maswerte k at my trabaho k