Paranormal Activites

Paranormal (Photo credit: blogspot)
Paranormal (Photo credit: blogspot)
Paranormal (Photo credit: blogspot)
Paranormal (Photo credit: blogspot)

Ang tagal ko na rin hindi nakapag-post dito. Ang huli kong blog ay  Ang tunay na Nurse Marunong Dumiskarte. This time I’m going to share some creepy incidents in our community and hospital duties. I know a lot of nurses who experienced such things. So here is mine…

Noong estudyante palang ako, na-assingn ang buong class nain for a community immersion sa isang baryo. Titira kami sa isang school. Nang matapos ang first group for the one month rotation, sunod na ang grupo namin (groups consist of at least 13 students), s’yempre may endorsement. We will continue their projects and yung mga family na kailanngan ng medical attention. Hindi lang ‘yun ang enendorse nila, tatlo sa kanila may 3rd eye.Tthey gave us  warningstungkol sa mga puwede naming makita sa isang classroom na katabi lang ng headquarters namin.

  Hindi na namin masyadong pinansin yun. Noong nandun na kami, we settled in, cooked dinner at inayos ang mga gamit. Since ang head quarters namin ay nasa dulo ng school, for our safety, we decided na hindi matulog doon. Sa school clinic kami matutulog since yun yung malapit sa mga bahay at malapit sa highway at may mga nagroronda naman para masiguro ang safety namin. Madilim ang paligid, may kanya kanya kaming flash light.

Naunang maglakad ang ka0group naming may 3rd eye. Tapos bigla siyang pumunta sa likod namin. Sabi niya, “mauna na kayo”.  Naalala ko bigla yung sinabi ng friend ko na member ng first group. Sabi niya. “huwag ka pupunta sa likod ng taong may 3rd eye, makikita mo ang makikita niya”. I don’t Know if it’s true, but it gave me goosebumps. Out of curiosity, we asked our groupmate kung ano angna kita niya. Pinilit pa namin siya. Sabi niya may nakita siyang batang babae na nakaupo sa teacher’s table. That was the same thing na nakita ng first group. Nahirapan kaming matulog kasi nagtatakutan na, and I’m worried kasi isa ako sa mga naka0assign na magluluto ng breakfast. Kailangan namin bumalik dun ng madaling araw.

Madaling araw na. Ako, yung pinsan ko at isang lalaki sa group woke up around 3:30 AM para mag prepare ng breakfast. Kailangan naming mag-start with our duties ng maaga. Good thing wala sa amin ang may 3rd eye. The environment was so creepy, naduwag pa yung kasama naming lalaki. Pinag-gitnaan pa namin siya. Moong malapit na kami sa classroom na yun, biglang nagsalita yung pinsan ko, “ano ba naman yang kamay mo ang lamig!”, referring sa kasama naming lalaki. <y cousin’s tone was frightened. Kilala ko siya, I know she’s not fooling around. Then he answered, “ha? May mga hawak ako oh” and I answered back “Ako din, at malayo ako sayo… Ohh sh*t”.  Napasigaw at napatakbo kaming tatlo, I tripped and almost fell. I was sweating and palpitating. I never bothered looking back or turning on my side; I don’t want to see that little girl. According to local constituents, many years ago. there was a girl raped and murdered near that area.

We managed to finish our rotation. Hindi din naman masyadong nagparamdam yung bata. Pero yung group na sumunod samin experienced the worst. Sila ang pinakamaingay at pinakamakulit na group. Since alam na nila na may multo sa lugar na yun, pinagtripan nila. One night they were all singing and chanting “Spirit of the glass magpakita ka! Spirit of the water dispenser magpakita ka! Spirit of the spoon magpakita ka!” Lahat ng makita nilang bagay ay ginagawan nila ng chant Malalakas ang tawa nila, sobrang ingay daw nila that night, may nabulabog sila. One of them saw a white lady, and the instructor seemed to be possessed by a spirit. She was like in a catatonic state for a moment, her muscles are very rigid, and gained consciousness and composure when they all decided to pray.  Tinawagan nila yung driver, bumalik na sila sa city, hindi nila tinapos ang rotation, and one of them told us na may sumunod sa kanya hanggang bahay.

Another incident happened in the house of our group leader while we are all working for our case presentation and nursing research sa kanyang room. Me and my groupmate (the one with the 3rd eye) decided to go downstairs to pee and get something to drink. Noong paakyat na kami ng hagdan, sinabi niya sa’kin ,“mauna ka na, basta bilisan mo”. Alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya nauna na ko at binilisan ko ang lakad ko. Biglang lumamig ang paligid. Sinubukan kong lumingon pero sabi niya “Wag ka na lumingon! Umakyat ka na lang dali!” And then sa room kinulit ko na naman siya kung ano ag nakita niya. Sabi niya. may matandang lalaki na nakaitim na nakatayo malapit sa hagdan, nadaanana namin siya. I experienced chills and fever that night.

We are in the same group the entire year so kasama ko pa rin siya sa hospital duty namin. On our last night shift, walang patient sa OR and DR kaya nag-lecture na lang yung instructor namin sa may nurse’s station. During the discussion, sabi ng instructor naming babae, “kayo sa likod, lapit kayo”. Since matigas ang ulo ko sabi ko “Ma’am naririnig ko naman kayo. Ok lang ako dito” pero yung katabi kong may 3rd eye lumingon sabay sabi “kaya pala, tara lapit na tayo dun”. Sobrang takot ko, pinagsiksikan ko sarili ko, alam kong may nakikita na naman silang multo. Malakas pala ang sixth sense ng instructor namin and wala sa edad niya at napakaseryoso niya para mang-trip lang. Sabi ng instructor namin. “yung mga hindi kasama sa discussion, puwede na kayo umalis”. That gave me an idea na yung multong nakikita niya ay higit sa isa. At the end of the shift, sinabi niya na may nakita siyang babaeng may dalang baby. Maybe she died at the delivery room while giving birth.

Noong naging registered nurse na ako, morning shift ako sa MICU/CCU. Mag-isa ako sa nurse’s station while checking on my patients’s medications. Biglang nag-blink ang ilaw ng ilang beses, tapos as if someone’s murmuring or mumbling behind my ear, I thought I was having tinnitus, however it sounded like someone’s talking to me, but I can’t understand a single word. Biglang nag-code blue yung isa sa mga kasama naming nurse.We responded and started performing advance cardiac life support, we did everything, But because of  old age, the patient was deteriorating and his disease is really progressive. That patient died. I’m not sure if that mumbling sound was “someone” trying to tell me that one of our patients will die. After that incident I started dreaming about people’s death specifically our patients’ in ICU. Mapapanaginipan ko ang pagkamatay nila, kinabukasan pagpasok ko, sa endorsement e malalaman kong they really passed away.

May mga nagsasabi din sa’kin about SUNDO. Napansin ko noong nasa PICU ako, our pediatric clients with end stage cancer, during their final moments, parang may nakikita sila, and trying to reach for it. Sabi ng mga magulang, kamag-anak daw nila na namayapa na sinusundo yung anak nila. Pero sa isip ko they are deteriorating, kulang sa oxygen ang utak nila. That is why they are delusional or hallucinating.

Sa Interal Medicine Department, while doing our morning rounds, sabi sakin ng isang pasyanteNurse sino yung nakaupo sa kama ko?” Wala naman ako nakikitang nakaupo sa kama niya I told him. He answered, “mayroong nakaupo. Naka-puti, mahaba ang buhok”. That gave me goose bumps. However, I assessed him. He oriented but his V/S are not stable, and the ECG reading manifest his cardiac problem. I talked to the doctor, the problem was wala talaga silang pambili ng gamot and the government  hospital can’t provide everything. So the doctors talked to the family members that any minute ay puwedeng may mangyari sa kanya. 30 minutes later, nag-cardiac arrest nga si tatay. I activated code blue, we revived him, but then the family decided to sign in a DNR (Do Not Resucitae) waiver. Buhay pa siya during my entire shift, bu then he passed away that night. I’m sure yung nakita niya was caused by his medical problems, and not his “sundo”.

An incident on the same unit changed my belief. I was taking care of a 92-year-old male with cardiac problem and other complications. He was intubated, the family already signed a DNR consent. Actually, tanggap na talaga nila. Hiinihintay na lang nila yung time ,hospice care na lang talaga. While doing my morning care, he was trying to say something. He can’t talk, he just stared at me and started crying, but his face doesn’t look mournful. He seemed happy. I guess he was trying to say thank you and goodbye. With a rosary and bible on his hand, suddenly  from nowhere a BUTTERFLY  landed on my patient’s  feet and that very moment I heard the cardiac monitor alarm, from bradychardic the reading turned to asystole. It was a peaceful death.

Sabi ng asawa niya who witnessed the incident, yung butterfly daw ay ang mother niya na sinundo na siya. Old people used to say that butterflies are a dead man’s soul or an omen for impending death. Para sa akin. ang hirap sabihing it was just a coincidence. Una, we are in the 4th floor of a closed unit – walang garden o bulaklak o halaman within the vicinity and the hospital doesn’t smell like garden,. A very small chance na may maligaw na butterfly sa unit. Pangalawa, kung may maligaw man, sa dinami-dami ng puwedeng dapuan bakit yung pasyente ko pa na ‘yun? Pangatlo, yung time na dumapo yung paru-paro ay sakto noong binawian siya ng buhay. I’m pretty much convinced it’s not just random chance, that butterfly was his sundo.

Sa mga nabanggit ko, may experience akong mas matindi sa paranormal activity. I’m on my way home from hospital duty, gabi na. Pagbaba ko ng jeep at patawid sa pedestrian lane, may nakita akong lalaking nakaupo sa waiting shed. Since medyo madilim, hindi ko siya masyadong makita. Nung medyo malapit na ako, noong mskita niya akong palapit ay nilabas niya ang kanyang sex organ and started playing it,  an exhibitionist! Crap… I kept my track kasi kung babalik ako sa dinaanan ko, mas madilim at konti lang ang dumadaan na sasakyan. I’ll just ignore him kasi it’s a psychological disorder. He’s just trying to get some attention kahit alam kong may sakit lang siya sa pag-iisip at naghahanap lang ng attensiyon. Binilisan ko pa rin ang lakad ko. S’yempre naman. Alangan namang tumabi pa ko sa kanya at mag-start ng nurse-patient interaction at sabihing “Tell me more”. I observed precaution, turned my back and saw him walking towards me in a fast phase, fight or flight response, adrenaline rush then I ran like I was in a marathon. Thank God the area is just around the perimeters of a mall. Few meters away. I saw a crowd of people and I felt safe.  I Saw two guards and reported the incident. That night made me realized na mas dapat katakutan ang mga buhay kesa sa mga multo.

© 2012, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

  • ichigomashimaro

    Nakakatakot yung last part. Buti nakatakbo ka sa maraming tao! Kundi baka na-rape ka nakakatakot 🙁
    Ako rin. Minsan hinahatid ko bf ko sa sakayan pauwi. Madilim yung street sa amin walang poste ng ilaw (talk about the corrupt village admins). Paglakad ko pauwi, mas natatakot ako at inaabangan ko kung may aatake sa akin na stranger, kesa sa may makita akong white lady sa mga puno hehe.

    • wheww sobra ang ganda ng kwento pero exciting sa totoo lang nakakatakot talaga ung buhay kesa sa mga multo. . . .

  • Scary! But the story with the BUTTERFLY, I got teary-eyed. :c

  • nakakatakot nmn ung unang part pero mas nakakatakot ung last part ung buhay n tao n binuhay nya p ung nakahimlay s bahagi n kanyang katawan