PINAY NARS AKO

Katulad ng lahat ng mga bata, nangarap din ako noong aking kabataan. Pinangarap kong maging isang guro katulad ng aking ina. Isang pangarap na hanggang ngayon ay nais ko pa ring matupad. Subalit bakit nga ba ako naging isang nars? Hindi na bago ang aking kwento, sapagkat katulad ng nakararami, isa ako sa mga kumuha ng nursing upang mapagbigyan ang aking mga magulang, higit na ang aking ama. Ngunit para nga ba talaga sa akin ang propesyong ito?

Ayoko ng nursing pero nasa ikalawang taon ako sa kolehiyo ng matutunan ko syang mahalin. Natutunan ko syang yakapin at tanggapin ng buong puso. Masarap pala sa pakikiramdam na alam mong nakakatulong ka sa ibang tao. Masarap pala sa pakiramdam ‘pag narinig mo ang salitang “salamat” mula sa pasyente at sa kanyang pamilya. Iba ang pakiramdam lalo na kung kapwa mo Pilipino ang pinagsisilbihan mo.

Kung masarap pala manilbihan sa iyong bayan, bakit ba ako nandito sa Saudi ngayon? Iisa lang ang naiisip kong sagot, dahil gusto kong kumita at magkaroon ng trabaho. Trabaho na hindi ko mahanap-hanap sa Pilipinas. Minsan akong nakipagsapalaran sa isang ospital sa Pilipinas na pag-aari ng gobyerno, subalit sa interview tinanong ako kung sino ba ang backer ko. Nawalan ako ng gana. Naisip ko walang mangyayari sa akin sa Pilipinas kung ganoon. Hindi naman makapangyarihan ang aking pamilya. Wala akong tita na chief nurse. Wala akong ninong na medical director. Hindi kumpare ng aking ama si congressman. Wala kaming kapit. WALA.

Nagpasya akong makipagsapalaran sa Saudi. Tanging tiwala sa Diyos at kaunting lakas ng loob lamang ang baon ko. Kasama ang mga inspirasyon ko. Mahirap umalis, parang gusto mong tumuloy na parang ayaw mo. Mahirap iwan ang iyong mga mahal sa buhay. Mahirap magpaalam. Yakap ko noon ang aking ama, ina at kapatid sa airport. Parang ayaw kong ng bumitaw. Parang ayaw ko ng umalis. Masakit na masakit na ang lalamunan ko kakapigil ng aking iyak. Ayokong makita nila ang aking pagluha. Gusto ng sumabog ng aking dibdib dahil sa nakita kong lungkot sa aking mga magulang. Pero ginusto ko ito kaya tinuloy ko. Isang mahigpit na yakap pa at halik sa kanila at tumalikod na ako, kasabay ang isang pabulong na panalangin… “Lord kayo na po ang bahala sa pamilya ko dito”.

Mahirap ang mga unang buwan ko dito. Totoo pala ang diskriminasyon. Mas mataas ang tingin nila sa mga sarili nila kesa sa Pinay na katulad ko. Pag may ayaw silang gawin, ipapagawa sa iyo. Lahat sila nagpapagalingan, nagpapataasan ng ihi, ika nga. Kailangan ng mahabang pasensya at magaling na pakikisama. Sa bagay magaling naman ang Pinoy dyan. Ang inis at galit ay dinadaan na lang sa tawanan at biruan. Pero masarap sa pakiramdam sa tuwing magtatanong ang pasyente…
“inti Philippine?”( Pilipina ka? )
“aiwa madam,lesh?”( oo madam, bakit? )
“Ashan ana ibga Philippine ashan kulo philippine quais” (dahil gusto ko ang Pilipina,lahat kayo ay magagaling)

Isang salamat at ngiti lang mula sa pasyenteng hindi mo kalahi, para ka ng dinuduyan sa alapaap. Masabihan ka lang na magaling ang Pinoy, nakakabawas at nakakatanggal na ng pagod. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan na isipin na mas masarap siguro sa pakiramdam kung kapwa ko Plilipino ang inaalagaan ko. Ang pinagsisilbihan at inaaruga ko. Pero alam ko darating at darating din ang panahon na mangyayari ito. Hindi ako habang buhay dito sa Saudi. Darating ang panahon, mapagsisilbihan din kita oh aking inang bayan. Kaunting panahon pa at alam kong darating din ‘yun.

Pangungulila ang una kong naging kalaban dito. Nakakamiss ang mga pagkain sa atin. Nakakamiss magsimba tuwing Linggo. Nakakamiss manood ng sine kasama ang barkada. Namimiss ko ang luto ng aking ama. Ang trapik at ingay ng lungsod. Ang siksikan sa Quiapo. Ang pila at tulakan sa MRT at ang pahinto-hintong takbo ng LRT. Ang naglalakihang billboards sa EDSA. Isama mo na rin ang amoy ng Balintawak sa tuwing nadadaan ako don. Ang baha sa tuwing umuulan. Ang madalas na pagdaan ng mga bagyo. Ang videoke at kainan sa tuwing may okasyon, isama mo na rin ang inuman at tawanan. Nakakamiss ang lahat sa Pilipinas. Pinay nars ako. Isang bagay na ipagmamalaki ko sa lahat. Pintasan man nila ang lahing pinagmulan ko, taas noo ko pa ring sasabihin na Pilipino ako. Pilipino ako! Pilipino ako!

© 2011, Filipino Nurses. All rights reserved. DISCLAIMER: The accuracy of all articles contained in this website are the responsibility of their respective authors. All articles are for informational purposes only and are NOT intended to replace the advice of a doctor. The owner of this site disclaims any liability for the decisions you make based on these information. If you have any health-related questions, please consult your physician. If you feel ill, please seek medical attention immediately.

Other posts you may be interested in:

About Filipino Nurses Community 216 Articles
This article was submitted by the Filipino Nurses community. All articles are views of their respective authors and not necessarily of Filipino Nurses'. All commentaries, letters or opinions submitted by the Filipino Nurses community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.
  • zhelle

    so touching..almost same tayo ng situation.nakakatanggal ng pagod pag naaapreciate ka ng patiente mo kahit ndi mo kalahi..mark my word uuwi din tayo sa pinas at hndi habang buhay ngtra2baho d2 sa saudi..mabuhay ka kabayan!!! C:

    • Ah..kasumo sad ani nga storya oi…way lain ani? Salad oh init pah!

  • jenndvel

    2 of my niece just graduated from nursing in the philippines and they too are facing the same uncertainty, i read your story out loud to them and they were inspired.thanks! carry on…be proud dahil PINAY NARS TAYO!

  • proud 2b pinoy RN – Saudi

    nakakarelate din po ako sa sitwasyon nyo…Nurse din ako here also in saudi….sana magsama-sama nalang lahat ng nurses d2 sa saudi…mas marami mas masaya..:D

    • proud 2b pinoy RN – Saudi

      nakakarelate din po ako sa sitwasyon nyo…Nurse din ako here also in saudi….sana magsama-sama nalang lahat ng nurses d2 sa saudi…mas marami mas masaya..:D

      Tapos magtayo sana d2 ng Organisasyon para sa lahat ng OFW Nurses at Tatawagin itong – PHILIPPINE NURSES ASSOCIATION OF SAUDI ARABI…d ba astig?

  • leamae

    iba iba mng rason meron tau kung bakit tau nkipagsapalaran sa lugar na ‘to, ikinagagalak ko pa dn at nkilala ko kau d2..mhirap mn kakayanin natin kc malakas tau..iba ang tibay ng pinoy..hindi nila tau maitutumba..

    proud ako sau Beb..naniniwala pa dn ako na mgiging isa kang magaling na guro..abutin mo un! hnd man ngaun, malay m bukas:)

    • ceejay

      salamat beb…manalig tayo sa Kanya, may dahilan kung bakit tayo nandito…tama ka hinding hindi nila maitutumba ang pinoy!

  • ceejay

    salamat po sa paglaan ng kaunting panahon upang mabasa ang kwento kong ito…im always proud to be a Filipino…wala ng mas gagaling pa sa mga pinay nurses…

  • Ernest Harn jr

    Being a nurse is considered a very hard profession. Second rank to a Domestic helper. A nurse, is a profession that requires a lot of studies and learning with dedication. A big heart must have. A good servant to others more than its own family, relatives, and friends. And a Filipina nurse has all the qualities. Filipina nurses has to leave their love ones back home just to earn a decent compensation in a far place, for her families needs. Sometimes leaving nothing to herself.
    Discrimination from other people, long hours of work, are just two of the few things that must be overcome in their performance of duty. Longing for their love ones back home is another obstacle. And Why did I comment,I also have a niece, a nurse in Jeddah, at United Doctors Hospital. We realize her hardship in her work and we love and miss her so much. And also to all the other FILIPINA nurses serving abroad. GO PINAY NURSES, YOU ARE THE BEST.